The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Ang tipan ay inulit sa Sichem.
24 At pinisan ni Josue ang lahat ng mga lipi ng Israel sa (A)Sichem, at (B)tinawag ang mga matanda ng Israel at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga (C)pinuno; at sila'y (D)nagsiharap sa Dios.
2 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (E)Ang inyong mga magulang ay tumahan nang unang panahon sa dako roon ng Ilog, na dili iba't si Thare, na ama ni Abraham at ama ni Nachor: at sila'y naglingkod sa ibang mga dios.
3 At (F)kinuha ko ang inyong amang si Abraham mula sa dako roon ng Ilog at pinatnubayan ko siya sa buong lupain ng Canaan, at pinarami ko ang kaniyang binhi (G)at ibinigay ko sa kaniya si Isaac.
4 At ibinigay ko kay Isaac si (H)Jacob at si Esau: at ibinigay ko kay (I)Esau ang bundok ng Seir upang ariin; (J)at si Jacob at ang kaniyang mga anak ay bumabang pumasok sa Egipto.
5 At (K)aking sinugo si Moises at si Aaron, at (L)sinalot ko ang Egipto, ayon sa aking ginawa sa gitna niyaon: at pagkatapos ay inilabas ko kayo.
6 At (M)inilabas ko ang inyong mga magulang sa Egipto: at kayo'y (N)naparoon sa dagat; at hinabol (O)ng mga taga Egipto ang inyong mga magulang, ng mga karo at ng mga nangangabayo hanggang sa Dagat na Mapula.
7 At nang sila'y dumaing sa Panginoon (P)ay nilagyan niya ng kadiliman ang pagitan ninyo at ang mga taga Egipto, (Q)at itinabon ang dagat sa kanila, at tinakpan sila; at nakita ng (R)inyong mga mata kung ano ang aking ginawa sa Egipto at kayo'y tumahan sa ilang na malaon.
8 At ipinasok ko kayo sa lupain ng mga Amorrheo, na tumatahan sa dako roon ng Jordan, (S)at sila'y nakipagbaka sa inyo; at ibinigay ko sila sa inyong kamay, at inyong inari ang kanilang lupain: at nilipol ko sila sa harap ninyo.
9 (T)Nang magkagayo'y tumindig si Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab, at dumigma laban sa Israel; at (U)siya'y nagsugo at tinawag si Balaam na anak ni Beor, upang sumpain kayo:
10 Nguni't hindi ko dininig si Balaam; (V)kaya't binasbasan nga niya kayo: gayon iniligtas ko kayo sa kaniyang kamay.
11 (W)At kayo'y tumawid sa Jordan at dumating sa Jerico: at (X)ang mga tao sa Jerico ay nakipaglaban sa inyo, ang Amorrheo, at ang Pherezeo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Gergeseo, ang Heveo, at ang Jebuseo, at ibinigay ko sila sa inyong kamay.
12 At (Y)sinugo ko ang malalaking putakti sa unahan ninyo, na siyang nagtaboy sa kanila sa harap ninyo, sa makatuwid baga'y sa dalawang hari ng mga Amorrheo: (Z)hindi sa pamamagitan ng inyong tabak, ni ng inyong busog.
13 At aking binigyan kayo ng lupain na hindi ninyo binukid, at (AA)ng mga bayang hindi ninyo itinayo, at inyong tinatahanan; at mga ubasan at mga olibohan na hindi ninyo itinanim ay inyong kinakain.
14 Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong (AB)alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at (AC)sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.
15 At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay (AD)piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang (AE)dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: (AF)nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.
16 At ang bayan ay sumagot at nagsabi, Malayo nawa sa amin na aming pabayaan ang Panginoon sa paglilingkod sa ibang mga dios:
17 Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay siyang nagsampa sa atin at sa ating mga magulang mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang tandang yaon sa ating paningin, at iningatan tayo sa lahat ng daan na ating pinaroonan, at sa gitna ng lahat ng mga bayan na ating dinaanan:
18 At itinaboy ng Panginoon sa harap natin ang lahat ng mga bayan, ang mga Amorrheo na tumahan sa lupain: kaya't kami ay maglilingkod din sa Panginoon; sapagka't siya'y ating Dios.
