Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Samuel 15-16

Ang Amalec ay pinuksa. Pagsuway ni Saul.

15 At sinabi ni Samuel kay Saul, (A)Sinugo ako ng Panginoon upang pahiran kita ng langis na maging hari sa kaniyang bayan, sa Israel: ngayon nga'y dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, (B)kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto.

Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na (C)lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi patayin mo ang lalake at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.

At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.

At dumating si Saul sa bayan ng Amalec, at bumakay sa libis.

At sinabi ni Saul sa mga (D)Cineo, Kayo'y magsiyaon, humiwalay kayo at umalis kayo sa gitna ng mga Amalecita, baka kayo'y lipulin kong kasama nila; (E)sapagka't kayo'y nagpakita ng kagandahang loob sa mga anak ni Israel, nang sila'y umahong mula sa Egipto. Sa gayo'y umalis ang mga Cineo sa gitna ng mga Amalecita.

At sinaktan ni Saul ang mga Amalecita mula sa Havila kung patungo ka sa (F)Shur, na nasa tapat ng Egipto.

At kaniyang kinuhang buhay si Agag na hari ng mga Amalecita, (G)at lubos na nilipol ang buong bayan ng talim ng tabak.

Nguni't (H)pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag, at ang pinakamabuti sa mga tupa, sa mga baka, at sa mga pinataba, at sa mga kordero, at lahat ng mabuti, at yaong mga hindi nila lubos na nilipol: nguni't bawa't bagay na hamak at walang kabuluhan, ay kanilang lubos na nilipol.

10 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Samuel, na sinasabi,

11 (I)Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi.

12 At si Samuel ay bumangong maaga upang salubungin si Saul sa kinaumagahan; at nasaysay kay Samuel, na sinasabi, Si Saul ay (J)naparoon sa Carmel, at, narito, ipinagtayo niya siya ng isang monumento, at siya'y lumibot at nagpatuloy, at lumusong sa Gilgal.

13 At naparoon si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kaniya, (K)Pagpalain ka nawa ng Panginoon, aking tinupad ang utos ng Panginoon.

14 At sinabi ni Samuel, Anong kahulugan nga nitong iyak ng tupa sa aking pakinig, at ng ungal ng mga baka na aking naririnig?

15 At sinabi ni Saul, Sila'y dinala mula sa mga Amalecita: (L)sapagka't ang bayan ay nagligtas ng pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ihain sa Panginoon mong Dios; at ang natira ay aming lubos na nilipol.

16 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel kay Saul, Tumigil ka, at aking sasaysayin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin nang gabing ito. At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo.

17 At sinabi ni Samuel, (M)Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At pinahiran ka ng langis ng Panginoon na maging hari sa Israel;

18 At sinugo ka ng Panginoon sa isang paglalakbay, at sinabi, Ikaw ay yumaon, at iyong lubos na lipulin ang mga makasalanang Amalecita, at labanan mo sila hanggang sa sila'y malipol.

19 Bakit nga hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, kundi ikaw ay (N)dumaluhong sa pananamsam, at ikaw ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon?

20 At sinabi ni Saul kay Samuel, Oo, aking sinunod ang tinig ng Panginoon, at ako'y yumaon sa daan na pinagsuguan sa akin ng Panginoon, at aking dinala si Agag na hari ng Amalec, at aking lubos na nilipol ang mga Amalecita.

21 Nguni't ang bayan ay kumuha sa samsam ng mga tupa at mga baka, ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay, upang ihain sa Panginoon mong Dios sa Gilgal.

22 At sinabi ni Samuel, (O)Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, (P)ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.

23 Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay (Q)kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari.

24 At sinabi ni Saul kay Samuel, Ako'y nagkasala; sapagka't (R)ako'y sumalangsang sa utos ng Panginoon, at sa iyong mga salita; sapagka't ako'y natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang tinig.

