The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Inpasala ng kapisanan si Moises at si Aaron; Ipinadala ang salot.
41 Datapuwa't sa kinabukasan ay inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron, na sinasabi, Inyong pinatay ang bayan ng Panginoon.
42 At nangyari, nang magpipisan ang kapisanan laban kay Moises at laban kay Aaron, na sila'y tumingin sa dako ng tabernakulo ng kapisanan; at, narito, tinakpan ng (A)ulap (B)at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw.
43 At si Moises at si Aaron ay naparoon sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan.
44 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
45 (C)Lumayo kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang aking lipulin sila sa isang sangdali. At sila'y nagpatirapa.
46 At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: (D)sapagka't may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na.
47 At kinuha ni Aaron gaya ng sinalita ni Moises, at siya'y tumakbo sa gitna ng kapulungan; at, narito, ang salot ay nagpasimula sa gitna ng bayan; at siya'y naglagay ng kamangyan at itinubos sa bayan.
48 At siya'y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buhay; at ang salot ay (E)tumigil.
49 Ang nangamatay nga sa salot ay labing apat na libo at pitong daan, (F)bukod pa yaong nangamatay dahil kay Core.
50 At si Aaron ay nagbalik kay Moises sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at ang salot ay tumigil.
Ang tungkod ni Aaron ay namulaklak.
17 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at kumuha ka sa kanila ng mga tungkod, isa sa bawa't sangbahayan ng mga magulang; sa lahat nilang mga prinsipe ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: isulat mo ang pangalan ng bawa't isa sa kaniyang tungkod.
3 At isusulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi: sapagka't isa lamang tungkod magkakaroon sa bawa't pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
4 At iyong ilalagay sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ng patotoo, (G)na aking pinakikipagkitaan sa inyo.
5 At mangyayari na ang lalaking (H)aking pipiliin, ay mamumulaklak ang kaniyang tungkod: at aking ipatitigil sa akin, ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel, na kanilang (I)iniupasala laban sa inyo.
6 At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel, at ang lahat nilang mga prinsipe ay nagbigay sa kaniya ng tungkod, na bawa't pangulo ay isa, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: at ang tungkod ni Aaron ay nasa gitna ng kanilang mga tungkod.
7 At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ng Panginoon (J)sa tabernakulo ng patotoo;
8 At nangyari nang kinabukasan, na si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng patotoo; at, narito, na ang tungkod ni Aaron sa sangbahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras.
9 At mula sa harap ng Panginoon ay inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa lahat ng mga anak ni Israel: at kanilang pinagmalas, at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang tungkod.
10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ibalik mo (K)ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo, (L)upang ingatang (M)pinakatanda laban sa mga anak ng panghihimagsik; upang iyong wakasan ang kanilang mga pag-upasala laban sa akin, upang huwag silang mamatay.
11 Gayon ginawa ni Moises: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayon niya ginawa.
12 At sinalita ng mga anak ni Israel kay Moises, na sinasabi, Narito, kami ay mga patay, kami ay napahamak, kaming lahat ay napahamak.
13 (N)Lahat ng lumalapit, na lumalapit sa tabernakulo ng Panginoon, ay namamatay: kami bang lahat ay malilipol?
Ang bahagi ng mga saserdote sa mga bagay na banal.
18 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, (O)Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay (P)magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote.
2 At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y (Q)lumakip sa iyo at (R)mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo.
3 At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang (S)lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, (T)upang huwag silang mamatay, ni maging kayo.
4 At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at (U)sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo.
5 (V)At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; (W)upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel.
6 At ako, narito, aking (X)pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na (Y)bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
7 (Z)At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; (AA)at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.
8 At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At (AB)ako'y, narito, aking ibinigay sa (AC)iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.
9 Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: (AD)bawa't alay nila, (AE)bawa't handog na harina nila, (AF)at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak.
10 (AG)Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo.
11 At ito ay iyo; (AH)ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: (AI)bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
12 (AJ)Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo.
13 Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, (AK)na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; (AL)bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
14 Lahat ng mga bagay na (AM)natatalaga sa Israel ay magiging iyo.
15 Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng (AN)bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: (AO)gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin.
16 At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, (AP)ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario ((AQ)na dalawang pung gera).
17 (AR)Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang (AS)dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
18 At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang (AT)hita ay magiging iyo.
19 Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: (AU)tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.
