Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Samuel 5-7

Ang kaban sa bahay ni Dagon.

Kinuha nga ng mga Filisteo ang kaban ng Dios, at kanilang dinala sa (A)Asdod mula sa (B)Eben-ezer.

At kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Dios at ipinasok sa bahay ni Dagon, at inilagay sa tabi ni (C)Dagon.

At nang bumangong maaga ang mga taga Asdod ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay (D)buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon. At kanilang kinuha si Dagon, at inilagay siya uli sa dako niyang kinaroroonan.

At nang sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon; (E)at ang ulo ni Dagon at gayon din ang mga palad ng kaniyang mga kamay ay putol na nasa tayuan ng pintuan; ang katawan lamang ang naiwan sa kaniya.

Kaya't ang mga saserdote man ni Dagon, o ang sinomang nanasok sa bahay ni Dagon, ay hindi itinutungtong ang paa sa tayuan ng pintuan ni Dagon sa Asdod, hanggang sa araw na ito.

Ang mga bayan ng Filisteo ay pinarusahan.

Nguni't (F)ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod, at mga (G)ipinahamak niya, at mga sinaktan ng mga (H)bukol, sa makatuwid baga'y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon.

At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon, ay kanilang sinabi, Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin; sapagka't ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin, at kay Dagon ating dios.

Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga (I)pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi, Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel? At sila'y sumagot, Dalhin sa (J)Gath ang kaban ng Dios ng Israel. At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel.

At nangyari, na pagkatapos na kanilang madala, (K)ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa bayan, na nagkaroon ng malaking pagkalito: at sinaktan niya ang mga tao sa bayan, ang maliit at gayon din ang malaki; at mga bukol ay sumibol sa kanila.

10 Sa gayo'y kanilang ipinadala ang kaban ng Dios sa (L)Ecron. At nangyari, pagdating ng kaban ng Dios sa Ecron, na ang mga Ecronita ay sumigaw, na nagsasabi, Kanilang dinala sa atin ang kaban ng Dios ng Israel, upang patayin tayo at ang ating bayan.

11 Pinasuguan nga nilang magpipisan ang lahat ng pangulo ng mga Filisteo, at kanilang sinabi, Ipadala ninyo ang kaban ng Dios ng Israel, at ipabalik ninyo sa kaniyang sariling dako, upang huwag kaming patayin at ang aming bayan. Sapagka't nagkaroon ng panglitong ikamamatay sa buong bayan: (M)ang kamay ng Dios ay totoong bumigat doon.

12 At ang mga lalaking hindi namatay ay nasaktan ng mga bukol; at ang daing ng bayan ay umabot sa langit.

Ang kaban ay isinauli na may kasamang handog.

At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan.

At (N)tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula, na sinasabi, Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako.

At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay (O)huwag ninyong ipadalang walang laman; (P)kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo'y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo.

Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong (Q)dagá (R)ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.

Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol, at mga larawan ng inyong mga daga na (S)sumira ng lupain, (T)at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel: (U)baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay (V)sa inyo, at sa inyong mga dios, at sa inyong lupain.

Bakit nga ninyo pinapagmamatigas ang inyong puso, na (W)gaya ng mga taga Egipto at ni Faraon na pinapagmatigas ang kanilang puso? Nang siya'y makagawa ng kahangahanga sa kanila, di ba nila pinayaon ang bayan, at sila'y yumaon?

(X)Ngayon nga'y kumuha kayo at maghanda kayo ng isang bagong karo, (Y)at dalawang bagong bakang gatasan, na hindi napatungan ng pamatok; at ikabit ninyo ang mga baka sa karo, at iuwi ninyo ang kanilang mga guya.

At kunin ninyo ang kaban ng Panginoon, at isilid ninyo sa karo; at isilid ninyo sa isang kahang nasa tabi niyaon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kaniya na pinakahandog dahil sa pagkakasala; at inyong ipadala upang yumaon.