25 Ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, ipatawad mo ang aking kasalanan, at bumalik ka uli na kasama ko, upang ako'y sumamba sa Panginoon.

26 At sinabi ni Samuel kay Saul, Hindi ako babalik na kasama mo; (S)sapagka't iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, at itinakuwil ka ng Panginoon upang huwag ka nang maging hari sa Israel.

27 At nang pumihit si Samuel upang yumaon, (T)siya'y pumigil sa laylayan ng kaniyang balabal, at nahapak.

28 At sinabi ni Samuel sa kaniya, Hinapak sa iyo (U)ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at ibinigay sa iyong kapuwa, na maigi kay sa iyo.

29 At ang Lakas ng Israel naman ay (V)hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagka't siya'y hindi isang tao na magsisisi.

30 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Ako'y nagkasala: gayon ma'y parangalan mo ako ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel, at (W)bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Dios.

31 Gayon bumalik uli na sumunod si Samuel kay Saul; at sumamba si Saul sa Panginoon.

Pinatay si Agag.

32 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalecita. At masayang naparoon si Agag sa kaniya. At sinabi ni Agag, Tunay na ang kapaitan ng kamatayan ay nakaraan na.

33 At sinabi ni Samuel, (X)Kung paanong niwalan ng anak ng iyong tabak ang mga babae, ay magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak, sa gitna ng mga babae. At pinagputolputol ni (Y)Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa (Z)Gilgal.

34 Nang magkagayo'y naparoon si Samuel sa (AA)Rama, at si Saul ay sumampa sa kaniyang bahay sa (AB)Gabaa ni Saul.

35 At si Samuel ay hindi na bumalik na napakitang muli kay Saul hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan; (AC)sapagka't tinangisan ni Samuel si Saul: at ang Panginoon ay (AD)nagdamdam na kaniyang nagawang hari si Saul sa Israel.

Si Samuel ay pinaparoon kay Isai.

16 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, (AE)Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang (AF)aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel? (AG)Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Beth-lehemita: (AH)sapagka't ako'y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari.

At sinabi ni Samuel, Paanong ako'y paroroon? Kung mabalitaan ni Saul, ay kaniyang papatayin ako. At sinabi ng Panginoon, Magdala ka ng isang dumalagang baka, at iyong sabihin, Ako'y naparito (AI)upang maghain sa Panginoon.

At tawagin mo si Isai sa paghahain (AJ)at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; (AK)at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin.

At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem. At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, Naparirito ka bang (AL)may kapayapaan?

At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: (AM)magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain.

Si David ay binuhusan ng langis.

At nangyari, nang sila'y dumating na siya'y tumingin kay (AN)Eliab, at nagsabi, Tunay na ang pinahiran ng Panginoon ay nasa harap niya.

Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang (AO)mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: (AP)sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.

Nang magkagayo'y tinawag ni Isai si (AQ)Abinadab, at pinaraan niya sa harap ni Samuel. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.

Nang magkagayo'y pinaraan ni Isai si (AR)Samma. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.

10 At pinaraan ni Isai ang pito sa kaniyang mga anak sa harap ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Isai, Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito.

11 At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, (AS)Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.

12 At siya'y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga'y (AT)may mapulang pisngi, (AU)may magandang bikas, at mabuting anyo. (AV)At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka't ito nga.

13 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at (AW)ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.

Si David ay hinirang upang maging hari.

14 (AX)Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul, at isang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay (AY)bumagabag sa kaniya.

15 At sinabi ng mga bataan ni Saul sa kaniya, Narito ngayon, isang masamang espiritu na mula sa Dios ay bumabagabag sa iyo.

16 Iutos ngayon ng aming panginoon sa iyong mga bataan na nasa harap mo na humanap ng isang lalake na bihasang manunugtog ng alpa; at mangyayari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay nasa iyo na (AZ)siya'y tutugtog ng kaniyang kamay at ikaw ay bubuti.

