The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang pagmamahal ni Jacob kay Jose.
37 At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama, sa lupain ng Canaan.
2 Ito ang lahi ni Jacob. Si Jose, na may labing pitong taon, ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid; at siya'y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa, na mga asawa ng kaniyang ama; (A)at ibinalita ni Jose sa kanilang ama ang kasamaan nila.
3 Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak, (B)sapagka't siya ang anak ng kaniyang katandaan: at siya'y iginawa ng isang tunika na may (C)sarisaring kulay.
4 At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya'y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid; at siya'y kinapootan, at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa.
Panaginip ni Jose.
5 At nanaginip si Jose ng isang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid: at lalo pa nilang kinapootan siya.
6 At sinabi niya sa kanila. Pakinggan ninyo, ipinamamanhik ko sa inyo, itong panaginip na aking napanaginip:
7 Sapagka't, narito, tayo'y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid, at, narito, na tumindig ang aking bigkis, at tumuwid din naman at, narito, ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at (D)yumukod sa aking bigkis.
8 At sa kaniya'y sinabi ng kaniyang mga kapatid, Maghahari ka ba sa amin? o papapanginoon ka sa amin? At lalo pa siyang kinapootan nila dahil sa kaniyang mga panaginip at sa kaniyang mga salita.
9 At siya'y nanaginip pa ng ibang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid, at sinabi, Narito, ako'y nanaginip pa ng isang panaginip; at narito, na ang araw, at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin.
10 At kaniyang isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang mga kapatid; at sinaway siya ng kaniyang ama, at sa kaniya'y sinabi, Anong panaginip itong iyong napanaginip? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo?
11 (E)At ang kaniyang mga kapatid ay nainggit sa kaniya: (F)datapuwa't iningatan ng kaniyang ama ang salita sa pagiisip.
12 At yumaon ang kaniyang mga kapatid upang magpastol ng kawan ng kanilang ama, sa Sichem.
13 At sinabi ni Israel kay Jose, Di ba nagpapastol ng kawan sa Sichem ang iyong mga kapatid? Halika, at uutusan kita sa kanila. At sinabi niya sa kaniya, Narito ako.
14 At kaniyang sinabi sa kaniya, Yumaon ka, tingnan mo kung mabuti ang lagay ng iyong mga kapatid, at kung mabuti ang lagay ng kawan; at balitaan mo ako. Gayon sinugo siya mula sa libis ng (G)Hebron, at siya'y naparoon sa Sichem.
15 At nasumpungan siya ng isang tao, at, narito, na siya'y naggagala sa parang; at siya'y tinanong ng taong yaon, na sinasabi, Anong hinahanap mo?
16 At kaniyang sinabi, Hinahanap ko ang aking mga kapatid; ipinamamanhik ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan sila nagpapastol.
17 At sinabi ng tao, Nagsialis na sila: sapagka't narinig kong kanilang sinabi, Tayo na sa Dotan. At sinundan ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at nasumpungan niya sila sa (H)Dotan.
18 At kanilang natanawan siya sa malayo, at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya'y patayin.
19 At nagsangusapan, Narito, dumarating itong mapanaginipin.
20 Halikayo ngayon, siya'y ating patayin, at siya'y ating itapon sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, Sinakmal siya ng isang masamang hayop: at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip.
21 At narinig ni Ruben, at iniligtas siya sa kanilang kamay; at sinabi, Huwag nating kitlin ang kaniyang buhay.
22 At sinabi ni Ruben sa kanila, (I)Huwag kayong magbubo ng dugo; itapon ninyo sa balong ito na nasa ilang, datapuwa't huwag ninyong pagbuhatan ng kamay; upang iligtas sa kanilang kamay ng mapabalik sa kaniyang ama.
23 At nangyari, nang dumating si Jose sa kaniyang mga kapatid, na hinubdan siya ng kaniyang tunika, ng tunikang may sarisaring kulay na kaniyang suot;
24 At kanilang sinunggaban, at kanilang itinapon sa balon: at ang balon ay tuyo, walang tubig.
Ipinagbili si Jose sa Egipto.
25 At nagsiupo upang kumain ng tinapay, at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila, at, narito, ang isang pulutong na mga (J)Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga (K)pabango, at mga (L)balsamo, at mga mirra, na kanilang dadalhin sa Egipto.
26 At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid. Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid, (M)at ilihim ang kaniyang dugo?
27 Halikayo, at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; sapagka't (N)siya'y ating kapatid, atin din laman. At dininig siya ng kaniyang mga kapatid.
28 At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga (O)Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, (P)at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng (Q)dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto.
