Bible in 90 Days
Ang unang pagsasalita ni Bildad. Ipinagtanggol ang katarungan ng Dios.
8 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito?
At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
3 (B)Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios?
O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
4 Kung ang (C)iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya,
At kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
5 Kung hanapin (D)mong mainam ang Dios,
At iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
6 Kung ikaw ay malinis at matuwid;
Walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo.
At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
7 At bagaman ang iyong pasimula ay maliit,
Gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
8 (E)Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon,
At pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
9 (F)(Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman,
Sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay (G)anino:)
10 Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo,
At mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
11 Makatataas ba ang yantok ng walang putik?
Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
12 (H)Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol,
Natutuyong una kay sa alin mang damo.
13 Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios;
At ang (I)pagasa ng di banal ay mawawala:
14 Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam,
At ang kaniyang tiwala ay isang (J)bahay gagamba.
15 Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo;
Siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas.
16 Siya'y sariwa sa harap ng araw,
At ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
17 Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton,
Kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
18 Kung siya'y magiba sa kaniyang dako,
Kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
19 Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad,
At (K)mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
20 Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao,
Ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
21 Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa,
At ang iyong mga labi ng paghiyaw.
22 Silang nangapopoot sa iyo ay
(L)mabibihisan ng pagkahiya;
At ang tolda ng masama ay mawawala.
Ang ikatlong pagsasalita ni Job. Inilahad ang kapangyarihan ng Dios.
9 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon:
(M)Nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3 Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya,
Siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4 (N)Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan:
Sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5 Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman,
Pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6 (O)Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan,
At ang mga haligi nito ay (P)nangayayanig.
7 Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat;
At nagtatakda sa mga bituin.
8 (Q)Na nagiisang inuunat ang langit,
At tumutungtong sa mga (R)alon ng dagat.
9 (S)Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade,
At sa mga silid ng timugan.
10 Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod;
Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11 Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita:
Siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
12 (T)Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya?
Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13 Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit;
Ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14 Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya,
At mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15 (U)Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya;
Ako'y mamamanhik sa aking hukom.
16 Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin;
Gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17 Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo,
At pinararami ang aking mga sugat (V)ng walang kadahilanan.
18 Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga,
Nguni't nililipos niya ako ng hirap.
19 Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan!
At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20 Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol (W)sa akin:
Kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
21 Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili;
Aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22 Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi:
Kaniyang ginigiba (X)ang sakdal at ang masama.
23 Kung ang (Y)panghampas ay pumapatay na bigla,
Tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24 Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama:
Kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito;
(Z)Kung hindi siya, sino nga?
Ang di pagkaalam ni Job ay hindi naging tanggulan.
25 Ngayo'y (AA)ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang (AB)sugo:
Dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26 Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan:
(AC)Parang agila na dumadagit ng huli.
27 (AD)Kung aking sabihin:
Aking kalilimutan ang aking daing,
Aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at (AE)magpapakasaya ako:
28 Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan,
Talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29 Ako'y mahahatulan;
Bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30 Kung ako'y maligo ng nieveng tubig,
At gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31 Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay,
At kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32 Sapagka't siya'y (AF)hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya,
Na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
33 Walang hukom sa pagitan natin,
Na makapaglagay ng (AG)kaniyang kamay sa ating dalawa.
34 Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod,
At huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35 Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya;
Sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.
Siya ay tumututol sa kalabisang parusa ng Panginoon.
10 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay;
(AH)Aking palalayain ang aking daing;
(AI)Ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2 Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan;
Ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
3 (AJ)Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati,
Na iyong (AK)itakuwil ang (AL)gawa ng iyong mga kaaway,
At iyong pasilangin ang payo ng masama?
4 (AM)Ikaw ba'y may mga matang laman,
O (AN)nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
5 Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
O ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
6 Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan,
At magusisa ng aking kasalanan,
7 Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama;
At walang makapagliligtas sa iyong kamay?
8 (AO)Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin
(AP)Sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
9 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na (AQ)gaya ng putik;
At iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas,
At binuo mo akong parang keso?
