The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Ang tore ni Babel.
11 At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita.
2 At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa (A)lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon.
3 At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo (B)at ang betun ay inaring argamasa.
4 At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, (C)na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
Pagkakaroon ng iba't ibang wika.
5 (D)At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao.
6 At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.
7 Halikayo! tayo'y (E)bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
8 (F)Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa (G)ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.
9 Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.
Mga inanak ni Sem.
10 (H)Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,
11 At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
12 At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.
13 At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
14 At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber:
15 At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
16 (I)At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg:
17 At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
18 At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu:
19 At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
20 At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug:
21 At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
22 At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor:
23 At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
24 At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare:
25 At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
26 At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, (J)at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran.
Ang sangbahayan ni Thare.
27 Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot.
28 At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo.
29 At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay (K)Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay (L)Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah.
30 (M)At si Sarai ay baog; siya'y walang anak.
31 At ipinagsama ni Thare si (N)Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; (O)at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon.
32 At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran.
Ang tawag kay Abram.
12 Sinabi nga ng (P)Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:
2 (Q)At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:
3 (R)At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: (S)at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.
4 Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.
5 Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa, at si Lot na anak ng kaniyang kapatid, at ang lahat ng pagaaring kanilang natipon (T)at ang mga taong kanilang nakuha (U)sa Haran; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan; at dumating sa lupain ng Canaan.
6 (V)At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, (W)hanggang sa punong encina ng More. (X)At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo,
7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (Y)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.
8 At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: (Z)at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon.
9 At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan.
Si Abram ay nanirahan sa Egipto.
10 (AA)At nagkagutom sa lupaing yaon: at bumaba si Abram na nasok sa Egipto, upang manirahan doon; sapagka't mahigpit ang kagutom sa lupain.
11 At nangyari, nang siya'y malapit nang papasok sa Egipto, ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa, Narito, ngayon, talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin:
12 At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; (AB)at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay.
13 Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo.
14 At nangyari, nang pumasok si Abram sa Egipto, nakita ng mga Egipcio, na ang babae ay napakaganda.
15 At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon: at dinala ang babae sa bahay ni Faraon.
16 At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo,
17 (AC)At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan, ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram.
Pinaglalangan ni Abram si Faraon.
18 At tinawag ni Faraon si Abram, at sinabi, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya'y iyong asawa?
19 Bakit sinabi mong siya'y aking kapatid? na ano pa't siya'y aking kinuha upang maging asawa: ngayon nga'y nariyan ang iyong asawa; siya'y kunin mo at yumaon ka.
20 At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya: at siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pagaari.
Pagbalik sa Canaan.
13 At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama.
2 At si Abram ay totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto.
3 At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;
4 (AD)Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon.
5 At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa (A)bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:
2 At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,
3 (B)Mapapalad ang mga (C)mapagpakumbabang-loob: (D)sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
4 Mapapalad ang (E)nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.
5 Mapapalad ang maaamo: sapagka't (F)mamanahin nila ang lupa.
6 Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.
7 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.
8 Mapapalad ang mga may (G)malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
9 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.
10 Mapapalad (H)ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang (I)kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
13 Kayo ang asin ng lupa: (J)nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.
14 Kayo ang ilaw (K)ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, (L)at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.
16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; (M)upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at (N)kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.
17 Huwag ninyong isiping (O)ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (P)Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
19 Kaya't ang (Q)sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
20 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.
21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, (R)Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:
22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang (S)bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa (T)Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
23 Kaya't (U)kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,
24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.
25 Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.
26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.
Panalangin upang ipag-adya sa masama. Sa Pangulong manunugtog; pati ng Nehiloth. Awit ni David.
5 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,
Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, (A)Hari ko, at Dios ko;
Sapagka't (B)sa Iyo'y dumadalangin ako.
3 Oh Panginoon, (C)sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig;
Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
4 Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:
Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
5 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:
Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
6 Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga (D)kabulaanan:
(E)Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
7 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;
(F)Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
8 (G)Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
9 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na (H)libingan;
Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap (I)na gaya ng isang kalasag.
24 (A)Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi:
Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
25 Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo,
At hindi ninyo inibig ang aking saway:
26 (B)Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan:
Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
27 (C)Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo.
At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo;
Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
28 (D)Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot;
Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978