29 At nagbalik si Ruben sa balon; at, narito, na si Jose ay wala sa balon; (R)at kaniyang hinapak ang kaniyang mga suot.
30 At siya'y nagbalik sa kaniyang mga kapatid, at kaniyang sinabi, (S)Wala ang bata; at ako, saan ako paroroon?
31 At kanilang kinuha ang (T)tunika ni Jose, at sila'y pumatay ng isang lalaking kambing, at kanilang inilubog ang tunika sa dugo:
32 At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay, at dinala sa kanilang ama; at kanilang sinabi, Ito'y aming nasumpungan: kilalanin mo ngayon, kung tunika ng iyong anak o hindi.
33 At kaniyang kinilala, at sinabi, Siya ngang tunika ng aking anak; sinakmal siya ng (U)isang masamang hayop; si Jose ay walang pagsalang nilapa.
Ang panangis ni Jacob.
34 At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot, at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak.
35 (V)At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, (W)Sapagka't lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama.
36 At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay.
38 At nangyari nang panahong yaon, na humiwalay si Juda sa kaniyang mga kapatid, (X)at nagdaan sa isang Adullamita na ang pangalan ay Hira.
2 At nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo, na tinatawag na (Y)Sua; at kinuha niya at kaniyang sinipingan.
3 At naglihi, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang (Z)Er.
4 At naglihi uli, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Onan.
5 At muling naglihi at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Selah: at si Juda ay nasa sa Chezib nang siya'y manganak.
6 At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay, at ang pangalan niyao'y Thamar.
7 At si Er, na panganay ni Juda, ay naging masama sa paningin ng Panginoon; (AA)at siya'y pinatay ng Panginoon.
8 At sinabi ni Juda kay Onan, (AB)Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid, at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa, at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid.
9 At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid.
10 At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya'y pinatay rin naman.
11 Nang magkagayo'y sinabi ni Juda kay Thamar na kaniyang manugang na babae: (AC)Manatili kang bao sa bahay ng iyong ama, hanggang sa lumaki si Selah na aking anak: sapagka't sinabi niya, Marahil ay hindi siya mamamatay ng gaya ng kaniyang mga kapatid. At yumaon si Thamar (AD)at tumahan sa bahay ng kaniyang ama.
12 At nagdaan ang maraming araw; at namatay ang anak na babae ni Sua, na asawa ni Juda; (AE)at nag-aliw si Juda, at umahon sa Timnath sa mga manggugupit sa kaniyang mga tupa, siya at ang kaniyang kaibigang si Hira na Adullamita.
13 At naibalita kay Thamar, na sinasabi, Narito, ang iyong biyanang lalake ay umaahon sa Timnath upang pagupitan ang kaniyang mga tupa.
14 At siya'y nagalis ng (AF)suot pagkabao, at nagtakip ng kaniyang lambong, at pagkapagtakip ay naupo sa pasukan ng Enaim, na nasa daan ng Timnath; (AG)sapagka't kaniyang nakikita, na si Selah ay malaki na, at hindi pa siya ibinibigay na asawa.
15 Nang makita siya ni Juda ay ipinalagay siyang patutot, sapagka't siya'y nagtakip ng kaniyang mukha.
16 At lumapit sa kaniya, sa tabi ng daan, at sinabi, Narito nga, ipinamamanhik ko sa iyo na ako'y pasipingin mo sa iyo: sapagka't hindi niya nakilalang kaniyang manugang. At kaniyang sinabi, Anong ibibigay mo sa akin sa iyong pagsiping sa akin?
17 At kaniyang sinabi, Padadalhan kita ng isang anak ng kambing na mula sa kawan. At kaniyang sinabi, Bibigyan mo ba ako ng sangla hanggang sa maipadala mo?
18 At kaniyang sinabi, Anong sangla ang ibibigay ko sa iyo? At kaniyang sinabi, (AH)Ang iyong singsing, at ang iyong pamigkis, at ang tungkod na dala mo sa kamay. At kaniyang ipinagbibigay sa kaniya, at sumiping sa kaniya; at siya'y naglihi sa pamamagitan niya.
19 At siya'y bumangon, at yumaon, (AI)at siya'y nagalis ng kaniyang lambong, at isinuot ang mga kasuutan ng kaniyang pagkabao.
20 At ipinadala ni Juda ang anak ng kambing sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang kaibigan, na Adullamita, upang tanggapin ang sangla sa kamay ng babae: datapuwa't hindi niya nasumpungan.
21 Nang magkagayo'y kaniyang itinanong sa mga tao sa dakong yaon na sinasabi, Saan nandoon ang patutot na nasa tabi ng daan sa Enaim? At kanilang sinabi, Walang naparitong sinomang patutot.
22 At nagbalik siya kay Juda, at sinabi, Hindi ko nasumpungan: at sinabi rin naman ng mga tao sa dakong yaon, Walang naging patutot rito.
