Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Nehemias 9:22-10:39

22 Binigyan(A) mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong ibinahagi sa kanila ang bawat sulok; kaya't kanilang inangkin ang lupain ni Sihon, na hari ng Hesbon, at ang lupain ni Og na hari ng Basan.

23 Pinarami(B) mo ang kanilang mga anak gaya ng mga bituin sa langit, at dinala mo sila sa lupain na iyong sinabi sa kanilang mga ninuno na pasukin at angkinin.

24 Kaya't(C) ang taong-bayan ay pumasok at inangkin ang lupain. Iyong pinasuko sa harapan nila ang mga naninirahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ang kanilang mga hari at ang mga tao ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang naisin.

25 Kanilang(D) nasakop ang mga bayang nakukutaan at ang mayamang lupain, at inangkin ang mga bahay na punô ng lahat ng mabubuting bagay, ang mga balon na hinukay, mga ubasan, mga olibohan, mga punungkahoy na may bungang sagana; kaya't sila'y kumain, nabusog, tumaba, at nalugod sa iyong dakilang kabutihan.

26 “Gayunma'y(E) naging masuwayin sila at naghimagsik laban sa iyo, at tinalikuran ang iyong kautusan at pinatay ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila upang mapanumbalik sa iyo, at sila'y gumawa ng mabibigat na paglapastangan.

27 Kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na siyang nagpahirap sa kanila. At sa panahon ng kanilang paghihirap ay dumaing sila sa iyo, at dininig mo sila mula sa langit; at ayon sa iyong dakilang kaawaan ay binigyan mo sila ng mga tagapagligtas na nagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kaaway.

28 Ngunit pagkatapos na sila'y magkaroon ng kapahingahan, muli silang gumawa ng kasamaan sa harapan mo at iniwan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway. Kaya't sila'y nagkaroon ng kapamahalaan sa kanila; ngunit nang sila'y manumbalik at dumaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit at maraming ulit na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.

29 At(F) iyong binalaan sila upang maibalik sila sa iyong kautusan. Ngunit kumilos silang may kapangahasan, at hindi tinupad ang iyong mga utos, kundi nagkasala laban sa iyong mga batas, na kung tutuparin ito ng isang tao, siya'y mabubuhay, at iniurong ang balikat at pinatigas ang kanilang leeg at hindi sumunod.

30 Maraming(G) taon mo silang tiniis, at nagbabala sa kanila ang iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta, gayunma'y ayaw nilang makinig. Kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga tao ng mga lupain.

31 Gayunma'y sa iyong dakilang mga kaawaan ay hindi mo sila winakasan o tinalikuran man sila; sapagkat ikaw ay mapagpala at maawaing Diyos.

32 “Kaya't(H) ngayon, aming Diyos, ang dakila, makapangyarihan, at kasindak-sindak na Diyos, na nag-iingat ng tipan at ng tapat na pag-ibig, huwag mong ituring na munting bagay sa harapan mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, mga pinuno, mga pari, mga propeta, mga ninuno, at sa iyong buong bayan, mula sa panahon ng mga hari ng Asiria hanggang sa araw na ito.

33 Gayunma'y naging makatarungan ka sa lahat ng sumapit sa amin; sapagkat kumilos kang may katapatan, ngunit kumilos kaming may kasamaan.

34 Ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari, at ang aming mga ninuno ay hindi sumunod sa iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga babala na iyong ibinigay sa kanila.

35 Hindi sila naglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kabutihan na iyong ibinigay sa kanila, at sa malaki at mayamang lupain na iyong ibinigay sa harapan nila, at hindi sila humiwalay sa kanilang masasamang gawa.

36 Narito kami, mga alipin sa araw na ito, sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga ninuno upang tamasahin ang bunga niyon, at ang mabubuting kaloob niyon. Narito, kami ay mga alipin.

37 Ang kanyang mayamang bunga ay napupunta sa mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan; may kapangyarihan din sila sa aming mga katawan at sa aming hayop ayon sa ikasisiya nila, at kami ay nasa malaking pagkabalisa.”

Lumagda ang Bayan sa Isang Kasunduan

38 Dahil sa lahat ng ito, kami ay gumawa ng matibay na kasunduan at isinusulat ito, at ang aming mga pinuno, ang aming mga Levita, at ang aming mga pari ay naglagay ng kanilang tatak dito.

10 Yaong mga naglagay ng kanilang tatak ay sina Nehemias na tagapamahala, na anak ni Hachalias, at si Zedekias,

Seraya, Azarias, Jeremias,

Pashur, Amarias, Malkia,

Hatus, Sebanias, Malluc,

Harim, Meremot, Obadias,

si Daniel, Gineton, Baruc,

Mesulam, Abias, Mijamin,

Maasias, Bilgai at si Shemaya: ang mga ito'y mga pari.

