Bible in 90 Days
19 Aking itatanim sa ilang ang cedro, ang puno ng acacia, at ang arayan, at ang olivo; aking ilalagay sa ilang ang puno ng abeto, at ang pino, at ang boj na magkakasama:
20 Upang sila'y makakita at makaalam, at makagunita, at makatalos na magkakasama, na ginawa ito ng kamay ng Panginoon, at nilikha ng Banal ng Israel.
Ang mga idolatria ay walang kapangyarihan upang maging mga propeta.
21 Iharap ninyo ang inyong usap, sabi ng Panginoon; inyong ilabas ang inyong mga matibay sa pagmamatuwid, sabi ng Hari ng Jacob.
22 Ilabas nila, (A)at ipahayag sa amin kung anong mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating.
23 Inyong ipahayag ang mga bagay (B)na darating pagkatapos, upang aming maalaman na kayo'y mga dios; (C)oo, kayo'y magsigawa ng mabuti, o magsigawa ng kasamaan, upang kami ay mangawalan ng loob, at mamasdan naming magkakasama.
24 Narito, (D)kayo'y sa wala, at ang inyong gawa ay sa wala: kasuklamsuklam siya na pumili sa inyo.
25 May ibinangon ako (E)mula sa hilagaan, at siya'y dumating; mula sa sikatan ng araw ay tumatawag siya sa aking pangalan: at siya'y paroroon sa mga pinuno na parang cimiento, at para ng magpapalyok na yumuyurak ng putik na malagkit.
26 Sinong nagpahayag noon (F)mula nang pasimula upang aming maalaman? at nang una, upang aming masabi, Siya'y matuwid? oo, walang magpahayag, oo, walang magpakita, oo, walang duminig ng inyong mga salita.
27 Ako'y (G)unang (H) magsasabi sa Sion, Narito, narito sila; at ako'y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita.
28 At pagka ako'y tumitingin, (I)walang tao; sa gitna nila ay walang tagapayo, na makasagot ng isang salita, pagka ako'y tumatanong sa kanila.
29 Narito, silang lahat, ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan (J)at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan.
Ang pangako ng Panginoon sa kaniyang lingkod.
42 (K)Narito, ang (L)aking lingkod, na aking inaalalayan; (M)ang aking hinirang, (N)na kinalulugdan ng aking kaluluwa; (O)isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa.
2 Siya'y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan.
3 Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan.
4 Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; (P)at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan.
5 Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito:
6 Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay (Q)kita na pinakatipan sa bayan, (R)na pinakaliwanag sa mga bansa;
7 (S)Upang magdilat ng mga bulag na mata, (T)upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at (U)nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.
8 Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay (V)sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.
9 Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.
10 Magsiawit kayo sa Panginoon (W)ng bagong awit, at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa; (X)kayong nagsisibaba sa dagat, at ang buong nariyan, (Y)ang mga pulo, at mga nananahan doon,
11 (Z)Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon, ang mga nayon na tinatahanan ng (AA)Cedar: magsiawit ang mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok.
12 Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon, at mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo.
13 Ang Panginoon ay lalabas na parang makapangyarihang lalake; siya'y pupukaw ng paninibugho na parang lalaking mangdidigma: siya'y hihiyaw, oo, siya'y hihiyaw ng malakas; siya'y gagawang makapangyarihan laban sa kaniyang mga kaaway.
Ang Israel ay hindi kinalugdan dahil sa katigasan ng ulo.
14 Ako'y tumahimik ng malaon; ako'y hindi kumibo, at nagpigil ako: ngayo'y hihiyaw akong parang nagdaramdam na babae; ako'y manggigiba at mananakmal na paminsan.
15 Aking gagawing giba ang mga bundok at mga burol, at tutuyuin ko ang lahat nilang mga pananim; at gagawin kong mga pulo ang mga ilog, at aking tutuyuin ang mga lawa.
16 At aking dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman; sa mga landas na hindi nila nalalaman ay papatnubayan ko sila; aking gagawing kadiliman ang liwanag sa harap nila, at mga likong daan ang matuwid. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin, at hindi ko kalilimutan sila.
17 Sila'y mangapapaurong, (AB)sila'y mangapapahiyang mainam, na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan, na nangagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo'y aming mga dios.
