Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Zacarias 9

Ang Hatol sa mga Kalapit na Bansa

Ang(A) (B) salita ng Panginoon ay laban sa lupain ng Hadrac,
    at Damasco ang pahingahang dako nito.
Sapagkat ang mata ng tao,
    pati ang lahat ng lipi ng Israel ay nasa Panginoon,
gayundin ang Hamat, na hangganan nito;
    sa Tiro at Sidon, bagaman sila'y napakarunong.
Ang Tiro ay nagtayo ng kanyang muog,
    at nagbunton ng pilak na parang alabok,
    at ng ginto na parang putik ng lansangan.
Narito, ngunit aalisan siya ng Panginoon ng kanyang mga yaman,
    at ihahagis ang kanyang kayamanan sa dagat,
    at siya'y lalamunin ng apoy.

Makikita(C) ito ng Ascalon, at matatakot;
    gayundin ng Gaza, at mamimilipit sa hinagpis,
    gayundin ang Ekron, sapagkat ang kanyang pag-asa ay malalanta.
Ang hari ay mamamatay sa Gaza,
    at ang Ascalon ay hindi tatahanan.
Isang anak sa labas ang maninirahan sa Asdod,
    at aking tatapusin ang kapalaluan ng mga Filisteo.
Aalisin ko ang kanyang dugo sa kanyang bibig,
    at ang mga kasuklamsuklam nito sa pagitan ng kanyang mga ngipin;
iyon man ay magiging nalabi para sa ating Diyos;
    ito'y magiging gaya ng isang angkan sa Juda,
    ang Ekron ay magiging gaya ng Jebuseo.
At ako'y magkakampo sa aking bahay dahil sa hukbo,
    dahil sa kanya na dumadaan, at dahil sa kanya na bumabalik;
at wala nang manlulupig na daraan pa sa kanila,
    sapagkat ngayo'y nakita ko ng aking sariling mga mata.

Ang Hari sa Hinaharap

Magalak(D) ka nang husto, O anak na babae ng Zion!
    Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Jerusalem!
Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo;
    siya'y matuwid at matagumpay,
mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno,
    sa isang batang asno na anak ng asnong babae.
10 Aking(E) aalisin ang karwahe mula sa Efraim,
    at ang kabayo mula sa Jerusalem;
at ang mga busog na pandigma ay mapuputol;
    at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa;
ang kanyang nasasakupan ay magiging mula sa kabilang dagat hanggang sa dagat,
    at mula sa ilog hanggang sa mga dulo ng lupa.

11 Tungkol(F) naman sa iyo, dahil sa dugo ng aking tipan sa iyo
    ay aking palalayain ang iyong mga bilanggo mula sa hukay na walang tubig.
12 Bumalik kayo sa inyong muog, kayong mga bilanggo na may pag-asa,
    ngayo'y ipinahahayag ko na aking ibabalik sa inyo nang makalawa.
13 Sapagkat aking binaluktot ang Juda bilang aking busog,
    ginawa ko ang Efraim na aking palaso.
Gigisingin ko ang iyong mga anak, O Zion,
    laban sa iyong mga anak, O Grecia,
    at gagawin kitang parang tabak ng mandirigma.

14 At ang Panginoon ay makikita sa itaas nila;
    at lalabas ang kanyang pana na parang kidlat;
patutunugin ng Panginoong Diyos ang trumpeta,
    at hahayo na kasama ang ipu-ipo ng timog.
15 Iingatan sila ng Panginoon ng mga hukbo;
    at kanilang lalamunin at tatapakan ang mga batong pantirador;
at kanilang iinumin ang kanilang dugo na gaya ng alak;
    at sila'y mapupunong parang mga mangkok,
    na basang-basa na gaya ng mga sulok ng dambana.

16 Ililigtas sila ng Panginoon nilang Diyos sa araw na iyon
    sapagkat sila ang kawan ng kanyang bayan;
sapagkat gaya ng mga bato ng isang korona
    ay magniningning sila sa kanyang lupain.
17 Sapagkat napakalaki ng kanyang kabutihan, at napakalaki ng kanyang kagandahan!
    Pagiginhawahin ng trigo ang mga binata,
    at ng bagong alak ang mga dalaga.

Apocalipsis 17

Ang Reyna ng Kahalayan

17 At(A) dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok at nagsalita sa akin na nagsasabi, “Halika. Ipapakita ko sa iyo ang hatol sa tanyag na mahalay na babae[a] na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig;

na(B) sa kanya'y nakiapid ang mga hari sa lupa, at ang mga naninirahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kanyang pakikiapid.

At(C) ako'y kanyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang halimaw na pula, na punô ng mga pangalan ng kalapastanganan na may pitong ulo at sampung sungay.

Ang(D) babae ay nakadamit ng kulay-ube at ng matingkad na pula, nagagayakan ng ginto at ng mahahalagang bato at mga perlas, at hawak sa kanyang kamay ang isang kopang ginto na punô ng mga karumaldumal at mga bagay na marurumi ng kanyang pakikiapid,

at sa kanyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, ang isang hiwaga: “dakilang Babilonia, ina ng mga mahalay na babae[b] at ng mga karumaldumal sa lupa.”

