Bible in 90 Days
Ang ikatlong pagsasalita ni Bildad. Ang tao ay malaking kababaan sa Dios.
25 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya;
Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga (A)mataas na dako.
3 May anomang (B)bilang ba sa kaniyang mga hukbo?
At doon (C)sa hindi sinisikatan ng (D)kaniyang liwanag?
4 (E)Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios?
O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
5 Narito, pati ng buwan ay walang liwanag,
At ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:
6 Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!
At ang anak ng tao, (F)na isang uod!
Ang ika siyam na pagsasalita ni Job.
26 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan!
Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas!
3 Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan,
At saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!
4 Kanino mo binigkas ang mga salita?
At kanino ang diwa na lumabas sa iyo?
5 (G)Ang mga patay ay nanginginig
Sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon.
6 (H)Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios,
At ang (I)Abaddon ay walang takip.
7 (J)Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman,
At ibinibitin ang lupa sa wala.
8 (K)Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap;
At ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.
9 Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan,
At iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.
10 (L)Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig,
Hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.
11 (M)Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig.
At nangatitigilan sa kaniyang saway.
12 Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan,
At sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.
13 (N)Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit;
Sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.
14 Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan:
At pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya!
Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?
Ang pagasa ng makasalanan ay walang kabuluhan.
27 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
2 Buhay ang Dios, (O)na siyang nagalis ng aking katuwiran,
At ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
3 (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin,
At ang espiritu (P)ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
4 Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan,
Ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
5 Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap:
(Q)Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
6 Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan:
(R)Hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
7 Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama,
At ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
8 (S)Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya,
Pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
9 (T)Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak.
Pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
10 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat,
At tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
11 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios;
Ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
12 Narito, kayong lahat ay nangakakita;
Bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 (U)Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios,
At ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
14 (V)Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa (W)tabak,
At ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
15 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan,
(X)At ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
16 Bagaman siya'y (Y)magbunton ng pilak na parang alabok,
At maghahanda ng bihisan na parang putik;
17 Maihahanda niya, (Z)nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon.
At babahagihin ng walang sala ang pilak.
18 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga,
At (AA)gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
19 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya (AB)pupulutin;
Kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
20 (AC)Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na (AD)gaya ng tubig;
Bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
21 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw;
At pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
22 Sapagka't (AE)hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad;
Siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
23 (AF)Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya.
At (AG)hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
Ang tao ay mainam kumita ng kayamanan sa sanglibutan.
28 Tunay na may mina na mayroong pilak,
At dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
2 Bakal ay hinuhukay sa lupa,
At tanso ay binububo mula sa bato.
3 Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman,
At sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan
Ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
4 Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao:
Nililimot ng paa na dumadaan; Nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
5 Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay:
At sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
6 Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro.
At ito'y may alabok na ginto.
7 Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam.
Ni nakita man ng mata ng falkon:
8 Hindi natungtungan ng mga palalong hayop,
Ni naraanan man ng mabangis na leon,
9 Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian;
Binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
10 Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato;
At ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
11 Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos;
At ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.
Ang karunungan ay lalong mabuting kayamanan, na ang Dios lamang ang nakaaalam.
12 (AH)Nguni't saan masusumpungan ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
13 Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon;
Ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
14 Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin:
At sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
15 (AI)Hindi mabibili ng ginto,
Ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
16 Hindi mahahalagahan ng (AJ)ginto sa Ophir,
Ng mahalagang onix, o ng zafiro.
17 Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon:
Ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
18 Hindi mabibilang ang coral o ang cristal;
Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga (AK)rubi.
19 Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon,
Ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
20 Saan nanggagaling nga ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
21 Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay,
At natatago sa mga ibon sa himpapawid.
22 Ang (AL)kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi,
Narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
23 Nauunawa ng (AM)Dios ang daan niyaon,
At nalalaman niya ang dako niyaon.
24 Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa,
At nakikita ang silong ng buong langit;
25 (AN)Upang bigyan ng timbang ang hangin;
Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
26 Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan,
At ng daan sa kidlat ng kulog:
27 Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag;
Kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
28 At sa tao ay sinabi niya,
Narito, (AO)ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan;
At ang (AP)paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.
Naaalaala ni Job ang kaniyang nakaraang kasayahan at kapangyarihan.
