Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 18:16-19:38

16 At nangagtindig doon ang mga lalake, at nangagsitingin sa dakong Sodoma; at sinamahan sila ni Abraham, upang ihatid sila sa daan.

17 At sinabi ng Panginoon, (A)Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin;

18 Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, (B)at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa?

19 Sapagka't siya'y aking kinilala, upang (C)siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.

Paggunaw sa Sodoma.

20 At sinabi ng Panginoon, (D)Sapagka't ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas, at sapagka't ang kasalanan nila ay napakalubha;

21 (E)Ay bababa ako ngayon at titingnan ko kung ginawa nga ang ayon sa sigaw na dumarating hanggang sa akin; at kung hindi ay aking malalaman.

22 At ang mga lalake ay nagsilayo roon (F)at nagsitungo sa Sodoma (G)datapuwa't si Abraham ay nakatayo pa sa harapan ng Panginoon.

Ang pamamagitan ni Abraham.

23 At lumapit si Abraham, at nagsabi, (H)Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama?

24 Kung sakaling may limang pung banal sa loob ng bayan: lilipulin mo ba, at di mo patatawarin ang dakong yaon, alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon?

25 Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, (I)anopa't ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng matuwid (J)ang Hukom ng buong lupa?

26 At sinabi ng Panginoon, (K)Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila.

27 At sumagot si Abraham, at nagsabi, (L)Narito, ngayo'y nangahas akong magsalita sa Panginoon, akong (M)alabok at abo lamang:

28 Kung sakaling magkukulang ng lima sa limang pung banal: lilipulin mo ba, dahil sa limang kulang, ang buong bayan? At sinabi niya, Hindi ko lilipulin kung makasumpong ako roon ng apat na pu't lima.

29 At siya'y muling nagsalita pa sa kaniya, at nagsabi, Marahil ay may masusumpungang apat na pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin, alangalang sa apat na pu.

30 At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon, at ako'y magsasalita: kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin kung makakasumpong ako roon ng tatlong pu.

31 At kaniyang sinabi, Narito ngayon, ako'y (N)nangahas na magsalita sa Panginoon: kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa dalawang pu.

32 At sinabi niya, Oh (O)huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan: kung sakaling may masusumpungan doong sangpu: at sinabi niya, (P)Hindi ko lilipulin, alangalang sa sangpu.

33 At ang Panginoon ay nagpatuloy, pagkatapos na makipagusap kay Abraham: at si Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako.

Dinalaw ng Anghel ang Sodoma.

19 At nagsidating ang (Q)dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y (R)nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa;

At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo (S)na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, (T)at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, (U)Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag.

At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain.

Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot;

(V)At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? (W)ilabas mo sila sa amin (X)upang kilalanin namin sila.

At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya.

At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan.

(Y)Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; (Z)yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan.

At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y (AA)naparito upang makipamayan, (AB)at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.

10 Datapuwa't iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan.

11 At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, (AC)ang munti't malaki: ano pa't sila'y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.

Iniligtas si Lot.

12 At sinabi ng mga lalake kay Lot, Mayroon ka pa ritong kamaganakan? Ang iyong mga manugang, at ang iyong mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng iyong tinatangkilik sa bayan: ay (AD)ipagaalis mo sa dakong ito:

13 Sapagka't aming lilipulin ang dakong ito dahil sa napakalakas ang kanilang (AE)sigaw sa harap ng Panginoon; at kami ay sinugo ng Panginoon upang aming lipulin.

14 At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, (AF)Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya.

15 At nang umumaga ay pinapagmadali ng mga anghel si Lot, na sinasabi, (AG)Magbangon ka, ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan.

16 Datapuwa't siya'y nagluluwat; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay, at ang kamay ng kaniyang asawa, at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae; (AH)sa habag sa kaniya ng Panginoon: at siya'y kanilang inilabas, at siya'y kanilang inilagay sa labas ng bayan.

