Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 24:52-26:16

52 At nangyari, na pagkarinig ng alilang katiwala ni Abraham ng kaniyang mga salita, ay (A)nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon.

53 At naglabas ang alilang katiwala ng mga (B)hiyas na pilak at mga hiyas na ginto, at mga damit, at mga ibinigay kay Rebeca: nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina.

54 At nangagsikain at nangagsiinom siya at ang mga taong kasama niya, at doon nagparaan ng magdamag, at sila'y nagsibangon ng umaga at kaniyang sinabi, (C)Suguin ninyo ako sa aking panginoon.

55 At sinabi ng kaniyang kapatid na lalake, at ng kaniyang ina, Matira ang dalaga sa aming ilang araw, sangpung araw man lamang; pagkatapos ay paroroon siya.

56 At sinabi niya sa kanila, Huwag ninyo akong pigilin, yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad; papagpaalamin na ninyo ako, upang ako'y umuwi sa aking panginoon.

57 At kanilang sinabi, Tatawagin namin ang dalaga at uusisain namin sa kaniyang bibig.

58 At kanila ngang tinawag si Rebeca, at kanilang sinabi sa kaniya, Sasama ka ba sa lalaking ito? At sinabi niya, Sasama ako.

59 At kanilang pinapagpaalam si Rebeca na kanilang kapatid, (D)at ang kaniyang yaya, at ang alilang katiwala ni Abraham, at ang kaniyang mga tao.

60 At kanilang binasbasan si Rebeca, at sinabi nila sa kaniya, Kapatid namin, (E)maging ina ka nawa ng yutayuta, (F)at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila.

61 At tumindig si Rebeca, at ang kaniyang mga abay, at nangagsisakay sa mga kamelyo, at nangagsisunod sa lalake; at dinala ng alilang katiwala si Rebeca at yumaon.

62 At si Isaac ay nanggaling sa daang (G)Beer-lahai-roi; sapagka't siya'y natira sa lupaing Timugan.

63 At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon: at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita, at, narito, may dumarating na mga kamelyo.

64 Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, ay bumaba sa kamelyo.

65 At sinabi ni Rebeca sa alilang katiwala, Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa atin? At sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon: at kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya'y nagtakip.

66 At isinaysay ng alilang katiwala kay Isaac ang lahat ng kaniyang ginawa.

Ang kanilang kasal.

67 At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina, at ipinagsama si Rebeca, at naging kaniyang asawa: at kaniya namang sininta: at (H)naaliw si Isaac, pagkamatay ng kaniyang ina.

Si Abraham at si Cetura.

25 At si Abraham ay nagasawa ng iba, at ang pangalan ay Cetura.

At (I)naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan, at si Medan, at si Midiam, at si Ishbak, at si Sua.

At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan. At ang mga anak na lalake ni Dedan, ay si Assurim at si Letusim, at si Leummim.

At ang mga anak ni Midian: si Epha at si Epher, at si Enech, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura.

(J)At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac.

Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay (K)mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan (L)sa lupaing silanganan.

At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.

Ang kamatayan ni Abraham.

At (M)nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at (N)nalakip sa kaniyang bayan.

(O)At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela, sa parang ni Ephron, na anak ni Zohar na Hetheo, na nasa tapat ng Mamre;

10 Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: (P)doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa.

11 At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng (Q)Beer-lahai-roi.

12 Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, (R)na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:

13 (S)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,

14 At si Misma, at si Duma, at si Maasa,

15 At si Hadad, at si (T)Tema, si (U)Jetur, si Naphis, at si Cedema:

16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: (V)labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa.

17 At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; (W)at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.

18 (X)At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa (Y)Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.

19 At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni (Z)Abraham si Isaac,

20 At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na (AA)anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, (AB)kapatid na babae ni Laban na taga Siria.

21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (AC)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.

22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (AD)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.

23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,

Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (AE)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (AF)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(AG)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.

Panganganak kay Esau at kay Jacob.

24 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.

25 At ang unang lumabas ay mapula na (AH)buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.

26 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay (AI)nakakapit sa sakong ni Esau; (AJ)at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.

Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

27 At nagsilaki ang mga bata; (AK)at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.

28 Minamahal nga ni Isaac si Esau, (AL)sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: (AM)at minamahal ni Rebeca si Jacob.

29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:

30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.

31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.

32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?

33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: (AN)at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.

34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

Si Isaac sa Gerar.

26 At nagkagutom sa lupain, bukod sa (AO)unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay (AP)Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.

At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; (AQ)matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo:

(AR)Matira ka sa lupaing ito, (AS)at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay (AT)ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, (AU)at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;

At aking (AV)pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: (AW)at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;

(AX)Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.

Nilinlang ni Isaac si Abimelech.

At tumahan si Isaac sa Gerar.

At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; (AY)at sinabi niya, Siya'y aking kapatid; (AZ)sapagka't natakot na sabihin, Siya'y aking asawa: baka ako'y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; (BA)dahil sa siya'y may magandang anyo.

At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.

At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya.

10 At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay (BB)pinapagkasala mo kami.

11 At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, (BC)Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin.

12 At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang (BD)daan (BE)at pinagpala siya ng Panginoon.

13 At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila.

14 At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo.

15 Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga (BF)bataan ng kaniyang ama, nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama, ay pinagtabunan ng mga Filisteo, na mga pinuno ng lupa.

16 At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, (BG)sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin.

Mateo 8:18-34

18 Nang makita nga ni Jesus ang lubhang maraming tao sa palibot niya, ay ipinagutos niyang tumawid sa kabilang ibayo.

19 At lumapit ang isang eskriba, at (A)sa kaniya'y nagsabi, Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.

20 At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga zorra, at may mga pugad ang mga ibon sa langit; datapuwa't ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo.

21 At ang isa naman sa kaniyang mga alagad ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.

22 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Sumunod ka sa akin; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay.

23 (B)At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad.

24 At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog.

25 At nagsilapit sila sa kaniya, at siya'y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami'y mangamamatay.

26 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh (C)kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon.

27 At ang mga tao ay nangagtaka, na sinasabi, Anong tao ito, na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya?

28 At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon.

29 At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na (D)Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?

30 Sa malayo sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain.

31 At namanhik sa kaniya ang mga demonio, na nangagsasabi, Kung kami'y palalayasin mo, ay paparoonin mo kami sa kawan ng mga baboy.

32 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo. At sila'y nagsilabas, at nagsipasok sa mga baboy: at narito, ang buong kawan ng mga baboy ay nangapadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, at nangamatay sa tubig.

33 At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon, at nagsitungo sa bayan, at sinabi ang lahat ng mga nangyari, at ang kinahinatnan ng mga inalihan ng mga demonio.

34 At narito, lumabas ang buong bayan upang sumalubong kay Jesus: at pagkakita nila sa kaniya, ay pinamanhikan (E)siyang umalis sa kanilang mga hangganan.

Mga Awit 10:1-15

Panalangin upang mabuwal ang masama.

10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon?
Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam;
(A)Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso,
At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin.
Lahat niyang pagiisip ay, (B)Walang Dios.
Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon;
(C)Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin:
Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
Sinasabi niya sa kaniyang puso, (D)Hindi ako makikilos:
Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
(E)Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi:
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon:
(F)Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala;
Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
(G)Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga:
Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha:
Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit,
At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot:
(H)Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (I)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (J)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (K)sa iyo; (L)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
15 (M)Baliin mo ang bisig ng masama:
At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.

Mga Kawikaan 3:7-8

(A)Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata;
Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:
Magiging kagalingan sa iyong pusod,
At utak sa iyong mga buto.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978