Bible in 90 Days
13 Narito, (A)ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, (B)siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas.
14 Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha (C)ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao),
15 (D)Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; (E)ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay (F)kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.
Ang lingkod ng Panginoon ay nagbabata. Ang kaniyang kamatayan at karangalan.
53 Sinong (G)naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang (H)bisig ng Panginoon?
2 (I)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (J)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.
3 Siya'y hinamak at itinakuwil (K)ng mga tao; isang (L)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (M)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.
4 Tunay na kaniyang (N)dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
5 Nguni't siya'y nasugatan (O)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (P)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (Q)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
6 (R)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (S)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (T)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (U)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (V)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.
9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (W)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (X)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (Y)makikita niya ang kaniyang lahi, (Z)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.
11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (AA)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (AB)aking matuwid na lingkod ang marami; at (AC)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
12 (AD)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (AE)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (AF)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (AG)namagitan sa mga mananalangsang.
Ang pagpapalaki sa Sion.
54 Umawit ka, (AH)Oh baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay magbiglang umawit, at humiyaw ng malakas, ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak: sapagka't higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng (AI)may asawa, sabi ng Panginoon.
2 Iyong palakhin ang dako (AJ)ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang magurong: habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos.
3 Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; (AK)at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan.
4 Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa.
5 Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay (AL)iyong asawa; ang (AM)Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay (AN)iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.
6 Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang (AO)asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.
7 Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan (AP)kita; nguni't pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan.
8 Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali; (AQ)nguni't kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos.
9 Sapagka't ito ay (AR)parang tubig ng panahon ni Noe sa akin; sapagka't kung paanong ako'y sumumpa, na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon ako'y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo, o sasaway sa iyo.
10 Sapagka't ang mga bundok ay (AS)mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o (AT)ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
Ang lumalaking pagibig ng Panginoon sa Sion.
11 Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang (AU)iyong mga bato na may magandang mga kulay, at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro.
12 At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan, at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan, at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan.
13 At lahat mong anak ay (AV)tuturuan ng Panginoon; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak.
14 Sa katuwiran ay matatatag ka: ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka't yao'y hindi mo katatakutan; at sa kakilabutan, sapagka't hindi lalapit sa iyo.
15 Narito, sila'y magkakapisan, nguni't (AW)hindi sa pamamagitan ko: sinomang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo.
16 Narito, aking nilalang ang panday na humihihip sa mga baga, at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa; at aking nilalang ang manglilipol upang manglipol.
17 Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at (AX)bawa't dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, (AY)at ang katuwiran nila ay sa akin, sabi ng Panginoon.
Ang walang bayad na kahabagan sa lahat.
55 Oh lahat (AZ)na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili ng alak at gatas (BA)ng walang salapi at walang bayad.
2 (BB)Ano't kayo'y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan.
3 Inyong ikiling ang inyong tainga, at (BC)magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y (BD)makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay (BE)na mga kaawaan ni David.
4 Narito, ibinigay ko siya na (BF)pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan.
5 Narito, ikaw ay tatawag ng bansa (BG)na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; (BH)sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
6 (BI)Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit:
7 Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't (BJ)siya'y magpapatawad ng sagana.
8 Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.
9 Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas (BK)kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.
10 Sapagka't (BL)kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng (BM)binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain;
11 Magiging gayon ang aking salita (BN)na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.
12 Sapagka't kayo'y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay (BO)magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat (BP)na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay.
13 Kahalili ng (BQ)tinik ay tutubo ang puno ng abeto; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan: at sa Panginoon ay magiging (BR)pinaka pangalan, pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam.
Ang kabanalan ng pagiingat ng sabbath.
56 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagingat ng kahatulan, at magsigawa ng katuwiran; (BS)sapagka't ang aking pagliligtas ay malapit nang darating, at ang aking katuwiran ay mahahayag.
2 Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; (BT)na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan.
3 (BU)At huwag ding magsalita ang taga ibang lupa, na nalakip sa Panginoon, na magsasabi, Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa kaniyang bayan; at huwag ding magsabi ang bating, Narito, ako'y (BV)punong kahoy na tuyo.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath, at pumipili ng mga bagay na nakalulugod sa akin, at nagiingat ng aking tipan:
5 Sila'y bibigyan ko sa (BW)aking bahay at sa loob ng aking mga kuta, ng alaala (BX)at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan, na hindi mapaparam.
