Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Amos 1-3

Ang(A) mga salita ni Amos, na kasama ng mga pastol ng Tekoa, na nakita niya tungkol sa Israel nang mga araw ni Uzias na hari ng Juda, at nang mga araw ni Jeroboam na anak ni Joas na hari ng Israel, dalawang taon bago lumindol.

At(B) kanyang sinabi:

“Ang Panginoon ay umuungal mula sa Zion,
    at ipinahahayag ang kanyang tinig mula sa Jerusalem;
    at ang mga pastulan ng mga pastol ay nagluluksa,
    at ang tuktok ng Carmel ay natutuyo.”

Hinatulan ng Diyos ang mga Kalapit-bayan ng Israel:

Ang Siria

Ganito(C) ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Damasco,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa,
sapagkat kanilang giniik ang Gilead
    ng panggiik na bakal.
Kaya't ako'y magsusugo ng apoy sa sambahayan ni Hazael,
    at tutupukin niyon ang mga tanggulan ni Ben-hadad.
Aking wawasakin ang mga halang ng pintuan ng Damasco,
    at aking ihihiwalay ang mga naninirahan mula sa Libis ng Aven,
at siyang humahawak ng setro mula sa Bet-eden;
at ang bayan ng Siria ay tutungo sa pagkabihag sa Kir,” sabi ng Panginoon.

Ang Filistia

Ganito(D) ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Gaza,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa;
sapagkat kanilang dinalang-bihag ang buong bayan,
    upang ibigay sila sa Edom.
Ngunit ako'y magsusugo ng apoy sa pader ng Gaza,
    at tutupukin nito ang mga tanggulan niyon.
Aking ihihiwalay ang mga naninirahan mula sa Asdod,
    at siyang humahawak ng setro mula sa Ascalon;
at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ekron,
    at ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol,”
sabi ng Panginoong Diyos.

Ang Tiro

Ganito(E) ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Tiro,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa,
sapagkat kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom,
    at hindi inalala ang tipan ng pagkakapatiran.
10 Kaya't ako'y magsusugo ng apoy sa pader ng Tiro,
    at tutupukin nito ang kanyang tanggulan.”

Ang Edom

11 Ganito(F) ang sabi ng Panginoon:

“Dahil sa tatlong pagsuway ng Edom,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa,
sapagkat hinabol niya ng tabak ang kanyang kapatid,
    at ipinagkait ang lahat ng habag,
at ang kanyang galit ay laging nangwawasak,
    at taglay niya ang kanyang poot magpakailanman.
12 Ngunit magsusugo ako ng apoy sa Teman,
    at tutupukin nito ang mga tanggulan ng Bosra.”

Ang Amon

13 Ganito(G) ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng mga anak ni Amon,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa,
sapagkat kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang-tao sa Gilead,
    upang kanilang mapalawak ang kanilang hangganan.
14 Kaya't ako'y magpapaningas ng apoy sa pader ng Rabba,
    at tutupukin nito ang kanyang mga tanggulan,
na may sigawan sa araw ng pakikipaglaban,
    na may bagyo sa araw ng ipu-ipo.
15 At ang kanilang hari ay tutungo sa pagkabihag,
    siya at ang kanyang mga pinuno na magkakasama,” sabi ng Panginoon.

Ang Moab

Ganito(H) ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Moab,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa;
sapagkat kanyang sinunog upang maging apog ang mga buto ng hari ng Edom.
Kaya't ako'y magsusugo ng apoy sa Moab,
    at tutupukin nito ang mga tanggulan ng Kiryot;
at ang Moab ay mamamatay sa gitna ng pagkakagulo,
    na may sigawan at tunog ng trumpeta.
At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyon,
    at papatayin ko ang lahat ng pinuno niyon na kasama niya,” sabi ng Panginoon.

Ang Hatol ng Diyos sa Juda

Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Juda,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa,
sapagkat kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon,
    at hindi iningatan ang kanyang mga tuntunin,
kundi iniligaw sila ng kanilang mga kasinungalingang
    nilakaran din ng kanilang mga magulang.
Kaya't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda;
    at tutupukin niyon ang mga tanggulan ng Jerusalem.”

Ang Hatol ng Diyos sa Israel

Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Israel,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa;
sapagkat kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak,
    at ang nangangailangan sa isang pares na sandalyas—
kanilang tinapakan ang ulo ng dukha sa alabok ng lupa,
    at inililiko ang lakad ng mapagpakumbaba;
at ang lalaki at kanyang ama ay sumisiping sa iisang dalaga,
    kaya't nalapastangan ang aking banal na pangalan.
At sila'y nakahiga sa tabi ng bawat dambana,
    sa ibabaw ng mga kasuotang nakuha sa pamamagitan ng sangla;
at sa bahay ng kanilang Diyos ay umiinom sila ng alak
    na binili mula sa multa na kanilang ipinataw.