11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman,
At sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob,
At pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
13 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso;
Talastas ko na (AR)ito'y sa iyo:
14 Kung ako'y magkasala, (AS)iyo nga akong tinatandaan,
At hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
15 Kung ako'y maging masama, sa aba ko;
At kung ako'y maging matuwid, hindi ko man (AT)itataas ang aking ulo;
Yamang puspos ng kakutyaan,
At ng pagmamasid niring kadalamhatian.
16 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang (AU)leon:
At napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
17 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin,
At dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin;
(AV)Paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
18 (AW)Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata?
Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay;
Nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
20 (AX)Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga,
At ako'y iyong bayaan, upang ako'y (AY)maginhawahan ng kaunti,
21 (AZ)Bago ako manaw doon na hindi ako babalik,
(BA)Sa lupain ng kadiliman at (BB)ng lilim ng kamatayan;
22 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman;
Lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos,
At doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.
Ang unang pagsasalita ni Sophar. Binibintangan niya si Job ng pagmamataas at kawalang kabanalan.
11 Nang magkagayo'y sumagot si (BC)Sophar na Naamathita, at nagsabi,
2 Hindi ba sasagutin ang (BD)karamihan ng mga salita?
At ang lalaking masalita ay aariing ganap?
3 Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog.
At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo?
4 Sapagka't (BE)iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay,
At ako'y malinis sa iyong mga mata.
5 Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita,
At bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
6 At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan,
Pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa.
Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
7 (BF)Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik?
Masusumpungan mo ba sa (BG)kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat?
8 Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa?
Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman?
9 Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa.
At maluwang kay sa dagat.
10 Kung siya'y dumaan (BH)at magsara,
At tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya?
11 Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang (BI)tao:
Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin.
12 Nguni't (BJ)ang walang kabuluhang tao ay walang unawa,
Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.
Pinapaglilinis ni Sophar si Job sa mga kasalanan.
13 Kung iyong ihahanda ang iyong puso,
At iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya;
14 Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo,
At huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;
15 (BK)Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan;
Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
16 Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan;
(BL)Iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:
17 At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat;
Bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
18 At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa;
Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.
19 (BM)Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo;
Oo, maraming liligaw (BN)sa iyo.
20 Nguni't ang mga (BO)mata ng masama ay mangangalumata,
At mawawalan sila ng daang tatakasan,
At ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.
Pinatunayan ni Job ang kapangyarihan ng Dios.
12 Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi,
2 Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan,
At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
3 Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo:
Hindi ako huli sa inyo:
Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?
4 (BP)Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa,
Ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya:
Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.
5 Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi;
Nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa.
6 Ang mga tolda ng mga tulisan ay (BQ)gumiginhawa,
At silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay;
Na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana.
7 Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila:
At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:
8 O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo;
At ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.
9 Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito,
Na (BR)ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?
10 (BS)Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay,
At ang hininga ng lahat ng mga tao.
11 (BT)Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig;
Gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?
12 Nasa mga matanda ang karunungan,
At sa kagulangan ang unawa.
13 Nasa Dios ang karunungan at kakayahan;
Kaniya ang payo at pagkaunawa.
14 Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli;
(BU)Siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
15 Narito, (BV)kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo;
Muli, kaniyang (BW)binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.
16 Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan,
Ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya.
17 Kaniyang (BX)pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait,
At ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom.
18 Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari,
At binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
19 Kaniyang pinalalakad na (BY)hubad sa bait ang mga saserdote.
20 Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan.
At (BZ)inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda.
21 (CA)Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo,
At kinakalag ang pamigkis ng malakas.
22 Siya'y naglilitaw ng mga malalim
na bagay mula sa kadiliman,
At inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan.
23 (CB)Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya:
Kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.
24 Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa,
At (CC)kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan.
25 Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag,
At kaniyang (CD)pinagigiraygiray sila na gaya ng lango.
