The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Iniwan ni Jacob ang idolo at pumunta sa Bethel.
35 At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa (A)Bethel, at tumahan ka roon; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo (B)nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau.
2 Nang magkagayo'y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa (C)lahat niyang kasama. Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo, (D)at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot:
3 At tayo'y magsitindig at magsisampa tayo sa (E)Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, (F)at sumaakin sa daan na aking nilakaran.
4 At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; (G)at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.
5 At sila'y naglakbay; (H)at ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila, at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob.
6 Sa gayo'y naparoon si Jacob sa (I)Luz, na nasa lupain ng Canaan (na siyang Bethel), siya at ang buong bayang kasama niya.
7 At siya'y nagtayo roon ng isang dambana at tinawag niya ang dakong yaon na El-beth-el; sapagka't ang Dios ay napakita sa kaniya roon, nang siya'y tumatakas sa harap ng kaniyang kapatid.
8 At namatay si Debora na (J)yaya ni Rebeca, at nalibing sa paanan ng Bethel, sa ilalim ng encina, na ang pangalan ay tinawag na Allon-bacuth.
9 At ang Dios ay napakita uli kay Jacob, nang siya'y manggaling sa Padan-aram, at siya'y pinagpala.
10 At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan mo'y Jacob; ang pangalan mo'y (K)hindi na tatawagin pang Jacob (L)kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel.
11 At sinabi sa kaniya ng (M)Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; (N)isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang;
12 (O)At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac, ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain.
13 At ang Dios ay napailanglang mula sa tabi niya sa dakong pinakipagusapan sa kaniya.
14 (P)At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios, haliging bato: at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis.
15 At tinawag ni Jacob na (Q)Bethel ang dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios.
16 At sila'y naglakbay mula sa Bethel; at may kalayuan pa upang dumating sa Ephrata: at nagdamdam si Raquel, at siya'y naghihirap sa panganganak.
17 At nangyari, nang siya'y naghihirap sa panganganak, na sinabi sa kaniya ng hilot, Huwag kang matakot, (R)sapagka't magkakaroon ka ng isa pang anak na lalake.
18 At nangyari, nang nalalagot ang kaniyang hininga (sapagka't namatay siya), ay kaniyang pinanganlang Benoni:[a] datapuwa't pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin.[b]
19 (S)At namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa (T)Ephrata (na siyang Beth-lehem).
20 At nagtayo si Jacob ng isang batong pinakaalaala sa ibabaw ng kaniyang libingan: na siyang batong pinakaalaala ng libingan ni Raquel (U)hanggang ngayon.
21 At naglakbay si Israel at iniladlad ang kaniyang tolda sa dako pa roon ng moog ng Eder.
Ang kaniyang mga anak.
22 (V)At nangyari, samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon, na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha, na babae ng kaniyang ama; at ito'y nabalitaan ni Israel.
Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob.
23 Ang mga anak ni Lea, ay: si Ruben, na panganay ni Jacob, at si (W)Simeon, at si Levi, at si Juda at si Issachar, at si Zabulon.
24 Ang mga anak ni Raquel, ay: si Jose at si Benjamin:
25 At ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel, ay: si Dan at si Nephtali:
26 At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea, ay: si Gad at si Aser: ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram.
27 At naparoon si Jacob kay Isaac na kaniyang ama, sa (X)Mamre, sa (Y)Kiriat-arba (na siyang Hebron), na doon tumahan si Abraham at si Isaac.
Kamatayan ni Isaac.
28 At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon.
29 At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay, at (Z)siya'y nalakip sa kaniyang bayan, matanda at puspos ng mga araw: (AA)at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob.
Mga Inanak ni Esau.
36 Ito nga ang mga lahi ni Esau ((AB)na siyang Edom).
2 (AC)Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, (AD)at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo.
3 (AE)At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot.
4 (AF)At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;
5 At ipinanganak ni Aholibama si Jeus, at si Jaalam at si Cora; ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan.
6 At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.
7 (AG)Sapagka't ang kanilang pagaari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama (AH)at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.
8 (AI)At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si (AJ)Esau ay siyang Edom.
9 At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:
10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.
11 At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.
12 At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si (AK)Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.
13 At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.
14 At ito ang mga anak ni (AL)Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora.
15 Ito ang mga (AM)pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga (AN)anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,
16 Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.
17 At ito ang mga anak ni (AO)Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.
18 At ito ang mga anak ni (AP)Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.
19 Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.
Mga anak ni Seir.
20 (AQ)Ito ang mga anak ni Seir na (AR)Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,
21 At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.
22 At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.
23 At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.
24 At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.
25 At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana.
26 At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran.
27 Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan.
28 Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran.
29 Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong (AS)Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,
30 Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir.
Mga Hari ng Edom.
31 (AT)At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.
32 At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.
33 At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.
34 At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.
35 At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.
36 At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.
37 At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga (AU)Rehoboth na tabi ng Ilog.
38 At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.
39 At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, (AV)at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.
40 (AW)At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth;
41 Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon.
42 Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar.
43 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pagaari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.
12 Nang panahong yaon ay (A)naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at (B)nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.
2 Datapuwa't pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo (C)ang hindi matuwid na gawin sa sabbath.
3 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nabasa (D)ang ginawa ni David nang siya'y nagutom, at ang mga kasamahan niya;
4 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain siya ng mga (E)tinapay na handog, na hindi matuwid na kanin niya, ni ng mga kasamahan niya, (F)kundi ng mga saserdote lamang?
5 O hindi baga ninyo nabasa (G)sa kautusan, kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath, at hindi nangagkakasala?
6 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo.
7 Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, (H)Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.
8 Sapagka't ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
9 At siya'y umalis doon at (I)pumasok sa sinagoga nila:
10 At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya'y itinanong nila, na sinasabi, (J)Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya'y kanilang maisumbong.
11 At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin?
12 Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.
13 Nang magkagayo'y sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya; at napauling walang sakit, na gaya ng isa.
14 Datapuwa't nagsialis ang mga Fariseo, at nangagpulong laban sa kaniya, kung papaanong siya'y maipapupuksa nila.
15 At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon: (K)at siya'y sinundan ng marami; at kaniyang pinagaling silang lahat,
16 At ipinagbilin niya (L)sa kanila, na siya'y huwag nilang ihayag:
17 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
18 Narito, ang lingkod ko (M)na aking hinirang;
At minamahal ko (N)na kinalulugdan ng aking kaluluwa:
Isasakaniya ko ang aking Espiritu,
At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil.
19 Hindi siya makikipagtalo, ni sisigaw;
Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan.
20 Hindi niya babaliin ang tambong gapok,
At hindi papatayin ang timsim na umuusok,
Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom.
21 At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil.
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 (D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 (F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
21 Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata;
Ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;
22 Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa,
At (A)biyaya sa iyong leeg.
23 (B)Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay,
At ang iyong paa ay hindi matitisod.
24 (C)Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot:
Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.
25 (D)Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot,
Ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating:
26 Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala,
At iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978