“Gayunma'y(I) nilipol ko ang Amoreo sa harapan nila,
    na ang taas ay gaya ng taas ng mga sedro,
    at kasinlakas na gaya ng mga ensina;
nilipol ko ang kanyang bunga sa itaas, at ang kanyang mga ugat sa ilalim.
10 Iniahon ko rin kayo sa lupain ng Ehipto,
    at pinatnubayan ko kayo nang apatnapung taon sa ilang,
    upang angkinin ninyo ang lupain ng Amoreo.
11 At(J) pinili ko ang ilan sa inyong mga anak upang maging mga propeta,
    at ang ilan sa inyong mga binata upang maging mga Nazirita.
    Di ba gayon, O bayan ng Israel?” sabi ng Panginoon.
12 “Ngunit pinainom ninyo ng alak ang mga Nazirita,
    at inutusan ninyo ang mga propeta,
    na sinasabi, ‘Huwag kayong magsalita ng propesiya!’

13 “Narito, pabibigatan ko kayo sa inyong dako,
    na gaya ng pagpapabigat sa isang karwaheng punô ng mga bigkis.
14 Ang pagtakas ay maglalaho sa matulin;
    at hindi mapapanatili ng malakas ang kanyang kalakasan;
    ni maililigtas ng makapangyarihan ang kanyang sarili.
15 Hindi makakatindig ang humahawak ng pana;
    at siyang matulin ang paa ay hindi makakatakas,
    ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makapagliligtas ng kanyang buhay.
16 At siya na matapang sa mga makapangyarihan
    ay tatakas na hubad sa araw na iyon,” sabi ng Panginoon.

Pakinggan ninyo ang salitang ito na sinabi ng Panginoon laban sa inyo, O mga anak ni Israel, laban sa buong sambahayan na aking iniahon papalabas mula sa lupain ng Ehipto:

“Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa;
    kaya't parurusahan ko kayo sa lahat ninyong mga kasamaan.

Ang Gawain ng Propeta

“Makakalakad ba ang dalawa na magkasama,
    malibang sila'y mayroong ginawang tipanan?
Uungal ba ang leon sa gubat,
    kapag wala siyang huli?
Sisigaw ba ang batang leon mula sa kanyang yungib,
    kung wala siyang nahuling anuman?
Malalaglag ba ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa,
    kapag walang silo para dito?
Lulukso ba ang panghuli mula sa lupa,
    kapag wala itong nahuling anuman?
Hihipan ba ang trumpeta sa isang lunsod,
    at ang taong-bayan ay hindi matatakot?
Sasapit ba ang kasamaan sa lunsod,
    malibang ginawa ito ng Panginoon?
Tunay na ang Panginoong Diyos ay walang gagawin,
    malibang kanyang ihayag ang kanyang lihim
    sa kanyang mga lingkod na mga propeta.
Ang leon ay umungal, sinong di matatakot?
    Ang Panginoong Diyos ay nagsalita;
    sinong hindi magsasalita ng propesiya?”

Ang Hatol sa Samaria

Ihayag ninyo sa mga muog sa Asdod,
    at sa mga muog sa lupain ng Ehipto,
at inyong sabihin, “Magtipun-tipon kayo sa mga bundok ng Samaria,
    at inyong masdan ang malaking kaguluhan sa gitna niya,
    at ang pagpapahirap na nasa gitna niya.”
10 “Hindi nila alam ang paggawa ng matuwid,” sabi ng Panginoon,
    “sila na nag-iimbak ng karahasan at pagnanakaw sa kanilang mga muog.”
11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Palilibutan ng isang kaaway ang lupain
    at kanyang ibabagsak ang iyong tanggulan,
    at ang iyong mga muog ay sasamsaman.”

12 Ganito ang sabi ng Panginoon: “Kung paanong inaagaw ng pastol sa bibig ng leon ang dalawang hita, o ang isang piraso ng tainga, gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na naninirahan sa Samaria, na may sulok ng hiligan at bahagi ng isang kama.”

13 “Pakinggan ninyo, at magpatotoo kayo laban sa sambahayan ni Jacob,”
    sabi ng Panginoong Diyos, ng Diyos ng mga hukbo:
14 “Sa(K) araw na aking parusahan ang Israel dahil sa kanyang pagsuway,
    ay aking parurusahan din ang mga dambana ng Bethel,
at ang mga sungay ng dambana ay tatanggalin,
    at sila'y malalaglag sa lupa.
15 At aking wawasakin ang bahay na pang-taglamig na kasabay ng bahay na pang-tag-init;
    at ang mga bahay na garing ay mawawala,
at ang malalaking bahay ay magwawakas,”
sabi ng Panginoon.

