The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Pagliit ng tubig.
8 At (A)naalaala ng Dios si Noe, at ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan: (B)at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa, at humupa ang tubig;
2 (C)Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit, at napigil ang ulan sa langit;
3 At humupang patuloy ang tubig sa lupa; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang (D)daan at limang pung araw.
4 At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan, nang ikalabing pitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng (E)Ararat.
5 At ang tubig ay nagpatuloy ng paghupa hanggang sa ikasangpung buwan: nang ikasangpung buwan, nang unang araw ng buwan, ay nakita ang mga taluktok ng mga bundok.
Ang uwak at ang kalapati.
6 At nangyari, pagkaraan ng apat na pung araw, na binuksan ni (F)Noe ang dungawan ng sasakyan na kaniyang ginawa:
7 At siya'y nagpalipad ng isang uwak, at ito'y nagparoo't parito hanggang sa natuyo ang tubig sa lupa.
8 At nagpalipad siya ng isang kalapati, upang tingnan kung humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa.
9 Datapuwa't hindi nakasumpong ang kalapati ng madapuan ng talampakan ng kaniyang paa, at nagbalik sa kaniya sa sasakyan, sapagka't ang tubig ay nangasa ibabaw pa ng buong lupa: at iniunat ang kaniyang kamay at hinawakan, at ipinasok niya sa sasakyan.
10 At naghintay pa ng muling pitong araw; at muling pinalipad ang kalapati sa labas ng sasakyan;
11 At ang kalapati ay nagbalik sa kaniya ng dakong hapon; at, narito't may dalang isang dahong sariwa ng olivo sa tuka: sa gayon ay naunawa ni Noe na humupa na ang tubig sa lupa.
12 At naghintay pang muli siya ng pitong araw; at pinalipad ang kalapati; at hindi na muling nagbalik pa sa kaniya.
13 At nangyari, nang taong ikaanim na raan at isa, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya, at, narito't ang ibabaw ng lupa ay tuyo.
14 At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu't pitong araw ng buwan, ay natuyo ang lupa.
15 At nagsalita ang Dios kay Noe, na sinasabi,
16 Lumunsad ka sa sasakyan, (G)ikaw at ang iyong asawa, at ang iyong mga anak, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.
17 Ilabas mong kasama mo ang bawa't may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at (H)magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa.
18 At lumunsad si Noe, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak na kasama niya:
19 Ang bawa't hayop, bawa't umuusad, at bawa't ibon, anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan.
Naghandog si Noe.
20 At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana.
21 At sinamyo ng Panginoon ang masarap na (I)amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, (J)Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang (K)haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; (L)ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa.
22 Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, (M)at ang araw at gabi.
Pinagpala ng Dios si Noe.
9 At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, (N)Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.
2 (O)At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.
3 (P)Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; (Q)gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.
4 (R)Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.
5 At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: (S)sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng (T)bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.
6 (U)Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: (V)sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao.
7 At kayo'y magpalaanakin at magpakarami; magsilago kayo ng sagana sa lupa, at kayo'y magsidami riyan.
8 At nagsalita ang Dios kay Noe, at sa kaniyang mga anak na kasama niya, na sinasabi,
9 At ako, narito, (W)aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo, at sa inyong binhi na susunod sa inyo;
10 At sa bawa't nilikhang may buhay na kasama ninyo, ang mga ibon, ang hayop at bawa't ganid sa lupa na kasama ninyo; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa't ganid sa lupa.
11 At aking (X)pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.
12 At sinabi ng Dios, (Y)Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon:
13 Ang (Z)aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
14 At mangyayari, pagka ako'y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap.
15 (AA)At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman.
16 At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa.
17 At sinabi ng Dios kay Noe, Ito ang tanda ng tipang inilagda ko (AB)sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa.
18 At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si (AC)Sem, at si Cham at si Japhet: at si Cham ay siyang ama ni Canaan.
19 Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe: (AD)at sa mga ito'y nakalatan ang buong lupa.
20 At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan.
21 At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda.
22 At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas.
23 At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.
24 At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak.
Ang sumpa sa Canaan.
25 At sinabi,
26 At sinabi niya,
Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem!
At si Canaan ay maging alipin niya.
27 Pakapalin ng Dios si Japhet.
At matira siya sa mga tolda ni Sem;
At si Canaan ay maging alipin niya.
28 At nabuhay si Noe pagkaraan ng bahang gumunaw, ng tatlong daan at limang pung taon.
29 At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon: at namatay.
Ang lahi ng mga Anak ni Noe.
10 Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
2 (AG)Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras.
3 At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma.
4 At ang mga anak ni Javan; si Elisa, at si (AH)Tarsis, si (AI)Cittim, at si Dodanim.
5 Sa mga ito nangabahagi ang mga (AJ)pulo ng mga bansa, sa kanilang mga lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, sa kanikanilang bansa.
6 At (AK)ang mga anak ni Cham; si Cush, at si Mizraim, at si Phut, at si Canaan.
7 At ang mga anak ni Cush; si Seba, at si Havila, at si Sabta, at si Raama, at si Sabtech: at ang mga anak ni Raama; si Sheba, at si Dedan.
8 At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa.
9 Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon.
10 At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang (AL)Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa (AM)lupain ng Shinar.
11 Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive, at ang Rehobotir, at ang Calah,
12 At ang Ressen, sa pagitan ng Ninive at ng Calah (na siyang malaking bayan).
13 At naging anak ni Mizraim si Ludim, at si Anamim, at si Lehabim, at si Naphtuhim.
14 At si Pathrusim, at si Casluim (AN)(na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo), at ang (AO)Caphtorim.
15 At naging anak ni (AP)Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth.
16 At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo;
17 At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo.
18 At ang Aradio, at ang Samareo at ang Amatheo: at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo.
19 At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon, kung patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza; kung patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboim hanggang Lasa.
20 Ito ang mga anak ni Cham, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang mga lupain, sa kanilang mga bansa.
21 At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet.
22 (AQ)Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.
23 At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas.
24 At naging anak ni Arphaxad si (AR)Sala; at naging anak ni Sala si Heber.
25 (AS)At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
26 At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah;
27 At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla.
28 At si Obal, at si Abimael, at si Sheba.
29 At si (AT)Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.
30 At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.
31 Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.
32 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: (AU)at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.
12 Nang marinig nga niya na si (A)Juan ay dinakip, (B)ay umuwi siya sa Galilea;
13 At pagkaiwan sa (C)Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali:
14 Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi,
15 Ang lupa ni Zabulon (D)at ang lupa ni Neftali,
Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan,
Galilea ng mga Gentil,
16 Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay
Nakakita ng dakilang ilaw,
At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay
Lumiwanag sa kanila ang ilaw.
17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.
18 At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay (E)nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.
19 At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.
20 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.
21 At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag.
22 At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.
23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, (F)na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral (G)ang evangelio ng kaharian, (H)at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.
24 At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong (I)Siria: at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman, at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap, at ang mga (J)inaalihan ng mga demonio, at ang mga (K)himatayin, at ang mga lumpo: at sila'y pinagagaling niya.
25 (L)At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at (M)Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan.
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (A)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
4 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 (B)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(C)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 (D)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(E)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ikaw ay naglagay ng (F)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 (G)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
20 Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan;
Kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;
21 Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan;
Sa pasukan ng mga pintuang-bayan,
Sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita:
22 Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan?
At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya,
At ang mga mangmang ay (A)mangagtatanim sa kaalaman?
23 Magsibalik kayo sa aking saway:
Narito, (B)aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978