Pinararatangan ni Job ang kaniyang mga kaibigan ng maling pagtatanggol sa Dios.
13 Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata,
Ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
2 Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman:
Hindi ako huli sa inyo.
3 Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat,
At nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
4 Nguni't kayo'y (CE)mapagkatha ng mga kabulaanan.
(CF)Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
5 Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat!
(CG)At magiging inyong karunungan.
6 Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran,
At inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
7 Kayo ba'y mangagsasalita ng (CH)kalikuan dahil sa Dios,
At mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
8 Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios?
Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
9 (CI)Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya?
(CJ)O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo,
Kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
11 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan,
At ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
12 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang (CK)abo,
Ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita,
At paratingin sa akin ang darating.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman,
At aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15 (CL)Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin (CM)siya:
Gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16 Ito man ay magiging aking kaligtasan;
Sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita,
At ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
18 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap;
Talastas ko na ako'y matuwid.
19 (CN)Sino ang makikipagtalo sa akin?
Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
20 (CO)Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin,
Kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin;
At huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot;
O papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan?
(CP)Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24 (CQ)Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha,
At inaari mo (CR)akong iyong kaaway?
25 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin?
At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
26 (CS)Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin,
At ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
27 (CT)Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan,
At pinupuna mo ang lahat kong landas:
Ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
28 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw,
Na parang damit na kinain ng tanga.
Ipinakilala ni Job ang kahinaan ng tao. Siya'y nanalangin upang makubli siyang sumandali hanggang makaraan ang poot ng Panginoon.
14 Taong (CU)ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
2 Siya'y umuusli na gaya (CV)ng bulaklak, at (CW)nalalagas:
Siya rin nama'y tumatakas na (CX)gaya ng anino, at hindi namamalagi.
3 At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, At ipinagsasama mo (CY)ako upang hatulan mo?
4 (CZ)Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
5 Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan,
Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo,
At iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
6 (DA)Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga,
Hanggang sa maganap niya, na (DB)gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
7 Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli,
At ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
8 Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa,
At ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
9 Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol,
At magsasanga na gaya ng pananim.
10 Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw;
Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
At ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon:
(DC)Hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon,
Ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
13 Oh (DD)ikubli mo nawa ako sa Sheol.
Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan,
Na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
14 (DE)Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako,
Hanggang sa dumating ang pagbabago.
15 (DF)Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo:
Ikaw ay magtataglay ng nasa sa (DG)gawa ng iyong mga kamay.
16 (DH)Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang:
Hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
17 Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot,
At iyong inilalapat ang aking kasamaan.
18 At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala,
At ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
19 Inuukit ng tubig ang mga bato;
Tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa:
Sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
20 Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw;
Iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
21 Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, (DI)at hindi niya nalalaman;
At sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
22 Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit,
At ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.
Ang ikalawang pananalita ni Eliphaz. Tinuligsa niya ang pagpapakunwari ni Job.
15 Nang magkagayo'y sumagot si (DJ)Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2 Sasagot ba (DK)ang isang pantas ng (DL)walang kabuluhang kaalaman,
At pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan,
3 Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap,
O ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?
4 Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan,
At iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.
5 Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig,
At iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.
6 Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako;
Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.
7 Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak?
O nalabas ka bang una kay sa mga burol?
8 Iyo bang narinig ang (DM)lihim na payo ng Dios?
At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?
9 (DN)Anong nalalaman mo na di namin nalalaman?
Anong nauunawa mo na wala sa amin?
10 (DO)Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao,
Matandang makapupo kay sa iyong ama.
11 Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo,
Sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?
12 Bakit ka napadadala sa iyong puso?
At bakit kumikindat ang iyong mga mata?
13 Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios,
At binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.
14 (DP)Ano ang tao upang maging malinis?
At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?
15 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga (DQ)banal;
Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.
16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak,
(DR)Ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
17 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako;
At ang aking nakita ay aking ipahahayag:
18 (Ang (DS)isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;
19 Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain,
At (DT)walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:)
20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw,
Sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.
