The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.
Si Jose ay naging Tagapamahala ni Potiphar.
39 At ibinaba si Jose sa Egipto; at binili siya ni (A)Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay, na lalaking taga Egipto, (B)sa kamay ng mga Ismaelita na nagdala sa kaniya roon.
2 (C)At ang Panginoon ay suma kay Jose, at naging lalaking mapalad; at siya'y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga Egipto.
3 At nakita ng kaniyang panginoon, na ang Panginoon ay sumasakaniya, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng (D)Panginoon sa kaniyang kamay.
4 (E)At nakasumpong si Jose ng biyaya sa kaniyang paningin, at pinaglingkuran niya siya: at sa kaniya'y ipinamahala niya ang bahay, at ang lahat niyang tinatangkilik (F)ay isinakaniyang kamay.
5 At nangyari, na mula sa panahon na siya'y pamahalain sa kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang tinatangkilik, ay pinagpala ng (G)Panginoon ang bahay ng taga Egiptong yaon dahil kay Jose; at ang pagpapala ng Panginoon ay sumalahat ng kaniyang tinatangkilik, sa bahay at sa parang.
6 At kaniyang ipinamahala ang lahat niyang tinatangkilik sa kamay ni Jose; at hindi siya nakikialam ng anomang kaniya, liban sa tinapay na kaniyang kinakain. At si Jose ay (H)may magandang pagmumukha at kahalihalina.
Si Jose at ang asawa ni Potiphar.
7 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na tinitigan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi, Sipingan mo ako.
8 Datapuwa't siya'y tumanggi at sinabi niya sa asawa ng kaniyang panginoon, Narito, ang aking panginoon ay hindi nakikialam sa akin tungkol sa nasa bahay, at lahat ng kaniyang tinatangkilik ay ipinamahala sa aking kamay;
9 Walang sinomang dakila kay sa akin sa bahay na ito; walang ipinagkait sa aking anomang bagay, kung di ikaw lamang, sapagka't ikaw ay kaniyang asawa: paano ngang aking magagawa itong malaking kasamaan, (I)at kasalanan laban sa Dios?
10 At nangyari, na nakikiusap man siya kay Jose araw-araw, ay hindi (J)nakikinig sa kaniya na siya'y sipingan, o pakisamahan.
11 At nangyari nang panahong ito, na siya'y pumasok sa bahay upang gawin niya ang kaniyang gawain at wala sinoman sa mga tao sa bahay doon sa loob.
12 (K)At siya'y pinigilan niya sa kaniyang suot, na sinasabi, Sipingan mo ako: at iniwan niya ang kaniyang suot sa kamay niya at tumakas, at lumabas.
13 At nangyari, na pagkakita niyang iniwan ang kaniyang suot sa kamay niya, at tumakas sa labas,
14 Na siya'y tumawag ng mga tao sa kaniyang bahay, at sinalita sa kanila, na sinasabi, Tingnan ninyo, na dinalhan niya tayo ng isang Hebreo, upang tayo'y tuyain; pinasok niya ako upang ako'y sipingan, at ako'y naghihiyaw ng malakas:
15 At nangyari nang marinig niyang ako'y nagtaas ng tinig at naghihiyaw, na iniwan ang kaniyang suot sa aking siping, at tumakas, at lumabas.
16 At kaniyang iningatan ang suot niya sa kaniyang siping, hanggang sa umuwi ang kaniyang panginoon sa kaniyang bahay.
17 At sinalita niya sa kaniya ng ayon sa mga salitang ito, na sinasabi, Pinasok ako ng aliping Hebreo na iyong dinala sa atin, upang tuyain ako:
18 At nangyari, na sapagka't nagtaas ako ng aking tinig at ako'y naghihiyaw, ay kaniyang iniwan ang suot niya sa aking siping, at tumakas sa labas.
19 At nangyari, na pagkarinig ng kaniyang panginoon ng mga salita na sinalita sa kaniya ng kaniyang asawa, na sinasabi, Ganitong paraan ang ginawa sa akin ng iyong alipin; ay nagalab ang kaniyang galit.
Si Jose ay ibinilanggo.
20 At dinala ng kaniyang panginoon si Jose, (L)at inilagay sa (M)bilangguan, sa dakong pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari: at siya'y natira roon sa bilangguan.
21 Datapuwa't ang Panginoon ay suma kay Jose, at iginawad sa kaniya ang awa, (N)at pinagkalooban ng biyaya sa paningin ng katiwala sa bilangguan.
22 At (O)ipinamahala ng katiwala sa bilangguan sa mga kamay ni Jose ang lahat na mga bilanggo na nasa bilangguan; at ang lahat ng ginagawa roon ay siya ang gumagawa.
23 Hindi tinitingnan ng katiwala ng bilangguan ang anomang bagay na (P)nasa kaniyang kamay, sapagka't ang Panginoo'y suma kay Jose; at ang kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon.
Ipinaliwanag ni Jose ang panaginip ng puno ng katiwala ng saro at puno ng magtitinapay.
