Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CEB. Switch to the CEB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Hagai 1-2

Sinusugan ni Hagai ang bayan na itayo ang templo.

Nang ikalawang (A)taon ni Dario na hari, nang ikaanim na buwan, nang unang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay (B)Josue na anak ni Josadac na (C)dakilang saserdote, na nagsasabi,

Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, Hindi pa dumarating ang panahon, ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon.

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan (D)ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay, samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak?

Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.

Kayo'y nangaghasik ng marami, (E)at nagsisiani ng kaunti; kayo'y nagsisikain, nguni't hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo'y nagsisiinom, nguni't hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo'y nangananamit, nguni't walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.

Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at (F)ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon.

Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay.

10 Kaya't dahil sa inyo, (G)pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga.

11 At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay.

12 Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, (H)nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.

13 Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa (I)pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, (J)Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.

14 At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios,

15 (K)Nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, nang buwang ikaanim, nang ikalawang taon ni Dario na hari.

Ang kahirapan ng mga tao ay dahil sa sila'y di tapat.

(L)Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

Salitain mo ngayon kay (M)Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa (N)nalabi sa bayan, na sabihin mo,

Sino ang nananatili (O)sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?

Gayon ma'y magpakalakas ka (P)ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at (Q)kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

Ayon (R)sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang (S)aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (T)Minsan na lamang, sangdaling panahon, at (U)aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;

At aking uugain (V)ang lahat na bansa; (W)at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng (X)kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

(Y)Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang huling kaluwalhatian (Z)ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng (AA)kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

10 (AB)Nang ikadalawang pu't apat nang ikasiyam na buwan, nang (AC)ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (AD)Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi,

12 Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal (AE)na karne, at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay, o ulam, o alak, o langis, o anomang pagkain, magiging banal pa baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot, at nangagsabi, Hindi.

13 Nang magkagayo'y sinabi ni Hagai, Kung ang sinomang (AF)marumi dahil sa bangkay ay (AG)masagi ang anoman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi.

14 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawa't gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi.

15 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan, bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon.

16 Nang buong panahong yaon, pagka ang isa ay (AH)lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal, may sangpu lamang; pagka ang isa ay lumalapit sa (AI)pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan, may dalawang pu lamang.

17 Sinalot ko (AJ)kayo ng (AK)pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayon ma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

18 Isinasamo ko nga sa inyo, na kayo'y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan, (AL)mula nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, (AM)mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay, gunitain ninyo.

19 May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.

Ang pangako ng Panginoon.

20 At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, na nagsasabi,

21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, (AN)Aking uugain ang langit at ang lupa;

22 At (AO)aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; (AP)at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang (AQ)bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.

23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, (AR)at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili (AS)kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Apocalipsis 11

11 At binigyan ako ng (A)isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at (B)ang dambana, at ang mga sumasamba doon.

At ang loobang nasa labas ng templo (C)ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; (D)sapagka't ibinigay sa mga bansa: at kanilang yuyurakang (E)apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang (F)saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.

Ang mga ito'y (G)ang dalawang punong olibo (H)at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.

At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang (I)lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.

Ang mga ito'y (J)may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig (K)na mapaging dugo, at (L)mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain.

At pagka natapos nila ang kanilang (M)patotoo, (N)ang hayop na umahon (O)mula sa kalaliman ay (P)babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan (Q)ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na (R)Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.

At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.

10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; (S)sapagka't ang dalawang propetang ito ay (T)nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.

11 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, (U)ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.

12 At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit (V)sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.

13 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, (W)at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, (X)at nangagbigay ng kaluwalhatian (Y)sa Dios ng langit.

14 Nakaraan na ang (Z)ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.

15 At humihip (AA)ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi,

(AB)Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa (AC)kaniyang Cristo: (AD)at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

16 At ang dalawangpu't apat na matatanda (AE)na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,

17 Na nangagsasabi,

Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, (AF)na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
18 At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang (AG)iyong poot, at (AH)ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.

19 At nabuksan (AI)ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo (AJ)ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga (AK)kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.

Mga Awit 139

Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

139 Oh Panginoon, (A)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
(B)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(C)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (D)natatalastas mo nang buo.
(E)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
Ang ganyang kaalaman (F)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
(G)Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
(H)Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
(I)Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
Kung aking kunin ang mga (J)pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, (K)Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 (L)Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo
13 (M)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(N)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (O)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (P)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19 Walang pagsalang iyong (Q)papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At (R)ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 (S)Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 (T)Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
24 At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At (U)patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Mga Kawikaan 30:15-16

15 Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, Bigyan mo, bigyan mo.
May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan,
Oo, apat na hindi nagsasabi, Siya na:
16 (A)Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata;
Ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig;
At ang apoy na hindi nagsasabi, Siya na.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978