20 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: (AV)ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.
Ang ikasangpung bahagi ay ipinamana sa mga Levita.
21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking (AW)ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti (AX)sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
22 (AY)At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, (AZ)baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay.
23 Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang (BA)tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
24 Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel (BB)na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
25 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
26 Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, (BC)ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.
27 At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas.
28 Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote.
29 Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa't handog na itinaas sa Panginoon, ang lahat ng pinakamainam niyaon, sa makatuwid baga'y ang banal na bahagi niyaon.
30 Kaya't iyong sasabihin sa kanila, Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog, ay (BD)ibibilang nga sa mga Levita, na parang bunga ng giikan, at parang pakinabang sa pisaan ng ubas.
31 At inyong kakanin saa't saan man, ninyo at ng inyong mga kasangbahay: sapagka't (BE)kabayaran sa inyo, na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
32 At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito, (BF)pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon: at (BG)huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, upang huwag kayong mamatay.
16 At (A)nang makaraan ang sabbath, (B)si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at (C)si Salome, (D)ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran.
2 At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.
3 At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan?
4 At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na (E)ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki.
5 At pagkapasok sa libingan, ay (F)kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila'y nangagitla.
6 At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!
7 Datapuwa't magsiyaon kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay (G)Pedro, Siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea: doon siya makikita, (H)ayon sa sinabi niya sa inyo.
8 At sila'y nagsilabas, at nagsitakas mula sa libingan; sapagka't sila'y nagsipangilabot at nangagitla: (I)at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man; sapagka't sila'y nangatatakot.
9 Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio (J)ang pinalabas niya.
10 Siya'y yumaon at (K)ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus, samantalang sila'y nangahahapis at nagsisitangis.
11 At sila, nang kanilang mabalitaan na siya'y nabuhay, at nakita ni Magdalena, ay (L)hindi sila nagsipaniwala.
12 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo (M)sa dalawa sa kanila, nang sila'y nangaglalakad na patungo sa bukid.
13 At sila'y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba: at (N)kahit sa kanila'y hindi rin sila nagsipaniwala.
14 At pagkatapos (O)siya'y napakita sa labingisa samantalang sila'y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, (P)sapagka't hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya'y magbangon.
15 At sinabi niya sa kanila, (Q)Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
16 (R)Ang sumasampalataya at (S)mabautismuhan ay maliligtas; (T)datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
17 At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio (U)sa aking pangalan; (V)mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
18 (W)Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; (X)ipapatong nila ang kanilang mga kamay (Y)sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.
19 Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay (Z)tinanggap sa itaas ng langit, at (AA)lumuklok sa kanan ng Dios.
20 At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga (AB)tandang kalakip. Siya nawa.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.
55 (A)Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
At huwag kang magkubli sa aking pananaing.
2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:
(B)Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
3 Dahil sa tinig ng kaaway,
Dahil sa pagpighati ng masama;
(C)Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin,
At sa galit ay inuusig nila ako.
4 (D)Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:
At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
5 (E)Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,
At tinakpan ako ng (F)kakilabutan.
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!
Lilipad nga ako, at magpapahinga.
7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo,
Ako'y titigil sa ilang. (Selah)
8 Ako'y magmamadaling sisilong
Mula sa malakas na hangin at bagyo.
9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:
Sapagka't ako'y nakakita ng (G)pangdadahas at pagaaway sa bayan.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:
Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon;
Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;
Akin nga sanang nabata:
(H)Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;
Nagtago nga sana ako sa kaniya:
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,
(I)Aking kasama at aking kaibigang matalik.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,
Tayo'y lumalakad na magkaakbay (J)sa bahay ng Dios.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,
(K)Mababa nawa silang buháy sa (L)Sheol:
Sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;
At ililigtas ako ng Panginoon.
17 (M)Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik:
At kaniyang didinggin ang aking tinig.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:
(N)Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,
Siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang mga tao na walang mga pagbabago,
At hindi nangatatakot sa Dios.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:
Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
21 (O)Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:
Nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma:
Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,
(P)Gayon ma'y mga bunot na tabak.
22 (Q)Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:
Mga mabagsik at magdarayang tao ay (R)hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;
Nguni't titiwala ako sa iyo.
7 Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak;
At ang pagasa ng masama ay nawawala.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978