40 At nangyari, na pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang (Q)katiwala ng saro ng hari sa Egipto at ang kaniyang magtitinapay ay nangagkasala laban sa kanilang panginoon na hari sa Egipto.
2 At naginit si Faraon laban sa kaniyang dalawang tagapamahala, sa puno ng mga katiwala ng saro at sa puno ng mga magtitinapay.
3 (R)At pinagpipiit sa bilangguan, sa bahay ng (S)kapitan ng bantay, sa bilangguang kinabibilangguan ni Jose.
4 At ibinigay ng kapitan ng bantay kay Jose ang pamamahala sa kanila at pinaglingkuran niya sila: at sila'y natirang kaunting panahon sa bilangguan.
5 At ang katiwala at ang magtitinapay ng hari sa Egipto na nangabibilango sa bilangguan, ay kapuwa nanaginip ng kanikaniyang panaginip sa isang gabi, na bawa't isa ayon sa paliwanag ng kanikaniyang panaginip.
6 At pinaroonan sila ni Jose sa kinaumagahan, at sila'y tiningnan, at, narito, sila'y mapanglaw.
7 At kaniyang tinanong ang mga tagapamahala ni Faraon, na mga kasama niya sa bilangguan sa bahay ng kaniyang panginoon, na sinasabi, (T)Bakit kayo'y mapanglaw ngayon?
8 At kanilang sinabi sa kaniya, (U)Kami ay nanaginip ng panaginip, at walang sinomang makapagpaliwanag. At sinabi sa kanila ni (V)Jose, Hindi ba ukol sa Dios ang mga paliwanag? Isinasamo ko sa inyo, na inyong saysayin sa akin.
9 At sinaysay ng puno ng mga katiwala ng saro kay Jose ang kaniyang panaginip, at nagsabi sa kaniya, Sa aking panaginip, narito, ang isang puno ng ubas ay nasa harap ko;
10 At sa puno ng ubas, ay may tatlong sanga: at yao'y pawang sumupling, na namulaklak, at ang mga buwig niyaon, ay nangagtaglay ng mga ubas na hinog.
11 At ang saro ni Faraon ay nasa aking kamay; at kumuha ako ng mga ubas at aking pinagpipiga sa saro ni Faraon, at ibinigay ko ang saro sa kamay ni Faraon.
12 At sinabi ni Jose sa kaniya, (W)Ito ang kapaliwanagan niyaon, ang (X)tatlong sanga ay tatlong araw;
13 Sa loob ng tatlong araw ay ititindig ni Faraon ang (Y)iyong ulo, at isasauli ka sa iyong katungkulan: at ibibigay mo ang saro ni Faraon sa kaniyang kamay, na gaya ng karaniwang ginagawa mong dati ng ikaw ay kaniyang katiwala.
14 Datapuwa't alalahanin mo ako kung ikaw ay mapabuti na, at isinasamo ko sa iyo, na pagpakitaan mo ako ng kagandahang loob, at banggitin mo ako kay Faraon, at ako'y alisin mo sa bahay na ito:
15 Sapagka't ako'y tunay na ninakaw sa lupain ng mga Hebreo: (Z)at dito naman ay wala akong ginawang anoman, upang ako'y ilagay nila sa bilangguan.
16 Nang makita ng puno ng mga magtitinapay, na mabuti ang kapaliwanagan ay nagsabi kay Jose, Ako'y nanaginip din, at narito, tatlong bakol ng tinapay na mabuti ay nasa ibabaw ng aking ulo:
17 At sa kaibaibabawan ng bakol ay mayroon ng lahat na sarisaring pagkaing niluto para kay Faraon; at kinakain ng mga ibon sa bakol na nasa ibabaw ng aking ulo.
18 At si Jose ay sumagot, at nagsabi, (AA)Ito ang kapaliwanagan niyaon; ang tatlong bakol, ay tatlong araw;
19 (AB)Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo, at ibibitin ka sa isang punong kahoy; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman.
20 At nangyari nang ikatlong araw, (AC)na siyang kapanganakan kay Faraon, na gumawa siya ng isang piging sa lahat ng kaniyang lingkod: (AD)at itinindig niya ang ulo ng puno ng mga katiwala ng saro, at ang ulo ng puno ng mga magtitinapay.
21 At (AE)ibinalik niya ang (AF)puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon:
22 (AG)Datapuwa't ang puno ng mga magtitinapay, ay ibinitin sa isang puno ng kahoy: gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose.
23 Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya.
Ipinaliwanag ni Jose ang panaginip ni Faraon.
41 At nangyari, sa katapusan ng dalawang taong ganap, na si Faraon ay nanaginip: at, narito, na siya'y nakatayo sa tabi ng ilog.
2 At, narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman; at nanginain sa talahiban.
3 At, narito, na ibang pitong baka, na nagsiahon sa ilog na nasa likuran nila, mga pangit na anyo, at payat; at nagsihinto roon sa tabi ng mga unang baka, sa tabi ng ilog.
