The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang pagpapahirap ng Filisteo.
13 At ang mga anak ni Israel ay (A)gumawa uli ng kasamaan sa paningin ng Panginoon; at ibinigay ng Panginoon sila na apat na pung taon sa (B)kamay ng mga Filisteo.
2 At may isang lalake sa (C)Sora sa angkan ng mga Danita, na ang pangala'y Manoa; at ang kaniyang asawa ay (D)baog, at hindi nagkaanak.
3 At napakita ang (E)anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake.
4 Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at (F)huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay:
5 Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na (G)daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo sa Dios, mula sa tiyan: at kaniyang (H)pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.
6 Nang magkagayo'y ang babae'y yumaon at isinaysay sa kaniyang asawa, na sinasabi, Isang (I)lalake ng Dios ay naparito sa akin, at ang kaniyang anyo ay gaya ng (J)anyo ng anghel ng Dios, na kakilakilabot: at hindi ko natanong (K)siya kung siya'y taga saan, ni kaya'y sinaysay niya sa akin ang (L)kaniyang pangalan:
7 Nguni't sinabi niya sa akin, (M)Narito, ikaw ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake; at ngayo'y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: sapagka't ang bata'y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
Ang pangitain ni Manoa at ng kaniyang asawa.
8 Nang magkagayo'y nanalangin si Manoa sa Panginoon, at sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, Oh Panginoon, na pabalikin mo uli ang lalake ng Dios na iyong sinugo sa amin, at ituro sa amin kung ano ang aming gagawin sa bata na ipanganganak.
9 At dininig ng Dios ang tinig ni Manoa; at nagbalik ang anghel ng Dios sa babae habang siya'y nakaupo sa bukid: nguni't si Manoa na kaniyang asawa ay hindi niya kasama.
10 At nagmadali ang babae, at tumakbo, at isinaysay sa kaniyang asawa, at sinabi sa kaniya, Narito, ang lalake ay napakita sa akin, yaong naparito sa akin ng ibang araw.
11 At bumangon si Manoa, at sumunod sa kaniyang asawa, at naparoon sa lalake, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito? At kaniyang sinabi, Ako nga.
12 At sinabi ni Manoa, Mano nawa'y mangyari ang iyong mga salita: ano ang ipagpapagawa sa bata, at paanong aming gagawin sa kaniya?
13 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya.
14 Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni (N)uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya.
15 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo (O)na ikaw ay aming mapigil, upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing.
16 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Bagaman ako'y iyong pigilin, hindi ako kakain ng iyong pagkain: at kung ikaw ay maghahanda ng handog na susunugin, ay iyong nararapat ihandog sa Panginoon. Sapagka't hindi naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.
17 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, (P)Ano ang iyong pangalan, upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan?
18 At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya, (Q)Bakit mo itinatanong ang aking pangalan, dangang kagilagilalas?
19 Sa gayo'y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina, (R)at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato: at gumawa ng kamanghamangha ang anghel, at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa.
20 Sapagka't nangyari, nang (S)umilanglang sa langit ang alab mula sa dambana, na ang anghel ng Panginoon ay napailanglang sa alab ng dambana: at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa; at sila'y (T)nangapasubasob sa lupa.
Si Samson ay ipinanganak.
21 Nguni't hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa. (U)Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.
22 At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, (V)Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios.
23 Nguni't sinabi ng asawa niya sa kaniya, Kung nalulugod ang Panginoon na patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang (W)handog na sinunog at ang handog na harina sa ating kamay, ni ipinakita man sa atin ang lahat ng mga bagay na ito ni nasaysay man sa panahong ito, ang mga bagay na gaya nito.
24 At nanganak ang babae ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalan na (X)Samson. At ang bata'y (Y)lumaki, at pinagpala ng Panginoon.
25 At pinasimulang kinilos siya ng (Z)Espiritu ng Panginoon sa Mahanedan, sa (AA)pagitan ng Sora at Esthaol.
Si Samson ay nagasawa sa babaing Filisteo.
