The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang Hasor ay nakuha at sinilab.
11 At nangyari nang mabalitaan ni (A)Jabin na hari sa (B)Hasor, na siya'y nagsugo kay Jobab na hari sa Madon, at sa hari sa Simron, at sa hari sa Achsaph,
2 At sa mga hari na nangasa hilagaan, sa lupaing maburol, at sa Araba sa timugan ng (C)Cinneroth at sa mababang lupain, at sa mga (D)kaitaasan ng Dor sa kalunuran,
3 Sa Cananeo sa silanganan at sa kalunuran at sa Amorrheo, at sa Hetheo, at sa Pherezeo, at sa (E)Jebuseo sa lupaing maburol, at sa (F)Heveo sa ibaba ng (G)Hermon, sa lupain ng (H)Mizpa.
4 At sila'y lumabas, sila at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, maraming tao, na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan, na may mga kabayo at mga karo na totoong marami.
5 At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan; at sila'y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom, upang makipaglaban sa Israel.
6 At sinabi ng Panginoon kay Josue, (I)Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagka't bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel: inyong (J)pipilayan ang kanilang mga kabayo, at sisilaban ng apoy ang kanilang mga (K)karo.
7 Sa gayo'y biglang naparoon si Josue, at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom, at dumaluhong sila sa kanila.
8 At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
9 At ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; kaniyang pinilayan ang kanilang mga kabayo, at sinilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
10 At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagka't ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon.
11 At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang lahat na tao na nandoon, na kanilang lubos na nilipol: walang naiwan na may hininga, at kaniyang sinilaban ng apoy ang Hasor.
12 At ang lahat ng mga bayan ng mga haring yaon at ang lahat ng mga hari ng mga yaon ay sinakop ni Josue, at sinugatan niya sila ng talim ng tabak at lubos na nilipol sila; (L)gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.
13 Nguni't tungkol sa mga bayang natatayo sa kanilang mga bunton, ay walang sinunog ang Israel sa mga yaon, liban sa Hasor lamang, na sinunog ni Josue.
14 At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; nguni't ang bawa't tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga.
15 Kung paanong nagutos (M)ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod, ay (N)gayon nagutos si Moises kay Josue: (O)at gayon ang ginawa ni Josue; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
16 Sa gayo'y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon, ang (P)lupaing maburol, at ang buong Timugan, at ang buong (Q)lupain ng Gosen, at ang mababang lupain, at ang Araba, at ang lupaing maburol ng Israel, at ang mababang lupain niyaon;
17 Mula sa bundok ng Halac na paahon sa (R)Seir, hanggang sa Baalgad sa libis ng Libano sa ibaba ng (S)bundok Hermon: at kinuha niya ang lahat nilang hari, at sinaktan niya sila at ipinapatay niya sila.
18 Si Josue ay nakipagdigmang malaong panahon sa lahat ng mga haring yaon.
19 Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel, liban (T)ang mga Heveo na mga taga Gabaon: kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka.
20 Sapagka't (U)inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso, upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka, upang kanilang malipol silang lubos, na huwag silang magtamo ng biyaya, kundi kaniyang malipol sila, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
21 At naparoon si Josue nang panahong yaon at (V)nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa (W)Hebron, sa (X)Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.
22 Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa (Y)Gaza, sa (Z)Gath, at (AA)sa Asdod lamang, nagiwan siya ng ilan.
23 Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain (AB)ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises; at ibinigay ni (AC)Josue na pinakamana sa Israel, (AD)ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi. (AE)At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma.
Ang kabuoan ng pananagumpay ni Josue, at ang mga haring kaniyang tinalo.