4 At ang pitong bakang magagandang anyo at matataba, ay nilamon ng mga bakang pangit ang anyo at payat. Sa gayo'y nagising si Faraon.
5 At siya'y natulog at nanaginip na bilang ikalawa; at, narito may sumupling na pitong uhay na mabibintog at mabubuti, na may isa lamang tangkay.
6 At, narito, may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan, na nagsitubong kasunod ng mga yaon.
7 At nilamon ng mga uhay na payat ang pitong uhay na mabibintog at malulusog. At nagising si Faraon, at, narito, isang panaginip.
8 At nangyari, sa kinaumagahan, na ang kaniyang diwa ay (AH)nagulumihanan at siya'y nagsugo at kaniyang ipinatawag ang lahat ng (AI)mago sa Egipto, at ang (AJ)lahat ng pantas doon: at isinaysay ni Faraon sa kanila ang kaniyang panaginip: datapuwa't walang makapagpaliwanag kay Faraon.
9 Nang magkagayo'y nagsalita ang puno ng mga katiwala kay Faraon, na sinasabi, Naaalaala ko sa araw na ito ang aking mga sala:
10 (AK)Nguni't si Faraon laban sa kaniyang mga alila, (AL)at ibinilanggo ako sa bahay ng kapitan ng bantay, ako at ang puno ng mga magtitinapay.
11 (AM)At nanaginip kami ng panaginip sa isang gabi, ako at siya: kami ay kapuwa nanaginip ayon sa kapaliwanagan ng panaginip ng isa't isa sa amin.
12 At nandoong kasama namin ang isang binata, isang Hebreo, na alipin ng kapitan ng bantay; (AN)at siya naming pinagsaysayan, at kaniyang ipinaliwanag sa amin ang aming panaginip; ipinaliwanag niya ayon sa panaginip ng bawat isa sa amin.
13 At nangyari, na kung paano ang kaniyang pagkapaliwanag sa amin, ay nagkagayon; ako'y pinabalik sa aking katungkulan, at ipinabitin ang isa.
14 (AO)Nang magkagayo'y nagsugo si Faraon at ipinatawag si Jose, (AP)at siya'y inilabas na madalian (AQ)sa bilangguan: siya'y nagahit at nagbihis ng suot, at naparoon kay Faraon.
15 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at walang makapagpaliwanag: (AR)at nabalitaan kita, na pagkarinig mo ng isang panaginip ay naipaliwanag mo.
16 At sumagot si Jose kay Faraon, na sinasabi, (AS)Wala sa akin; (AT)Dios ang magbibigay ng sagot sa kapayapaan kay Faraon.
46 Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, (A)narito, ang kaniyang ina at ang (B)kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap.
47 At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka.
48 Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid?
49 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid!
50 Sapagka't (C)sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.
13 Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at (D)naupo sa tabi ng dagat.
2 At nakisama (E)sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin.
3 At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, na sinasabi, Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik.
4 At sa paghahasik niya, ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at kinain nila;
5 At ang mga iba'y nangahulog sa mga batuhan, na doo'y walang sapat na lupa: at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:
6 At pagsikat ng araw ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.
7 At ang mga iba'y nangahulog sa mga dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga yaon.
8 At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangagbunga, ang ila'y (F)tigisang daan, at ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.
9 At ang may mga (G)pakinig, ay makinig.
10 At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga?
11 At sumagot siya at sinabi sa kanila, (H)Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila.
12 Sapagka't sinomang (I)mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.
13 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa.
14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi,
(J)Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
15 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik loob,
At sila'y aking pagalingin.
16 Datapuwa't mapapalad ang inyong mga mata, sapagka't nangakakakita; at ang iyong mga tainga, sapagka't nangakakarinig.
17 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (K)na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita, at hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, at hindi nila narinig.
18 Pakinggan (L)nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik.
19 Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita (M)ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan.
20 At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at (N)pagdaka'y (O)tinatanggap ito ng buong galak;
21 Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay (P)pagdaka'y (Q)natitisod siya.
22 At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at (R)ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga.
23 At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila'y tigisang daan, ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.
Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2 Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (A)ang karampatan.
3 Iyong sinubok ang aking puso; (B)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(C)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4 Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5 Ang aking mga hakbang ay (D)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 (E)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 (F)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
8 (G)Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata,
(H)Ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
9 Sa masama na sumasamsam sa akin,
Sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin.
10 (I)Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba:
Sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na (J)may kapalaluan.
11 (K)Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang:
Itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa.
12 Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli,
At parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako.
13 Bumangon ka, Oh Panginoon,
Harapin mo siya, ilugmok mo siya:
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak;
14 Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon,
Sa mga tao ng sanglibutan, (L)na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito,
At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan:
Kanilang binubusog ang kanilang mga anak,
At iniiwan nila ang natira sa kanilang pagaari sa kanilang sanggol.
15 (M)Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran:
(N)Ako'y masisiyahan (O)pagka bumangon sa iyong wangis.
33 (A)Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama;
Nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.
34 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi,
(B)Nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.
35 Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian;
Nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978