29 At (AQ)muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,
2 Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una,
Gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;
3 (AR)Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo
At sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;
4 Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan,
Noong (AS)ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;
5 Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa,
At ang (AT)aking mga anak ay nangasa palibot ko;
6 Noong ang aking mga hakbang ay (AU)naliligo sa gatas,
At (AV)ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!
7 Noong ako'y lumalabas sa (AW)pintuang-bayan hanggang sa bayan,
Noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,
8 Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli,
At ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:
9 Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap,
(AX)At inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
10 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik,
At ang (AY)kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.
11 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako;
At pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:
12 Sapagka't aking (AZ)iniligtas ang dukha na dumadaing,
Ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.
13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin:
At aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
14 (BA)Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako:
Ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.
15 Ako'y naging (BB)mga mata sa bulag,
At naging mga paa ako sa pilay.
16 Ako'y naging ama sa mapagkailangan;
At ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.
17 At aking (BC)binali ang mga pangil ng liko,
At inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.
18 Nang magkagayo'y sinabi ko, Mamamatay ako (BD)sa aking pugad,
At aking pararamihin ang aking mga kaarawan na (BE)gaya ng buhangin:
19 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig,
At ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking (BF)sanga:
20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin,
At (BG)ang aking busog ay nababago sa aking kamay.
21 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay,
At nagsisitahimik sa aking payo.
22 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli;
At ang aking pananalita ay (BH)tumutulo sa kanila.
23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan,
At kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa (BI)huling ulan.
24 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala:
At ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.
25 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno,
At tumatahang gaya ng hari sa hukbo,
Gaya ng nangaaliw sa nananangis.
Idinadaing niya ang kaparusahan na kaniyang dinadanas, at ang malabis na pahirap sa kaniya ng Panginoon.
30 Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin,
(BJ)Na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.
2 Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan?
Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na.
3 Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom;
Kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan.
4 Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy;
At ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain.
5 Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao;
Sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw.
6 Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis,
Sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato.
7 Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay (BK)nagsisiangal;
Sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan.
8 Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao;
Sila'y mga itinapon mula sa lupain.
9 (BL)At ngayon ay naging kantahin nila ako,
Oo, ako'y kasabihan sa kanila.
10 Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako,
At hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha.
11 Sapagka't (BM)kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako,
At kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko.
12 Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga;
Itinutulak nila ang aking mga paa,
At (BN)kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak.
13 Kanilang sinisira ang aking landas,
Kanilang isinusulong ang aking kapahamakan,
Mga taong walang tumulong.
14 Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan:
Sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila.
15 Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin,
Kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin;
At ang aking kaginhawahan ay napaparam na (BO)parang alapaap.
16 At (BP)ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko;
Mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin.
17 Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto,
At ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga.
18 Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot:
Tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro.
19 Inihahagis niya ako sa banlik,
At ako'y naging parang alabok at mga abo.
20 Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot:
Ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
21 Ikaw ay naging mabagsik sa akin:
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako.
22 Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon;
At tinutunaw mo ako sa bagyo.
23 Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan,
At sa bahay na takda sa lahat na may buhay.
24 Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog?
O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?
25 (BQ)Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan?
Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan?
26 (BR)Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating:
At pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating.
27 Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga;
Mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.
28 (BS)Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw;
Ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong.
29 Ako'y kapatid ng mga chakal, At mga kasama ng mga avestruz.
30 (BT)Ang aking balat ay maitim, at natutuklap,
(BU)At ang aking mga buto ay nagpapaltos.
31 Kaya't ang aking (BV)alpa ay naging panangis,
At ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak.
Sa kahirapan ni Job ay tumututol siya dahil sa kalinisan ng kaniyang buhay.
31 Ako'y nakipagtipan sa aking mga (BW)mata;
Paano nga akong titingin sa isang dalaga?
2 Sapagka't ano (BX)ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas,
At ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?
3 Hindi ba kasakunaan sa liko,
At kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?
4 (BY)Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad,
At binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
5 Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan,
At ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;
6 (Timbangin ako sa matuwid na timbangan,
Upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat;)
7 Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan,
At (BZ)ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata,
At kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
8 Kung gayo'y (CA)papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba;
Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.
9 Kung ang aking puso ay napadaya sa babae,
At ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:
10 Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa,
At iba ang yumuko (CB)sa kaniya.
11 Sapagka't iya'y isang mabigat na (CC)sala;
Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:
12 Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa Pagkapahamak,
At bubunutin ang lahat ng aking bunga.
