The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang paglalakbay mula sa Cades hanggang sa Seir.
2 Nang magkagayo'y pumihit tayo, at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula, (A)gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon; at tayo'y (B)malaong lumigid sa bundok ng Seir.
2 At ang Panginoon ay nagsalita sa akin, na sinasabi,
3 Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan.
4 At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, (C)Kayo'y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, (D)na tumatahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti:
5 Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir.
6 Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom.
7 Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.
8 Gayon tayo (E)nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, mula sa daan ng Araba, mula sa (F)Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab.
9 At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari; sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang (G)Ar sa (H)mga anak ni Lot.
10 ((I)Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng (J)mga Anaceo:
11 Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita.
12 (K)Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng (L)Israel sa lupaing kaniyang pagaari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)
13 Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At (M)tayo'y tumawid sa batis ng Zered.
14 At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, (N)hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.
15 Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.
Dumaan sa Ar at sa Arnon.
16 Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma.
17 Ay sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi,
18 Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab:
19 At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: (O)sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot.
20 (Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga (P)Zomzommeo ng mga Ammonita;
21 Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo; nguni't nilipol sila ng Panginoon sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila:
22 Gaya ng ginawa ng Panginoon sa mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, nang kaniyang lipulin (Q)ang mga Horeo sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila hanggang sa araw na ito:
23 At (R)ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol ng (S)mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.)
24 Magsitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo (T)sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma.
25 (U)Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng buong langit, ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang iyong kabantugan, at magsisipanginig, at mangahahapis, dahil sa iyo.
Nilupig ang Hesbon.
26 At ako'y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon (V)na may mapayapang pananalita, na sinasabi,
27 (W)Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan lamang ako lalakad, hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa.
28 Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi, upang makakain ako, at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang makainom ako; (X)paraanin mo lamang ako ng aking mga paa;
29 (Y)Gaya ng ginawa sa akin ng mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar; hanggang sa makatawid ako sa Jordan, sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng Panginoon naming Dios.
30 Nguni't ayaw tayong paraanin ni (Z)Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at (AA)pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.
31 At sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain.
32 Nang magkagayo'y (AB)lumabas si Sehon laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Jahaz.
33 At ibinigay siya ng (AC)Panginoon nating Dios sa harap natin; at (AD)ating sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak at ang kaniyang buong bayan.
34 At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon, at (AE)ating lubos na nilipol ang bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata; wala tayong itinira:
35 Ang mga hayop lamang ang dinalang pinakasamsam, sangpu ng mga nasamsam sa mga bayan na ating sinakop.
36 (AF)Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon at mula sa bayan na nasa libis, hanggang sa Galaad, ay wala tayong minataas na bayan: (AG)ibinigay na lahat sa harap natin ng Panginoon nating Dios:
37 Sa lupain lamang ng mga anak ni Ammon hindi ka lumapit; sa buong pangpang ng ilog (AH)Jaboc at sa mga bayan ng lupaing maburol, at saan man na ipinagbawal sa atin ng Panginoon nating Dios.
Nilupig ang Basan.
3 Nang magkagayo'y pumihit tayo, at ating sinampa ang daang patungo sa Basan: at (AI)si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka (AJ)sa Edrei.
2 At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong katakutan siya, sapagka't aking ibinigay sa iyong kamay siya, at ang kaniyang buong bayan, at ang kaniyang lupain; at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay (AK)Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.
3 Gayon din ibinigay ng Panginoon nating Dios sa ating kamay si Og, na hari sa Basan, at ang buong bayan niya; (AL)at ating sinaktan siya hanggang sa walang natira sa kaniya.
4 At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon; (AM)walang bayan na di sinakop natin sa kanila; anim na pung bayan ang buong lupain ng Argob, ang kaharian ni Og, sa Basan.
5 Ang lahat ng ito'y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga pintuang-bayan at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta.
6 At ating lubos na nilipol, na gaya ng ating ginawa kay Sehon na hari sa (AN)Hesbon, na lubos nating nilipol bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata.
7 Nguni't ang madlang kawan at ang nasamsam sa mga bayan ay ating dinala.
8 At ating sinakop ang lupain nang panahong yaon sa kamay ng dalawang hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan, mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon;
9 (Na siyang Hermon ay tinatawag ng mga taga Sidon na Sirion, at tinatawag ng mga Amorrheo na (AO)Senir):
10 (AP)Lahat ng mga bayan ng kapatagan, at ang buong Galaad, at (AQ)ang buong Basan, hanggang Salcha at Edrei, na mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan.
11 (AR)(Sapagka't si Og lamang na hari sa Basan ang nalalabi sa natira sa mga (AS)Rephaim; narito, ang kaniyang higaan ay higaang bakal; wala ba ito sa (AT)Rabbath ng mga anak ni Ammon? siyam na siko ang haba niyaon at apat na siko ang luwang niyaon, ayon (AU)sa siko ng isang lalake).
Pagaari ng buong Jordanita.
