The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang pagdating ng sugo ng Panginoon.
3 Narito, (A)aking sinusugo ang (B)aking sugo, (C)at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, (D)ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at (E)ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
2 Nguni't sino ang makatatahan (F)sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi:
3 At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran.
4 Kung magkagayo'y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una.
5 At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban (G)doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa (H)babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
6 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay (I)hindi nababago, (J)kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.
Ang pagsamo ng Panginoon at pagtutol.
7 (K)Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. (L)Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (M)Nguni't inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?
8 Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi, (N)Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.
9 Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y nitong buong bansa.
10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng (O)pagkain sa aking bahay, at (P)subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.
11 At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; (Q)ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
12 (R)At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka't kayo'y magiging maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
13 Ang inyong mga salita ay (S)naging lapastangan laban sa akin, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano kami nangagsalita ng laban sa iyo?
14 (T)Inyong sinabi, Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin, at tayo'y nagsilakad na may pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo?
15 At ngayo'y ating tinatawag ang palalo na mapalad, oo, silang nagsisigawa ng kasamaan ay nangagtayo; oo, kanilang tinutukso ang Dios, at tumatakas.
16 Nang magkagayo'y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang (U)aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.
17 At sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan; at akin silang (V)kaaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.
18 Kung magkagayo'y manunumbalik kayo (W)at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama, yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya.
Panghuling payo.
4 Sapagka't, narito, ang araw ay (X)dumarating, (Y)na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang (Z)dayami, at (AA)ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.
2 Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat (AB)ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.
3 At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 Alalahanin ninyo (AC)ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya (AD)sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.
5 (AE)Narito, aking susuguin sa inyo si (AF)Elias na propeta (AG)bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
6 At kaniyang (AH)papagbabalikingloob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.
22 At ipinakita niya sa akin ang (A)isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero,
2 Sa gitna ng (B)lansangang yaon. (C)At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon (D)ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.
3 At (E)hindi na magkakaroon pa ng sumpa: (F)at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;
4 At makikita nila ang (G)kaniyang mukha; at ang (H)kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.
5 (I)At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila (J)ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.
6 At sinabi niya sa akin, (K)Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay (L)nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.
7 (M)At narito, ako'y madaling pumaparito. (N)Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito.
8 At akong si (O)Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, (P)ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
9 At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.
10 At sinasabi niya sa akin, (Q)Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; (R)sapagka't malapit na ang panahon.
11 Ang liko, ay (S)magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.
12 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang (T)aking ganting-pala ay nasa akin, (U)upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.
13 (V)Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.
14 Mapapalad (W)ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa (X)punong kahoy ng buhay, (Y)at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.
15 Nangahas labas (Z)ang mga aso, at ang mga (AA)manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.
16 Akong si Jesus ay nagsugo ng (AB)aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. (AC)Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na (AD)tala sa umaga.
17 At ang Espiritu at ang (AE)kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. (AF)At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.
18 Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios (AG)ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:
19 At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng (AH)Dios ang kaniyang bahagi (AI)sa punong kahoy ng buhay, at (AJ)sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.
20 Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, (AK)Oo: ako'y madaling pumaparito. (AL)Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus.
21 Ang biyaya ng Panginoong (AM)Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.
Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.
150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (A)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(B)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4 Purihin ninyo siya (C)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (D)ng mga panugtog na kawad at ng (E)flauta.
5 Purihin ninyo siya ng mga (F)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
6 (G)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.
25 Kalakasan at kamahalan at siyang kaniyang suot.
At kaniyang tinatawanan ang panahong darating.
26 Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan;
At ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila.
27 Kaniyang tinitignang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan,
At hindi kumakain ng tinapay ng katamaran.
28 Nagsisibangon ang kaniyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad;
Gayon din ang kaniyang asawa, at pinupuri siya niya, na sinasabi:
29 Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan,
Nguni't ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat.
30 Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan:
Nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin.
31 Bigyan ninyo siya ng bunga ng kaniyang mga kamay;
At purihin siya ng kaniyang mga gawa sa mga pintuang-bayan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978