19 At sinabi ni Josue sa bayan, (AG)Kayo'y hindi makapaglilingkod sa Panginoon; sapagka't (AH)siya'y isang banal na Dios; siya'y (AI)mapanibughuing Dios; hindi niya ipatatawad ang inyong pagsalangsang ni ang inyong mga kasalanan.
20 Kung inyong pabayaan ang Panginoon, at maglingkod sa ibang mga dios: ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti.
21 At sinabi ng bayan kay Josue, Hindi: kundi kami ay maglilingkod sa Panginoon.
22 At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y mga saksi laban sa inyong sarili (AJ)na inyong pinili sa inyo ang Panginoon, upang paglingkuran siya. At sinabi nila, Kami ay mga saksi.
23 (AK)Ngayon nga'y alisin ninyo, sabi niya, ang ibang mga dios na nasa gitna ninyo at ikiling ninyo ang inyong puso sa Panginoon, na Dios ng Israel.
24 At sinabi ng bayan kay Josue, Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang kaniyang tinig ay aming didinggin.
25 Sa gayo'y nakipagtipan si (AL)Josue sa bayan nang araw na yaon, at nilagdaan niya sila ng palatuntunan at ng ayos sa Sichem.
26 At (AM)sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios; at siya'y kumuha ng malaking bato, (AN)at inilagay (AO)sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon.
27 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Narito, ang (AP)batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagka't (AQ)narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakuwil ang inyong Dios.
28 Sa gayo'y (AR)pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawa't isa sa kaniyang mana.
Ang kamatayan ni Josue.
29 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Josue, na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon, ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang.
30 At inilibing nila siya sa hangganan ng kaniyang mana sa (AS)Timnathsera, na nasa lupaing maburol ng Ephraim sa hilagaan ng bundok ng Gaas.
31 At naglingkod ang Israel sa Panginoon sa (AT)lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue at (AU)nakilala ang lahat na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.
Ibinaon ang butó ni Jose; kamatayan ni Eleazar.
32 At ang mga butó ni Jose, na isinampa ng mga anak ni Israel mula sa Egipto ay (AV)inilibing nila sa Sichem, sa putol ng lupa (AW)na binili ni Jacob sa mga anak ni Hemor na ama ni Sichem ng isang daang putol na salapi: at mga naging mana ng mga anak ni Jose.
33 At namatay si Eleazar na anak ni Aaron; at inilibing nila siya sa burol ni (AX)Phinees na kaniyang anak na nabigay sa kaniya sa (AY)lupaing maburol ng Ephraim.
21 At siya'y tumunghay, at (A)nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabang-yaman.
2 At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng (B)dalawang lepta.
3 At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat.
4 Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.
5 At samantalang sinasalita (C)ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi,
6 Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, (D)na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.
7 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?
8 At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: (E)sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila.
9 At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi (F)pa malapit ang wakas.
10 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian;
11 At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.
12 Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin (G)kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at (H)sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.
13 Ito'y magiging patotoo (I)sa inyo.
14 Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, (J)na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:
15 Sapagka't bibigyan ko kayo ng (K)isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.
16 Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo.
17 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.
18 At hindi mawawala kahit (L)isang buhok ng inyong ulo.
19 Sa inyong (M)pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.
20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong (N)nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang (O)pagkawasak ay malapit na.
21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; (P)at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, (Q)upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
23 Sa aba ng mga nagdadalang-tao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.
24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at (R)yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, (S)hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;
26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.
27 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.
38 Nguni't iyong (A)itinakuwil at tinanggihan,
Ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod:
(B)Iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
40 (C)Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod:
Iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya.
(D)Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway;
Iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak,
At hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan.
At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
45 (E)Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan:
Iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
46 (F)Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man?
Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
47 (G)Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon:
Sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan,
Na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)
49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob,
(H)Na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
50 (I)Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod;
Kung paanong taglay ko (J)sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon,
Na kanilang idinusta sa (K)mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
52 (L)Purihin ang Panginoon, magpakailan man.
Siya nawa, at Siya nawa.
20 Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas;
Nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.
21 (A)Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan;
Nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti.
22 Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak;
(B)At ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.
23 Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha:
Nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978