At tingnan ninyo; kung umahon sa daan ng kaniyang sariling hangganan sa (Z)Beth-semes, ginawa nga niya sa atin ang malaking kasamaang ito: nguni't kung hindi, malalaman nga natin na hindi kaniyang kamay ang nanakit sa atin; isang pagkakataong nangyari sa atin.

10 At ginawang gayon ng mga lalake, at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan, at mga ikinabit sa karo, at kinulong ang kanilang mga guya sa bahay:

11 At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo, at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol.

12 At tinuwid ng mga baka ang daan sa Beth-semes; sila'y nagpatuloy sa (AA)lansangan, na umuungal habang yumayaon, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa; at ang mga pangulo ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Beth-semes.

13 At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis: at kanilang itiningin ang kanilang mga mata, at nakita ang kaban, at nangagalak sa pagkakita niyaon.

14 At ang karo ay pumasok sa bukid ni Josue na Beth-semita, at tumayo roon, sa kinaroroonan ng isang malaking bato: at kanilang biniyak ang kahoy ng karo, at inihandog sa Panginoon ang mga baka na pinakahandog na susunugin.

15 At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon, at ang kaha na kasama niyaon, na may silid na mga hiyas na ginto, at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa (AB)Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon.

16 At nang (AC)makita ng limang pangulo ng mga Filisteo, ay bumalik sa (AD)Ecron nang araw ding yaon.

17 At ito ang mga bukol na ginto na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon na pinakahandog dahil sa pagkakasala: sa (AE)Asdod ay isa, sa (AF)Gaza ay isa, sa (AG)Ascalon ay isa, sa (AH)Gath ay isa, sa Ecron ay isa;

18 At ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo, ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga (AI)nayon sa parang; sa makatuwid baga'y hanggang sa (AJ)malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon, na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita.

19 At sumakit ang (AK)Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay.

20 At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi, (AL)Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na (AM)Dios? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin?

21 At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa (AN)Chiriath-jearim, na nagsasabi, Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo.

Ang kaban ay dinala sa Chiriath-jearim.

At ang mga lalake sa (AO)Chiriath-jearim ay nagsiparoon, at iniahon ang kaban ng Panginoon, at dinala sa bahay ni (AP)Abinadab sa burol, at pinapagbanal si Eleazar na kaniyang anak, upang ingatan ang kaban ng Panginoon.

At nangyari, mula nang araw na itahan ang kaban sa Chiriath-jearim, na ang panahon ay nagtatagal; sapagka't naging dalawang pung taon; at ang buong sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon.

At nagsalita si Samuel sa buong sangbahayan ng Israel, na nagsasabi, Kung kayo'y babalik sa Panginoon (AQ)ng buo ninyong puso ay (AR)inyo ngang alisin sa inyo ang mga dios na iba, at ang mga (AS)Astaroth, at ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon, at sa kaniya lamang kayo (AT)maglingkod; at ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo.

Nang magkagayo'y inalis ng mga anak ni Israel ang mga (AU)Baal at ang mga Astaroth, at sa Panginoon lamang naglingkod.

Nanagumpay si Samuel laban sa Filisteo.

At sinabi ni Samuel, Pisanin ninyo ang buong Israel sa (AV)Mizpa at (AW)idadalangin ko kayo sa Panginoon.

At sila'y nagtitipon sa Mizpa, at (AX)nagsiigib ng tubig, at ibinuhos sa harap ng Panginoon, at (AY)nagsipagayuno nang araw na yaon, at nangagsabi, Kami ay nangagkasala (AZ)laban sa Panginoon. At naghukom si Samuel sa mga anak ni Israel sa Mizpa.

At nang mabalitaan ng mga Filisteo na ang mga anak ni Israel ay nagtitipon sa Mizpa, nagsiahon laban sa Israel ang mga pangulo ng mga Filisteo. At nang mabalitaan ng mga anak ni Israel, ay nangatakot sa mga Filisteo.

At sinabi ng mga anak ni Israel kay Samuel, Huwag kang tumigil ng kadadalangin sa Panginoon nating Dios, ng dahil sa atin, upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo.