Ang mga Levita: sina Jeshua na anak ni Azanias, si Binui sa mga anak ni Henadad, si Cadmiel,

10 at ang kanilang mga kapatid na sina Sebanias, Hodias, Kelita, Pelaia, Hanan,

11 Mica, Rehob, Hashabias,

12 Zacur, Sherebias, Sebanias,

13 Hodias, Bani, at si Beninu.

14 Ang mga puno ng bayan: sina Paros, Pahat-moab, Elam, Zatu, Bani,

15 Buni, Azgad, Bebai,

16 Adonias, Bigvai, Adin,

17 Ater, Hezekias, Azur,

18 Hodias, Hasum, Bezai,

19 Arif, Anatot, Nebai,

20 Magpias, Mesulam, Hezir,

21 Mesezabel, Zadok, Jadua,

22 Pelatias, Hanan, Anaias,

23 Hosheas, Hananias, Hashub,

24 Hallohes, Pilha, Sobec,

25 Rehum, Hasabna, si Maasias,

26 Ahijas, Hanan, Anan,

27 Malluc, Harim, at si Baana.

Ang Kasunduan

28 At ang iba pa sa taong-bayan, ang mga pari, mga Levita, mga bantay-pinto, mga mang-aawit, mga lingkod sa templo, at lahat ng humiwalay sa mga mamamayan ng mga lupain sa kautusan ng Diyos, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak na lalaki at babae, lahat ng may kaalaman at pagkaunawa,

29 ay sumama sa kanilang mga kapatid, sa kanilang mga maharlika, at nanumpa na may panata na lalakad sa kautusan ng Diyos na ibinigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Diyos, at upang ganapin at gawin ang lahat ng utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ang kanyang mga batas at mga tuntunin.

30 Hindi(I) ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga mamamayan ng lupain, o papag-aasawahin man ang kanilang mga anak na babae sa aming mga anak na lalaki.

31 Kung(J) ang mga mamamayan ng lupain ay magdala ng mga kalakal o ng anumang butil sa araw ng Sabbath upang ipagbili, kami ay hindi bibili sa kanila sa Sabbath, o sa isang banal na araw. Aming hahayaan ang mga anihin sa ikapitong taon at ang pagsingil ng bawat utang.

32 Ipinapataw(K) din namin sa aming sarili ang katungkulang singilin ang aming sarili sa taun-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo para sa paglilingkod sa bahay ng aming Diyos:

33 para sa tinapay na handog, sa patuloy na handog na butil, sa patuloy na handog na sinusunog, sa mga Sabbath, sa mga bagong buwan, sa mga takdang kapistahan, sa mga banal na bagay, at sa mga handog pangkasalanan upang itubos sa Israel at sa lahat ng gawain sa bahay ng aming Diyos.

34 Kami ay nagpalabunutan din na kasama ang mga pari, mga Levita, at ang taong-bayan, para sa kaloob na panggatong upang dalhin ito sa bahay ng aming Diyos, ayon sa mga sambahayan ng aming mga ninuno sa mga panahong itinakda, taun-taon, upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Diyos, gaya ng nakasulat sa kautusan.

35 Itinatakda(L) namin sa aming sarili na dalhin ang mga unang bunga ng aming lupa at ang mga unang bunga ng lahat ng bunga ng bawat punungkahoy, taun-taon, sa bahay ng Panginoon;

36 at(M) upang dalhin din sa bahay ng aming Diyos, sa mga pari na nangangasiwa sa bahay ng aming Diyos, ang panganay sa aming mga anak na lalaki at ng aming hayop, gaya ng nakasulat sa kautusan, at ang mga panganay ng aming bakahan at ng aming mga kawan;

37 at(N) upang aming dalhin ang mga unang bahagi ng aming harina, ang aming mga ambag, ang bunga ng bawat punungkahoy, ang alak at ang langis, sa mga pari, sa mga silid ng bahay ng aming Diyos; at upang dalhin ang mga ikasampung bahagi ng aming lupa sa mga Levita; sapagkat ang mga Levita ang lumilikom ng mga ikasampung bahagi sa lahat ng aming mga bayan sa kabukiran.

38 Ang(O) pari na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita kapag tumatanggap ang mga Levita ng mga ikasampung bahagi. At iaakyat ng mga Levita ang ikasampung bahagi ng mga ikasampung bahagi sa bahay ng aming Diyos, sa mga silid ng bahay-imbakan.

39 Sapagkat dadalhin ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Levi ang mga handog na trigo, alak, at langis sa mga silid na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuwaryo, at ng mga pari na nangangasiwa at ng mga bantay-pinto at mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.

1 Corinto 9:19-10:13

19 Sapagkat bagaman malaya ako sa lahat ng mga tao, ay nagpaalipin ako sa lahat, upang higit na marami ang aking mahikayat.

20 Sa mga Judio, ako ay naging gaya ng isang Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio. Sa mga nasa ilalim ng kautusan, ako ay naging gaya ng isang nasa ilalim ng kautusan, bagaman ako ay wala sa ilalim ng kautusan upang aking mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan.

