The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang Panginoon ay katulong ng Jerusalem sa pakikidigma laban sa kaaway.
14 Narito (A)ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.
2 Sapagka't (B)aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
3 Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, (C)gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
4 At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon (D)sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, (E)at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.
5 At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas (F)mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal (G)na kasama niya.
6 At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong.
7 Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na (H)sa gabi ay magliliwanag.
8 At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula (I)sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.
Ang paghahari ng Panginoon sa sanglibutan.
9 At ang Panginoo'y magiging (J)Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
10 Ang buong lupain ay magiging (K)gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at (L)siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa (M)pintuang-bayan ng Benjamin hanggang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, (N)at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.
11 At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.
12 At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.
13 At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa (O)kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.
14 At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.
15 At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.
16 At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay (P)aahon (Q)taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin (R)ang mga kapistahan ng mga balag.
17 At mangyayari, (S)na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.
18 At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan (T)sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
19 Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
20 Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, (U)KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga (V)palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga (W)taza sa harap ng dambana.
21 Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay (X)hindi na magkakaroon pa ng (Y)Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo.
20 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, (A)na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.
2 At sinunggaban niya (B)ang dragon, (C)ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at (D)tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.
4 At nakakita ako ng mga (E)luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, (F)sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko (G)ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at (H)ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa (I)kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at (J)nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
5 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito (K)ang unang pagkabuhay na maguli.
6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan (L)ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging (M)mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan (N)sa kaniyang bilangguan,
8 At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, (O)sa Gog at sa Magog, (P)upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
9 At (Q)nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at (R)ang bayang iniibig: at bumaba ang (S)apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.
10 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, (T)na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
11 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, (U)ang lupa at ang langit ay tumakas; at (V)walang nasumpungang kalalagyan nila.
12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan (W)ang mga aklat: (X)at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, (Y)ayon sa kanilang mga gawa.
13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; (Z)at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
14 At (AA)ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito (AB)ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.
15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.
Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.
148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 (A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3 Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 (D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
9 (F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978