Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Ruth 2-4

Si Ruth ay namulot sa bukid ni Booz.

At si Noemi ay may (A)kamaganak ng kaniyang asawa, isang mayamang makapangyarihan, sa angkan ni Elimelech; at ang pangalan niya'y (B)Booz.

At sinabi ni Ruth na Moabita kay Noemi, Paparoonin mo ako ngayon sa bukid, at (C)mamulot ng mga uhay sa likuran niyaong aking kasumpungan ng biyaya sa paningin. At sinabi niya sa kaniya, Yumaon ka, anak ko.

At siya'y yumaon at naparoon, at namulot sa bukid sa likuran ng mga mangaani: at nagkataong dumating sa bahagi ng lupa na nauukol kay Booz, na sa angkan ni Elimelech.

At, narito, si Booz ay nanggaling sa Beth-lehem, at nagsabi sa mga mangaani, Ang (D)Panginoo'y sumainyo nawa. At sila'y sumagot sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon.

Nang magkagayo'y sinabi ni Booz sa kaniyang lingkod na kaniyang katiwala sa mga mangaani, Sinong babae ito?

At ang lingkod na katiwala sa mga mangaani ay sumagot at nagsabi, Siya'y babaing Moabita (E)na bumalik na kasama ni Noemi na mula sa lupain ng Moab:

At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyong pamulutin mo ako, at papagtipunin sa likuran ng mga mangaani sa gitna ng mga bigkis. Sa gayo'y naparoon siya at nagpatuloy, sa makatuwid baga'y mula sa umaga hanggang ngayon, liban sa siya'y nagpahingang sangdali sa bahay.

Si Booz ay naging mabuti kay Ruth.

Nang magkagayo'y sinabi ni Booz kay Ruth, Di mo ba naririnig, anak ko? Huwag kang mamulot sa ibang bukid, o lumagpas man dito, kundi manahan ka ritong malapit sa piling ng aking mga alilang babae.

Itanaw mo ang iyong mga mata sa bukid na kanilang inaanihan, at sumunod ka sa kanila; di ba ibinilin ko sa mga bataan na huwag ka nilang gagalawin? At pagka ikaw ay nauuhaw, pumaroon ka sa mga banga, at uminom ka sa inigib ng mga bataan.

10 (F)Nang magkagayo'y nagpatirapa siya at yumukod sa lupa, at nagsabi sa kaniya, Bakit ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin na nilingap mo ako, dangang ako'y taga ibang lupa?

11 At si Booz ay sumagot at nagsabi sa kaniya, Ipinatalastas sa akin ang (G)buong iyong ginawa sa iyong biyanan mula sa pagkamatay ng iyong asawa: at kung paanong iyong iniwan ang iyong ama at iyong ina, at ang lupang pinanganakan sa iyo, at ikaw ay naparito sa bayan na hindi mo nakilala nang una.

12 (H)Gantihin nawa ng Panginoon ang iyong gawa, at bigyan ka nawa ng lubos na ganting pala ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa (I)ilalim ng mga pakpak niyaong iyong kakanlungan.

13 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Makasumpong nawa ako ng biyaya sa iyong paningin, (J)panginoon ko; sapagka't ako'y iyong inaliw, at sapagka't may kagandahang loob na pinagsalitaan mo ang iyong lingkod, bagaman ako'y (K)hindi gaya ng isa sa iyong mga alila.

14 At sa pagkain ay sinabi ni Booz sa kaniya, Parito ka, at kumain ka ng tinapay, at basain mo ang iyong subo (L)sa suka. At siya'y umupo sa siping ng mga mangaani: at iniabot niya sa kaniya, ang sinangag na trigo, at siya'y kumain, at (M)nabusog, at lumabis.

15 At nang siya'y tumindig upang mamulot, ay iniutos ni Booz sa kaniyang mga bataan, na sinasabi, Pamulutin ninyo siya hanggang sa gitna ng mga bigkis, at huwag ninyo siyang hiyain.

