Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Hukom 4-5

Si Debora at si Barac ay nanagumpay kay Sisara.

At ginawa uli ng (A)mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, nang mamatay si Aod.

At (B)ipinagbili sila ng Panginoon sa kamay ni (C)Jabin na hari sa Canaan, na naghahari sa Asor; na ang puno sa hukbong yaon ay si (D)Sisara, na siyang tumatahan sa Haroseth ng mga bansa.

At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon: sapagka't siya'y may siyam na raan na (E)karong bakal; at dalawang pung taong (F)pinighati niyang mainam ang mga anak ni Israel.

Si Debora nga, na propetisa, asawa ni Lapidoth, ay naghukom sa Israel nang panahong yaon.

At siya'y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora, sa pagitan ng (G)Rama at Beth-el, sa lupaing (H)maburol ng Ephraim; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol.

At kaniyang ipinatawag si Barac, na anak ni Abinoam mula sa (I)Cedes-nephtali, at sinabi sa kaniya, Hindi ba ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagutos na sinasabi, Yumaon ka, at pumaroon ka sa bundok ng (J)Tabor, at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon?

At aking isusulong sa iyo sa (K)ilog Cison, si Sisara, na puno sa hukbo ni Jabin, pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan; at aking ibibigay siya sa iyong kamay.

At sinabi ni Barac sa kaniya, Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako: nguni't kung hindi ka sasama sa akin, ay hindi ako paroroon.

At kaniyang sinabi, Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma'y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan; sapagka't ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae. At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes.

10 At tinawag ni Barac ang (L)Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes; at doo'y umahon ang sangpung libong lalake na (M)kasunod niya: at si Debora ay umahong kasama niya.

11 Si Heber nga na (N)Cineo ay humiwalay sa mga Cineo, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni (O)Hobab, na biyanan ni Moises, at itinayo ang kaniyang tolda hanggang sa encina sa Zaananim, na nasa siping ng Cedes.

12 At kanilang isinaysay kay Sisara na si Barac na anak ni Abinoam ay umahon sa bundok ng Tabor.

13 At pinapagpisang magkakasama ni Sisara ang lahat niyang mga karo, na siyam na raang karong bakal, at ang buong bayan na kasama niya, mula sa Haroseth ng mga bansa hanggang sa ilog Cison.

14 At sinabi ni Debora kay Barac, Tumindig ka; sapagka't ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay: (P)hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo? Sa gayo'y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor, at sangpung libong lalake ang kasunod niya.

15 At nilansag ng (Q)Panginoon si Sisara, at lahat ng mga karo niya, at ang buong hukbo niya, ng talim ng tabak sa harap ni Barac; at lumunsad si Sisara sa kaniyang karo, at tumakas na tumakbo.

16 Nguni't hinabol ni Barac ang mga karo, at ang hukbo, hanggang sa Haroseth ng mga bansa: at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak; walang lalaking nalabi.

Pinatay ni Jael si Sisara.

17 Gayon ma'y tumakas si Sisara na tumakbo sa tolda ni Jael na asawa ni Heber na Cineo; sapagka't may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo.

18 At sinalubong ni Jael si Sisara, at sinabi sa kaniya, Lumiko ka, panginoon ko, lumiko ka rito sa akin: huwag kang matakot. At siya'y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda, at siya'y tinalukbungan niya ng isang banig.

19 At sinabi niya sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom; sapagka't ako'y nauuhaw. At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas, at pinainom niya siya, at tinakpan siya.

20 At sinabi ni Sisara sa kaniya, Tumayo ka sa pintuan ng tolda, at mangyayari, na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo, at magsasabi, May tao ba riyan? na iyong sasabihin, Wala.

21 Nang magkagayo'y kumuha si Jael na asawa ni Heber ng isang tulos ng tolda, at kumuha ng isang pamukpok sa kaniyang kamay at naparoong dahandahan sa kaniya, at itinusok ang tulos sa kaniyang pilipisan, at pinalagpasan siya hanggang sa lupa; sapagka't siya'y nakatulog ng mahimbing; sa gayo'y nanglupaypay siya at namatay.

22 At, narito, sa paraang (R)hinahabol ni Barac si Sisara, ay lumabas si Jael na sinalubong siya, at sinabi sa kaniya: Parito ka, at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap. At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, si Sisara ay nakabulagtang patay, at ang tulos ay nasa kaniyang ulo.

23 Gayon pinasuko ng Dios nang araw na yaon si Jabin na hari sa Canaan sa harap ng mga anak ni Israel.

24 At nanaig ang kamay ng mga anak ni Israel ng higit at higit laban kay Jabin na hari sa Canaan, hanggang sa naigiba nila si Jabin na hari sa Canaan.

Ang awit ni Debora.

