Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Samuel 18:5-19:24

At lumalabas si David saan man suguin ni Saul, at siya'y nagpakabait: at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdidigma, at minabuti ng paningin ng buong bayan, at gayon din ng paningin ng mga lingkod ni Saul.

At nangyari pagdating nila, nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, na ang mga babae ay (A)lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel, na nagaawitan at nagsasayawan, upang salubungin ang haring si Saul, ng mga pandereta, ng kagalakan, at ng panugtog ng tugtugin.

(B)At nagaawitan ang mga babae sa kanilang pagtugtog, at sinasabi,

Pinatay ni (C)Saul ang kaniyang libolibo,
At ni David ang kaniyang laksa-laksa.

at nagalit na mainam si Saul at ang sabing ito ay isinama niya ng loob; at kaniyang sinabi, Kanilang inilagay kay David ay laksalaksa, at sa akin ay kanilang inilagay ang libolibo lamang: (D)at ano na lamang ang kaniyang tatangkilikin kundi ang kaharian?

At inirapan ni Saul si David mula sa araw na yaon.

10 At nangyari nang kinabukasan, na ang masamang (E)espiritu na mula sa Dios ay dumating na makapangyarihan kay Saul, (F)at siya'y nanghula sa gitna ng bahay: at si David ay (G)tumugtog ng kaniyang kamay, gaya ng kaniyang ginagawa araw-araw; (H)at hawak ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay.

11 (I)At inihagis ni Saul ang sibat; sapagka't kaniyang sinabi, Aking tutuhugin si David sa dinding. At tumanan si David sa kaniyang harap na makalawa.

12 At natakot si Saul kay David, (J)sapagka't ang Panginoon ay sumasakaniya, (K)at nahiwalay na kay Saul.

13 Kaya't inihiwalay ni Saul siya sa kaniya, at siya'y ginawa niyang punong kawal sa isang libo; (L)at siya'y naglalabas pumasok sa harap ng bayan.

14 Nagpakabait si David sa lahat ng kaniyang kilos; at ang Panginoon ay sumasakaniya.

15 At nang makita ni Saul na siya'y nagpakabait, siya'y natakot sa kaniya.

16 (M)Nguni't minamahal ng buong Israel at Juda si David; sapagka't siya'y naglalabas pumasok sa harap nila.

Ipinakipagtipan si Merab kay David.

17 At sinabi ni Saul kay David, Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si (N)Merab; siya'y aking ibibigay sa iyo na (O)asawa: magpakatapang ka lamang dahil sa akin, at iyong ilaban ang mga (P)pagbabaka ng Panginoon. Sapagka't sinabi ni Saul, (Q)Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay, kundi ang kamay ng mga Filisteo, ang magbuhat sa kaniya.

18 At sinabi ni David kay Saul, (R)Sino ako at ano ang aking buhay, o ang sangbahayan ng aking ama sa Israel, upang maging manugang ako ng hari?

19 Nguni't nangyari na sa panahong ibibigay kay David si Merab na anak na babae ni Saul, ay ibinigay na asawa kay (S)Adriel na Meholatita.

20 At sinisinta ni (T)Michal na anak na babae ni Saul si David: at kanilang isinaysay kay Saul, at ang bagay ay ikinalugod niya.

21 At sinabi ni Saul, Aking ibibigay sa kaniya siya, upang siya'y maging silo sa kaniya, at upang (U)ang kamay ng mga Filisteo ay maging laban sa kaniya. Kaya't sinabing ikalawa ni Saul kay David: Ikaw ay magiging aking manugang sa araw na ito.

22 At iniutos ni Saul sa kaniyang mga lingkod, na sinasabi, Makipagusap kayo kay David ng lihim, at inyong sabihin, Narito, kinatutuwaan ka ng hari at minamahal ka ng lahat ng kaniyang mga lingkod: ngayon nga ay maging manugang ka ng hari.

23 At sinalita ng mga lingkod ni Saul ang mga salitang yaon sa pakinig ni David. At sinabi ni David, (V)Inaakala ba ninyo na magaang bagay ang maging manugang ng hari, dangang ako'y isang dukhang tao at niwawalang kabuluhan?

24 At isinaysay ng mga lingkod ni Saul sa kaniya, na sinabi, Ganitong paraan nagsalita si David.

25 At sinabi ni Saul, Ganito ang inyong sasabihin kay David: (W)Hindi nagnanasa ang hari ng anomang bigaykaya, kundi isang daang balat ng masama ng mga Filisteo, upang mapanghigantihan ang mga kaaway ng hari. (X)Ang balak nga ni Saul ay maibuwal si David sa pamamagitan ng kamay ng mga Filisteo.