13 Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae,
Nang sila'y makipagtalo sa akin:
14 Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon (CD)ang Dios?
At pagka kaniyang dinadalaw, (CE)anong isasagot ko sa kaniya?
15 (CF)Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya;
At hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?
16 Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa,
O (CG)pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
17 O kumain akong magisa ng aking subo,
At ang ulila ay hindi kumain niyaon;
18 (Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama,
At aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina;)
19 Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan,
O ng mapagkailangan ng walang kumot;
20 Kung hindi ako (CH)pinagpala ng kaniyang mga balakang,
At kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa:
21 Kung binuhat ko ang aking kamay (CI)laban sa ulila,
Sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan:
22 Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin,
At ang aking kamay ay mabali sa buto.
23 Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay (CJ)kakilabutan sa akin,
At dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa.
24 (CK)Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa,
At sinabi ko sa dalisay na ginto, Ikaw ay aking tiwala;
25 (CL)Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki,
At sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26 (CM)Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat,
O sa buwan na lumalakad sa kakinangan;
27 At ang aking puso ay napadayang lihim,
At hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:
28 Ito may isang (CN)kasamaang marapat parusahan ng mga hukom:
Sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.
29 (CO)Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin,
O nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;
30 (CP)(Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan
Sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa;)
31 Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi,
Sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?
32 (CQ)Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan;
Kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,
33 Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang,
(CR)Sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34 Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan,
At pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan.
Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan—
35 (CS)O mano nawang may duminig sa akin!
(Narito ang aking tala, sagutin (CT)ako ng Makapangyarihan sa lahat;)
At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!
36 Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat;
Aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.
37 Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang,
Gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.
38 Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin,
At ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
39 Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad,
O ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:
40 Tubuan ng dawag (CU)sa halip ng trigo,
At ng mga masamang damo sa halip ng cebada.
Ang mga salita ni Job ay natapos.
Ang salita ni Eliu.
32 Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y (CV)matuwid sa kaniyang sariling paningin.
2 Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na (CW)Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios.
3 Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job.
4 Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya.
5 At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot.
6 At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi,
Ako'y (CX)bata, at kayo'y totoong matatanda;
Kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka.
7 Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita,
At ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.
8 Nguni't may (CY)espiritu sa tao,
At ang (CZ)hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa.
9 (DA)Hindi ang dakila ang siyang pantas,
Ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan.
10 Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako;
Akin namang ipakikilala ang aking haka.
11 Narito, aking hinintay ang inyong mga salita,
Aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran,
Samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.
12 Oo, aking inulinig kayo,
At, narito, walang isang makahikayat kay Job,
O sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita.
13 Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan;
Madadaig ng Dios siya, hindi ng tao;
14 Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin;
Ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita.
15 Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa;
Sila'y walang salitang masabi,
16 At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita,
Sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot?
17 Ako nama'y sasagot ng ganang akin,
Akin namang ipakikilala ang aking haka.
18 Sapagka't ako'y puspos ng mga salita;
Ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin,
19 Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan:
Parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak.
20 Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan:
Aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako.
21 Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman;
Ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita.
22 Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita;
Na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin.
Sinabi na ang tao ay tinutulungan sa pamamagitan ng panaginip at ng karamdaman. Ang pagtulong ng Anghel.
33 Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita,
At pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
2 Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig;
Nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
3 Sasaysayin ng (DB)aking mga salita ang katuwiran ng aking puso;
At ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
4 Nilalang ako (DC)ng Espiritu ng Dios,
At ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
5 Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin;
Ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
6 Narito, ako'y sa Dios na gaya mo:
Ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
7 (DD)Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan,
Ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
8 Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig,
At aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
9 (DE)Ako'y malinis na walang pagsalangsang;
Ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
10 Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin,
Ibinilang niya (DF)ako na pinakakaaway:
11 (DG)Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan,
Kaniyang (DH)pinupuna ang lahat na aking landas.
12 Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap;
Sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
13 Bakit ka (DI)nakikilaban sa kaniya?
Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
14 Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita,
Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
15 (DJ)Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao,
Sa mga pagkakatulog sa higaan;
16 (DK)Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao,
At itinatatak ang kanilang turo,
17 Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala,
At ikubli ang kapalaluan sa tao;
18 Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
19 Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan,
At ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
20 (DL)Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay,
At ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
21 Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita;
At ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
22 Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
23 Kung doroong kasama niya ang isang anghel,
Isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo,
Upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
24 Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi,
Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay,
Ako'y nakasumpong ng katubusan.