16 At ihugot din ninyo siya ng ilan sa mga bigkis, at iwan ninyo at pamulutin niya, at huwag ninyong hiyain siya.

17 Sa gayo'y namulot siya sa bukid hanggang sa paglubog ng araw; at kaniyang hinampas yaong kaniyang napamulot, at may isang (N)epa ng sebada.

18 At kaniyang dinala at pumasok sa bayan: at nakita ng kaniyang biyanan ang kaniyang napamulot: at kaniyang inilabas at ibinigay sa kaniya ang (O)lumabis sa kaniya pagkatapos na siya'y nabusog.

19 At sinabi ng kaniyang biyanan sa kaniya, Saan ka namulot ngayon? at saan ka gumawa? (P)Pagpalain nawa yaong lumingap sa iyo, At itinuro niya sa kaniyang biyanan kung kanino siya gumawa, at sinabi, Ang pangalan ng lalake na aking ginawan ngayon ay Booz.

20 At sinabi ni Noemi sa kaniyang manugang: (Q)Pagpalain nawa siya ng Panginoon, na hindi ikinait ang kaniyang kagandahang loob sa mga (R)buhay at sa mga patay. At sinabi ni Noemi sa kaniya, Ang lalaking yaon ay isa sa mga kamaganak na malapit natin, isang pinakamalapit na (S)kamaganak natin.

21 At sinabi ni Ruth na Moabita, Oo, sinabi niya sa akin, Ikaw ay sumunod na malapit sa aking mga (T)bataan hanggang sa kanilang matapos ang aking ani.

22 At sinabi ni Noemi kay Ruth na kaniyang manugang, Mabuti, anak ko, na ikaw ay lumabas na kasama ng kaniyang mga alila, at huwag kang masumpungan sa ibang bukid.

23 Sa gayo'y nakipisang maliksi na kasiping ng mga alila ni Booz, upang mamulot hanggang sa katapusan ng pagaani ng sebada at pagaani ng trigo; at siya'y tumahang kasama ng kaniyang biyanan.

Si Ruth ay nagsabi kay Booz na gawin ang bahagi ng pagkakamaganak.

At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng (U)kapahingahan, na ikabubuti mo?

At ngayo'y wala ba rito si Booz na ating (V)kamaganak, na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama? Narito, kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan.

Maligo ka nga, at (W)magpahid ka ng langis, at magbihis ka at bumaba ka sa giikan: nguni't huwag kang pakilala sa lalake, hanggang siya'y makakain at makainom.

At mangyayari, paghiga niya, na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan, at ikaw ay papasok, at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa, at mahiga ka; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin.

At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin.

At siya'y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan.

At nang si Booz ay makakain at makainom, (X)at ang kaniyang puso'y maligayahan, siya'y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya'y (Y)naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya'y nahiga.

At nangyari, sa hating gabi, na ang lalake ay natakot at pumihit: at, narito, isang babae ay nakahiga sa kaniyang paanan.

At sinabi niya, Sino ka? At siya'y sumagot, Ako'y si Ruth, na iyong lingkod: (Z)iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay malapit na (AA)kamaganak.

10 At kaniyang sinabi, (AB)Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman.

11 At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na (AC)ikaw ay isang babaing may bait.

12 At tunay nga na ako'y kamaganak na malapit; gayon man ay may (AD)kamaganak na lalong malapit kay sa akin.

13 Maghintay ka ngayong gabi, at mangyayari sa kinaumagahan, na (AE)kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak, ay (AF)mabuti; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak: nguni't kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, kung paano ang Panginoon ay nabubuhay: mahiga ka nga hanggang kinaumagahan.

14 At siya'y (AG)nahiga sa kaniyang paanan hanggang kinaumagahan: at siya'y bumangong maaga bago magkakilala ang isa't isa. Sapagka't kaniyang sinabi, Huwag maalaman na ang babae ay naparoon sa giikan.

15 At kaniyang sinabi, Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan; at hinawakan niya; at siya'y tumakal ng anim na takal na sebada, at isinunong sa kaniya; at siya'y pumasok sa bayan.

16 At nang siya'y pumaroon sa kaniyang biyanan, ay sinabi niya, Ano nga, anak ko? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat na ginawa sa kaniya ng lalake.