21 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig;
(DU)Sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:
22 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman,
At siya'y hinihintay ng tabak:
23 (DV)Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan?
(DW)Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:
24 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya:
Nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;
25 Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios.
At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;
26 Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg,
Sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;
27 (DX)Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan
At nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;
28 At siya'y tumahan sa mga sirang bayan,
Sa mga bahay na walang taong tumatahan,
Na madaling magiging mga bunton.
29 Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pagaari.
Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.
30 Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman;
Tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga,
At sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
31 Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili:
Sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.
32 (DY)Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan,
At ang kaniyang (DZ)sanga ay hindi mananariwa.
33 Lalagasin niya ang kaniyang mga (EA)hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas,
At lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.
34 Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago,
At susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.
35 (EB)Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan,
At ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.
Ang ikalimang pagsasalita ni Job. Kaniyang kinamuhian ang kaniyang mga kaibigan. Ang pagtutol sa pagpapalagay ng Dios.
16 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Ako'y nakarinig ng maraming (EC)ganyang bagay:
Maralitang mga mangaaliw kayong lahat.
3 Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita?
O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?
4 Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa;
Kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa,
Ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo,
At maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
5 Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig,
At ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
6 Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat:
At bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?
7 Nguni't ngayo'y niyamot niya ako:
Nilansag mo ang (ED)aking buong pulutong.
8 At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin;
At ang (EE)aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin,
nagpapatotoo sa aking mukha.
9 Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako;
(EF)Pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin:
(EG)Pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
10 (EH)Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig:
(EI)Kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya:
Sila'y nagpipisan laban sa akin.
11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal,
At inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam;
Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako:
Inilagay naman niya akong (EJ)pinakatanda niya.
13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga (EK)mamamana,
Kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad;
Kaniyang (EL)ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
14 Kaniyang binubugbog ako ng (EM)bugbog at bugbog;
Siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan,
At aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak,
At nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
17 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay,
At ang aking dalangin ay malinis,
18 Oh lupa, (EN)huwag mong tabunan ang aking dugo,
At huwag magkaroon ng pahingahang dako (EO)ang aking daing.
19 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit,
At siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
20 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan:
Nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;
21 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios;
At ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.
22 Sapagka't pagsapit ng ilang taon,
Ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.
Si Job ay tumawag sa Dios, nguni't nanaghoy dahil sa kaniyang kaabaabang kalagayan.
17 Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos,
(EP)Ang libingan ay handa sa akin.
2 Tunay na may mga manunuya na kasama ako,
At ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
3 Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili;
(EQ)Sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
4 Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa:
Kaya't hindi mo sila itataas.
5 Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli,
Ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
6 Nguni't ginawa rin niya akong (ER)kakutyaan ng bayan:
At niluraan nila ako sa mukha.
7 Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan.
At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
8 Mga matuwid na tao ay (ES)matitigilan nito,
At ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
9 Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad,
(ET)At ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
10 Nguni't tungkol sa inyong lahat, (EU)magsiparito kayo ngayon uli;
At hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
11 (EV)Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira,
Sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
12 Kanilang ipinalit ang araw sa gabi:
Ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
13 Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay;
Kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:
14 Kung sinabi ko sa kapahamakan: Ikaw ay aking ama:
Sa uod: Ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
15 Nasaan nga ang aking pagasa?
At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
16 Lulusong sa mga pangawan (EW)ng Sheol,
Pagtataglay ng (EX)kapahingahan sa alabok.
Pinagsalitaan siya ni Bildad. Inilahad ang panganib ng makasalanan.
18 Nang magkagayo'y sumagot si (EY)Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita?
Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
3 Bakit kami nangabibilang (EZ)na parang mga hayop,
At naging marumi sa iyong paningin?
4 Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit,
Pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo?
O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
5 Oo, (FA)ang ilaw ng masama ay papatayin,
At ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
6 Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda,
At ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
7 Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil,
(FB)At ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
8 Sapagka't siya'y inihagis sa (FC)lambat ng kaniyang sariling mga paa,
At siya'y lumalakad sa mga silo.
