Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CEB. Switch to the CEB to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Zacarias 4-5

Ang Pangitain tungkol sa Kandelero

Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay bumalik at ginising ako, na gaya ng taong ginigising sa pagkakatulog.

Sinabi niya sa akin, “Ano ang iyong nakikita?” Aking sinabi, “Ako'y tumingin, at nakita ko, at narito, ang isang ilawan na purong ginto na may mangkok sa ibabaw niyon; may pitong ilawan sa ibabaw niyon, at may pitong tubo sa bawat isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyon.

May(A) dalawang puno ng olibo sa tabi niyon, isa sa dakong kanan ng mangkok, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyon.”

Sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito, panginoon ko?”

Nang magkagayo'y sinagot ako ng anghel na nakipag-usap sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.”

Ang Pangako ng Diyos kay Zerubabel

Sinabi(B) niya sa akin, “Ito ang salita ng Panginoon kay Zerubabel, na sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ano ka, O malaking bundok? Sa harapan ni Zerubabel ay magiging kapatagan ka; at kanyang ilalagay ang pangunahing bato na may pagsisigawan ng, ‘Biyaya, biyaya sa kanya.’”

Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon na sinasabi:

“Ang mga kamay ni Zerubabel ay siyang naglagay ng pundasyon ng bahay na ito; ang kanyang mga kamay ay siya ring tatapos nito. At malalaman mo na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.

10 Sapagkat(C) sinong humamak sa araw ng maliliit na bagay? Sapagkat sila'y magagalak, at makikita nila ang batong pabigat sa kamay ni Zerubabel. “Ang pitong ito'y mga mata ng Panginoon na nagpaparoo't parito sa buong lupa.”

11 At(D) sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan at kaliwa ng ilawan?”

12 Sa ikalawang pagkakataon ay sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang sangang olibo na nasa tabi ng dalawang gintong tubo na dinadaluyan ng langis?”

13 Sinabi niya sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.”

14 Nang magkagayo'y sinabi niya, “Ito ang dalawang binuhusan ng langis na nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa.”

Ang Pangitain ng Lumilipad na Balumbon

Muli kong itinaas ang aking mga paningin at aking nakita, at narito, isang lumilipad na balumbon!

Sinabi niya sa akin, “Ano ang iyong nakikita?” Ako'y sumagot, “Nakikita ko ang isang lumilipad na balumbon. Ang haba nito ay dalawampung siko at ang luwang nito ay sampung siko.”

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, “Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain; tiyak na ang bawat nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawat manunumpa na may kasinungalingan ay mahihiwalay sa kabilang dako, ayon doon.

Aking isusugo iyon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ito'y papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay ng nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko. Ito'y titira sa gitna ng kanyang bahay at uubusin ito, ang mga kahoy at mga bato.”

Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay lumapit at sinabi sa akin, “Itaas mo ang iyong paningin, at tingnan mo kung ano itong dumarating.”

Aking sinabi, “Ano iyon?” Kanya namang sinabi, “Ito ang efa na dumarating.” At kanyang sinabi, “Ito ang kanilang anyo sa buong lupain.”

At narito, ang tinggang panakip ay itinaas at may isang babaing nakaupo sa gitna ng efa!

Kanyang sinabi, “Ito ang Kasamaan.” Kanyang itinulak itong pabalik sa gitna ng efa, at ipinatong ang pabigat na tingga sa bunganga niyon.

Itinaas ko ang aking paningin, aking nakita, at lumalapit ang dalawang babae! Ang hangin ay nasa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at langit.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Saan nila dadalhin ang efa?”

11 Sinabi niya sa akin, “Sa lupain ng Sinar upang ipagtayo ito ng bahay doon; at kapag ito'y naihanda na, ilalagay ito doon sa patungan nito.”

Apocalipsis 14

Ang Kordero at ang 144,000

14 Pagkatapos(A) ay tumingin ako, at naroon ang Kordero na nakatayo sa bundok ng Zion! Kasama niya ang isandaan at apatnapu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kanyang Ama, na nakasulat sa kanilang mga noo.

At narinig ko ang isang tinig mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog; ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog na tumutugtog ng kanilang mga alpa.

At sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit sa harapan ng trono, at sa harapan ng apat na nilalang na buháy at ng matatanda. Walang sinumang natuto ng awit na iyon kundi ang isandaan at apatnapu't apat na libo lamang, na tinubos mula sa lupa.

Hindi dinungisan ng mga ito ang kanilang sarili sa mga babae; sapagkat sila'y malilinis.[a] Ang mga ito'y ang mga sumusunod sa Kordero saan man siya magtungo. Ang mga ito'y ang tinubos mula sa mga tao, bilang mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Kordero.