26 At nang saysayin ng kaniyang mga lingkod kay David ang mga salitang ito, ay ikinalugod na mabuti ni David na maging manugang siya ng hari. (Y)At ang mga araw ay hindi pa nagaganap;

27 At tumindig si David at yumaon, siya at (Z)ang kaniyang mga lalake, at pumatay sa mga Filisteo ng dalawang daang lalake; (AA)at dinala ni David ang kanilang mga balat ng masama, at kaniyang ibinigay ng buong bilang sa hari, upang siya'y maging manugang ng hari. At ibinigay na asawa sa kaniya ni Saul si Michal na kaniyang anak na babae.

28 At nakita at nalaman ni Saul na ang (AB)Panginoon ay sumasa kay David; at sinisinta si David ni Michal na anak ni Saul.

29 At si Saul ay lalong natatakot kay David; at naging kaaway ni David si Saul na palagi.

30 Nang magkagayo'y lumabas ang mga pangulo ng mga Filisteo: at nangyari, na sa tuwing sila'y lumalabas ay nagpakabait si David kay sa lahat ng mga lingkod ni Saul; sa gayon ang kaniyang pangalan ay lalong (AC)namahal.

Si Jonathan ay namagitan kay David at kay Saul.

19 At nagsalita si Saul kay Jonathan na kaniyang anak, at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, na kanilang patayin si David. (AD)Nguni't si Jonathan na anak ni Saul ay naliligayang mainam kay David.

At isinaysay ni Jonathan kay David, na sinasabi, Pinagsisikapan ni Saul na aking ama na patayin ka: ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, na magingat ka sa kinaumagahan, at manatili sa isang lihim na dako, at magtago ka:

At ako'y lalabas at tatayo sa siping ng aking ama sa parang na iyong kinaroroonan, at ako'y makikipagusap sa aking ama ng tungkol sa iyo; at kung may makita akong anoman, ay aking sasaysayin sa iyo.

At nagsalita si Jonathan kay Saul na kaniyang ama, ng mabuti tungkol kay David, at sinabi sa kaniya, Huwag magkasala ang hari laban sa kaniyang lingkod na si David; sapagka't hindi siya nagkasala laban sa iyo; at sapagka't ang kaniyang mga gawa ay naging mabuti sa iyo:

Sapagka't kaniyang ipinain ang (AE)kaniyang buhay, (AF)at sinaktan ang Filisteo, (AG)at gumawa ang Panginoon ng dakilang pagtatagumpay sa ganang buong Israel: nakita mo at nagalak ka; bakit nga magkakasala ka laban sa (AH)walang salang dugo, na papatayin si David ng walang anomang kadahilanan?

At dininig ni Saul ang tinig ni Jonathan; at sumumpa si Saul: Buhay ang Panginoon, siya'y hindi papatayin.

At tinawag ni Jonathan si David, at isinaysay ni Jonathan sa kaniya ang lahat ng mga bagay na yaon. At dinala ni Jonathan si David kay Saul, at siya'y lumagay sa (AI)kaniyang harap, na gaya ng dati.

Iniligtas ni Michal ang buhay ni David.

At nagkaroong muli ng digma: at lumabas si David, at nakipaglaban sa mga Filisteo, at pumatay sa kanila ng malaking pagpatay; at sila'y tumakas sa harap niya.

At isang espiritung masama na mula sa Panginoon ay suma kay Saul, nang siya'y nakaupo sa kaniyang bahay na tangan niya ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay; at (AJ)tumugtog si David sa pamamagitan ng kaniyang kamay.

10 At pinagsikapan ni Saul na tuhugin ng sibat si David sa dinding; nguni't siya'y nakatakas sa harap ni Saul at ang kaniyang tinuhog ng sibat ay ang dinding: at tumakas si David at tumanan ng gabing yaon.

11 (AK)At nagsugo si Saul ng mga sugo sa bahay ni David, upang siya'y bantayan, at siya'y patayin sa kinaumagahan: at sinaysay sa kaniya ni Michal na asawa ni David, na sinasabi, Kundi mo iligtas ang iyong buhay ngayong gabi bukas ay papatayin ka.

12 (AL)Kaya inihugos ni Michal si David sa isang dungawan, at siya'y yumaon, at tumakas, at tumanan.

13 At kinuha ni Michal ang mga (AM)terap, at inihiga sa higaan at nilagyan sa ulunan ng isang unan na buhok ng kambing, at tinakpan ng mga kumot.