At kumuha si Samuel ng isang korderong pasusuhin, at inihandog na pinaka buong handog na susunugin (BA)sa Panginoon: at dumaing si Samuel sa Panginoon dahil sa Israel; at ang Panginoon ay sumagot sa kaniya.

10 At samantalang si Samuel ay naghahandog ng handog na susunugin, ay lumapit ang mga Filisteo upang makipagbaka laban sa Israel; (BB)nguni't ang Panginoon ay nagpakulog ng isang malakas na kulog nang araw na yaon sa mga Filisteo, at nilito sila; at (BC)sila'y nangabuwal sa harap ng Israel.

11 At ang mga lalake sa Israel ay nagsilabas sa Mizpa, at hinabol ang mga Filisteo, at sinaktan sila, hanggang sa nagsidating sila sa Beth-car.

12 Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng (BD)isang bato, at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen, at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer,[a] na sinasabi, Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon.

13 Sa gayo'y nagsisuko (BE)ang mga Filisteo, at (BF)hindi na sila pumasok pa sa hangganan ng Israel: at (BG)ang kamay ng Panginoon ay laban sa Filisteo lahat ng mga araw ni Samuel.

14 At ang mga bayan na sinakop ng mga Filisteo sa Israel ay nasauli sa Israel, mula sa (BH)Ecron hanggang sa (BI)Gath; at ang mga hangganan niyaon ay pinapaging laya ng Israel sa kamay ng mga Filisteo. At nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng mga (BJ)Amorrheo.

15 At hinatulan ni Samuel ang Israel lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.

16 At siya'y naparoon na lumigid taon-taon sa Beth-el, at sa Gilgal, at sa Mizpa; at hinatulan niya ang Israel sa lahat ng mga dakong yaon.

17 At ang kaniyang balik ay sa (BK)Rama, sapagka't nandoon ang kaniyang bahay; at doo'y hinatulan niya ang Israel: at siya'y (BL)nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon.

Juan 6:1-21

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay (A)naparoon si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, na siyang dagat ng Tiberias.

At sumusunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, sapagka't kanilang nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga maysakit.

At umahon si Jesus sa (B)bundok, at doo'y naupo siya na kasama ng kaniyang mga alagad.

Malapit na nga ang (C)paskua, na pista ng mga Judio.

Itinanaw nga ni Jesus ang kaniyang mga mata, at pagkakita na ang lubhang maraming tao'y lumalapit sa kaniya, ay sinabi kay (D)Felipe, Saan tayo magsisibili ng tinapay, upang mangakakain ang mga ito?

At ito'y sinabi niya upang siya'y subukin: sapagka't nalalaman niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.

Sumagot si Felipe sa kaniya, Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay, upang makakain ng kaunti ang bawa't isa.

Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, (E)si Andres, na kapatid ni Simon Pedro,

May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa't gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan?

10 Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya't nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang.

11 Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay; at (F)nang makapagpasalamat, ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila.

12 At nang sila'y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang.

13 Kaya't kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.

14 Kaya't nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, Totoong ito nga (G)ang propeta na paririto sa sanglibutan.

15 (H)Nang mapaghalata nga ni Jesus na sila'y magsisilapit at siya'y agawin, upang siya'y gawing hari, ay muling nagbalik sa bundok na nagiisa.

16 At nang kinahapunan, ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat;

17 At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa (I)Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus.

18 At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip.

19 Nang sila nga'y mangakagaod na ng may (J)dalawangpu't lima o tatlongpung (K)estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan.

20 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot.

21 Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong: at pagdaka'y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa.

Mga Awit 106:13-31

13 (A)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (B)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (C)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (D)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (E)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (F)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (G)Sila'y nagsigawa ng guya (H)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (I)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (J)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (K)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(L)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (M)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (N)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (O)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(P)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.

Mga Kawikaan 14:32-33

32 Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa:
Nguni't (A)ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan.
33 Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa:
Nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978