9 Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong.
(FD)At isang silo ay huhuli sa kaniya.
10 Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa,
At isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
11 Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya (FE)sa lahat ng dako,
At hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
12 Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom,
At ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
13 Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan,
Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga (FF)sangkap.
14 Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan;
At siya'y dadalhin sa (FG)hari ng mga kakilabutan.
15 Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano:
Azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
16 Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo (FH)sa ilalim,
At sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
17 (FI)Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa,
At siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
18 Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag,
At itatapon sa labas ng sanglibutan.
19 Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan,
Ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
20 Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa (FJ)kaniyang kaarawan,
Gaya ng nangauna na nangatakot.
21 Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko,
At ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.
Si Job ay tumutol sa pagkamuhi ng kaniyang mga kaibigan, at tumawag sa kanilang pagkahabag.
19 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa,
At babagabagin ako ng mga salita?
3 Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako:
Kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
4 At kahima't ako'y magkamali,
Ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
5 Kung tunay na (FK)kayo'y magpapakalaki laban sa akin,
At ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko:
6 Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios,
At inikid ako ng kaniyang silo.
7 Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig;
Ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.
8 Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan,
At naglagay ng kadiliman sa aking mga landas.
9 (FL)Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian,
At inalis ang (FM)putong sa aking ulo.
10 Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw:
At ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
11 Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin,
At ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway,
12 Ang kaniyang mga (FN)hukbo ay dumarating na magkakasama,
At ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin,
At kinubkob ang palibot ng aking tolda.
13 (FO)Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin,
At ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin.
14 Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo,
At nilimot ako ng aking mga (FP)kasamasamang kaibigan.
15 Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan;
Ako'y naging kaiba sa kanilang paningin.
16 Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot,
Bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig.
17 Ang aking hininga ay iba sa aking asawa,
At ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina.
18 Pati ng mga bata ay humahamak sa akin;
Kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin:
19 Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin:
At ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin,
20 Ang aking buto ay dumidikit (FQ)sa aking balat at sa aking laman,
At ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin.
21 Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko;
Sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios,
22 Bakit ninyo (FR)ako inuusig na gaya ng Dios.
At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman?
Siya ay nananalig na siya ay matutubos din.
23 Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita!
Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
24 Ng isa nawang panulat na bakal at tingga,
Na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
25 Nguni't talastas ko na (FS)manunubos sa akin ay buháy,
At siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
26 At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat,
Gayon ma'y (FT)makikita ko ang Dios sa aking laman:
27 Siyang makikita ko ng sarili,
At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.
Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.
28 Kung inyong sabihin: Paanong aming pag-uusigin siya?
Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin;
29 Mangatakot kayo sa tabak:
Sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak,
Upang inyong malaman na may kahatulan.
Sinabi ni Sophar na ang makasalanan kahit anong yaman, ay kailangan na dumanas ng kaparusahan.
20 Nang magkagayo'y sumagot si (FU)Zophar na Naamathita, at nagsabi,
2 Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip,
Dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
3 Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan,
At ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
4 Hindi mo ba nalalaman ito ng una,
Mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
5 (FV)Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli,
At ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
6 (FW)Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit,
At ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
7 Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi:
Silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
8 Siya'y mawawala na (FX)gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.
Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
9 Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa;
Ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
10 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha,
At ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan,
(FY)Nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
12 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig,
Bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
13 Bagaman kaniyang patawarin,
at hindi niya ito babayaan,
Kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
14 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan,
Siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli:
Mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
16 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas;
Papatayin siya ng (FZ)dila ng ulupong.
17 Hindi niya matitingnan ang mga ilog,
Ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
18 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin;
Ayon sa pagaari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
19 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha;
Kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
20 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya,
Hindi siya makapagliligtas ng anoman (GA)sa kaniyang kinaluluguran.