17 At sinabi niya, Ang anim na takal na sebadang ito ay ibinigay niya sa akin; sapagka't kaniyang sinabi, Huwag kang pumaroong walang dala sa iyong biyanan.

18 Nang magkagayo'y sinabi niya, (AH)Maupo kang tahimik, anak ko, hanggang sa iyong maalaman kung paanong kararatnan ng bagay: sapagka't ang lalaking yaon ay hindi magpapahinga, hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito.

Tinubos ni Booz ang mana ni Elimelech.

Si Booz nga'y sumampa sa (AI)pintuang-bayan, at naupo siya roon: at, narito, ang malapit na (AJ)kamaganak na sinalita ni Booz ay nagdaan; sa lalaking yao'y sinabi niya, Oy, kuwan! lumiko ka, maupo ka rito. At siya'y lumiko, at naupo.

At siya'y kumuha ng sangpung lalake sa mga (AK)matanda sa bayan, at sinabi, Maupo kayo rito. At sila'y naupo.

At sinabi niya sa malapit na kamaganak, Ipinagbibili ni Noemi, na bumalik na galing sa lupain ng Moab, ang bahagi ng lupa, na naging sa ating kapatid na kay Elimelech:

At aking (AL)inisip na ipahayag sa iyo, na sabihin, (AM)Bilhin mo sa (AN)harap nilang nakaupo rito, at sa harap ng mga matanda ng aking bayan. Kung iyong tutubusin ay tubusin mo; nguni't kung hindi mo tutubusin ay saysayin mo nga, upang matalastas ko: sapagka't wala nang tutubos na iba pa liban sa iyo: at ako ang sumusunod sa iyo. At sinabi niya, Aking tutubusin.

Nang magkagayo'y sinabi ni Booz, Anomang araw na iyong bilhin ang parang sa kamay ni Noemi, ay marapat na iyong bilhin din ang kay Ruth na Moabita, na asawa ng namatay, (AO)upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kaniyang mana.

At sinabi ng malapit (AP)na kamaganak, Hindi ko matutubos sa ganang akin, baka masira ang aking sariling mana: iyo na ang aking matuwid ng pagtubos; sapagka't hindi ko matutubos.

(AQ)Ito nga ang kaugalian ng unang panahon sa Israel tungkol sa pagtubos at tungkol sa pagpapalit, upang patotohanan ang lahat ng mga bagay; hinuhubad ng isa ang kaniyang pangyapak, at ibinibigay sa kaniyang kapuwa: at ito ang paraan ng pagpapatotoo sa Israel.

Sa gayo'y sinabi ng malapit na kamaganak kay Booz, Bilhin mo sa ganang iyo. At hinubad niya ang kaniyang pangyapak.

At sinabi ni Booz sa mga matanda at sa buong bayan, Kayo'y mga saksi sa araw na ito, na aking binili ang lahat ng kay Elimelech, at lahat na kay (AR)Chelion, at kay Mahalon, sa kamay ni Noemi.

10 Bukod dito'y si Ruth na Moabita, na asawa ni Mahalon, ay aking binili na maging aking asawa, (AS)upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kaniyang mana, upang ang pangalan ng namatay ay huwag mahiwalay sa gitna ng kaniyang mga kapatid, at sa pintuang-bayan ng kaniyang dako: kayo'y mga saksi sa araw na ito.

11 At ang buong bayan na nasa pintuang-bayan, at ang mga matanda ay nagsabi, Kami ay mga saksi. Gawin ng Panginoon ang babae na pumapasok sa iyong bahay, na gaya ni Rachel at gaya ni Lea, na silang dalawa ang (AT)nagtatag ng sangbahayan ni Israel, at maging makapangyarihan ka sa (AU)Ephrata, at maging bantog sa Beth-lehem:

12 At ang (AV)iyong sangbahayan ay maging gaya ng sangbahayan ni Phares, (AW)na ipinanganak ni Thamar kay Juda, sa binhi na ibibigay ng Panginoon sa iyo sa batang babaing ito.

Si Ruth ay naging asawa ni Booz at ang naging anak ay si Obed.