14 At nang magsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David, kaniyang sinabi, Siya'y may sakit.

15 At nagsugo si Saul ng mga sugo upang tingnan si David, na sinasabi, Ipanhik ninyo siya sa akin na nasa kaniyang higaan, upang aking patayin siya.

16 At nang pumasok ang mga sugo, narito, ang mga terap at nasa higaan, pati ng unang buhok ng kambing sa ulunan niyaon.

17 At sinabi ni Saul kay Michal, Bakit mo ako dinaya ng ganiyan, at iyong pinaalis ang aking kaaway, na anopa't siya'y nakatanan? At sumagot si Michal kay Saul, (AN)Kaniyang sinabi sa akin: Bayaan mo akong yumaon: bakit kita papatayin?

Nanghula ang mga sugo ni Saul.

18 Si David nga ay tumakas, at tumanan, at naparoon kay Samuel sa (AO)Rama, at isinaysay sa kaniya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kaniya. At siya at si Samuel ay yumaon at tumahan sa Najoth.

19 At nasaysay kay Saul na sinasabi, Narito si David ay nasa Najoth sa Rama.

20 At nagsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David: (AP)at nang kanilang makita ang pulutong ng mga propeta na nanganghuhula, at si Samuel ay tumatayong pinakapangulo sa kanila, ang Espiritu ng Dios ay dumating sa mga sugo ni Saul, at sila naman ay (AQ)nanganghula.

21 At nang maisaysay kay Saul, siya'y nagsugo ng ibang mga sugo, at sila man ay nanganghula. At si Saul ay nagsugo uli ng mga sugo na ikaitlo, at sila man ay nanganghula.

22 Nang magkagayo'y naparoon din naman siya sa Rama, at dumating sa dakilang balon na nasa Socho: at siya'y tumanong, at nagsabi, Saan naroon si Samuel at si David? At sinabi ng isa, Narito, sila'y nasa Najoth sa Rama.

23 At siya'y naparoon doon sa Najoth sa Rama: at ang Espiritu ng Dios ay dumating din sa kaniya, at siya'y nagpatuloy, at nanghula hanggang sa siya'y dumating sa Najoth sa Rama.

24 At siya rin nama'y naghubad ng kaniyang mga suot, at siya man ay (AR)nanghula sa harap ni Samuel, at nahigang hubad sa buong araw na yaon at sa buong gabing yaon. Kaya't kanilang sinasabi, (AS)Pati ba si Saul ay nasa gitna ng mga propeta?

Juan 8:31-59

31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;

32 At inyong makikilala (A)ang katotohanan, at (B)ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

33 Sa kaniya'y kanilang isinagot, (C)Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya?

34 Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (D)Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.

35 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: (E)ang anak ang nananahan magpakailan man.

36 (F)Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.

37 Talastas ko na kayo'y (G)binhi ni Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong ako'y patayin, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo.

38 Sinasalita ko (H)ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa (I)inyong Ama.

39 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila'y sinabi ni Jesus, (J)Kung kayo'y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.

40 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, (K)Hindi kami inianak sa pakikiapid; (L)may isang Ama kami, ang Dios.

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: (M)sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.

43 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita.

44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang (N)mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka (O)nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

45 Nguni't dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.

46 (P)Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?

47 Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.

48 Nagsisagot ang mga Judio at sa kaniya'y sinabi, Hindi baga magaling ang aming pagkasabi na ikaw ay isang Samaritano, at (Q)mayroon kang demonio?

49 Sumagot si Jesus, Ako'y walang demonio; kundi pinapupurihan ko ang aking Ama, at ako'y inyong sinisiraan ng puri.

50 Nguni't (R)hindi ko hinahanap ang aking sariling kaluwalhatian: may isang humahanap at humahatol.

51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (S)Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan.

52 Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan.

53 Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham, na namatay? at nangamatay ang mga propeta: sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili?

54 Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: (T)ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios;

55 At hindi ninyo siya napagkilala: nguni't nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako'y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa't nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita.

56 (U)Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.

57 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?

58 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, (V)ay ako nga.

59 Sila nga'y nagsidampot ng mga bato (W)upang ihagis sa kaniya: datapuwa't (X)nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.

Mga Awit 112

Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.

112 Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad (A)ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
(B)Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
(C)Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Sa matuwid ay (D)bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
(E)Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
(F)Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
Siya'y hindi matatakot (G)sa mga masamang balita:
Ang kaniyang (H)puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang (I)makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang (J)sungay ay matataas na may karangalan.
10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay (K)mapaparam.

Mga Kawikaan 15:12-14

12 Ayaw (A)ang manglilibak na siya'y sawayin.
Siya'y hindi paroroon sa pantas.
13 (B)Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha:
Nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.
14 Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978