21 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal;
Kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
22 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya;
Ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
23 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan,
Ihuhulog ng Dios ang kaniyang (GB)mabangis na poot sa kaniya.
At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
24 (GC)Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal,
At ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
25 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan:
Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo;
Mga kakilabutan ang (GD)sumasa kaniya.
26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya;
(GE)Isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya:
Susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
27 Ihahayag (GF)ng mga langit ang kaniyang kasamaan,
At ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon,
Ang kaniyang mga pagaari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios,
At ang manang takda sa kaniya ng Dios.
Si Job ay tumutol sa kaginhawahan ng makasalanan; itinanggi ang pagtanggap ng parusa ng mga makasalanan.
21 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita;
At ito'y maging inyong mga kaaliwan.
3 Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita,
(GG)At pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo.
4 Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing?
At bakit hindi ako maiinip?
5 Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo.
At (GH)ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig,
6 Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako,
At kikilabutan ang humahawak sa aking laman.
7 (GI)Bakit nabubuhay ang masama,
Nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan?
8 Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin,
At ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata.
9 Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot,
Kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila.
10 Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog;
Ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya.
11 Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan,
At ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan,
12 Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa,
At nangagkakatuwa sa tunog ng (GJ)plauta.
13 Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan,
At sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol.
14 At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin;
Sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad.
15 (GK)Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin?
At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya?
16 Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay:
(GL)Ang payo ng masama ay malayo sa akin.
17 (GM)Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama?
Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila?
Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit?
18 (GN)Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin,
At gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?
19 Inyong sinasabi, (GO)Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak.
Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya.
20 Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba,
At (GP)uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat.
21 Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya,
Pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna?
22 (GQ)May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios?
Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas.
23 Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan,
Palibhasa't walang bahala at tahimik:
24 Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas,
At ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig.
25 At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa,
At kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti.
26 Sila'y (GR)nahihigang magkakasama sa alabok,
At tinatakpan sila ng uod.
27 Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip,
At ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin.
28 Sapagka't inyong sinasabi, (GS)Saan naroon ang bahay ng prinsipe?
At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama?
29 Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan?
At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan?
30 (GT)Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan?
Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan?
31 Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha?
At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa?
32 Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan,
At magbabantay ang mga tao sa libingan.
33 Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya,
At lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya,
Gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang.
34 Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan,
Dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan?
Ang ikatlong pagsasalita ni Eliphaz. Pinaalalahanan niya si Job na huwag tumutol sa Panginoon, kundi bumalik sa Kaniya.
22 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2 (GU)Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios?
Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.
3 May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid?
O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?
4 Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka,
Na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan?
5 Hindi ba malaki ang iyong kasamaan?
Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.
6 Sapagka't ikaw ay (GV)kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala,
At iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.
7 Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom,
At (GW)ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
8 Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa;
At ang marangal na tao, ay tumatahan doon.
9 (GX)Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao,
At ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
10 Kaya't ang (GY)mga silo ay nangasa palibot mo,
At biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
11 O kadiliman, upang huwag kang makakita.
(GZ)At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.
12 Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit?
At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!
13 At iyong sinasabi, (HA)Anong nalalaman ng Dios?
Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?
14 Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita;
At siya'y lumalakad sa (HB)balantok ng langit.
15 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan,
Na nilakaran ng mga masamang tao?
16 (HC)Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan.
Na ang patibayan ay nahuhong parang agos:
17 Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin;
At, Anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?
18 Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay;
(HD)Nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin.
19 (HE)Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa;
At tinatawanang mainam ng walang sala:
20 Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay,
At ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy.
21 Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa:
Anopa't ang mabuti ay darating sa iyo.
22 Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig,
At ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
23 Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka;
Kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.
24 At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok,
At ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis:
25 At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan,
At mahalagang pilak sa iyo.
26 Sapagka't ikaw ay (HF)magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat,
At iyong itataas ang iyong mukha sa Dios.
27 (HG)Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka:
At iyong babayaran ang iyong mga panata.