18 Makinig kayong mga bingi; at tumingin kayong mga bulag, upang kayo'y mangakakita.
19 Sino ang bulag (AC)kundi ang aking lingkod? o ang bingi, na gaya ng aking sugo na aking sinusugo? sino ang bulag na gaya niya na nasa kapayapaan sa akin, at bulag na gaya ng (AD)lingkod ng Panginoon?
20 Ikaw ay nakakakita ng maraming bagay, (AE)nguni't hindi mo binubulay; (AF)ang kaniyang mga tainga ay bukas, nguni't hindi niya dininig.
21 Kinalulugdan ng Panginoon dahil sa kaniyang katuwiran, na dakilain ang kautusan, at gawing marangal.
22 Nguni't ito ay isang bayang nanakaw at nasamsam; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay, at sila'y nangakubli sa mga bilangguan: sila'y pinaka huli at walang magligtas; pinaka samsam, at walang magsabi, Iyong papanumbalikin.
23 Sino sa gitna ninyo ang makikinig nito? na makikinig at didinig para sa panahong darating?
24 Sino ang nagbigay ng Jacob na pinaka samsam, at ng Israel sa mga magnanakaw? di baga ang Panginoon? na laban sa kaniya ay nangagkasala tayo, at sa mga daan niya ay hindi sila nagsilakad, o naging masunurin man sila sa kaniyang kautusan.
25 (AG)Kaya't ibinugso niya sa kaniya ang pusok ng kaniyang galit, at ang lakas ng pakikipagbaka; (AH)at sinulsulan siya ng apoy sa palibot, (AI)gayon ma'y hindi niya naalaman; at sinunog siya, gayon ma'y hindi siya naglagak ng kalooban.
Ang Panginoon lamang ang makapagliligtas.
43 Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, (AJ)sapagka't tinubos kita; tinawag (AK)kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
2 Pagka ikaw ay dumaraan (AL)sa tubig, (AM)ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad (AN)sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.
3 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas (AO)sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang (AP)Egipto, ang Etiopia at ang Seba.
4 Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.
5 Huwag kang matakot, (AQ)sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi (AR)mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
6 Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;
7 Bawa't (AS)tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay (AT)sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.
8 Iyong ilabas ang bulag na bayan (AU)na may mga mata, at ang bingi may mga tainga.
9 Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: (AV)sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.
10 (AW)Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, (AX)at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; (AY)walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.
11 Ako, sa makatuwid baga'y (AZ)ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.
12 Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang (BA)ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.
13 (BB)Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?
Tagapagligtas mula sa Babilonia.
14 Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong (BC)Manunubos, na Banal ng Israel, Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia, at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy, sa makatuwid baga'y ang mga Caldeo, sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan.
15 Ako ang Panginoon, na inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, na inyong Hari.
16 Ganito ang sabi ng Panginoon, na (BD)gumagawa ng daan sa dagat, ng landas sa mga malawak na tubig;
17 (BE)Na pinalabas ang karo at kabayo, ang hukbo at ang kapangyarihan (sila'y nangahihigang magkakasama, sila'y hindi na magsisibangon; sila'y nangamamatay na parang timsim):
18 Huwag ninyong alalahanin (BF)ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una.
19 Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at (BG)mga ilog sa ilang.
20 Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili,
21 Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan.
22 Gayon ma'y hindi ka tumawag sa akin, Oh Jacob; kundi ikaw ay nayamot (BH)sa akin, Oh Israel.
23 Hindi mo dinala sa akin (BI)ang mga tupa't kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan.
24 Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi, o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain: kundi pinapaglingkod mo ako ng iyong mga kasalanan, iyong niyamot (BJ)ako ng iyong mga kasamaan.
Ang pagpapatawad ng Panginoon.
25 Ako, (BK)ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.
26 Ipaalaala mo ako; tayo'y kapuwa magkatuwiranan: ilabas mo ang iyong usap, upang ikaw ay mapatotohanan.
27 Ang iyong pangunang ama ay nagkasala, at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa akin.
28 Kaya't (BL)aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario, at gagawin kong sumpa ang Jacob, at isang kadustaan ang Israel.
Ang Panginoon lamang ang iisang Dios.
44 Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh (BM)Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo (BN)sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; (BO)Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw (BP)Jeshurun, na aking pinili.
3 Sapagka't (BQ)ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:
4 At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.
5 Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat (BR)ng pangalan ng Israel.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, (BS)Ako ang una, at ako ang huli; at (BT)liban sa akin ay walang Dios.
7 At sino, na gaya ko, tatawag, at (BU)magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.
8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: (BV)hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at (BW)kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.