Apocalipsis 2:1-17

Ang Mensahe sa Efeso

“Sa anghel ng iglesya sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay, na lumalakad sa gitna ng pitong gintong ilawan.

“Alam ko ang iyong mga gawa, ang iyong paggawa at pagtitiyaga, at hindi mo mapagtiisan ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y mga apostol, ngunit sila'y hindi gayon, at natuklasan mo silang pawang mga sinungaling.

Alam ko ring ikaw ay may pagtitiis at nagsikap ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.

Ngunit ito ang hindi ko gusto laban sa iyo: iniwan mo ang iyong unang pag-ibig.

Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, magsisi ka at gawin mo ang mga bagay na ginawa mo noong una. Kung hindi, darating ako sa iyo at aalisin ko ang iyong ilawan mula sa kinalalagyan nito, malibang magsisi ka.

Ngunit ito ang mabuti na nasa iyo: kinapopootan mo ang mga gawa ng mga Nicolaita na kinapopootan ko rin.

Ang(A) may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Ang magtagumpay ay siya kong pakakainin sa punungkahoy ng buhay na nasa paraiso ng Diyos.

Ang Mensahe sa Smirna

“At(B) sa anghel ng iglesya sa Smirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay at muling nabuhay.

“Alam ko ang iyong kapighatian, at ang iyong karalitaan, ngunit ikaw ay mayaman. Alam ko ang paninirang-puri ng mga nagsasabing sila'y mga Judio ngunit hindi naman, kundi sila ay isang sinagoga ni Satanas.

10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na malapit mo nang danasin. Malapit nang ikulong ng diyablo ang ilan sa inyo, upang kayo'y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatian sa loob ng sampung araw. Maging tapat ka hanggang sa kamatayan, at ibibigay ko sa iyo ang korona ng buhay.

11 Ang(C) may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Ang magtagumpay ay hindi masasaktan ng ikalawang kamatayan.

Ang Mensahe sa Pergamo

12 “At sa anghel ng iglesya sa Pergamo ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim.

13 “Alam ko kung saan ka naninirahan, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas. Ngunit iniingatan mong mabuti ang aking pangalan, at hindi mo ipinagkaila ang pananampalataya mo sa akin,[a] kahit nang mga araw ni Antipas na aking tapat na saksi, na pinatay sa gitna ninyo, kung saan nakatira si Satanas.

14 Subalit(D) mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo: sapagkat mayroon ka diyang ilan na sumusunod[b] sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balak na maglagay ng katitisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang kumain sila ng mga bagay na inihandog sa mga diyus-diyosan at upang makiapid.

15 Gayundin naman, mayroon kang ilan na sumusunod[c] sa aral ng mga Nicolaita.

16 Kaya't magsisi ka. Kung hindi, madali akong darating sa iyo, at didigmain ko sila ng tabak ng aking bibig.

17 Ang(E) may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng nakatagong mana, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa ibabaw ng bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi ang tumatanggap.

Mga Awit 129

Awit ng Pag-akyat.

129 “Madalas nila akong saktan mula sa aking kabataan,”
    sabihin ngayon ng Israel—
“Madalas nila akong saktan mula sa aking kabataan,
    gayunma'y laban sa akin ay hindi sila nagtagumpay.
Inararo ng mga mag-aararo ang likod ko;
    kanilang pinahaba ang mga tudling nila.”
Matuwid ang Panginoon;
    ang mga panali ng masama ay kanyang pinutol.
Lahat nawa ng napopoot sa Zion,
    ay mapahiya at mapaurong!
Maging gaya nawa sila ng damo sa mga bubungan,
    na natutuyo bago pa ito tumubo man,
sa mga ito'y hindi pinupuno ng manggagapas ang kanyang kamay,
    ni ng nagtatali ng mga bigkis ang kanyang kandungan.
Hindi rin sinasabi ng mga nagdaraan,
    “Ang pagpapala nawa ng Panginoon ay sumainyo!
    Sa pangalan ng Panginoon ay binabasbasan namin kayo!”

Mga Kawikaan 29:19-20

19 Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita lamang,
    sapagkat kahit nauunawaan niya ay hindi niya papakinggan.
20 Nakikita mo ba ang tao na padalus-dalos sa kanyang mga salita?
    May pag-asa pa ang hangal kaysa kanya.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001