6 Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan;
7 Sila ay dadalhin ko (BY)sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: (BZ)ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; (CA)sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa (CB)lahat ng mga bayan.
8 Ang Panginoong Dios (CC)na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi, (CD)Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya, bukod sa kaniyang sarili na nangapisan.
Ang mga masasamang pinuno ay pinagwikaan.
9 Kayong lahat na mga hayop sa parang, kayo'y magsiparitong lumamon, oo, kayong lahat na mga hayop sa gubat.
10 Ang kaniyang mga (CE)bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; (CF)silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; mapanaginipin, mapaghiga, maibigin sa pagidlip.
11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga (CG)pastor na hindi nangakakaunawa: (CH)sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.
12 Kayo'y magsiparito, sabi nila, ako'y magdadala ng alak, at magpatid-uhaw tayo sa matapang na inumin; (CI)at bukas ay magiging gaya ng araw na ito, dakilang araw, na walang kapantay.
Makaidolatria na ugali ng Israel.
57 Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.
2 Siya'y nanasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa (CJ)kanilang mga higaan bawa't lumalakad sa kaniyang katuwiran.
3 Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.
4 Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, (CK)lahing sinungaling,
5 Kayong mga nangagaalab (CL)sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, (CM)sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na (CN)pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?
6 Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay naghandog ng alay. Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito?
7 Sa isang mataas (CO)at matayog na bundok ay inilagay mo ang (CP)iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain.
8 At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad (CQ)sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: (CR)iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.
9 At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.
10 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, (CS)Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.
Ang pagpapakababa at pagtitiis ng Panginoon.
11 At (CT)kanino ka nangilabot at natakot, (CU)na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? (CV)hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.
12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.
13 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: (CW)nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay (CX)magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na (CY)bundok.
14 At kaniyang sasabihin, (CZ)Inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, (DA)na ang pangalan ay (DB)Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na (DC)kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob (DD)ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.
16 Sapagka't hindi ako (DE)makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.
17 (DF)Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako, at sinaktan ko siya; aking ikinubli ang aking mukha at ako'y napoot; at siya'y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso.
18 Aking nakita ang kaniyang mga lakad, at pagagalingin ko (DG)siya; akin ding papatnubayan siya, at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya, at ang (DH)kaniyang nangananangis.
19 Aking nililikha ang (DI)bunga ng mga labi: (DJ)Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya (DK)na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.
20 Nguni't ang masama (DL)ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi.
21 Walang kapayapaan, (DM)sabi ng aking Dios, sa mga masama.
Ang mali at ang matuwid na pagtupad ng pagpapakasakit.
58 (DN)Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
2 Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; (DO)sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios.
3 Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, (DP)at hindi mo nakikita? ano't (DQ)aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.
4 Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, (DR)upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.
5 Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?
6 Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, (DS)na pagaanin ang mga pasan at (DT)papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?
7 (DU)Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?
8 Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, (DV)at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; (DW)ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.
9 Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, (DX)ang pagtuturo, at ang (DY)pagsasalita ng masama:
10 At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;
11 At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging (DZ)parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.
12 At (EA)silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.
13 (EB)Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita:
14 Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at (EC)pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; (ED)sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.
Ang pagtatapat ng kahinaan ng bansa.
59 Narito, ang kamay ng Panginoon (EE)ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.
2 (EF)Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
3 Sapagka't ang (EG)inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
4 Walang dumadaing ng katuwiran (EH)at walang nanananggalang ng katotohanan: sila'y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, at nangagsasalita ng mga kasinungalingan; (EI)sila'y nangaglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.
5 Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
6 Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
7 Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, (EJ)at sila'y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas.
8 Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: (EK)sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.
9 Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: (EL)kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.
10 Kami'y nagsisikapa sa bakod na (EM)parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.
11 Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at (EN)lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.
12 Sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin; sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin, at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin.
13 Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at (EO)paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan.
14 At ang kahatulan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagka't ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at ang karampatan ay hindi makapasok.
Ang paghihiganti at pagliligtas ng Panginoon.
15 Oo, ang katotohanan ay nagkukulang, at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli. At nakita ng Panginoon, at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan.
16 (EP)At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya.
17 At siya'y nagsuot ng katuwiran na (EQ)wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang (ER)ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal.
18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon (ES)niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga (ET)pulo ay gaganti siya ng kagantihan.
