Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the GNT. Switch to the GNT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 32:28-52

28 Sapagka't sila'y bansang salat sa payo,
At (A)walang kaalaman sa kanila.
29 (B)Oh kung sila'y mga pantas, na kanilang tinalastas ito,
Kung nababatid nila ang kanilang wakas!
30 Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo,
At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo,
Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato,
At ibigay sila ng Panginoon?
31 Sapagka't (C)ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato,
Kahit ang (D)ating mga kaaway man ang maging mga hukom.
32 Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma,
At sa mga parang ng Gomorra:
Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo,
Ang kanilang mga buwig ay mapait:
33 Ang kanilang alak ay (E)kamandag ng mga dragon,
At mabagsik na kamandag ng mga ahas.
34 Di ba ito'y natatago sa akin,
Na natatatakan sa aking mga kayamanan?
35 Ang panghihiganti ay (F)akin, at gayon din ang gantingpala,
Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa:
Sapagka't (G)ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit,
At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali.
36 (H)Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (I)magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod;
Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala,
At wala ng natitira na natatakpan o naiwan.
37 At kaniyang sasabihin, (J)Saan nandoon ang kanilang mga dios,
Ang bato na siya nilang pinanganlungan;
38 Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain,
At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog?
Bumangon sila at tumulong sa inyo,
At sila'y maging pagkupkop sa inyo.
39 Tingnan ninyo ngayon, na (K)ako, sa makatuwid baga'y ako nga,
At walang dios sa akin:
(L)Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay;
(M)Ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling:
At walang makaliligtas sa aking kamay.
40 Sapagka't aking itinataas ang aking kamay sa langit,
At aking sinasabi, Buháy ako magpakailan man,
41 (N)Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak,
At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan;
Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway,
At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin.
42 (O)At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod,
At ang aking tabak ay sasakmal ng laman;
Sa dugo ng patay at ng mga bihag,
Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway.
43 Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan;
Sapagka't (P)ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod,
At (Q)manghihiganti sa kaniyang mga kaalit,
At (R)patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.

44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue[a] na anak ni Nun.

45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:

46 At kaniyang sinabi sa kanila, (S)Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.

47 Sapagka't ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; (T)sapagka't inyong kabuhayan, at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin.

Si Moises ay pinasampa sa bundok ng Nebo.

48 At sinalita ng Panginoon kay Moises nang araw ding yaon, na sinasabi,

49 (U)Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico; at masdan mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na pinakaari:

50 At mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa, at malakip ka sa iyong bayan, (V)gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor, at nalakip sa kaniyang bayan:

51 Sapagka't (W)kayo'y sumalansang laban sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Cades, sa ilang ng Zin; sapagka't hindi ninyo ako inaring banal sa gitna ng mga anak ni Israel.

52 Sapagka't iyong matatanaw ang lupain sa harap mo; nguni't doo'y hindi ka makapapasok, sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel.

Lucas 12:35-59

35 Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang, (A)at paningasan ang inyong mga ilawan;

36 At magsitulad kayo sa mga taong nangaghihintay sa kanilang panginoon kung siya'y bumalik na galing sa kasalan; upang kung siya'y dumating at tumuktok, pagdaka'y mabuksan nila siya.

37 Mapapalad (B)yaong mga alipin na kung dumating ang panginoon ay maratnang (C)nangagpupuyat: katotohanang sinasabi ko sa inyo na (D)siya'y magbibigkis sa sarili, at sila'y (E)pauupuin sa dulang, at lalapit at sila'y paglilingkuran niya.

38 At kung siya'y dumating sa (F)ikalawang pagpupuyat, o sa ikatlo, at masumpungan sila sa gayon, ay mapapalad ang mga aliping yaon.

39 Datapuwa't talastasin ninyo ito (G)na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, siya'y magpupuyat, at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay.

40 Kayo rin naman ay mangagsihanda: (H)sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.

41 At sinabi ni Pedro, Panginoon, sinasabi mo baga ang talinghagang ito sa amin, o sa lahat naman?

42 At sinabi ng Panginoon, Sino nga baga ang (I)katiwalang tapat at matalino, na pagkakatiwalaan ng kaniyang panginoon ng kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng kanilang bahagi na pagkain sa kapanahunan?

43 Mapalad ang aliping yaon, na kung dumating ang kaniyang panginoon ay maratnang gayon ang ginagawa niya.

44 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pagaari.

45 Datapuwa't kung (J)sabihin ng aliping yaon sa kaniyang puso, Maluluwatan ang pagdating ng aking panginoon; at magpasimulang bugbugin ang mga aliping lalake at ang mga aliping babae, at kumain at uminom, at maglasing;

46 Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na di niya hinihintay, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang (K)bahagi sa mga di tapat.

47 At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami;

48 Datapuwa't ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. (L)At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya.

49 Ako'y naparito upang maglagay ng (M)apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na?

50 Datapuwa't ako'y may isang (N)bautismo upang ibautismo sa akin; at (O)gaano ang aking (P)kagipitan hanggang sa ito'y maganap?

51 Inaakala baga ninyo (Q)na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:

52 Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.

53 Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at (R)ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.

54 At sinabi rin naman niya sa mga karamihan, (S)Pagka nakikita ninyong bumangon sa kalunuran ang isang alapaap, ay agad ninyong sinasabi, Uulan; at gayon ang nangyayari.

55 At kung humihihip ang hanging timugan, ay sinasabi ninyo, Iinit na maigi; at ito'y nangyayari.

56 Kayong mga mapagpaimbabaw! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit; datapuwa't bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito?

57 At bakit naman hindi ninyo hatulan sa inyong sarili kung alin ang matuwid?

58 Sapagka't (T)samantalang pumaparoon ka sa hukom na kasama mo ang iyong kaalit, ay sikapin mo sa daan na makaligtas ka sa kaniya; baka sakaling kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal at ipasok ka ng punong kawal sa bilangguan.

59 Sinasabi ko sa iyo, Hindi ka lalabas doon sa anomang paraan, hanggang sa mabayaran mo ang katapustapusang (U)lepta.

Mga Awit 78:56-64

56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (A)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (B)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (C)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (D)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (E)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (F)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (G)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (H)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (I)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.

Mga Kawikaan 12:24

24 (A)Ang kamay ng masipag ay magpupuno:
Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978