25 Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata;
Siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
26 Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya:
Na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan:
At kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
27 Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi,
(DM)Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid,
At hindi ko napakinabangan:
28 Kaniyang (DN)tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay,
At ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
29 Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios,
Makalawa, oo, makaitlo sa tao,
30 Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay,
Upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
31 Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako:
Tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
32 Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako:
Ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
33 Kung hindi, dinggin mo ako:
Tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.
Ipinagtanggol ni Eliu ang katarungan ng Dios. Pinararatangan ni Eliu si Job na mapagsuay at nagaaring ganap sa sarili.
34 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,
2 Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas;
At pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman.
3 Sapagka't ang pakinig ay tumitikim ng mga salita,
Gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain.
4 Ating piliin sa ganang atin ang matuwid:
Ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti.
5 Sapagka't sinabi ni Job, (DO)Ako'y matuwid,
At inalis (DP)ng Dios ang aking katuwiran:
6 Gayon ma'y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling;
At ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman ako'y walang pagsalangsang.
7 Sinong tao ang gaya ni Job,
(DQ)Na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig,
8 Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan,
At lumalakad na kasama ng mga masamang tao?
9 Sapagka't kaniyang (DR)sinabi, Walang napapakinabang ang tao
Na siya'y makapagpalugod sa Dios.
10 Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa:
(DS)Malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama;
At sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan.
11 Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin (DT)niya sa kaniya,
At ipatatagpo sa bawa't tao ang (DU)ayon sa kaniyang mga lakad.
12 Oo, sa katotohanan, ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan,
(DV)Ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan.
13 Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa?
O sinong nagayos ng buong sanglibutan?
14 Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao,
Kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga;
15 (DW)Tanang laman ay mamamatay na magkakasama,
At ang tao ay mababalik uli sa alabok.
16 Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito:
Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita.
17 Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran?
At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya?
18 (DX)Siya na nagsabi sa isang hari: Ikaw ay hamak?
O sa mga mahal na tao: Kayo'y masasama?
19 (DY)Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo,
(DZ)Ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap;
Sapagka't silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay.
20 Sa isang sangdali ay nangamamatay sila, kahit sa hating gabi;
Ang bayan ay inuuga at nawawala,
At inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay.
21 (EA)Sapagka't ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao,
At nakikita niya ang lahat niyang pagyaon.
22 (EB)Walang kadiliman, ni makapal man pangungulimlim,
Na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan.
23 Sapagka't hindi na niya pakukundanganan ang tao,
Upang siya'y humarap sa Dios sa kahatulan.
24 Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod,
At naglalagay ng mga iba na kahalili nila.
25 Kaya't siya'y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa;
At kaniyang binabaligtad sila sa gabi, na anopa't sila'y nangalilipol.
26 Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao.
Sa hayag na paningin ng mga iba,
27 Sapagka't sila'y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya,
At hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad:
28 Na anopa't kaniyang pinadating (EC)ang daing ng dukha sa kaniya,
At dininig niya ang daing ng napipighati.
29 Pagka siya'y nagbibigay ng katahimikan, sino ngang makahahatol?
At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, sinong makakakita sa kaniya?
Maging gawin sa isang bansa, o sa isang tao:
30 Upang ang taong di banal ay huwag maghari,
Upang huwag maging silo sa bayan.
31 Sapagka't may nagsabi ba sa Dios:
Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa:
32 Yaong hindi ko nakikita ay (ED)ituro mo sa akin:
Kung ako'y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa?
33 Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan?
Sapagka't ikaw ang marapat pumili at hindi ako:
Kaya't salitain mo kung ano ang iyong nalalaman
34 Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin,
Oo, bawa't pantas na taong nakakarinig sa akin:
35 Si Job ay nagsasalita ng (EE)walang kaalaman.
At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan.
36 Si Job nawa'y subukin hanggang sa wakas,
Dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao.
37 Sapagka't siya'y nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan,
Kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin,
At pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios.
Pinaratangan ni Eliu si Job na nagaaring ganap sa sarili.
35 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,
2 Iniisip mo bang ito'y matuwid?
O sinasabi mong: Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios,
3 Na iyong sinasabi, (EF)Anong pakinabang ang tatamuhin mo?
At, anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako'y nagkasala?
4 Sasagutin kita,
At (EG)ang iyong mga kasamahang kasama mo.