Nang magkagayo'y (S)umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,

(T)Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel,
(U)Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa,
Purihin ninyo ang Panginoon.
(V)Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe;
Ako, ako'y aawit sa Panginoon,
Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel.
(W)Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir,
Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom,
(X)Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak,
Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig.
(Y)Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon,
Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
Sa mga kaarawan ni (Z)Samgar na anak ni Anat,
Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat,
At ang mga manglalakbay ay (AA)bumagtas sa mga lihis na landas.
Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat,
Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon,
Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.
(AB)Sila'y nagsipili ng mga bagong dios;
Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan:
(AC)May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?
Ang aking (AD)puso ay nasa mga gobernador sa Israel,
Na nagsihandog na kusa sa bayan;
Purihin ninyo ang Panginoon!
10 (AE)Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno,
Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag,
At ninyong nangagsisilakad sa daan.
11 Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig,
Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon,
Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel.
Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.
12 (AF)Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit:
Bumangon ka, Barac, at (AG)ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.
13 Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; (AH)Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan.
14 (AI)Sa Ephraim nangagmula silang nasa (AJ)Amalec ang ugat;
Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan;
Sa (AK)Machir nangagmula ang mga gobernador,
At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.
15 At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora;
Na kung paano si Issachar ay (AL)gayon si Barac,
Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan.
Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
16 Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa,
Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan?
Sa agusan ng tubig ng Ruben
Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
17 (AM)Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan:
(AN)At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig?
(AO)Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat,
At nanahan sa kaniyang mga daong.
18 (AP)Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay,
At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran.
19 Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban;
Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan,
Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo:
Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.
20 Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit,
Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.
21 (AQ)Tinangay sila ng ilog Cison,
Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison.
Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas.
22 Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo,
Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas.
23 Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon,
Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya;
(AR)Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong (AS)sa Panginoon,
Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.
24 Pagpalain sa lahat ng babae si Jael,
Ang asawa ni Heber na Cineo,
Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.
25 (AT)Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas;
Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.
26 Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos,
At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa;
At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo,
Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.
27 Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok:
Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal.
Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay.
28 Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw;
Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia:
Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating?
Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo?
29 Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya,
Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili,
30 Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam?
Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake;
Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay,
Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda,
Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran,
Na suot sa leeg ng mga bihag?
31 (AU)Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon:
Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay (AV)maging parang araw (AW)pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan.
(AX)At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.

Lucas 22:35-53

35 At sinabi niya sa kanila, (A)Nang kayo'y suguin ko na walang (B)supot ng salapi, at supot ng pagkain, at mga pangyapak, kinulang baga kayo ng anoman? At kanilang sinabi, Hindi.

36 At sinabi niya sa kanila, Nguni't ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayon din ang supot ng pagkain; at ang wala, ay ipagbili niya ang kaniyang balabal, at bumili ng isang tabak.

37 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, (C)At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may (D)katuparan.

38 At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na.

39 At siya'y lumabas, (E)at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.

40 At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya (F)sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso.

41 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,

42 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.

43 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.

44 At nang siya'y nanglulumo ay (G)nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.

45 At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,

46 At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon (H)kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.

47 (I)Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan.

48 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?

49 At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari, ay kanilang sinabi, Panginoon, magsisipanaga baga kami (J)ng tabak?

50 At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya.

51 Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggan dito. At (K)hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling.

52 At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote, at sa mga (L)punong kawal sa templo, at sa mga matanda, na nagsidating laban sa kaniya, Kayo'y nagsilabas, na tila laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas?

53 Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin; datapuwa't ito ang (M)inyong oras, at (N)ang kapangyarihan ng kadiliman.

Mga Awit 94

Tinawagan ang Panginoon upang ipaghiganti ang kaniyang bayan.

94 Oh Panginoon, ikaw na (A)Dios na kinauukulan ng panghihiganti,
Ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
Bumangon ka, (B)ikaw na hukom ng lupa:
Ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
Panginoon, (C)hanggang kailan ang masama,
Hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan:
Lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon,
At dinadalamhati ang iyong mana.
Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa,
At pinapatay ang ulila.
At (D)kanilang sinasabi, Ang Panginoo'y hindi makakakita,
Ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan:
At ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
(E)Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig?
Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10 (F)Siyang nagpaparusa sa mga bansa, (G)hindi ba siya sasaway,
Sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11 (H)Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao,
Na sila'y pawang walang kabuluhan.
12 (I)Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon,
At tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan,
(J)Hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
14 (K)Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan,
Ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran:
At susundan ng lahat na matuwid sa puso.
16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17 (L)Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong,
Ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
18 Nang aking sabihin, (M)Ang aking paa ay natitisod;
Inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko
Ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
20 Makikisama ba sa iyo ang luklukan (N)ng kasamaan,
Na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid,
At (O)pinarusahan nila ang walang salang dugo.
22 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog;
At ang Dios ko'y (P)malaking bato na aking kanlungan.
23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan,
At ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan;
Ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.

Mga Kawikaan 14:3-4

Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan:
Nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis:
Nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978