21 Sa mga nasa labas ng kautusan, ako ay naging tulad sa walang kautusan, bagama't hindi ako malaya mula sa kautusan sa Diyos kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga nasa labas ng kautusan.

22 Sa mahihina, ako ay naging mahina, upang mahikayat ko ang mahihina. Sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay makapagligtas ako ng ilan.

23 Ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa ebanghelyo, upang ako'y magkaroon ng bahagi sa mga pagpapala nito.

24 Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga tumatakbo sa isang takbuhan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang tumatanggap ng gantimpala? Kaya't tumakbo kayo sa gayong paraan upang iyon ay inyong mapagwagian.

25 Ang bawat nakikipaglaban sa mga palaro ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng mga bagay; ginagawa nila iyon upang sila ay makatanggap ng isang korona na may pagkasira, ngunit tayo'y sa walang pagkasira.

26 Kaya't ako'y tumatakbo na hindi gaya ng walang katiyakan; hindi ako sumusuntok na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin.

27 Ngunit sinusupil ko ang aking katawan, at ginagawa itong alipin, upang pagkatapos na makapangaral ako sa iba, ako mismo ay hindi itakuwil.

Mga Babala mula sa Kasaysayan ng Israel

10 Mga(A) kapatid, hindi ko nais na hindi ninyo malaman na ang ating mga ninuno ay dumaan sa ilalim ng ulap, at silang lahat ay tumawid sa dagat,

at lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat;

at(B) lahat ay kumain ng isang pagkaing espirituwal;

at(C) lahat ay uminom ng isang inuming espirituwal. Sapagkat sila'y umiinom sa batong espirituwal na sumunod sa kanila, at ang Batong iyon ay si Cristo.

Subalit(D) hindi nalugod ang Diyos sa karamihan sa kanila, sapagkat sila'y ibinuwal sa ilang.

Ang(E) mga bagay na ito'y naganap bilang halimbawa para sa atin, upang huwag tayong magnasa ng mga bagay na masama na gaya nila.

Huwag(F) kayong sumamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng ilan sa kanila, gaya ng nasusulat, “Naupo ang bayan upang kumain at uminom, at tumindig upang sumayaw.”

Huwag(G) tayong makiapid, gaya ng ilan sa kanila na nakiapid, at ang namatay[a] sa isang araw ay dalawampu't tatlong libo.

Huwag(H) nating tuksuhin si Cristo na gaya ng pagtukso ng ilan sa kanila, at sila'y pinuksa ng mga ahas.

10 Huwag(I) din kayong magbulung-bulungan, gaya ng ilan na nagbulung-bulungan, at sila'y pinuksa ng taga-puksa.

11 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa kanila bilang halimbawa, at nasulat bilang pangaral sa atin na dinatnan ng katapusan ng mga panahon.

12 Kaya't ang nag-aakalang siya'y nakatayo ay mag-ingat na baka siya'y mabuwal.

13 Walang tuksong dumating sa inyo na hindi karaniwan sa tao, subalit tapat ang Diyos, na hindi niya ipahihintulot na kayo'y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay naglalaan ng pag-iwas upang ito'y inyong makayang tiisin.

Mga Awit 34:1-10

Awit(A) ni David, nang siya'y nagkunwaring baliw sa harapan ni Abimelec, kaya't pinalayas siya nito, at siya'y umalis.

34 Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon;
    ang pagpuri sa kanya ay sasaaking bibig nang patuloy.
Nagmamapuri sa Panginoon ang aking kaluluwa,
    marinig nawa ng mapagpakumbaba at magsaya.
O kasama kong dakilain ninyo ang Panginoon,
    at magkasama nating itaas ang kanyang pangalan!

Hinanap ko ang Panginoon, at ako'y kanyang sinagot,
    at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga takot.
Sila'y tumingin sa kanya, at naging makinang,
    at ang kanilang mga mukha ay hindi mapapahiya kailanman.
Ang abang taong ito ay dumaing, at ang Panginoon sa kanya'y nakinig,
    at iniligtas siya sa lahat niyang mga ligalig.
Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay
    sa palibot ng mga natatakot sa kanya, at inililigtas sila.
O(B) inyong subukan at tingnan na mabuti ang Panginoon!
    Maligaya ang tao na sa kanya'y nanganganlong.
O matakot kayo sa Panginoon, kayong kanyang mga banal,
    sapagkat ang mga natatakot sa kanya ay hindi magkukulang!
10 Ang mga batang leon ay nagkukulang at nagugutom;
    ngunit silang humahanap sa Panginoon sa mabuting bagay ay hindi nagsasalat.

Mga Kawikaan 21:13

13 Ang nagtatakip ng kanyang mga pandinig sa daing ng dukha,
    siya man ay dadaing, ngunit hindi diringgin.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001