The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang katotohanan at katuwiran ay ipinayo.
8 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (A)Ako'y may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho, at ako'y may paninibugho sa kaniya ng malaking poot.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Ako'y nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem (C)ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok.
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (D)Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawa't tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan.
5 At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga lansangan niyaon.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng (E)nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan (F)sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;
8 At aking dadalhin sila, at sila'y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; (G)at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran.
9 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (H)Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng (I)mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo.
10 Sapagka't bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao, ni anomang upa sa hayop; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway: sapagka't aking inilagay ang lahat na tao na bawa't isa'y laban sa kaniyang kapuwa.
11 Nguni't ngayo'y sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
12 Sapagka't magkakaroon ng binhi ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito.
13 At mangyayari, na kung paanong kayo'y (J)naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sangbahayan ni Juda, at sangbahayan ni Israel, gayon ko kayo ililigtas, at kayo'y (K)magiging isang kapalaran. Huwag kayong mangatakot, kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay.
14 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (L)Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama, nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako nagsisi;
15 Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda: huwag kayong mangatakot.
16 Ito ang mga bagay na inyong gagawin, (M)Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;
17 At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.
18 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,
19 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno (N)sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa (O)ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa (P)ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juda'y kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan.
20 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangyayari pa, na darating ang mga bansa, at ang nagsisitahan sa maraming bayan;
21 At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa, na magsasabi, Magsiparoon tayong madali, na ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay paroroon.
22 Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay (Q)magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.
23 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yao'y mangyayari, na (R)sangpung lalake (S)sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila nga'y magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagka't aming narinig na ang Dios ay kasama mo.
16 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi (A)sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok (B)ng kagalitan ng Dios sa lupa.
2 At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok (C)sa lupa; at (D)naging sugat na masama at mabigat sa mga taong (E)may tanda ng hayop na yaon, at (F)nangagsisamba sa kaniyang larawan.
3 At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok (G)sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; (H)at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.
4 At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok (I)sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; (J)at nangaging dugo.
5 At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, (K)Matuwid ka, (L)na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon;
6 Sapagka't ibinuhos nila ang dugo (M)ng mga banal at ng mga propeta, (N)at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila.
7 (O)At narinig ko ang (P)dambana na nagsasabi, Oo, Oh (Q)Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.
8 At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok (R)sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao.
9 At (S)nangasunog ang mga tao sa matinding init: at (T)sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; (U)at hindi sila nangagsisi upang siya'y (V)luwalhatiin.
10 At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok (W)sa luklukan ng hayop na yaon; (X)at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,
11 At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap (Y)at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.
12 At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok (Z)sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo (AA)ang tubig nito, (AB)upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.
13 At nakita kong lumabas sa bibig (AC)ng dragon, at sa (AD)bibig ng hayop, at sa bibig (AE)ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na (AF)gaya ng mga palaka:
14 Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, (AG)na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa (AH)pagbabaka (AI)sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
15 (Narito, ako'y pumaparitong (AJ)gaya ng magnanakaw. (AK)Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)
16 At tinipon sila (AL)sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na (AM)Armagedon.
17 At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas (AN)sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:
18 At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na (AO)lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.
19 At ang dakilang (AP)bayan ay nabahagi sa (AQ)tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, (AR)upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.
20 At tumakas ang (AS)bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.
21 At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay (AT)lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang (AU)mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.
Panalangin sa pagsagip. Masayang bayan ay inilahad. Awit ni David.
144 Purihin ang Panginoon na (A)aking malaking bato,
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
2 Aking kagandahang-loob, at (B)aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
(C)Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
3 (D)Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
4 (E)Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
5 Ikiling mo ang iyong mga langit, (F)Oh Panginoon, at bumaba ka:
(G)Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
6 (H)Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
7 (I)Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;
(J)Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng (K)mga taga ibang lupa;
8 Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
9 Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, (L)Oh Dios:
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging (M)parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15 (N)Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:
(O)Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.
29 May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad,
Oo, apat na mainam sa lakad:
30 Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop,
At hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man;
31 Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman:
At ang hari na hindi malalabanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978