The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang kaniyang mga anak.
30 At nang makita ni Raquel, na (A)hindi siya nagkakaanak kay Jacob, ay nainggit si Raquel sa kaniyang kapatid; at sinabi kay Jacob, Bigyan mo ako ng anak, o kung hindi ay mamamatay ako!
2 At nagningas ang galit ni Jacob laban kay Raquel; at nagsabi, (B)Ako ba'y nasa kalagayan ng Dios, na nagkait sa iyo ng bunga ng bahay-bata?
3 At sinabi niya, Narito ang aking alilang si Bilha, sumiping ka sa kaniya; (C)upang manganak sa ibabaw ng aking mga tuhod, (D)at magkaroon din naman ako ng anak sa pamamagitan niya.
4 At ibinigay niyang asawa si Bilha na kaniyang alila: at sinipingan ni Jacob.
5 At naglihi si Bilha, at nagkaanak kay Jacob, ng isang lalake.
6 At sinabi ni Raquel, Hinatulan ako ng Dios, at dininig din naman ang aking tinig, at binigyan ako ng anak: kaya't pinanganlang Dan.
7 At si Bilhang alila ni Raquel ay naglihi uli at ipinanganak ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob.
8 At sinabi ni Raquel, Ako'y nakipagbaka ng malaking pakikipagbaka sa aking kapatid, at ako'y nanaig: at siya'y pinanganlang Nephtali.
9 Nang makita ni Lea, na siya'y hindi na nanganganak, ay kinuha si Zilpa na kaniyang alila (E)at ibinigay na asawa kay Jacob.
10 At si Zilpa na alila ni Lea ay nagkaanak ng isang lalake kay Jacob.
11 At sinabi ni Lea, Kapalaran! at pinanganlang Gad.
12 At ipinanganak ni Zilpa na alila ni Lea, ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob.
13 At sinabi ni Lea, Mapalad ako! sapagka't (F)tatawagin akong mapalad ng mga babae: at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Aser.
14 At yumaon si Ruben nang panahon ng paggapas ng trigo, (G)at nakasumpong ng mga mandragoras sa bukid, at dinala sa kaniyang inang kay Lea. Nang magkagayo'y sinabi ni Raquel kay Lea, Ipinamamanhik ko sa iyo na bigyan mo ako ng mga mandragoras ng iyong anak.
15 At kaniyang sinabi, Kakaunti pa bang bagay na iyong kinuha ang aking asawa? at ibig mo pa ring kunin ang mga mandragoras ng aking anak? At sinabi ni Raquel, Kaya't sisiping siya sa iyo ngayong gabi, dahil sa mga mandragoras ng iyong anak.
16 At si Jacob ay umuwing galing sa bukid ng hapon, at sinalubong siya ni Lea, at sa kaniya'y sinabi, Sa akin ka dapat sumiping; sapagka't tunay na ikaw ay aking inupahan ng mga mandragoras ng aking anak. At sumiping siya sa kaniya ng gabing yaon.
17 At dininig ng Dios si Lea: at siya'y naglihi at kaniyang ipinanganak kay Jacob ang kaniyang ikalimang anak.
18 At sinabi ni Lea, Ibinigay sa akin ng Dios ang aking kaupahan, sapagka't ibinigay ko ang aking alila sa aking asawa: at kaniyang pinanganlang Issachar.
19 At naglihi uli si Lea, at kaniyang ipinanganak ang kaniyang ikaanim na anak kay Jacob.
20 At sinabi ni Lea, Binigyan ako ng Dios ng isang mabuting kaloob; ngayo'y makikisama na sa akin ang aking asawa, sapagka't nagkaanak ako sa kaniya ng anim na lalake: at kaniyang pinanganlang Zabulon.
21 At pagkatapos ay nanganak siya ng babae, at kaniyang pinanganlang Dina.
22 At (H)naalala ng Dios si Raquel, at dininig ng Dios, (I)at binuksan ang kaniyang bahay-bata.
23 At siya'y naglihi at nanganak ng lalake; at kaniyang sinabi, (J)Inalis ng Dios sa akin ang kakutyaan ko:
24 At kaniyang tinawag ang pangalan niya na Jose, na sinasabi, (K)Dagdagan pa ako ng Panginoon ng isang anak.
Pagpapaalam ni Jacob kay Laban.
