The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang pagibig ng Panginoon sa Jacob.
1 (A)Ang hula na salita ng Panginoon sa (B)Israel sa pamamagitan ni Malakias.
2 (C)Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y (D)inibig ko si Jacob;
3 Nguni't si Esau ay aking kinapootan, at (E)ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan, at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang.
4 Yamang sabi ng Edom, Tayo'y nangabagsak, nguni't mangagbabalik tayo, at ating itatayo ang mga wasak na dako; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sila'y mangagtatayo, nguni't aking ibabagsak; at tatawagin sila ng mga tao, Ang hangganan ng kasamaan, at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man.
5 At makikita ng inyong mga mata, at inyong sasabihin, Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel.
6 Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, (F)Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan?
7 Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na (G)hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak.
8 At (H)pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa (I)iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang (J)lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; (K)ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
10 Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog (L)sa inyong kamay.
11 Sapagka't (M)mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, (N)magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; (O)at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: (P)sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
12 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay (Q)nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.
13 Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang (R)pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: (S)tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.
14 Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang (T)lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon (U)ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.
Ang mga di banal na saserdote ay tinutulan.
2 At ngayon, (V)Oh kayong mga saserdote, ang utos na ito'y sa inyo.
2 Kung hindi ninyo didinggin, at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (W)magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo, at aking susumpain ang (X)inyong kapalaran; oo, akin na silang sinumpa, sapagka't hindi ninyo inilagak sa inyong puso.
3 Narito, aking sisirain ang inyong binhi, at (Y)magsasabog ako ng dumi sa harap ng inyong mga mukha, sa makatuwid baga'y (Z)ng dumi ng inyong mga kapistahan; at kayo'y pawang (AA)ilalabas na kasama niyaon.
4 At inyong malalaman na aking ipinasugo ang utos na ito sa inyo, upang ang (AB)aking tipan kay Levi ay manatili, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
5 (AC)Ang aking tipan ay buhay at kapayapaan sa kaniya; at aking mga ibinigay sa kaniya upang siya'y matakot; at siya'y natakot sa akin, at siya'y nagpakababa sa aking pangalan.
6 Ang kautusan (AD)tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig, at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi: siya'y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo sa kasamaan ang marami.
7 Sapagka't (AE)ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; (AF)sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.
8 Nguni't kayo'y nagsilihis sa daan; inyong itinisod ang marami sa kautusan; (AG)inyong sinira ang tipan ni Levi, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9 Kaya't kayo'y ginawa (AH)ko namang hamak at pinakamababa sa harap ng buong bayan, ayon sa hindi ninyo pagkaingat ng aking mga daan, kundi tumangi kayo ng mga pagkatao sa kautusan.
10 Wala baga tayong (AI)lahat na isang ama? (AJ)hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang?
11 Ang Juda'y gumawa ng paglililo, at ang kasuklamsuklam ay nagawa (AK)sa Israel at sa Jerusalem; sapagka't nilapastangan ng Juda ang santuario ng Panginoon, na kaniyang iniibig, (AL)at nagasawa sa (AM)anak na babae ng ibang dios.
12 Ihihiwalay ng Panginoon ang taong gumawa nito, ang gumigising at ang sumasagot, mula sa mga tolda ng Jacob, at ang naghahandog ng handog sa Panginoon ng mga hukbo.
13 At ito'y muli ninyong ginagawa: inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng tangis, at ng buntong hininga, na anopa't hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod.
14 Gayon ma'y inyong sinasabi, Bakit? Sapagka't ang Panginoon ay naging saksi sa iyo at sa (AN)asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng paglililo, bagaman siya'y iyong kasama, at siyang asawa ng iyong tipan.
15 At (AO)di baga siya'y gumawa ng isa, bagaman siya'y may labis na Espiritu? At bakit isa? Kaniyang hinanap ang lahing maka Dios. Kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban, at huwag nang manglilo laban sa asawa ng kaniyang kabataan.
16 Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo.
17 (AP)Inyong niyamot ang Panginoon ng inyong mga salita. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano namin niyamot siya? Na inyong sinasabi, Bawa't gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng Panginoon, at kaniyang kinalulugdan sila; o (AQ)saan nandoon ang Dios ng kahatulan.
21 At nakita ko ang isang bagong langit (A)at ang isang bagong lupa: sapagka't (B)ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
2 At nakita (C)ko (D)ang bayang banal, ang bagong (E)Jerusalem, (F)na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang (G)gaya ng isang babaing kasintahan na (H)nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, (I)ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at (J)ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
4 At papahirin niya ang bawa't luha (K)sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon (L)ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng (M)dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
5 (N)At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, (O)Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: (P)sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.
6 At sinabi niya sa akin, Nagawa na. (Q)Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. (R)Ang nauuhaw ay aking (S)paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.
7 (T)Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at (U)ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.
8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga (V)mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay (W)sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na (X)siyang ikalawang kamatayan.
9 At dumating ang (Y)isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo (Z)ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.
10 (AA)At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,
11 (AB)Na may kaluwalhatian ng Dios: ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng (AC)batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin:
12 Na may isang malaki at mataas na kuta; na may (AD)labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel:
13 Sa silanganan ay may tatlong pintuan; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan; at sa timugan ay may tatlong pintuan; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan.
14 At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at (AE)sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero.
15 At ang nakikipagusap sa akin ay (AF)may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.
16 At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.
17 At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel.
18 At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.
19 Ang mga pinagsasaligan ng kuta (AG)ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;
20 Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.
21 At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; (AH)at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.
22 At hindi ako nakakita ng templo doon: (AI)sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.
23 At ang bayan ay (AJ)hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.
24 At (AK)ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga (AL)hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.
25 At (AM)ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon (AN)doon ng gabi):
26 At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa:
27 At (AO)hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat (AP)sa aklat ng buhay ng Cordero.
Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.
149 Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan (A)sa kapisanan ng mga banal.
2 (B)Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 (C)Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
(D)Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
(E)Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At (F)tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na (G)nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang mabuting babae.
10 (A)Isang mabait na babae sinong makakasumpong?
Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi.
11 Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya,
At siya'y hindi kukulangin ng pakinabang.
12 Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan
Lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay.
13 Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino,
At gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay.
14 Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal;
Nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo.
15 Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa,
At (B)nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan,
At ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae.
16 Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili:
Sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan.
17 Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan,
At nagpapalakas ng kaniyang mga bisig.
18 Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang:
Ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi.
19 Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid,
At ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi.
20 (C)Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha:
Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan.
21 Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sangbahayan sa niebe;
Sapagka't ang boo niyang sangbahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula.
22 Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda;
Ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube.
23 Ang kaniyang asawa ay (D)kilala (E)sa mga pintuang-bayan,
Pagka siya'y nauupo sa kasamahan ng mga matanda ng lupain.
24 Gumagawa siya ng mga kasuutang kayong lino at ipinagbibili;
At nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978