Inilarawan ang kahangalan ng idolatria.
9 (BX)Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay (BY)hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.
10 Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan (BZ)na di pakikinabangan sa anoman?
11 Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.
12 Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at (CA)gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at patá.
13 Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.
14 Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.
15 Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at (CB)pinagpapatirapaan.
16 Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:
17 At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.
18 (CC)Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.
19 At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?
20 Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng (CD)nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang (CE)kabulaanan sa aking kanang kamay?
Inililigtas ng Panginoon ang kaniyang bayan.
21 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't (CF)ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
22 Aking pinawi na (CG)parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos (CH)kita.
23 Magsiawit, Oh (CI)kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, (CJ)mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.
24 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng (CK)iyong Manunubos, at niyang (CL)naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;
25 Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at (CM)nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at (CN)nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;
26 Na nagpapatatag ng salita ng (CO)kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon:
27 Na nagsasabi sa kalaliman, (CP)Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog;
28 Na nagsasabi tungkol kay (CQ)Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, (CR)Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.
Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.
45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa (CS)kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, (CT)upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
2 Ako'y magpapauna sa iyo, (CU)at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: (CV)aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:
3 At ibibigay ko sa iyo ang mga (CW)kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon (CX)na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang (CY)Dios ng Israel.
4 Dahil sa Jacob na (CZ)aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking (DA)pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.
5 Ako ang Panginoon, (DB)at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala,
6 Upang kanilang maalaman (DC)mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.
7 Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at (DD)lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.
8 Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.
9 Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! (DE)Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay?
10 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo?
11 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol (DF)sa aking mga anak, at tungkol (DG)sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin.
12 Aking ginawa ang lupa, at (DH)nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at (DI)sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.
13 Aking ibinangon (DJ)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (DK)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (DL)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Ang Panginoon lamang ang tagapagligtas.
14 Ganito ang sabi ng Panginoon, (DM)Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y (DN)magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, (DO)Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at (DP)walang ibang Dios.
15 Katotohanang ikaw ay Dios (DQ)na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.
16 Sila'y mangapapahiya, oo, mangalilito silang lahat; sila'y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan.
17 Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man.
18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon (DR)na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.
19 Ako'y hindi nagsalita (DS)ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: (DT)akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, (DU)ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.
20 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong (DV)magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: (DW)sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at (DX)nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.
21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at (DY)walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at (DZ)Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.
22 Kayo'y magsitingin sa akin, (EA)at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.
23 (EB)Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, (EC)na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, (ED)bawa't dila ay susumpa.
24 Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya.
25 Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel, at luluwalhati.
Pinagparis ang idolo ng Babilonia at ang Panginoon ng Israel.
46 Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay (EE)yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop.
2 Sila'y yumuyukod, sila'y nangagpapatirapang magkakasama; hindi nila maiwasan ang pasan, kundi sila ma'y napapasok sa pagkabihag.
3 Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at (EF)lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel, (EG)na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata:
4 At hanggang sa katandaan ay (EH)ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.
5 Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?
6 Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, (EI)at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; (EJ)sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba.
7 Pinapasan nila siya sa balikat, (EK)dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: (EL)oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.
8 Inyong alalahanin ito, at (EM)mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang.
9 Inyong alalahanin ang mga (EN)dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, (EO)at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;
10 (EP)Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, (EQ)Ang payo ko ay mananayo, (ER)at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:
11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit (ES)mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, (ET)aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
12 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:
13 Aking inilalapit ang (EU)aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay (EV)hindi magluluwat: at aking ilalagay ang (EW)kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.
Ang hatol ng Panginoon sa Babilonia ay sinabi.
47 Ikaw ay bumaba, (EX)at umupo sa alabok, Oh (EY)anak na dalaga ng Babilonia; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan, Oh (EZ)anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin.
2 Ikaw ay kumuha ng gilingang mga bato, (FA)at gumiling ka ng harina; magalis ka ng iyong lambong, maghubad ka ng balabal, (FB)maglitaw ka ng binti, tumawid ka sa mga ilog.
3 Ang iyong kahubaran ay malilitaw, oo, ang iyong kahihiyan ay makikita, (FC)ako'y manghihiganti, at hindi tatangi ng tao.
4 Ang aming Manunubos, (FD)ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya, ang Banal ng Israel.
5 Maupo kang tahimik, at masok ka sa kadiliman, Oh anak na babae ng mga Caldeo: (FE)sapagka't hindi ka na tatawagin. Ang mahal na babae ng mga kaharian.