5 (EH)Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan;
At masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo.
6 Kung ikaw ay nagkasala, (EI)anong iyong ginagawa laban sa kaniya?
At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami, anong iyong ginagawa sa kaniya?
7 (EJ)Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya?
O anong tinatanggap niya sa iyong kamay?
8 Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo;
At ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao.
9 (EK)Dahil sa karamihan ng mga kapighatian, sila'y humihiyaw:
Sila'y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan.
10 Nguni't walang nagsasabing, Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin,
(EL)Na siyang nagbibigay ng awit kung gabi;
11 Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa.
At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid?
12 Doo'y tumatawag sila, nguni't walang sumasagot,
Dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao
13 Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan,
Ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat.
14 (EM)Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya.
Ang usap ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya!
15 Nguni't ngayon sapagka't hindi niya dinalaw (EN)sa kaniyang galit,
Ni ginunita mang maigi;
16 (EO)Kaya't ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan;
Siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman.
Minamarapat ni Eliu ang paggamit ng parusa ng Dios.
36 Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi,
2 Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo;
Sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios.
3 Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo,
At aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin.
4 Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan:
Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo.
5 Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man;
(EP)Siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa.
6 Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama:
Nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati.
7 Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid:
Kundi kasama ng mga hari sa luklukan
(EQ)Kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas.
8 At (ER)kung sila'y mapapangaw,
At mapipigil sa mga panali ng kapighatian;
9 Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa,
At ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo.
10 (ES)Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo,
At iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan.
11 Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya,
Kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan,
At ang kanilang mga taon sa kasayahan.
12 Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak,
At sila'y mangamamatay na walang kaalaman.
13 Nguni't ang di banal sa (ET)puso ay nagbubunton ng galit:
Hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya (EU)sila.
14 (EV)Sila'y nangamamatay sa kabataan,
At ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi.
15 Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati,
At ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati.
16 Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan,
Hanggang sa luwal na (EW)dako na walang kagipitan;
At ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan.
Ipinapayo ni Eliu kay Job na sumailalim ng Panginoon, at kilanlin ang kapangyarihan ng Panginoon.
17 Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama:
Kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo.
18 Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan;
Ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan.
19 Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan,
O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan?
20 Huwag mong nasain ang gabi,
Pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako.
21 Ikaw ay magingat, (EX)huwag mong lingunin ang kasamaan;
Sapagka't (EY)ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian.
22 Narito, ang Dios ay gumagawa
ng mainam sa kaniyang kapangyarihan:
(EZ)Sinong tagapagturo ang gaya niya?
23 (FA)Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan?
O sinong makapagsasabi, Ikaw ay gumawa ng kalikuan?
24 Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa,
Na inawit ng mga tao.
25 Lahat ng mga tao'y nakakita noon;
Makikita ito ng tao sa malayo.
26 Narito, ang Dios ay dakila, at hindi (FB)natin nakikilala siya;
(FC)Hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon.
27 Sapagka't (FD)pinailanglang niya ang mga patak ng tubig,
Na nagiging ulan mula sa singaw na yaon:
28 (FE)Na ibinubuhos ng mga langit
At ipinapatak na sagana sa tao.
29 Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap,
Ng mga kulog ng kaniyang kulandong?
30 (FF)Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya;
At inaapawan ang kalaliman ng dagat.
31 Sapagka't (FG)sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan;
(FH)Siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana.
32 Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat;
At ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda.
33 Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya,
Ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating.
Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa paglalalang at sa sumasangkap ng sanglibutan.
37 Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso,
At napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako.
2 Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig,
At ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig.
3 Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit,
At ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa.
4 Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong;
(FI)Siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan:
At hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig.
5 Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig;
(FJ)Dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas.
6 Sapagka't sinabi niya sa nieve, (FK)Lumagpak ka sa lupa;
Gayon din sa ambon,
At sa bugso ng kaniyang malakas na ulan,
7 Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao:
Upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.
8 Kung gayo'y nagsisipasok (FL)ang mga hayop sa mga lungga,
At namamalagi sa kanilang mga tahanan.
9 Mula sa timog nanggagaling ang bagyo:
At ang ginaw ay mula sa hilagaan.
10 (FM)Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo:
At ang kaluwangan ng tubig ay naiipit.
11 Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig;
Kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat:
12 At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay,
(FN)Upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila,
Sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan:
13 Maging sa saway, o maging (FO)sa kaniyang lupain,
O (FP)maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya.