At(B) sa kanilang bibig ay walang natagpuang kasinungalingan; sila'y mga walang dungis.

Ang Tatlong Anghel

At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa gitna ng himpapawid, na may walang hanggang ebanghelyo na ipahahayag sa mga naninirahan sa lupa, sa bawat bansa, lipi, wika at bayan.

Sinabi niya sa malakas na tinig, “Matakot kayo sa Diyos at magbigay-luwalhati sa kanya, sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghuhukom, at sambahin ninyo ang gumawa ng langit, ng lupa, ng dagat at ng mga bukal ng tubig.”

At(C) isa pang anghel, ang pangalawa, ay sumunod na nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang pakikiapid.”

At isa pang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na sinasabi sa malakas na tinig, “Kung ang sinuman ay sumasamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kanyang noo, o sa kanyang kamay,

10 ay(D) iinom din naman ng alak ng poot ng Diyos, na inihahandang walang halo sa kopa ng kanyang poot at pahihirapan sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero.

11 At(E) ang usok ng hirap nila ay papailanglang magpakailanpaman; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at sinumang tumatanggap ng tanda ng kanyang pangalan.

12 Narito ang panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sa mga tumutupad sa mga utos ng Diyos, at humahawak ng matatag sa pananampalataya ni Jesus.[b]

13 At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mapapalad ang mga patay na namamatay sa Panginoon mula ngayon.” “Oo,” sinasabi ng Espiritu, “sila'y magpapahinga sa kanilang mga gawa, sapagkat ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.”

Ang Paggapas sa Lupa

14 Pagkatapos(F) ay nakita ko roon ang isang puting ulap, at nakaupo sa ulap ang isang katulad ng isang Anak ng Tao na sa kanyang ulo'y may isang gintong korona, at sa kanyang kamay ay may isang matalas na karit.

15 Lumabas(G) ang isa pang anghel mula sa templo, na sumisigaw nang may malakas na tinig doon sa nakaupo sa ulap, “Ihulog mo ang iyong karit at gumapas ka, sapagkat dumating na ang oras ng paggapas, at hinog na ang aanihin sa lupa.”

16 Kaya't inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kanyang karit sa lupa at ang lupa ay nagapasan.

17 At lumabas ang isa pang anghel mula sa templo sa langit na siya rin ay may matalas na karit.

18 Ang isa pang anghel ay lumabas mula sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy, at tumawag siya nang may malakas na tinig doon sa may matalas na karit, “Ihulog mo ang iyong matalas na karit at tipunin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa, sapagkat ang mga ubas nito ay hinog na.”

19 Kaya't inihagis ng anghel ang kanyang karit sa lupa, at tinipon ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa malaking pisaan ng ubas ng poot ng Diyos.

20 At(H) pinisa ang ubas sa pisaan sa labas ng lunsod, at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo, na umabot hanggang sa mga renda ng mga kabayo, sa layong halos dalawandaang milya.[c]

Mga Awit 142

Maskil(A) ni David, nang siya ay nasa yungib. Isang Panalangin.

142 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
    sa pamamagitan ng aking tinig ay sumasamo ako sa Panginoon.
Ibinubuhos ko sa kanyang harapan ang aking daing,
    sinasabi ko sa kanyang harapan ang aking suliranin.
Kapag ang aking espiritu'y nanlulupaypay sa loob ko,
    ang aking landas ay iyong nalalaman!

Sa daan na aking tinatahak
    sila'y nagkubli para sa akin ng isang bitag.
Tumingin ka sa kanan, at iyong masdan,
    walang nakakapansin sa aking sinuman;
walang kanlungang nalalabi para sa akin;
    walang sinumang lumilingap sa aking kaluluwa.

Ako'y dumaing sa iyo, O Panginoon;
    aking sinabi, “Ikaw ang aking kanlungan,
    ang aking bahagi sa lupain ng mga buháy.”
Pakinggan mo ang aking pagsamo,
    sapagkat ako'y dinalang napakababa.

Iligtas mo ako sa mga nagsisiusig sa akin;
    sapagkat sila'y napakalakas para sa akin.
Ilabas mo ako sa bilangguan,
    upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan!
Paliligiran ako ng mga matuwid;
    sapagkat ako'y pakikitunguhan mong may kasaganaan.

Mga Kawikaan 30:21-23

21 Nanginginig ang lupa sa ilalim ng tatlong bagay;
    mayroong apat na hindi niya mapasan:
22 kapag naging hari ang isang alipin,
    at ang isang hangal, kapag nabubusog ng pagkain;
23 ang isang babaing di-kanaisnais kapag nakapag-asawa;
    at ang isang aliping babae, kapag ang kanyang panginoong babae ay hinalinhan niya.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001