6 Ako'y napoot (FF)sa aking bayan, (FG)aking dinumhan ang aking mana, at ibinigay ko sa iyong kamay: hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan; (FH)sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang.
7 At iyong sinabi, Ako'y magiging mahal na babae magpakailan man: na anopa't hindi mo ginunita ang mga bagay na ito sa iyong kalooban, o inalaala mo man (FI)ang huling wakas nito.
Ang kawalang bisa ng pagasa sa sarili.
8 Ngayon nga'y dinggin mo ito, ikaw na hinati sa mga kalayawan, na tumatahang matiwasay, na nagsasabi sa kaniyang puso, (FJ)Ako nga, at walang iba liban sa akin; (FK)hindi ako uupong gaya ng babaing bao, o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak:
9 Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, (FL)sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto.
10 Sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan; iyong sinabi, Walang nakakakita sa akin; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman, nagpaligaw sa iyo: at iyong sinabi sa iyong puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin.
11 Kaya't ang kasamaan ay darating sa iyo; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon: at kasakunaan ay sasapit sa iyo; hindi mo maaalis: at kagibaan ay darating sa iyong bigla, na hindi mo nalalaman.
12 (FM)Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto, at sa karamihan ng iyong panggagaway, na iyong ginawa mula sa iyong kabataan: marahil makikinabang ka, marahil mananaig ka.
13 Ikaw ay yamot (FN)sa karamihan ng iyong mga payo: (FO)magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit, at ng mga bituin, ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan, at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo.
14 Narito, sila'y magiging (FP)gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap.
15 Ganito mangyayari ang mga bagay sa iyo, na iyong ginawa: (FQ)silang nangalakal sa iyo mula sa iyong kabinataan ay lalaboy bawa't isa ng kaniyang sariling lakad; walang magliligtas sa iyo.
Pinagsalitaan ang Israel dahil sa di pagtatapat.
48 Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, (FR)at nagsilabas sa bukal ng Juda; (FS)na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng (FT)Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man.
2 (Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala (FU)sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan):
3 (FV)Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari.
4 Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay (FW)mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso:
5 Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: (FX)baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila.
6 Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman.
7 Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman.
8 Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang (FY)mula sa bahay-bata.
9 Dahil (FZ)sa aking pangalan ay (GA)aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay.
10 Narito dinalisay (GB)kita, nguni't hindi parang pilak; pinili kita sa (GC)hurno ng kadalamhatian.
11 Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; (GD)sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? (GE)at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.
Ipinangako ang pagkaligtas mula sa Babilonia.
12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: (GF)Ako nga; (GG)ako ang una, ako rin ang huli.
13 Oo, ang aking kamay ay siyang (GH)naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.
14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; (GI)sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? (GJ)Siyang iniibig ng Panginoon ay (GK)kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga (GL)Caldeo.
15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; (GM)aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.
16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay (GN)hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako (GO)ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.
17 Ganito ang sabi ng (GP)Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.
18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! (GQ)ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat:
19 Ang (GR)iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko.
20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, (GS)inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, (GT)Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.
21 (GU)At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; (GV)kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.
22 Walang kapayapaan (GW)sa masama, sabi ng Panginoon.
Mayamang mga pangako sa nalulungkot na Sion.
49 Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh (GX)mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng (GY)Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan:
2 At kaniyang ginawa ang (GZ)aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako:
3 At sinabi niya sa akin, Ikaw ay (HA)aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati.
4 Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang (HB)walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; (HC)gayon ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios.
5 At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)
6 Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na (HD)pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.
7 (HE)Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, (HF)doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo.
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, (HG)Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: (HH)at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;
9 Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.
10 (HI)Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; (HJ)at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga (HK)bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.
11 At aking gagawing daan ang (HL)lahat ng aking mga bundok, at ang aking mga lansangan ay patataasin.
12 Narito, (HM)ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay (HN)mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim.
13 Ikaw ay umawit, Oh langit; (HO)at magalak, Oh lupa; at kayo'y biglang magsiawit, Oh mga bundok: sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati.
14 Nguni't sinabi ng Sion, (HP)Pinabayaan ako ni Jehova, at nilimot ako ng Panginoon.
15 Malilimutan ba ng babae (HQ)ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, (HR)nguni't hindi kita kalilimutan.