28 Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo;
At liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
29 Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas;
At ililigtas niya (HH)ang mapagpakumbabang tao.
30 Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal:
Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay.
Ang ikawalong pagsasalita ni Job. Nais niyang magkaroon ng kaugnayan sa Panginoon.
23 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Magpahanggang ngayo'y mapanghimagsik ang aking daing:
Ang bugbog sa akin ay lalong (HI)mabigat kaysa aking hibik.
3 Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya,
Upang ako'y dumating hanggang sa kaniyang likmuan!
4 (HJ)Aking aayusin ang aking usap sa harap niya,
At pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran.
5 Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin,
At matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin.
6 Makikipagtalo ba siya sa akin sa (HK)kalakhan ng kaniyang kapangyarihan?
Hindi; kundi pakikinggan niya ako.
7 Doo'y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid;
Sa gayo'y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom.
8 Narito, ako'y nagpapatuloy, nguni't wala siya;
At sa dakong likuran, nguni't hindi ko siya mamataan:
9 Sa kaliwa pagka siya'y gumagawa, nguni't hindi ko mamasdan siya:
Siya'y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya.
10 Nguni't (HL)nalalaman niya ang daang aking nilalakaran;
Pagka kaniyang (HM)nasubok ako ay lalabas akong parang ginto.
11 (HN)Ang aking paa ay sumunod na
lubos sa kaniyang mga hakbang.
Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko.
12 Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi;
Aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.
13 Nguni't siya'y sa isang akala, at sinong makapagpapabalik sa kaniya?
At kung ano ang ninanasa ng (HO)kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa.
14 Sapagka't kaniyang isinasagawa ang itinakda sa akin:
At maraming gayong mga bagay ang nasa kaniya.
15 Kaya't ako'y nababagabag sa kaniyang harapan;
Pagka aking binubulay, ay natatakot ako sa kaniya.
16 Dahil sa pinapanglupaypay ng (HP)Dios ang aking puso,
At binagabag ako ng Makapangyarihan sa lahat:
17 Sapagka't hindi ako inihiwalay (HQ)sa harap ng kadiliman,
Ni tinakpan man niya ang salimuot na kadiliman sa aking mukha.
Sinasabi ni Job na ang makasalanan ay namamatay na tulad din ng karaniwang tao.
24 Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat?
At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya?
2 May nagsisipagbago ng lindero;
Kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.
3 Kanilang itinataboy ang asno ng ulila,
(HR)Kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla.
4 (HS)Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan:
(HT)Ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.
5 Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang,
Sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain;
Ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.
6 Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain;
At kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.
7 Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot.
At walang kumot sa ginaw.
8 Sila'y basa ng ulan sa mga bundok,
At (HU)niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.
9 May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso,
At nagsisikuha ng sangla ng dukha:
10 Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit,
At palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;
11 Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito;
Sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw.
12 Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao,
At ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw;
Gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios.
13 Ito'y sa mga (HV)nangaghihimagsik laban sa liwanag;
Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon,
Ni tumatahan man sa mga landas niyaon.
14 Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag,
Pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan;
At sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw.
15 Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay (HW)ng pagtatakip-silim,
Na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin:
At nagiiba ng kaniyang mukha.
16 Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay:
Sila'y nagkukulong sa sarili kung araw;
Hindi nila nalalaman ang liwanag,
17 Sapagka't (HX)ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman,
Sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.
18 (HY)Siya'y matulin (HZ)sa ibabaw ng tubig;
Ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa:
Siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.
19 Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng (IA)tubig:
Gaya ng Sheol ng mga nagkakasala.
20 Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod;
Siya'y hindi na maaalaala pa:
At ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.
21 Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak;
At hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.
22 Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan
Siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay.
23 Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon;
At ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad.
24 Sila'y nangataas, (IB)gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na.
Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba,
At nangaputol na gaya ng mga uhay.
25 At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling,
At magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978