17 At nangyari, na nang sila'y mailabas na nila, ay sinabi, Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang (AI)lumingon o huminto man sa buong kapatagan; tumakas ka hanggang sa bundok, baka ikaw ay mamatay.

18 At sinabi sa kanila ni Lot, Huwag ganiyan, panginoon ko:

19 Narito, ngayo't ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay; at ako'y di makatatakas sa bundok, baka ako'y abutan ng sama, at ako'y mamatay.

20 Narito, ang bayang ito ay malapit takasan at maliit: Oh tulutan mong tumakas ako roon, (di ba yao'y maliit?) at mabubuhay ako.

21 At sinabi sa kaniya, Narito, sa bagay mang ito ay (AJ)pinayagan din kita, na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita.

22 Magmadali ka, tumakas ka roon; sapagka't wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon. (AK)Kaya't ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar.

Ang mga Ciudad sa kapatagan ay giniba.

23 Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar.

24 (AL)Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;

25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.

26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, (AM)at naging haliging asin.

27 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan (AN)sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon.

28 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng Kapatagan, at tumanaw, at narito, ang (AO)usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno.

29 At nangyari, na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan, na (AP)naalaala ng Dios si Abraham, at pinalabas si Lot, mula sa gitna ng pinaggunawan, nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot.

Ipinanganak si Moab at Ben-ammi.

30 At sumampa si Lot mula sa Zoar (AQ)at tumira sa bundok, at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya; sapagka't siya'y natakot na tumira sa Zoar: at siya'y tumira sa isang yungib, siya at ang kaniyang dalawang anak na babae.

31 At sinabi ng panganay sa bunso: Ang ating ama ay matanda, at walang lalake sa lupa na sumiping sa atin, ayon sa ugali ng sangkalupaan:

32 Halika, painumin natin ng alak ang ating ama, at tayo'y sumiping sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.

33 At pinainom nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama; at hindi naalaman, ng ama nang siya'y mahiga ni nang siya'y magbangon.

34 At nangyari nang kinabukasan, na sinabi ng panganay sa bunso. Narito, ako'y sumiping kagabi sa aking ama; painumin din natin ng alak sa gabing ito; at pumasok ka, at sumiping ka sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.

35 At pinainom din nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at nagtindig ang bunso, at sumiping sa ama; at hindi naalaman ng ama nang siya'y mahiga, ni nang siya'y magbangon.

36 Sa ganito'y kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama.

37 At nanganak ang panganay ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang ngalang Moab: (AR)na siya ngang ama ng mga Moabita, hanggang sa araw na ito.

38 At ang bunso ay nanganak din ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalang Benammi: (AS)na siya ngang ama ng mga anak ni Ammon, hanggang ngayon.

Mateo 6:25-7:14

25 (A)Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (B)Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit?

26 Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?

27 At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag (C)ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?

28 At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man:

29 Gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, na kahit si (D)Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.

30 Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa'y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya, Oh (E)kayong mga kakaunti ang pananampalataya?

31 Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?

32 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; (F)yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.

33 Datapuwa't (G)hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

34 Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.

(H)Huwag kayong magsihatol, (I)upang huwag kayong hatulan.

Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: (J)at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.

At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni't hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata?

O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata?

Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.

(K)Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa, at mangagbalik at kayo'y lapain.

(L)Magsihingi kayo, (M)at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:

Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay;

10 O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?

11 Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang (N)inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?

12 Kaya nga (O)lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: (P)sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.

13 Kayo'y magsipasok sa (Q)makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.

14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.

Mga Awit 8

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Mga Kawikaan 2:6-15

Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,
Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan,
(A)Siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan,
At (B)maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.
Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan,
At ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.
10 Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso,
At kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;
11 Kabaitan ay magbabantay sa iyo,
Pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
12 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan,
Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
13 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran,
(C)Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
14 Na (D)nangagagalak na magsigawa ng kasamaan,
At (E)nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
15 Na mga liko sa kanilang mga lakad,
At mga suwail sa kanilang mga landas:

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978