13 Sa gayo'y kinuha ni Booz si (AX)Ruth, at siya'y naging kaniyang asawa; at siya'y sumiping sa kaniya, at pinapaglihi ng (AY)Panginoon, at siya'y nanganak ng isang lalake.

14 At sinabi ng mga (AZ)babae kay Noemi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon na hindi ka binayaan sa araw na ito, na mawalan ng isang malapit na kamaganak; at maging bantog nawa ang kaniyang pangalan sa Israel.

15 At siya'y magiging sa iyo ay isang tagapagsauli ng buhay, at tagapagkandili sa iyong katandaan: sapagka't ang inyong manugang na nagmamahal sa iyo, ay nagkaanak sa kaniya, at siya'y (BA)mahigit pa sa iyo kay sa pitong anak.

16 At kinuha ni Noemi ang bata, at inihilig sa kaniyang kandungan, at siya'y naging yaya.

17 At nilagyan ng pangalan ng mga babaing kaniyang (BB)kapitbahay, na sinasabi, May isang lalake na ipinanganak kay Noemi; at tinawag nila ang pangalan niya na Obed; siya ang ama ni Isai, na ama ni David.

18 Ito nga ang mga lahi ni Phares: naging anak ni (BC)Phares si Hesron;

19 At naging anak ni Hesron si Ram, at naging anak ni Ram si Aminadab;

20 At naging anak ni Aminadab si Nahason, at naging anak ni Nahason si Salmon:

21 At naging anak ni Salmon si Booz, at naging anak ni Booz si Obed;

22 At naging anak ni Obed si Isai, at naging anak ni Isai si David.

Juan 4:43-54

43 At pagkaraan ng (A)dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea.

44 Sapagka't si (B)Jesus din ang nagpatotoo, na ang isang propeta ay walang kapurihan sa kaniyang sariling lupain.

45 Kaya nang siya'y dumating sa Galilea, ay tinanggap (C)siya ng mga Galileo, (D)nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan: sapagka't sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan.

46 Naparoon ngang muli (E)siya sa Cana ng Galilea, na doo'y kaniyang pinapaging alak ang tubig. At naroroon ang isang mahal na tao, na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum.

47 Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea, ay naparoon siya sa kaniya, at ipinamanhik sa kaniya na siya'y lumusong, at pagalingin ang kaniyang anak na lalake; sapagka't siya'y naghihingalo.

48 Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, (F)Malibang kayo'y mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ay hindi kayo magsisipaniwala sa anomang paraan.

49 Ang mahal na tao ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking anak.

50 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Yumaon ka ng iyong lakad; buhay ang anak mo. Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus, at siya'y yumaon sa kaniyang lakad.

51 At samantalang siya'y lumulusong, ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin, na nangagsasabi, na ang kaniyang anak ay buhay.

52 Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya'y pasimulan ng paggaling. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat.

53 Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan.

54 (G)Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus, nang siya'y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea.

Mga Awit 105:16-36

16 (A)At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain;
Kaniyang binali ang buong (B)tukod ng tinapay.
17 (C)Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila;
(D)Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18 Ang kaniyang mga paa (E)ay sinaktan nila ng mga pangpangaw;
Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19 Hanggang sa panahon na nangyari ang (F)kaniyang salita;
Tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20 (G)Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya;
Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21 (H)Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay,
At pinuno sa lahat niyang pagaari:
22 (I)Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan,
At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
23 (J)Si Israel naman ay nasok sa Egipto;
At si Jacob ay nakipamayan sa (K)lupain ng Cham.
24 (L)At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan,
At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25 (M)Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan,
Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26 (N)Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod,
At si Aaron na kaniyang hirang.
27 (O)Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda,
At mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim;
At sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig,
At pinatay ang kanilang mga isda.
30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka,
Sa mga silid ng kanilang mga hari.
31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw,
At kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
32 (P)Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso,
At liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos;
At binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
34 (Q)Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating,
At ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain,
At kinain ang bunga ng kanilang lupa.
36 (R)Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain,
Ang puno ng lahat nilang kalakasan.

Mga Kawikaan 14:26-27

26 Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala:
At ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
27 (A)Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan,
Upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978