16 Narito (HS)aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko.
17 Ang iyong mga anak ay mangagmamadali; ang mga manghahamak sa iyo at ang sumisira sa iyo ay aalis sa iyo.
18 Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot, (HT)at tingnan mo: lahat ng mga ito ay nagpipipisan, at naparirito sa iyo. Buháy ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay mabibihisan (HU)ng lahat ng mga yaon, na parang pinakagayak, at mabibigkisan ka (HV)ng mga yaon na parang isang kasintahang babae.
19 Sapagka't tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak, tunay na ikaw (HW)ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan, at silang nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo.
20 (HX)Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga pakinig, Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin: (HY)bigyan mo ako ng dako upang aking matahanan.
21 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa iyong sarili, (HZ)Sinong nanganak ng mga ito sa akin, dangang nawalan ako ng aking mga anak, at ako'y nagiisa, tapon, at lumalaboy na paroo't parito? at sinong nagpalaki ng mga ito? Narito, ako'y naiwang magisa; mga ito, saan nangandoon?
22 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (IA)Narito, aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa, at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan; at sila'y kakalong ng iyong mga anak na lalake sa kanilang sinapupunan, at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat.
23 (IB)At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama, at ang kanilang mga reina, ay iyong mga taga kandiling ina: sila'y magsisiyukod sa iyo (IC)ng kanilang mga mukha sa lupa, at (ID)hihimuran ang alabok ng inyong mga paa: at iyong makikilala, na ako ang Panginoon, at ang nangaghihintay sa akin ay (IE)hindi mangapapahiya.
24 Makukuha baga ang huli sa makapangyarihan, o maliligtas ang mga talagang nabihag?
25 Nguni't ganito ang sabi ng Panginoon, Pati ng mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin, at ang huli ng kakilakilabot ay maliligtas; (IF)sapagka't ako'y makikipaglaban sa kaniya na nakikipaglaban sa iyo, at aking ililigtas ang iyong mga anak.
26 (IG)At aking pakakanin silang nagsisipighati sa iyo ng kanilang sariling laman; at sila'y mangalalango ng (IH)kanilang sariling dugo, na gaya ng matamis na alak: at (II)makikilala ng lahat ng tao, na akong Panginoon ay iyong Tagapagligtas, at iyong (IJ)Manunubos, na (IK)Makapangyarihan ng Jacob.
Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.
50 Ganito ang sabi ng Panginoon, (IL)Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? (IM)o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili (IN)kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.
2 Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y (IO)tumawag, ay walang sumagot? (IP)naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? (IQ)Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: (IR)ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.
3 Aking binibihisan ng kaitiman ang langit (IS)at aking ginagawang (IT)kayong magaspang ang kaniyang takip.
4 Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, (IU)upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. (IV)Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.
5 Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y (IW)hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.
6 (IX)Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, (IY)at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
7 Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't (IZ)inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, (JA)at talastas ko na hindi ako mapapahiya.
8 Siya'y malapit (JB)na nagpapatotoo sa akin; (JC)sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.
9 Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? (JD)narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin (JE)sila ng tanga.
10 Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? (JF)Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, (JG)at umasa sa kaniyang Dios.
11 Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga suló: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga suló na inyong pinagalab. (JH)Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga (JI)sa kapanglawan.
Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.
51 Kayo'y magsipakinig sa akin, (JJ)kayong nagsisisunod sa (JK)katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo.
2 Tingnan ninyo si Abraham na (JL)inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; (JM)sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at (JN)aking pinagpala siya, at aking pinarami siya.
3 Sapagka't (JO)inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang (JP)sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay (JQ)parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.
4 Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: (JR)sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong (JS)pinakaliwanag sa mga bayan.
5 Ang katuwiran ko ay (JT)malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, (JU)at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay (JV)sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila.
6 (JW)Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't (JX)ang mga langit ay mapapawing parang usok, at (JY)ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.
7 Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; (JZ)huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait.
8 Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na (KA)parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Ang tagapagligtas mula sa Egipto ay tinawagan upang tumulong.
9 (KB)Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan, Oh (KC)bisig ng Panginoon; gumising ka na (KD)gaya nang kaarawan noong una, nang mga lahi ng mga dating panahon. Hindi baga ikaw ang pumutol ng (KE)Rahab, na sumaksak (KF)sa buwaya?
10 Hindi baga ikaw ang tumuyo (KG)sa dagat, sa tubig ng malaking kalaliman; na iyong pinapaging daan ang kalaliman ng dagat (KH)upang daanan ng natubos?
