Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 7-8

Ipinagpauna na huwag makikipagtipan sa mga bansa.

Pagka (A)ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang Jebuseo, na pitong bansang (B)lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa iyo;

At pagka sila'y (C)ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; (D)ay lubos mo ngang lilipulin sila; (E)huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila:

(F)Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.

Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali.

Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; (G)inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinaka-alaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.

(H)Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; (I)pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pagaari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.

Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo (J)ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:

Kundi (K)dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad (L)ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.

Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: (M)ang tapat na Dios, na (N)nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;

10 At (O)pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: (P)siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.

11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.

Ang biyaya sa pagkamasunurin.

12 At (Q)mangyayari, na sapagka't iyong dininig ang mga kahatulang ito, at iyong tinutupad at iyong ginaganap, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang tipan, at igagawad ang kagandahang-loob, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang:

13 At (R)kaniyang iibigin ka, at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo.

14 Magiging mapalad ka kay sa lahat ng mga bayan: (S)walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop.

15 At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa (T)masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.

16 At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng (U)Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't (V)magiging isang silo sa iyo.

Ipinangako ang tulong ng Panginoon.

17 Kung iyong sasabihin sa iyong puso, Ang mga bansang ito ay higit kay sa akin; (W)paanong aking makakamtan sila?

18 (X)Huwag kang matatakot sa kanila; (Y)iyong aalalahaning mabuti ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Faraon, at sa buong Egipto.

19 Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, at ang mga tanda, at ang mga kababalaghan, at ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig, na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios: ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan.

20 (Z)Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo.

21 Huwag kang masisindak sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay (AA)nasa gitna mo, (AB)dakilang Dios at kakilakilabot.

22 (AC)At itataboy na untiunti ng Panginoon mong Dios ang mga bansang yaon sa harap mo: hindi mo malilipol silang paminsan, baka ang mga hayop sa parang ay kumapal sa iyo.

23 Kundi ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, at pagtataglayin sila ng isang malaking kalituhan hanggang sa sila'y mangalipol.

24 (AD)At kaniyang ibibigay ang kanilang mga hari sa iyong kamay, at iyong papawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit: walang lalaking makatatayo doon sa harap mo, hanggang sa iyong malipol sila.

25 Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay (AE)iyong susunugin sa apoy: (AF)huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

26 At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, (AG)sapagka't itinalagang bagay.

Ang mabiyayang pakikisama ng Panginoon ay inalaala.

Ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay inyong isasagawa, (AH)upang kayo'y mangabuhay at dumami, at inyong mapasok at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang.

At iyong aalalahanin ang buong paraan (AI)na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang, upang kaniyang mapangumbaba ka, (AJ)at subukin ka, (AK)na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi.

At ikaw ay pinapangumbaba niya, at (AL)pinapagdamdam ka niya ng gutom, (AM)at pinakain ka niya ng maná, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang maipakilala sa iyo (AN)na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.

(AO)Ang iyong suot ay hindi naluma sa iyo, ni hindi namaga ang iyong paa nitong apat na pung taon.

At iyong pagmunimuniin sa iyong puso, (AP)na kung paanong pinarurusahan ng tao ang kaniyang anak, ay gayon pinarurusahan ka ng Panginoon mong Dios.

At iyong tutuparin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at matakot ka sa kaniya.

Sapagka't dinala ka ng Panginoon mong Dios sa isang mabuting lupain, (AQ)na lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at ng mga kalaliman, na bumubukal sa mga libis at mga bundok.

Lupain ng trigo at ng sebada at ng (AR)puno ng ubas at ng mga puno ng igos, at ng mga granada; lupain ng mga puno ng olibo at ng pulot:

Lupain na kakainan mo ng tinapay na di kapos, na walang magkukulang sa iyo roon; lupain na ang (AS)mga bato ay bakal, at ang kaniyang mga burol ay makukunan mo ng tanso.

10 At kakain ka, at mabubusog ka, at iyong pupurihin ang Panginoon mong Dios dahil sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa iyo.