23 At sinabi ni Juda, Pabayaang ariin niya, baka tayo'y mapahiya: narito, aking ipinadala itong anak ng kambing at hindi mo siya nasumpungan.
Mga anak ni Juda kay Thamar.
24 At nangyari, na pagkaraan ng tatlong buwan, humigit kumulang, ay naibalita kay Juda, na sinasabi, Ang iyong manugang na si Thamar ay (AJ)nagpatutot; at, narito, siya'y buntis sa pakikiapid. At sinabi ni Juda, Siya'y ilabas (AK)upang sunugin.
25 Nang siya'y ilabas, ay nagpasabi siya sa kaniyang biyanan. Sa lalaking may-ari ng mga ito, ay nagdalang-tao ako: at kaniyang sinabi pang, Ipinamamanhik ko sa iyo, na kilalanin mo kung kanino ang mga ito, (AL)ang singsing, ang pamigkis, at ang tungkod.
26 At nangakilala ni Juda, at sinabi, (AM)Siya'y matuwid kay sa akin; (AN)sapagka't hindi ko ibinigay sa kaniya si Selah na aking anak. At hindi na niya muling sinipingan pa.
27 At nangyari, na sa pagdaramdam niya, na, narito, kambal ang nasa kaniyang tiyan.
28 At nangyari, nang nanganganak siya, na inilabas ng isa ang kamay: at hinawakan ng hilot at tinalian sa kamay ng isang sinulid na mapula, na sinasabi, Ito ang unang lumabas.
29 At nangyari, na pagkaurong ng kaniyang kamay, na, narito, ang kaniyang kapatid ang lumabas. At kaniyang sinabi, Bakit nagpumiglas ka? (AO)kaya't tinawag ang pangalan niyang Phares.
30 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, na siyang may sinulid na mapula sa kamay: at tinawag na Zara ang kaniyang pangalan.
22 Nang magkagayo'y dinala sa kaniya ang (A)isang inaalihan ng demonio, bulag at pipi, at kaniyang pinagaling, ano pa't ang pipi ay nagsalita at nakakita.
23 At ang buong karamihan ay nangagtaka, at nangagsabi, Ito kaya ang (B)Anak ni David?
24 Datapuwa't nang marinig ito ng mga Fariseo, ay kanilang sinabi, Ang taong ito'y (C)hindi nagpapalabas ng mga demonio, kundi sa pamamagitan ni Beelzebub na prinsipe ng mga demonio.
25 At (D)pagkaalam niya ng mga iniisip nila, ay sinabi niya sa kanila, (E)Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak; ang bawa't bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.
26 At kung pinalalabas ni Satanas si Satanas, siya nababahagi laban sa kaniyang sarili; papaano ngang mananatili ang kaniyang kaharian?
27 At kung sa pamamagitan ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonio, ang inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila'y pinalalabas? kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom.
28 Nguni't kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas ako ng mga demonio, ay dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.
29 O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? at (F)kung magkagayo'y masasamsaman niya ang kaniyang bahay.
30 (G)Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat.
31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, (H)Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.
32 At ang sinomang magsalita ng isang salitang (I)laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.
33 (J)O pabutihin ninyo ang punong kahoy, at mabuti ang bunga niyaon; o pasamain ninyo ang punong kahoy, at masama ang bunga niyaon: sapagka't ang punong kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga.
34 Kayong (K)lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? (L)sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
35 Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay: at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay.
36 At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.
37 Sapagka't (M)sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.
38 Nang magkagayo'y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo, na nangagsasabi, (N)Guro, ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo.
39 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, (O)Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas:
40 Sapagka't (P)kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao.
41 Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: (Q)sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.
42 (R)Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't siya'y nanggaling sa mga wakas ng lupa upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon.
43 Datapuwa't ang karumaldumal na espiritu, kung siya'y (S)lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong.
44 Kung magkagayo'y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan.
45 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya, at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: (T)at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una. Gayon din ang mangyayari sa masamang lahing ito.
Ang Panginoon ay bahagi ng buhay ng mangaawit at tagapagligtas sa kamatayan. Awit ni David.
16 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan (A)sa aking mga labi.
5 (B)Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng (C)aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
(D)Oo, tinuturuan ako sa gabi ng (E)aking puso.
8 (F)Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay (G)nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 (H)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (I)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (J)banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin (K)ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan (L)ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga (M)kasayahan magpakailan man.
27 (A)Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan,
Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin.
28 (B)Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli,
At bukas ay magbibigay ako;
Pagka ikaw ay mayroon.
29 Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa,
Na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo.
30 (C)Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan,
Kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.
31 (D)Huwag kang managhili sa taong marahas,
At huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad.
32 Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
(E)Nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978