17 At sinabi ni Saul sa kaniyang mga bataan, Ipaghanda ninyo ako ngayon ng isang lalake na makatutugtog na mabuti, at dalhin ninyo sa akin siya.

18 Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa mga bataan, at nagsabi, Narito, aking nakita ang isang anak ni Isai na Beth-lehemita, na bihasa sa panunugtog, (BA)at makapangyarihang lalake na may tapang, at lalaking mangdidigma, at matalino sa pananalita, at makisig na lalake, (BB)at ang Panginoon ay sumasa kaniya.

19 Kaya't nagsugo si Saul ng mga sugo kay Isai, at sinabi, (BC)Suguin mo sa akin si David na iyong anak, na nasa kawan ng mga tupa.

20 At kumuha si Isai ng (BD)isang asno na may pasang tinapay, at isang balat ng alak, at isang anak ng kambing, at ipinadala kay Saul sa pamamagitan ni David na kaniyang anak.

21 At dumating si David kay Saul at (BE)tumayo sa harap niya: at minahal niya siyang mainam; at siya'y naging tagadala ng sandata niya.

22 At nagpasabi si Saul kay Isai, Isinasamo ko sa iyo na bayaang tumayo si David sa harapan ko, sapagka't siya'y nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.

23 At nangyari, pagka ang (BF)masamang espiritu na mula sa Dios ay sumasa kay Saul, ay kinukuha ni David ang alpa, at tinutugtog ng kaniyang kamay: gayon nagiginhawahan si Saul, at bumubuti, at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kaniya.

Juan 8:1-20

Datapuwa't si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo.

At (A)pagka umaga ay nagbalik siya sa templo, at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya; at siya'y (B)naupo, at sila'y tinuruan.

At dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya; at nang mailagay siya sa gitna,

Ay sinabi nila sa kaniya, Guro, nahuli ang babaing ito sa kasalukuyan ng pangangalunya.

Sa kautusan nga ay (C)ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan: ano nga ang iyong sabi tungkol sa kaniya?

At ito'y kanilang sinabi, na siya'y sinusubok, upang sa kaniya'y may maisumbong sila. Datapuwa't yumuko si Jesus, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa.

Datapuwa't nang sila'y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila'y sinabi, (D)Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang (E)bumato sa kaniya.

At muli siyang yumuko, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa.

At sila, nang ito'y kanilang marinig, ay (F)nagsialis na isa-isa, na nagpasimula sa katandatandaan, hanggang sa kahulihulihan: at iniwang magisa si Jesus at ang babae, sa kinaroroonan nito, sa gitna.

10 At umunat si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Babae, saan sila nangaroroon? wala bagang taong humatol sa iyo?

11 At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y (G)huwag ka nang magkasala.

12 Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, (H)Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.

13 Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo ka sa iyong sarili; hindi totoo ang patotoo mo.

14 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, (I)Bagama't ako'y nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagka't nalalaman ko (J)kung saan ako nanggaling, at (K)kung saan ako paroroon; datapuwa't (L)hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon.

15 Nagsisihatol kayo ayon sa laman; (M)ako'y hindi humahatol sa kanino mang tao.

16 Oo, at kung ako'y humahatol, ang hatol ko'y totoo; sapagka't (N)hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin.

17 Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, (O)na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo.

18 Ako ang nagpapatotoo sa akin din, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin.

19 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, (P)Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: (Q)kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama.

20 Sinalita niya ang mga salitang ito sa (R)dakong kabang-yaman, nang nagtuturo siya sa templo: at (S)walang taong humuli sa kaniya; sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras.

Mga Awit 110

Awit ni David.

110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
(F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.
Ang Panginoon (K)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (L)sa kaarawan ng kaniyang poot.
Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(M)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
Siya'y iinom (N)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.

Mga Kawikaan 15:8-10

(A)Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't iniibig niya (B)ang sumusunod sa katuwiran.
10 May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad:
At (C)siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978