11 Magingat ka na baka iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, sa hindi mo pagtupad ng kaniyang mga utos, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito:

12 (AT)Baka pagka ikaw ay nakakain at nabusog, at nakapagtayo ng mabubuting bahay, at iyong natahanan;

13 At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami;

14 (AU)Ay magmataas ang iyong puso, at (AV)iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin;

15 Na (AW)siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan (AX)ng mga makamandag na ahas at (AY)mga alakdan, at (AZ)uhaw na lupa, na walang tubig; (BA)na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian;

16 Na siyang nagpakain sa iyo (BB)ng maná sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang mapangumbaba ka, at kaniyang subukin ka, (BC)na pabutihin ka sa iyong wakas:

17 At baka iyong sabihin sa iyong puso, Ang aking kapangyarihan at ang lakas ng aking kamay ang siyang nagbigay sa akin ng kayamanang ito.

18 Kundi iyong aalalahanin ang Panginoon mong Dios, (BD)sapagka't siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan; upang kaniyang papagtibayin ang kaniyang tipan na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, gaya nga sa araw na ito.

19 At mangyayari, na kung iyong kalilimutan ang Panginoon mong Dios, at ikaw ay susunod sa ibang mga dios, at iyong paglilingkuran sila, at iyong sasambahin sila (BE)ay aking pinatototohanan laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol.

20 Kung paano ang bansang nililipol ng Panginoon sa harap ninyo, (BF)ay gayon kayo malilipol; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.

Lucas 7:36-8:3

36 At ipinamanhik sa kaniya (A)ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya. At siya'y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang.

37 At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay (B)nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento,

38 At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento.

39 Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya'y naganyaya, ay nagsalita sa kaniyang sarili, na sinasabi, Ang taong ito, kung siya'y (C)isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya'y humihipo, na siya'y makasalanan.

40 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Simon, ako'y may isang bagay na sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Guro, sabihin mo.

41 Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya: at ang isa'y may utang na limang daang (D)denario, at ang isa'y limangpu.

42 Nang sila'y walang maibayad, ay kapuwa pinatawad niya. Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya?

43 Sumagot si Simon at sinabi, Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki. At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang pagkahatol mo.

44 At paglingon sa babae, ay sinabi niya kay Simon, Nakikita mo baga ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, (E)hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa: datapuwa't dinilig niya ang aking mga paa ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok.

45 (F)Hindi mo ako binigyan ng halik: datapuwa't siya, buhat nang ako'y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa.

46 (G)Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo: datapuwa't pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa.

47 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig.

48 At sinabi niya sa babae, (H)Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.

49 At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili, Sino ito, na nagpapatawad (I)pati ng mga kasalanan?

50 At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka (J)ng iyong pananampalataya; (K)yumaon kang payapa.

At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naglalakad sa mga bayan at mga nayon, na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios, at kasama niya ang labingdalawa,

At ang (L)ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,

At (M)si Juana na asawa ni Chuza, katiwala ni Herodes, at si Susana, at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik.

Mga Awit 69:1-18

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ni David.

69 Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka't (A)ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan:
Ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo:
Ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
(B)Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo:
Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan:
(C)Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko;
At ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo,
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo:
Huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.
Sapagka't (D)dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan;
Kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
(E)Ako'y naging iba sa aking mga kapatid,
At taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
(F)Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay;
(G)At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.
10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa,
Yao'y pagkaduwahagi sa akin.
11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang,
Ay naging kawikaan ako sa kanila.
12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan;
At ako ang awit ng mga lango.
13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, (H)sa isang kalugodlugod na panahon:
Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,
14 (I)Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog:
Maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
15 Huwag akong tangayin ng baha,
Ni lamunin man ako ng kalaliman:
At huwag takpan ng (J)hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti:
(K)Ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.
17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod;
Sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.
18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo:
Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.

Mga Kawikaan 12:1

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

12 Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman:
Nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978