19 Sa gayo'y (EU)katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na (EV)parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.
20 At isang Manunubos ay (EW)paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon.
21 At tungkol sa akin, (EX)ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang (EY)aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.
Ang paghihiganti at pagliligtas ng Panginoon.
60 Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at (EZ)ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.
2 Sapagka't narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.
3 At ang mga bansa ay (FA)paroroon sa iyong liwanag, (FB)at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.
4 Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, (FC)sila'y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin.
5 Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't (FD)ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.
6 Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa (FE)Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng (FF)ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon.
7 Lahat ng kawan sa (FG)Cedar ay mapipisan sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin: sila'y kalugodlugod, na (FH)tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian.
8 Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan?
9 Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay (FI)sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang (FJ)dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, (FK)ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil (FL)sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, (FM)sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
10 At itatayo (FN)ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta, at ang (FO)kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo: sapagka't (FP)sa aking poot ay sinaktan kita, (FQ)nguni't sa aking biyaya ay naawa ako sa iyo.
11 Ang iyo namang mga (FR)pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, (FS)at ang kanilang mga hari ay makakasama nila.
12 Sapagka't yaong bansa (FT)at kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay mamamatay; oo, ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos.
13 Ang kaluwalhatian ng Libano ay (FU)darating sa iyo, (FV)ang puno ng abeto, ng pino, at ng boj na magkakasama, upang pagandahin ang dako ng aking santuario; at aking (FW)gagawin ang dako ng aking mga paa na maluwalhati.
14 At ang mga anak nila na dumalamhati sa iyo ay magsisiparoong yuyuko sa iyo; (FX)at silang lahat na nagsisihamak sa iyo ay magpapatirapa sa mga talampakan ng iyong mga paa; at tatanawin ka nila (FY)Ang bayan ng Panginoon, (FZ)Ang Sion ng Banal ng Israel.
Ang maluwalhating Sion.
15 Yamang ikaw ay (GA)napabayaan at ipinagtanim, na anopa't walang tao na dumadaan sa iyo, gagawin kitang walang hanggang (GB)karilagan, na kagalakan ng maraming sali't saling lahi.
16 Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa (GC)mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na (GD)akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo, at Manunubos sa iyo, (GE)Makapangyarihan ng Jacob.
17 Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto, at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal. Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan, at ang iyong mga maniningil ay katuwiran.
18 Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; (GF)kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan, (GG)at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan.
19 Ang araw ay (GH)hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang (GI)liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian.
20 Ang iyong araw ay (GJ)hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.
21 Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na (GK)lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, (GL)ang sanga ng aking pananim, ang (GM)gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin.
22 Ang munti ay magiging isang libo, at (GN)ang maliit ay magiging matibay na bansa: akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.
Ang pagkakataas ng mga nagbabata.
61 Ang (GO)Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; (GP)sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang (GQ)ipangaral ang mabubuting balita sa mga (GR)maamo; kaniyang sinugo ako upang (GS)magpagaling ng mga bagbag na puso, (GT)upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
2 (GU)Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at (GV)ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; (GW)upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;
3 Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, (GX)upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng (GY)langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga (GZ)punong kahoy ng katuwiran, na (HA)pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.
4 (HB)At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.
5 At ang mga taga ibang lupa (HC)ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan.
6 (HD)Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: (HE)kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo.
7 Kahalili ng (HF)inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.
8 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, (HG)aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.
9 (HH)At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon.
10 Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya (HI)ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, (HJ)gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.
11 Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.
Ang kaluwalhatian ng Sion at ang kaniyang bagong pangalan.
62 Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang (HK)kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas.
2 (HL)At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at (HM)ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; (HN)at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon.
3 Ikaw naman ay magiging (HO)putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios.
4 (HP)Hindi ka na tatawagin pang (HQ)Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin.
5 Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon (HR)magagalak ang Dios sa iyo.
6 (HS)Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta, Oh Jerusalem; sila'y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi: kayong mga mapagalaala sa Panginoon, huwag kayong mangagpahinga,
7 At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya'y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan[a] sa lupa ang Jerusalem.
8 Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay[b] ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.
9 Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon, at magsisipuri sa Panginoon; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon (HT)sa mga looban ng aking santuario.