12 At ang lupaing ito'y ating sinakop na pinakaari nang panahong yaon; (AV)mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at kalahati ng lupaing maburol ng Galaad, (AW)at ang mga bayan niyaon, ay aking ibinigay sa mga Rubenita at sa mga Gadita:
13 (AX)At ang labis ng Galaad, at ang buong Basan, na kaharian ni Og, ay aking ibinigay sa kalahating lipi ni Manases; ang buong lupain ng Argob, sa makatuwid baga'y ang buong Basan. (Siya ring tinatawag na lupain ng mga Rephaim.
14 Sinakop ni Jair na anak ni Manases ang buong lupain ng Argob, hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Machateo; (AY)at mga tinawag niya ng Basan ayon sa kaniyang pangalang Havot-jair hanggang sa araw na ito.)
15 (AZ)At aking ibinigay ang Galaad kay Machir.
16 At sa mga Rubenita at sa mga (BA)Gadita ay aking ibinigay ang mula sa Galaad hanggang sa libis ng Arnon, na siyang kalahatian ng libis, na pinaka hangganan niyaon hanggang sa ilog Jaboc, (BB)na siyang hangganan ng mga anak ni Ammon;
17 Pati ng Araba at ng Jordan at ng hangganan niyaon, mula sa (BC)Cinereth (BD)hanggang sa Dagat ng Araba (BE)na Dagat na Alat, sa ibaba ng gulod ng Pisga sa dakong silanganan.
18 At kayo'y aking inutusan nang panahong yaon, na sinasabi, Ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios ang lupaing ito upang ariin: (BF)kayo'y daraang may sakbat sa harap ng inyong mga kapatid na mga anak ni Israel, lahat ng taong matapang.
19 Nguni't ang inyong mga asawa at ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop, ((BG)aking talastas na kayo'y mayroong maraming hayop), ay mangatitira sa inyong mga bayan na aking ibinigay sa inyo;
20 Hanggang sa bigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanilang ariin naman ang lupain na ibinigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios, sa dako roon ng Jordan; kung magkagayon ay (BH)babalik ang bawa't lalake sa inyo sa kaniyang pagaari, na aking ibinigay sa inyo.
21 (BI)At aking iniutos kay Josue nang panahong yaon, na sinasabi, Nakita ng iyong mga mata ang lahat ng ginawa ng Panginoon mong Dios sa dalawang haring ito; gayon ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng mga kahariang iyong daraanan.
22 Huwag kayong matakot sa kanila: sapagka't ipinakikipaglaban kayo (BJ)ng Panginoon ninyong Dios.
Hindi itinulot ang pagtawid sa Jordan.
23 At ako'y dumalangin sa Panginoon nang panahong yaon, na sinasabi,
24 Oh Panginoong Dios, iyong minulang ipinakilala sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang iyong kamay na makapangyarihan: (BK)ano ngang Dios sa langit o sa lupa ang makagagawa ng ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong mga makapangyarihang kilos?
25 Paraanin mo nga ako, isinasamo ko sa iyo, at aking makita ang (BL)mabuting lupain na nasa dako roon ng Jordan, yaong mainam na bundok, at ang (BM)Libano.
26 Nguni't (BN)ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo, at hindi ako dininig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Siya na; huwag ka nang magsalita pa sa akin ng tungkol sa bagay na ito.
27 (BO)Sumampa ka sa taluktok ng Pisga at ilingap mo ang iyong mga mata sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at masdan mo ng iyong mga mata; sapagka't hindi ka makatatawid sa Jordang ito.
28 Nguni't (BP)pagbilinan mo si Josue, at palakasin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya: sapagka't siya'y daraan sa harap ng bayang ito, at kaniyang ipamamana sa kanila ang lupain na iyong makikita.
29 Sa gayo'y tumahan tayo sa (BQ)libis, na nasa tapat ng Beth-peor.
12 At nangyari nang mga araw na ito, (A)na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.
13 At nang araw na, ay (B)tinawag niya ang kaniyang mga alagad; (C)at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:
14 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.
15 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na (D)Masikap,
16 At (E)si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;
17 At bumaba siya na kasama nila, at tumigil (F)sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang (G)lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng (H)Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit;
18 Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling.
19 At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya'y mahipo; sapagka't (I)lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat.
20 At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, (J)Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios.
21 Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.
22 Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung (K)kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.
23 Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
24 Datapuwa't sa aba ninyong (L)mayayaman! sapagka't (M)tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.
25 Sa aba ninyo (N)mga busog ngayon! sapagka't kayo'y mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagka't kayo'y magsisitaghoy at magsisitangis.
26 Sa aba ninyo, (O)pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta.
27 Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, (P)Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,
28 Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait.
29 (Q)Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; (R)at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika.
30 Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pagaari mo, ay huwag mong hinging muli.
31 At (S)kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
32 At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man (T)ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.
33 At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
34 At kung kayo'y mangagpahiram (U)doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.
35 Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at (V)kayo'y magiging mga anak ng (W)Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.
36 Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.
37 At huwag kayong mangagsihatol, (X)at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain:
38 Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong (Y)kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.
67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(A)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
2 (B)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (C)sa lahat ng mga bansa.
3 (D)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
6 Isinibol (E)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
7 Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (F)mangatatakot sa kaniya.
27 Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap:
(A)Nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978