Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Oseas 10-14

Ang kasalanan ng Israel ay magbubunga ng pagkakahatihati.

10 Ang Israel ay isang mayabong na baging, na (A)nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga (B)kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay (C)nagsigawa sila ng mga mainam na haligi.

Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.

Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin?

Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang.

Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa (D)mga guya ng (E)Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.

(F)Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob (G)sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.

Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.

Ang mataas na dako naman ng (H)Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; (I)at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.

(J)Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; (K)ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa.

10 Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.

11 At ang Ephraim ay isang (L)dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.

12 (M)Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; (N)bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at (O)magdala ng katuwiran sa inyo.

13 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.

14 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni (P)Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: (Q)ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.

15 Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.

Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.

11 (R)Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at (S)tinawag kong aking anak mula (T)sa Egipto.

Lalo (U)silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain (V)sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.

Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim (W)na lumakad; (X)aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.

Akin silang pinatnubayan (Y)ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.

Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; (Z)kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.

At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, (AA)dahil sa kanilang sariling mga payo.

At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.

(AB)Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? (AC)paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang (AD)Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.

Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: (AE)sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.

10 Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't (AF)siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na (AG)mula sa kalunuran.

11 Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; (AH)at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.

12 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.

Ang pagkaidolatria ng Ephraim ay tinutulan.

12 Ang Ephraim (AI)ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging (AJ)nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.

Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.

Sa bahay-bata ay (AK)kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay (AL)nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:

Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa (AM)Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.

Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay (AN)kaniyang alaala.

Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.

At sinabi ng Ephraim, (AO)Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,

Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin (AP)pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.

10 Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.

11 Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.

12 At si Jacob ay (AQ)tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at (AR)naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.

13 (AS)At sa pamamagitan ng isang propeta ay (AT)isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.

14 Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

Binigyan ng mga babala.

13 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang (AU)siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.

At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.

Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na (AV)gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at (AW)parang usok na lumalabas sa Chimenea:

Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin (AX)ay walang tagapagligtas.

Nakilala kita (AY)sa ilang, (AZ)sa lupain ng malaking katuyuan.

Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; (BA)sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.

Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;

Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.

Siyang iyong kapahamakan (BB)Oh Israel, (BC)na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.

10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na (BD)iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?

11 Aking binigyan ka ng (BE)hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.

12 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.

13 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap (BF)sa pagwawaksi ng mga yaon.

14 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. (BG)Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? (BH)pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.

15 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay (BI)darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.

16 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: (BJ)sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.

Ang Israel ay sinamo upang magbalik sa Panginoon.

14 Oh Israel, manumbalik ka sa (BK)Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.

Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang (BL)mga toro ang handog ng aming mga labi.

Hindi (BM)kami ililigtas ng Asiria; kami ay (BN)hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; (BO)sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.

Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, (BP)akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya.

Ako'y (BQ)magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.

Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano.

(BR)Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano.

Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; (BS)mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga.

Sino (BT)ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? (BU)sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.

Judas

Si Judas, na (A)alipin ni Jesucristo, at kapatid ni (B)Santiago, sa mga (C)tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at (D)iniingatang para kay Jesucristo:

Kaawaan at (E)kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin.

Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo (F)tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong (G)makipaglabang masikap dahil (H)sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.

Sapagka't may ilang taong (I)nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, (J)na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang (K)Guro at Panginoong si Jesucristo.

Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas (L)ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay (M)nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya.

At (N)ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling (O)pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.

Gayon din ang (P)Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang (Q)laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata (R)ng parusang apoy na walang hanggan.

Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno.

Datapuwa't (S)ang arkanghel (T)Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo (U)tungkol sa katawan ni Moises, ay (V)hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, (W)Sawayin ka nawa ng Panginoon.

10 Datapuwa't (X)ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.

11 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni (Y)Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian (Z)ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang (AA)ni Core.

12 Ang mga ito'y pawang mga batong natatago (AB)sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; (AC)mga alapaap na walang tubig, na (AD)tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;

13 Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man.

14 At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na (AE)ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga (AF)laksalaksang banal,

15 Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat (AG)na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.

16 Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang (AH)kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), (AI)nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.

17 Nguni't kayo, mga minamahal, (AJ)ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;

18 Kung paanong sinabi sa inyo, (AK)Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.

19 Ang mga ito (AL)ang nagsisigawa ng paghihiwalay, (AM)malalayaw, na (AN)walang taglay na Espiritu.

20 Nguni't kayo, mga minamahal, (AO)papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, (AP)na manalangin sa Espiritu Santo,

21 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, (AQ)na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.

22 At (AR)ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan;

23 At ang (AS)iba'y inyong iligtas, (AT)na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati (AU)ng damit na nadungisan ng laman.

24 Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y (AV)makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.

25 Sa (AW)iisang Dios na (AX)ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.

Mga Awit 127

Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.

127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(A)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(B)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
(C)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (D)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (E)pintuang-bayan.

Mga Kawikaan 29:15-17

15 (A)Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan:
Nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.
16 Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami:
(B)Nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal.
17 (C)Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan;
Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978