25 At nangyari, nang maipanganak ni Raquel si Jose, na sinabi ni Jacob kay Laban, Papagpaalamin mo ako upang ako'y makaparoon sa aking dakong tinubuan at sa aking lupain.
26 Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at ang aking mga anak, na siyang (L)kadahilanan ng ipinaglingkod ko sa iyo, at papagpaalamin mo ako: sapagka't talastas mo ang paglilingkod na ipinaglingkod ko sa iyo.
27 At sinabi sa kaniya ni Laban, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa harap ng iyong mga mata, matira ka: aking napagkilala, na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo.
28 At kaniyang sinabi, (M)Sabihin mo sa akin ang iyong kaupahan, at ibibigay ko sa iyo.
29 At sinabi niya sa kaniya, (N)Nalalaman mo kung paanong pinaglingkuran kita, at kung anong lagay ng iyong mga hayop dahil sa akin.
30 Sapagka't kakaunti ang tinatangkilik mo bago ako dumating, (O)at naging isang karamihan; at pinagpala ka ng Panginoon saan man ako pumihit; at ngayo'y (P)kailan naman ako maghahanda ng sa aking sariling bahay?
31 At sa kaniya'y sinabi, Anong ibibigay ko sa iyo? At sinabi ni Jacob, Huwag mo akong bigyan ng anoman: kung ito'y iyong gawin sa akin, ay muli kong papastulin at aalagaan ang iyong kawan.
32 Dadaanan ko ang lahat mong kawan ngayon, na aking ihihiwalay doon ang lahat ng batikbatik at may dungis, at ang lahat na maitim sa mga tupa, at ang may dungis at batikbatik sa mga kambing: (Q)at siyang magiging aking kaupahan.
33 Gayon ako sasagutan ng aking katuwiran sa haharapin, pagparito mo, tungkol sa aking kaupahan, na nasa harap mo; yaong lahat na walang batik at walang dungis sa mga kambing, at hindi maitim sa mga tupa, na masusumpungan sa akin, ay maibibilang mong nakaw.
34 At sinabi ni Laban, Narito, mangyari nawa ayon sa iyong sabi.
35 At inihiwalay ni Laban ng araw ding yaon ang mga lalaking kambing na may batik at may dungis, at ang lahat ng babaing kambing na may batik at may dungis, lahat ng mayroong kaunting puti, at lahat ng maitim sa mga tupa, at ibinigay sa mga kamay ng kaniyang mga anak;
36 At siya'y naglakad ng tatlong araw ang pagitan kay Jacob; at pinakain ni Jacob ang nalabi sa mga kawan ni Laban.
37 At (R)kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, at almendro at kastano; at pinagbabakbakan ng mga batik na mapuputi, at kaniyang pinalitaw na gayon ang puti na nasa mga sanga.
38 At kaniyang inilagay ang mga sangang kaniyang binakbakan sa mga bangbang, sa harap ng kawan, sa mga pinagpapainuman; na pinaparoonan ng mga kawan upang uminom; at nangaglilihi pagka nagsisiparoon upang uminom.
39 At nangaglilihi ang mga kawan sa harap ng mga sanga at nanganganak ang mga kawan ng mga may guhit, may batik at may dungis.
40 At ang mga korderong ito ay inihihiwalay ni Jacob, at inihaharap ang kawan sa dakong may batik, at ang lahat ng maitim sa kawan ni Laban; sa kaniyang ibinukod ang mga kawan niya rin, at hindi isinama sa kawan ni Laban.
41 At nangyari, na kailan ma't maglilihi ang mga malakas sa kawan, ay inilalagay ni Jacob ang mga sanga sa harap ng mga mata ng kawan sa mga bangbang, upang sila'y papaglihihin sa gitna ng mga sanga.
42 Datapuwa't pagka ang kawan ay mahina ay hindi niya inilalagay, kaya't ang mahina ay nagiging kay Laban at ang malakas ay kay Jacob.
Ang kaniyang pagyaman.
43 (S)At ang lalake ay lumagong mainam; at (T)nagkaroon ng malalaking kawan, at ng mga aliping babae at lalake, at ng mga kamelyo at ng mga asno.
31 At narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na nagsisipagsabi, Kinuha ni Jacob ang lahat ng sa ating ama; at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong (U)karangalang ito.
2 At minasdan ni Jacob ang (V)mukha ni Laban, at narito't hindi sumasa kaniyang gaya ng dati.
3 At sinabi ng Panginoon kay Jacob, (W)Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang, at sa iyong kamaganakan; at ako'y sasaiyo.