14 At lumusong si Samson sa (AB)Timnah, at nakita ang isang babae sa Timnah sa mga anak ng mga Filisteo.
2 At siya'y umahon, at isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, at sinabi, Aking nakita ang isang babae sa Timnah, sa mga anak ng mga Filisteo: (AC)ngayon nga'y papagasawahin ninyo ako sa kaniya.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang ama at ng kaniyang ina sa kaniya, Wala na bang babae sa mga anak ng iyong (AD)kapatid, o sa aking buong bayan, na ikaw ay yayaong magaasawa sa mga di tuling (AE)Filisteo? At sinabi ni Samson sa kaniyang ama, Papag-asawahin mo ako sa kaniya; sapagka't siya'y lubhang nakalulugud sa akin.
4 Nguni't hindi naalaman ng kaniyang ama at ng kaniyang ina, na kalooban ng (AF)Panginoon; (AG)sapagka't siya'y humahanap ng pagkakataon laban sa mga Filisteo. Nang panahong yaon nga'y nagpupuno ang mga Filisteo sa Israel.
Si Samson ay pumatay ng lion.
5 Nang magkagayo'y lumusong si Samson, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, sa Timnah, at naparoon sa ubasan ng Timnah: at, narito, isang batang (AH)leon ay umuungal laban sa kaniya,
6 At ang (AI)Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at nilamuray niya siya na parang naglamuray ng isang batang kambing, at siya'y walang anoman sa kaniyang kamay; nguni't hindi niya sinaysay sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kaniyang ginawa.
7 At siya'y lumusong at nakipagusap sa babae, at siya'y lubhang nakalulugod kay Samson.
8 At pagkaraan ng sandali ay bumalik siya upang kunin niya siya, at siya'y lumiko upang tingnan ang patay na leon: at, narito, may isang kawan ng pukyutan sa loob ng bangkay ng leon, at pulot-pukyutan.
9 At kaniyang dinala sa kaniyang kamay at yumaon, na kinakain niya samantalang siya'y yumayaon, at siya'y naparoon sa kaniyang ama at ina, at ibinigay sa kanila, at kanilang kinain; nguni't hindi niya sinaysay sa kanila na kaniyang kinuha ang pulot sa bangkay ng leon.
Ang bugtong ni Samson sa piging sa pagkakasal.
10 At nilusong ng kaniyang ama ang babae: at gumawa si Samson ng isang kasayahan doon; sapagka't kinaugaliang ginagawang gayon ng mga binata.
11 At nangyari, pagkakita nila sa kaniya, na sila'y nagdala ng tatlong pung kasama, upang maging kasama niya.
12 At sinabi ni Samson sa kanila, (AJ)Pagbubugtungan ko kayo: kung maisaysay ninyo sa akin sa loob ng (AK)pitong araw na kasayahan, at inyong maturingan, ay bibigyan ko nga kayo ng tatlong pung (AL)kasuutang lino at tatlong pung bihisan:
13 Nguni't kung hindi ninyo maisaysay sa akin, ay bibigyan nga ninyo ako ng tatlong pung kasuutang lino at ng tatlong pung bihisan. At kanilang sinabi sa kaniya, Ipagbadya mo ang iyong bugtong, upang aming marinig.
14 At sinabi niya sa kanila,
Sa mangangain ay lumabas ang pagkain,
At sa malakas ay lumabas ang katamisan.
At hindi nila maisaysay sa tatlong araw.
15 At nangyari, nang ikapitong araw, na kanilang sinabi sa asawa ni Samson, (AM)Dayain mo ang iyong asawa, upang maisaysay niya sa amin ang bugtong, (AN)baka ikaw ay sunugin namin at ang sangbahayan ng iyong ama: inanyayahan ba ninyo kami upang papaghirapin? di ba gayon?
16 At umiyak ang asawa ni Samson sa harap niya, at nagsabi, (AO)Kinapopootan mo lamang ako, at hindi mo ako iniibig: ikaw ay nagbugtong ng isang bugtong sa mga anak ng aking bayan, at hindi mo isinaysay sa akin. At sinabi niya sa kaniya, Narito, hindi ko isinaysay sa aking ama, o sa aking ina man, at akin bang sasaysayin sa iyo?
17 At umiyak siya sa harap niya na pitong araw, habang hindi natapos ang kanilang kasayahan: at nangyari nang ikapitong araw, na isinaysay niya sa kaniya, sapagka't (AP)pinilit niya siya: at isinaysay niya ang bugtong sa mga anak ng kaniyang bayan.