14 Dinggin mo ito, Oh Job:
Tumigil ka, at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios.
15 Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios,
At pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap?
16 Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap,
Ang kagilagilalas na mga gawa niya na (FQ)sakdal sa kaalaman?
17 Paanong umiinit ang inyong mga suot,
Pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan?
18 (FR)Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit,
Na matibay na gaya ng isang salaming binubo?
19 Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya;
Sapagka't hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman.
20 Sasaysayin ba sa kaniya na ako'y magsasalita?
O iisipin ba ng isang tao na siya'y sasakmalin?
21 At ngayo'y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit:
Nguni't ang hangin ay dumadaan, at pinapalis ang mga yaon.
22 Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan;
(FS)May taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan.
23 Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, (FT)hindi natin mauunawa;
Siya'y (FU)marilag sa kapangyarihan;
At sa kahatulan at saganang kaganapan siya'y hindi pipighati.
24 (FV)Kinatatakutan nga siya ng mga tao:
Hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang (FW)pantas sa puso.
Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa liwanag, sa nieve, sa granizo, sa ulan, sa hielo, at sa leon.
38 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job (FX)mula sa ipoipo, at nagsabi,
2 Sino ito na nagpapadilim ng payo.
Sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
3 Bigkisan mo (FY)ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake:
Sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
4 Saan ka nandoon (FZ)nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa?
Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
5 Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman?
O sinong nagunat ng panukat diyan?
6 Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan?
O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
7 Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga.
At ang lahat ng mga anak ng Dios ay (GA)naghihiyawan sa kagalakan?
8 (GB)O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat,
Nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata;
9 Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon,
At ang salimuot na (GC)kadiliman na pinakabalot niyaon,
10 At aking (GD)itinatag doon ang aking pasiya,
At nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,
11 At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas:
At dito'y (GE)titigil ang iyong mga palalong alon?
12 (GF)Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan,
At ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;
13 Upang humawak sa mga wakas ng lupa,
At ang masasama ay maugoy doon?
14 Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak;
At lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:
15 At sa masama ay inalis (GG)ang kanilang liwanag,
At (GH)ang mataas na kamay ay mababali.
16 Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat?
O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman?
17 Nangahayag ba sa iyo (GI)ang mga pintuan ng kamatayan?
O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan?
18 Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa?
Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.
19 Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag,
At tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;
20 Upang iyong madala sa hangganan niyaon,
At upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon?
21 Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon,
At ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami!
22 Pumasok ka ba sa mga (GJ)tipunan ng nieve,
O nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo,
23 Na (GK)aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan,
Laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?
24 Sa aling daan naghiwalay ang liwanag.
O sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa?
25 Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig,
O ng daanan ng kidlat ng kulog;
26 Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao.
Sa ilang na doon ay walang tao.
27 (GL)Upang busugin ang giba at sirang lupa;
At upang pasibulin ang sariwang damo?
28 (GM)May ama ba ang ulan?
O sinong nanganak sa mga patak ng hamog?
29 Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo?
At (GN)ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?
30 Ang mga (GO)tubig ay nakukubling gaya ng bato,
At ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno.
31 Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na (GP)Pleyade,
O (GQ)makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion?
32 Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan?
O mapapatnubayan mo ba ang (GR)Oso na kasama ng kaniyang mga anak?
33 Nalalaman mo ba (GS)ang mga alituntunin ng langit?
Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?
34 Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap,
Upang takpan ka ng saganang tubig?
35 Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon,
At magsabi sa iyo: Nangarito kami?
36 Sinong naglagay ng karunungan sa (GT)mga pinakaloob na bahagi?
O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip?
37 Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan?
O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit,
38 Pagka ang alabok ay napuputik,
At ang mga bugal ay nanganinikit na maigi?
39 Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae?
O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon,
40 Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga,
At nagsisitahan sa guwang upang bumakay?
41 (GU)Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya,
Pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios,
At nagsisigala sa kakulangan ng pagkain?
Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa mga kambing bundok, sa mga usa, sa mga mabangis na asno, sa bakang gubat, at sa avestruz, at sa kabayo, sa uwak, at sa agila.
39 Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga (GV)kambing bundok?
O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam (GW)ng mga usa?
2 Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan?
O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak?
3 Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak,
Kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan.
4 Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan;
Sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik.