10 Kayo'y magsidaan, kayo'y magsidaan sa mga pintuang-bayan; (HU)inyong ihanda ang lansangan ng bayan; inyong patagin; inyong patagin ang maluwang na lansangan; inyong pulutin ang mga bato; (HV)mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan.
11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, (HW)Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, (HX)Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang (HY)kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
12 At tatawagin nila sila (HZ)Ang banal na bayan, (IA)Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang (IB)hindi pinabayaan.
Ang paghihiganti ng Panginoon sa mga bansa.
63 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na (IC)may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.
2 Bakit ka mapula sa (ID)iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?
3 Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; (IE)at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buháy ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.
4 Sapagka't ang kaarawan (IF)ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng (IG)aking mga tinubos ay dumating.
5 At ako'y lumingap, at (IH)walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: (II)kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.
6 At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.
Ang kagandahang-loob ng Panginoon noong una ay inalaala.
7 Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon, at ang mga kapurihan ng Panginoon, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin, at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan, at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
8 Sapagka't kaniyang sinabi, Tunay, sila'y aking bayan, mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan: sa gayo'y siya'y naging Tagapagligtas sa kanila.
9 (IJ)Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya, at iniligtas sila (IK)ng anghel na nasa kaniyang harapan: sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya (IL)sila; at kaniyang kinilik (IM)sila at kinalong silang lahat noong araw.
10 (IN)Nguni't sila'y nanganghimagsik, (IO)at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu: kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya rin ang nakipaglaban sa kanila.
11 (IP)Nang magkagayo'y inalaala niya ang mga araw nang una, si Moises at ang kaniyang bayan, na sinasabi, Saan nandoon siya na nagahon (IQ)sa kanila mula sa dagat, na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila?
12 Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises? (IR)na humawi ng tubig sa harap nila, upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan?
13 Na pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman, na parang isang kabayo sa ilang, upang sila'y huwag mangatisod?
14 Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon: gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan.
15 Tumungo ka mula sa langit, at tumingin ka, (IS)mula sa tahanan ng iyong kabanalan at ng iyong kaluwalhatian: saan nandoon ang iyong sikap at ang iyong mga makapangyarihang gawa? (IT)ang iyong pagmamagandang-loob at ang iyong mga habag ay iniurong mo sa akin.
16 Sapagka't ikaw (IU)ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
17 Oh Panginoon; bakit mo (IV)kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan, at (IW)pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo? (IX)Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod, na mga lipi ng iyong mana.
18 Inaring sangdali lamang (IY)ng iyong banal na bayan: niyapakan ng aming mga kaaway ang iyong santuario.
19 Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man, gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan.
Panalangin sa paghingi ng awa at tulong.
64 (IZ)Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
2 Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!
3 Nang ikaw ay (JA)gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
4 Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, (JB)o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.
5 (JC)Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan: narito, ikaw ay napoot, at kami ay nagkasala: napasa kanila kaming malaong panahon; at maliligtas baga kami?
6 (JD)Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang (JE)lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at (JF)nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.
7 At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't (JG)ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.
8 Nguni't ngayon, Oh Panginoon, (JH)ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, (JI)at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay (JJ)gawa ng iyong kamay.
9 Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong (JK)bayan.
10 Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang, ang Sion ay naging giba, ang Jerusalem ay sira.
11 Ang aming banal at magandang bahay, na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang (JL)ay nasunog sa apoy; at lahat naming maligayang bagay ay nasira.
12 Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito, (JM)Oh Panginoon? ikaw baga'y tatahimik, at pagdadalamhatiin mo kaming mainam?
Ang parusa na ibinabala sa mga masuwayin.
65 Ako'y (JN)napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin; ako'y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin: aking sinabi, Narito ako, narito ako, sa (JO)bansa na hindi tinawag sa aking pangalan.
2 (JP)Aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan, na lumalakad sa daang hindi mabuti, ayon sa kanilang sariling mga pagiisip;
3 Bayan (JQ)na minumungkahi akong palagi ng mukhaan, (JR)na naghahain sa mga halamanan, at nagsusunog ng kamangyan (JS)sa ibabaw ng mga laryo;
4 Na nauupo (JT)sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; (JU)na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan;
5 Na nagsasabi, (JV)Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw.
6 Narito, (JW)nasulat sa harap ko: hindi ako tatahimik, (JX)kundi ako'y gaganti, oo, ako'y gaganti (JY)sa kanilang sinapupunan,
7 Ang inyong sariling mga kasamaan, at (JZ)ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama, sabi ng Panginoon, (KA)na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok, at nagsitungayaw sa akin (KB)sa mga burol: ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan.