18 At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Samson nang ikapitong araw bago lumubog ang araw. Alin kaya ang lalong matamis kay sa pulot? at ano pa kaya ang lalong malakas kay sa leon? At sinabi niya sa kanila.
Kung hindi kayo nag-araro ng aking dumalaga,
Hindi sana ninyo naturingan ang aking bugtong.
19 (AQ)At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at siya'y lumusong sa (AR)Ascalon, at pumatay ng tatlong pung lalake sa kanila, at kinuha ang samsam sa kanila, at ibinigay ang mga bihisan sa mga nakaturing ng bugtong at ang kaniyang galit ay nagalab, at siya'y umahon sa bahay ng kaniyang ama.
20 Nguni't ang asawa ni Samson ay (AS)ibinigay sa kaniyang (AT)kasama, na siya niyang inaaring parang kaniyang kaibigan.
29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, (A)ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!
30 (B)Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin.
31 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, (C)dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.
32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, (D)Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay (E)siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito (F)ang Anak ng Dios.
35 Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan, at ang dalawa sa kaniyang mga alagad;
36 At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad, at sinabi, (G)Narito, ang Cordero ng Dios!
37 At narinig siyang nagsalita ng dalawang alagad, at sila'y nagsisunod kay Jesus.
38 At lumingon si Jesus, at nakita silang nagsisisunod, at sinabi sa kanila, Ano ang inyong hinahanap? At sinabi nila sa kaniya, Rabi (na kung liliwanagin, ay Guro), saan ka tumitira?
39 Sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo, at inyong makikita. Nagsiparoon nga sila at nakita kung saan siya tumitira; at sila'y nagsitirang kasama niya nang araw na yaon: noo'y magiikasangpu na ang oras.
40 Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan, at sumunod sa kaniya, ay si (H)Andres na kapatid ni Simon Pedro.
41 Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon, at sa kaniya'y sinabi, Nasumpungan namin ang (I)Mesias (na kung liliwanagin, ay ang (J)Cristo).
42 Siya'y kaniyang dinala kay Jesus. Siya'y tiningnan ni Jesus, at sinabi, (K)Ikaw ay si Simon na anak ni Juan: tatawagin kang (L)Cefas (na kung liliwanagin, ay (M)Pedro).
43 Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea, at kaniyang nasumpungan si Felipe: at sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Sumunod ka sa akin.
44 Si (N)Felipe nga ay taga Betsaida, sa bayan ni Andres at ni Pedro.
45 Nasumpungan ni Felipe si (O)Natanael, at sinabi sa kaniya, Nasumpungan namin yaong isinulat ni (P)Moises sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si Jesus na (Q)taga Nazaret, (R)ang anak ni Jose.
46 At sinabi sa kaniya ni Natanael, (S)Mangyayari bagang lumitaw ang anomang magaling na bagay sa Nazaret? Sinabi sa kaniya ni Felipe, Pumarito ka at tingnan mo.
47 Nakita ni Jesus si Natanael na lumalapit sa kaniya, at sinabi ang tungkol sa kaniya, Narito, ang isang tunay na Israelita, na sa kaniya'y walang daya!
48 Sinabi sa kaniya ni Natanael, Saan mo ako nakilala? Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos, ay nakita kita.
49 Sumagot si Natanael sa kaniya, Rabi, (T)ikaw ang Anak ng Dios; ikaw (U)ang Hari ng Israel.
50 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Dahil baga sa sinabi ko sa iyo, Kita'y nakita sa ilalim ng puno ng igos, kaya ka sumasampalataya? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito.
51 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, (V)Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan (W)ng Anak ng tao.
Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.
102 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 (A)Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
(B)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 (C)Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At (D)ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at (E)natuyo;
Sapagka't (F)nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5 Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6 Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang (G)aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 (H)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (I)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (J)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (K)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (L)ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang (M)pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita (N)sa kaniyang kaluwalhatian;
17 (O)Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18 Ito'y (P)isusulat na ukol sa lahing susunod:
At (Q)ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19 Sapagka't siya'y tumungo (R)mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 (S)Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 (T)Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22 Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
(U)Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 (V)Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y (W)lampas sa mga sali't saling lahi.
25 Nang una ay (X)inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 (Y)Sila'y uuwi sa wala, nguni't (Z)ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27 Nguni't (AA)ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 (AB)Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
(AC)At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
15 Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita:
Nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.
16 (A)Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan:
Nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978