4 At si Jacob ay nagsugo at tinawag si Raquel at si Lea sa bukid, sa kaniyang kawan,
5 At sinabi sa kanila, (X)Nakikita ko ang mukha ng inyong ama, na hindi sumasaakin na gaya ng dati; (Y)datapuwa't ang Dios ng aking ama ay sumaakin.
6 (Z)At nalalaman ninyo, na ang aking buong lakas ay ipinaglingkod ko sa inyong ama.
7 At dinaya ako ng inyong ama, (AA)at binagong (AB)makasangpu ang aking kaupahan; datapuwa't hindi pinahintulutan siya ng Dios, na gawan ako ng masama.
8 Kung kaniyang sinabing ganito, (AC)Ang mga may batik ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y nanganganak ang lahat ng kawan ng mga may batik: at kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may guhit ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y ang lahat ng kawan ay manganganak ng mga may guhit.
9 (AD)Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama, at ibinigay sa akin.
10 At nangyari, na sa panahong ang kawan ay naglilihi, ay itiningin ko ang aking mga mata, at nakita ko sa panaginip, at narito, ang mga kambing na lalake na nakatakip sa kawan ay mga may guhit, may batik at may dungis.
11 At sinabi sa akin ng anghel ng Dios, sa panaginip, Jacob: at sinabi ko, Narito ako.
12 At kaniyang sinabi, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, tingnan mo na ang lahat ng kambing na natatakip sa kawan ay may guhit, may batik at may dungis: sapagka't (AE)aking nakita ang lahat na ginagawa sa iyo ni Laban.
13 (AF)Ako ang Dios ng Betel, na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala, at doon ka gumawa ng panata sa akin: ngayo'y (AG)tumindig ka, umalis ka sa lupaing ito, at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo.
14 At nagsisagot si Raquel at si Lea, at sa kaniya'y sinabi, (AH)Mayroon pa ba kaming natitirang bahagi o mana sa bahay ng aming ama?
15 Hindi ba inaari niya kaming taga ibang bayan? (AI)sapagka't ipinagbili niya kami at kaniyang lubos nang kinain ang aming halaga.
16 Sapagka't ang buong kayamanang inalis ng Dios sa aming ama, ay amin yaon at sa aming mga anak: ngayon nga, gawin mo ang lahat ng sinabi sa iyo ng Dios.
10 At (A)pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.
2 (B)Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon (C)na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si (D)Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;
3 Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si (E)Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo;
4 Si Simon na Cananeo, (F)at si Judas (G)Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.
5 Ang labingdalawang ito'y sinugo ni Jesus, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo (H)sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga (I)taga Samaria:
6 Kundi bagkus (J)magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.
7 At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, (K)Ang kaharian ng langit ay malapit na.
8 Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
9 (L)Huwag kayong mangagbaon ng ginto, kahit pilak, kahit tanso sa inyong mga supot:
10 Kahit (M)supot ng pagkain sa paglalakad, kahit dalawang tunika, kahit mga pangyapak, o tungkod: (N)sapagka't ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang pagkain.
11 At sa alin mang bayan o nayon na inyong pasukin, siyasatin ninyo kung sino roon ang karapatdapat; at magsitahan kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis.
12 At pagpasok ninyo sa bahay, (O)ay batiin ninyo ito.
13 At kung karapatdapat ang bahay, ay dumoon ang inyong kapayapaan: datapuwa't kung hindi karapatdapat, ay mabalik sa inyo ang kapayapaan ninyo.
14 At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay (P)ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.
15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (Q)Higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma at ng Gomorra sa araw ng paghuhukom, kay sa bayang yaon.
16 Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: (R)mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.
17 Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga (S)Sanedrin at kayo'y hahampasin (T)sa kanilang mga sinagoga;
18 Oo at (U)kayo'y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil.
19 Datapuwa't pagka kayo'y ibinigay nila, (V)huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: (W)sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin.
20 Sapagka't (X)hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo'y magsasalita.
21 At ibibigay (Y)ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay.
22 (Z)At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
23 Datapuwa't (AA)pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, (AB)hanggang sa pumarito ang Anak ng tao.
Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.
12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (A)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
2 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(B)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
4 Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(C)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
6 (D)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
8 Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
13 Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan,
At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
14 (A)Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak,
At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.
15 Mahalaga nga kay sa mga rubi;
At wala (B)sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978