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, (KC)sapagka't iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat.
9 At ako'y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob, at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok; at mamanahin ng aking (KD)pinili, at tatahanan ng aking mga lingkod.
10 At ang Saron ay (KE)magiging kulungan ng mga kawan, at (KF)ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan, dahil sa aking bayan na humanap sa akin.
11 Nguni't kayo, na nangagpapabaya sa Panginoon, na nagsisilimot ng (KG)aking banal na bundok, na nangaghahanda ng dulang (KH)para sa Kapalaran, at pinupuno (KI)ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan;
12 Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; (KJ)sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran.
13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya;
14 Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal (KK)dahil sa pagkabagbag ng loob.
15 At inyong iiwan ang inyong pangalan na (KL)pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan:
16 Na anopa't siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan; sapagka't ang mga dating kabagabagan ay nalimutan, at sapagka't nangakubli sa aking mga mata.
Ang bagong langit at ang bagong lupa.
17 Sapagka't narito, ako'y (KM)lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.
18 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking (KN)nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.
19 (KO)At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at (KP)ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
20 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't (KQ)ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, (KR)at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
21 At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.
22 Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't (KS)kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
23 Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, (KT)o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't (KU)sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
24 At mangyayari, (KV)na bago sila magsitawag, sasagot ako; (KW)at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.
25 Ang lobo at ang kordero (KX)ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at (KY)alabok ang magiging pagkain ng ahas. (KZ)Sila'y hindi (LA)mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
Ang hindi tapat na pagsamba ay sinumpa.
66 Ganito ang sabi ng Panginoon, (LB)Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan?
2 Sapagka't lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay, at sa gayo'y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito, sabi ng Panginoon: nguni't (LC)ang taong ito ay titingnan ko, sa makatuwid baga'y (LD)siyang dukha at may pagsisising loob, at nanginginig sa aking salita.
3 Siyang pumapatay ng baka ay (LE)gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang (LF)nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay;
4 Akin namang pipiliin ang kanilang mga kakutyaan, at dadalhan ko sila ng kanilang takot, (LG)sapagka't nang ako'y tumawag, walang sumagot; nang ako'y magsalita ay walang nakinig; kundi sila'y nagsigawa ng masama sa harap ng aking mga mata, at pinili ang hindi ko kinaluluguran.
Ang hatol ng Panginoon.
5 Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, ninyong nanginginig sa kaniyang salita, Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil (LH)sa inyo dahil sa akin, nangagsabi, (LI)Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin (LJ)ang inyong kagalakan; nguni't sila'y mangapapahiya.
6 Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan, ang tinig na mula sa templo, ang tinig ng Panginoon na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway.
7 Bago siya nagdamdam, siya'y nanganak; bago dumating ang kaniyang paghihirap, siya'y nanganak ng isang lalake.
8 Sinong nakarinig ng ganyang bagay? sinong nakakita ng ganyang mga bagay? ipanganganak baga ang lupain sa isang araw? ilalabas bagang paminsan ang isang bansa? sapagka't pagdaramdam ng Sion, ay nanganak ng kaniyang mga anak.
9 Dadalhin ko baga sa kapanganakan, at hindi ko ilalabas? sabi ng Panginoon; magsasara baga ako ng bahay bata, akong nagpapanganak? sabi ng iyong Dios.
10 (LK)Kayo'y mangagalak na kasama ng Jerusalem, at mangatuwa dahil sa kaniya, kayong lahat na nagsisiibig sa kaniya: kayo'y mangagalak ng kagalakan na kasama niya, kayong lahat na nagsisitangis dahil sa kaniya:
11 (LL)Upang kayo'y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan; upang kayo'y makagatas, at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian.
12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na (LM)parang isang ilog, at (LN)ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y (LO)kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod.
13 Kung paanong ang sinoma'y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo; at kayo'y mangaaliw sa Jerusalem.
14 At inyong makikita, at magagalak ang inyong puso, at ang (LP)inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo: at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod, at siya'y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway.
15 Sapagka't, narito, (LQ)ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang (LR)kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.
16 Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at (LS)sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at (LT)ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.
17 Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon (LU)sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng (LV)daga; sila'y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon.
18 Sapagka't kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y (LW)magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978