5 Sinong nagpakawala sa mabangis na asno?
O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno?
6 Na ginawa kong bahay niya (GX)ang ilang,
At ang lupaing maasin na kaniyang tahanan.
7 Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan.
Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop.
8 Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan,
At kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay.
9 Matutuwa ba (GY)ang bakang gubat na maglingkod sa iyo?
O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban?
10 Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid?
O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo?
11 Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas?
O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya?
12 Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya
na iuuwi sa bahay ang iyong binhi,
At pipisanin ang mga butil sa iyong giikan?
13 Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak;
Nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo?
14 Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa,
At pinaiinit ang mga yaon sa alabok,
15 At kinalilimutang mangapipisa ng paa,
O mangayuyurakan ng mabangis na hayop.
16 (GZ)Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya:
Bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot;
17 Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan,
Ni hindi siya binahaginan ng unawa.
18 Anomang panahon na siya'y napaiitaas,
Hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito.
19 Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan?
Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw?
20 Pinalulukso mo ba siya na parang balang?
Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot.
21 Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan,
(HA)Siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata.
22 Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay:
Ni hindi tinatalikuran ang tabak.
23 Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya,
Ang makintab na sibat at ang kalasag.
24 Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot;
Ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak.
25 Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha!
At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo,
Ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw.
26 Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan,
At iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan?
27 Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos,
At gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas?
28 Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira,
Sa taluktok ng burol at sa katibayan,
29 Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit;
Ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo.
30 Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo:
(HB)At kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya.
Si Job ay sumailalim ng Panginoon. Ang hamon ng Panginoon.
40 Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi,
2 (HC)Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat?
Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito.
3 Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
4 (HD)Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo?
Aking inilalagay (HE)ang aking kamay sa aking bibig,
5 Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot:
Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy.
6 Nang magkagayo'y (HF)sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
7 (HG)Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake:
Ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin.
8 (HH)Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan?
Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap?
9 O mayroon ka bang kamay na parang Dios?
At makakukulog ka ba (HI)ng tinig na gaya niya?
10 (HJ)Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan;
At magbihis ka ng karangalan at kalakhan.
11 Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit:
At tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya.
12 (HK)Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya;
At iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan.
13 Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama;
Talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako.
14 Kung magkagayo'y ipahayag naman kita;
Na maililigtas ka ng iyong kanan.
Ang kapangyarihan ng Panginoon ay tulad sa behemot.
15 Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo:
Siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka.
16 Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan.
17 Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro:
Ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran.
18 Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso;
Ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal.
19 Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios:
Ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya.
20 (HL)Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain;
Na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang.
21 Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto,
Sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak.
22 Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim;
Nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis.
23 Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig:
Siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga.
24 (HM)May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod,
O may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo?
Ang kapangyarihan ng Panginoon ay katulad ng buwaya.
41 Mahuhuli mo ba ang (HN)buwaya ng isang bingwit?
O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali?
2 Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong?
O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit?
3 Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo?
O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
4 Makikipagtipan ba siya sa iyo,
Upang ariin mo siyang alipin magpakailan man?
5 Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon?
O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga?
6 Makakalakal ba siya (HO)ng mga pulutong ng mangingisda?
Mababahagi ba siya nila sa (HP)mga mangangalakal?
7 Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal,
O ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda?
8 Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;
Alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin.
9 Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan:
Hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon?
10 Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon:
Sino ngang makatatayo sa harap ko?
11 (HQ)Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya?
(HR)Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.
12 Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan,
Ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis.
13 Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit?
Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil?
14 Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha?
Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan.
15 Ang kaniyang mga matibay na (HS)palikpik ay kaniyang kapalaluan,
Nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit.
16 Nagkakadikit sa isa't isa,
Na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon.
17 Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa;
Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay.
18 Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy,
At ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga.
19 Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo,
At mga alipatong apoy ay nagsisilabas.
20 Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok,
Na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib.
21 Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga,
At isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig.
22 Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan,
At ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya.
23 Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan;
Nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw.
24 Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato;
Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan.
25 Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan:
Dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila.
26 Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab;
Ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man.
27 Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami,
At ang tanso na parang lapok na kahoy.
28 Hindi niya mapatakas ng palaso:
Ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo.
29 Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo:
Kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat.
30 Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga:
Lumalaganap na tila saksak sa banlik.
31 Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok:
Kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid.
32 Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya;
Aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman.
33 Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya,
Na likhang walang takot.
34 Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay:
Siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978