11 At (KI)ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik, at magsisiparoong may awitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay sasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan; at ang kapanglawan at pagbubungtonghininga ay tatakas.
12 Ako, ako nga, ay siyang umaaliw (KJ)sa inyo: sino ka na natatakot[a] sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang (KK)damo;
13 At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo, na (KL)nagladlad ng mga langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa; at ikaw ay natatakot na lagi buong araw dahil sa pusok ng mamimighati, pagka siya'y nagmamadali upang gumiba? at saan nandoon ang pusok ng mamimighati?
14 Ang bihag na tapon ay madaling bibitawan; (KM)at hindi mamamatay at bababa sa hukay, o magkukulang man ang kaniyang tinapay.
15 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, (KN)na nagpapahugong sa dagat, na ang mga alon niyao'y humuhugong: ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.
16 At inilagay ko ang aking mga salita (KO)sa iyong bibig, at tinakpan kita (KP)sa lilim ng aking kamay, upang aking mailadlad ang mga langit, at mailagay ang mga patibayan ng lupa, at magsabi sa Sion, Ikaw ay aking bayan.
17 Gumising ka, (KQ)gumising ka, tumayo ka, Oh Jerusalem, na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa (KR)saro ng kaniyang kapusukan; iyong ininuman (KS)ang saro ng pangpagiray, at iyong sinaid.
18 Walang pumatnubay sa kaniya sa lahat na anak na kaniyang ipinanganak; o may humawak man sa kaniya sa kamay sa lahat na anak na kaniyang pinalaki.
19 Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo; sinong makikidamdam sa iyo? kagibaan, at kasiraan, at ang kagutom at ang tabak; (KT)paanong aaliwin kita?
20 Ang iyong mga anak ay nanganglupaypay, (KU)sila'y nangahihiga sa dulo ng lahat na lansangan, na gaya ng isang usa sa isang silo; sila'y puspos ng kapusukan ng Panginoon, ng saway ng iyong Dios.
21 Kaya't pakinggan mo ito ngayon, ikaw na nagdadalamhati, at lango, (KV)nguni't hindi ng alak:
22 Ganito ang sabi ng iyong Panginoon na Jehova, at ng iyong Dios (KW)na nagsasanggalang ng usap ng kaniyang bayan, Narito, aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray, ang saro nga ng aking kapusukan; hindi ka na iinom pa:
23 At aking (KX)ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo, (KY)na nakapagsabi sa iyong kaluluwa, Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan, at iyong inilagpak ang iyong likod na parang lupa, at parang lansangan sa kanilang nagdaraan.
Ang Sion ay tinawagan upang umalis sa pagkabihag.
52 Gumising ka, (KZ)gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, (LA)Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka't mula ngayo'y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli (LB)at ang marumi.
2 Magpagpag ka ng alabok; (LC)ikaw ay bumangon, umupo ka sa iyong luklukan, Oh Jerusalem: (LD)magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg, Oh bihag na anak na babae ng Sion.
3 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (LE)Kayo'y naipagbili sa wala; at kayo'y matutubos ng walang salapi.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang bayan ko ay bumaba noong una (LF)sa Egipto upang makipamayan doon: at pinighati sila ng mga taga Asiria ng walang kadahilanan.
5 Ngayon nga, anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon, yamang ang aking bayan ay dinala ng walang anoano? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal, sabi ng Panginoon, at ang aking pangalan (LG)ay natutungayaw na lagi buong araw,
6 Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya't matatalastas nila sa araw na (LH)yaon, na (LI)ako yaong nagsasalita; narito, ako nga.
7 Anong pagkaganda (LJ)sa mga bundok ng mga (LK)paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, (LL)na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, (LM)Ang iyong Dios ay naghahari!
8 Ang tinig ng iyong mga bantay! sila'y naglalakas ng tinig, na magkakasamang nagsisiawit; sapagka't sila'y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion.
9 Kayo'y magbiglang magalak, kayo'y magsiawit na magkakasama, kayong mga sirang dako ng Jerusalem; (LN)sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, kaniyang tinubos (LO)ang Jerusalem.
10 Hinubdan ng Panginoon ang kaniyang banal na (LP)bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa; at makikita ng (LQ)lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios.
11 (LR)Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, (LS)kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.
12 Sapagka't kayo'y (LT)hindi magsisilabas na nagmamadali, o magsisilabas man kayo na takas: sapagka't ang Panginoon ay magpapauna sa inyo; (LU)at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978