12 Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel, at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa (AF)libis ng Arnon hanggang sa bundok ng (AG)Hermon, at ng buong Araba na dakong silanganan:
2 (AH)Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa (AI)Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog (AJ)Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;
3 At (AK)ang Araba hanggang sa dagat ng Cinneroth, na dakong silanganan, at hanggang sa dagat ng Araba, Dagat na Alat, na dakong silanganan, na daang patungo sa (AL)Beth-jesimoth; at sa timugan sa ilalim ng mga tagudtod ng Pisga:
4 At ang hangganan ni (AM)Og na hari sa Basan, sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa (AN)Astaroth at sa Edrei,
5 At nagpuno sa (AO)bundok ng Hermon, at sa (AP)Salca, at sa buong Basan, (AQ)hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo, at ng kalahati ng Galaad, na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon.
6 (AR)Sinaktan sila ni Moises na (AS)lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
7 At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na (AT)sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel (AU)ayon sa kanilang pagkakabahagi;
8 (AV)Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
9 Ang (AW)hari sa Jerico, isa; ang (AX)hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa;
10 Ang (AY)hari sa Jerusalem, isa; ang hari sa Hebron, isa.
11 Ang hari sa Jarmuth, isa; ang hari sa Lachis, isa;
12 Ang hari sa Eglon, isa; ang hari sa (AZ)Gezer, isa;
13 Ang hari sa Debir, isa; ang hari sa Geder, isa;
14 Ang hari sa Horma, isa; ang hari sa Arad, isa;
15 Ang (BA)hari sa Libna, isa; ang (BB)hari sa Adullam, isa;
16 Ang hari sa Maceda, isa; ang (BC)hari sa Beth-el, isa;
17 Ang hari sa Tappua, isa; ang (BD)hari sa Hepher, isa;
18 Ang hari sa Aphec, isa; ang (BE)hari sa Lasaron, isa;
19 Ang hari sa Madon, isa; ang hari sa Hasor, isa;
20 Ang hari sa Simron-meron, isa; ang hari sa Achsaph, isa;
21 Ang hari sa Taanach, isa; ang (BF)hari sa Megiddo, isa;
22 Ang hari sa Chedes, isa; ang hari sa Jocneam sa Carmel, isa;
23 Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang (BG)hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;
24 Ang (BH)hari sa Tirsa, isa; lahat ng hari ay tatlong pu't isa;
11 At nangyari, na (A)samantalang sila'y napapatungo sa Jerusalem, na siya'y nagdaraan sa mga hangganan ng (B)Samaria at (C)Galilea.
12 At sa pagpasok niya sa isang nayon, ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin, (D)na nagsitigil sa malayo:
13 At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin.
14 At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, (E)Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila.
15 At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig;
16 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano.
17 At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam?
18 Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa?
19 At sinabi niya sa kaniya, (F)Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya.
20 At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, (G)kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita:
21 Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay (H)nasa loob ninyo.
22 At sinabi niya sa mga alagad, (I)Darating ang mga araw, na hahangarin ninyong (J)makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, at hindi ninyo makikita.
23 At sasabihin nila sa inyo, (K)Naririyan! Naririto! huwag kayong magsisiparoon, ni magsisisunod man sa kanila:
24 Sapagka't gaya (L)ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa (M)kaniyang kaarawan.
25 Datapuwa't (N)kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.
26 At kung paano ang nangyari (O)sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.
27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.
28 Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay.
29 Datapuwa't nang araw (P)na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat:
30 Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.
31 Sa araw na yaon, (Q)ang mapapasa bubungan, at nasa bahay ng kaniyang mga pagaari, ay huwag silang manaog upang kunin: at ang nasa bukid ay gayon din, huwag siyang umuwi.
32 Alalahanin ninyo (R)ang asawa ni Lot.
33 Sinomang (S)nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon.
34 Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
35 Magkasamang gigiling (T)ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan.[a]
37 At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa kanila, (U)Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.
84 Kay (A)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
2 (B)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
3 Oo, (C)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
4 (D)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (E)palagi. (Selah)
5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6 Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 (F)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (G)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9 Masdan mo, (H)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (I)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (J)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(K)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(L)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.
5 Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling:
Nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.
6 Bumabantay (A)ang katuwiran sa matuwid na lakad;
Nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978