At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir[c] ni Jesus. Nang makita ko siya, ako ay lubhang nanggilalas.

Ngunit sinabi sa akin ng anghel, “Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng sinasakyan niyang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay.

Ang(E) halimaw na nakita mo ay buháy noon[d] at ngayo'y wala na, at malapit nang umahon mula sa di-matarok na kalaliman at patungo sa kapahamakan. At silang mga naninirahan sa lupa, na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanlibutan, ay manggigilalas kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat buháy noon ngunit ngayo'y wala na at darating pa.

“Kailangan dito ang pag-iisip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae; sila rin ay pitong hari,

10 ang lima sa kanila ay bumagsak, ang isa'y nananatili pa, ang isa ay hindi pa dumarating at pagdating niya, kailangang magpatuloy siya nang sandaling panahon.

11 At ang halimaw na buháy noon at ngayo'y wala na, ay siya ring ikawalo ngunit kabilang sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.

12 At(F) ang sampung sungay na iyong nakita ay sampung hari, na hindi pa tumatanggap ng kaharian; subalit sila'y tatanggap ng kapangyarihan bilang mga hari sa loob ng isang oras, kasama ng halimaw.

13 Ang mga ito ay may isang pag-iisip at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw.

14 Makikipagdigma ang mga ito laban sa Kordero at sila'y dadaigin ng Kordero, sapagkat siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at ang mga kasama niya ay mga tinawag, mga hinirang at tapat.”

15 At sinabi niya sa akin, “Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng mahalay na babae[e] ay mga bayan, napakaraming tao, mga bansa, at mga wika.

16 At ang sampung sungay na iyong nakita, sila at ang halimaw ay mapopoot sa mahalay na babae;[f] siya'y pababayaan at huhubaran nila, lalamunin ang kanyang laman at siya'y lubos na susunugin sa apoy.

17 Sapagkat inilagay ng Diyos sa kanilang mga puso na gawin ang kanyang layunin at magkaisa ng pag-iisip at ibigay ang kanilang paghahari sa halimaw, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos.

18 Ang babae na iyong nakita ay ang dakilang lunsod na naghahari sa mga hari sa lupa.”

Mga Awit 145

Awit ng Papuri. Kay David.

145 Aking Diyos at Hari, ika'y aking papupurihan,
    at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailanpaman.
Pupurihin kita araw-araw,
    at pupurihin ko ang pangalan mo magpakailanpaman.
Dakila ang Panginoon, at sa papuri'y lubhang karapat-dapat,
    at ang kanyang kadakilaan ay hindi masukat.

Ipagmamalaki ng isang salinlahi sa kasunod nito ang iyong mga gawa,
    at ipahahayag ang iyong mga gawang dakila.
Sa maluwalhating kaningningan ng iyong karangalan,
    at sa iyong kahanga-hangang mga gawa, ako'y magbubulay-bulay.
Ipahahayag ng mga tao ang kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
    at akin namang ipahahayag ang iyong kadakilaan.
Kanilang sabik na sasambitin ang alaala ng iyong masaganang kabutihan,
    at isisigaw nang malakas ang iyong katuwiran.

Ang Panginoon ay mapagpala at punô ng awa,
    hindi magagalitin at sa tapat na pag-ibig ay sagana.
Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
    at ang kanyang awa ay nasa lahat niyang ginawa.

10 Lahat mong mga gawa, O Panginoon, ay magpapasalamat sa iyo,
    at pupurihin ka ng lahat ng mga banal mo!
11 Sasabihin nila ang kaluwalhatian ng iyong kaharian,
    at ibabalita ang iyong kapangyarihan;
12 upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang iyong[a] mga gawang makapangyarihan,
    at ang maluwalhating kaningningan ng iyong kaharian.
13 Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
    at nananatili sa lahat ng mga salinlahi ang iyong kapangyarihan.
14 Inaalalayan ng Panginoon ang lahat ng nalulugmok,
    at itinatayo ang lahat ng nakayukod.
15 Ang mga mata ng lahat sa iyo ay nakatingin,
    at ibinibigay mo sa kanila sa tamang panahon ang kanilang pagkain.
16 Binubuksan mo ang iyong kamay,
    binibigyang-kasiyahan mo ang nasa ng bawat bagay na may buhay.
17 Ang Panginoon ay matuwid sa lahat ng pamamaraan niya,
    at mabait sa lahat niyang mga gawa.
18 Ang Panginoon ay malapit sa lahat ng sa kanya'y nananawagan,
    sa lahat ng tumatawag sa kanya sa katotohanan.
19 Kanyang ibinibigay ang nasa ng lahat ng natatakot sa kanya;
    kanya ring dinirinig ang kanilang daing, at inililigtas sila.
20 Iniingatan ng Panginoon ang lahat ng umiibig sa kanya;
    ngunit lahat ng masama ay lilipulin niya.

21 Ang aking bibig ay magsasalita ng papuri sa Panginoon;
    at pupurihin ng lahat ng laman ang kanyang banal na pangalan magpakailanpaman.

Mga Kawikaan 30:32

32 Kung ikaw ay naging hangal, na ang sarili'y itinaas,
    o kung ikaw ay nagbabalak ng kasamaan,
    ilagay sa iyong bibig ang iyong kamay.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001