The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
16 At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na (A)kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang (B)tunog ng pakakak ay napakalakas; (C)at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig.
17 (D)At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok.
18 At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na (E)nasa apoy: (F)at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, (G)at ang buong bundok ay umuugang mainam.
19 At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, (H)at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig.
20 At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa.
21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas (I)upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila.
22 At gayon din ang mga saserdote, na lumalapit sa Panginoon (J)ay papagbanalin mo, (K)baka ang Panginoon ay hindi makapagpigil sa kanila.
23 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Ang baya'y hindi makasasampa sa bundok ng Sinai: sapagka't iyong pinagbilinan kami, na iyong sinabi, (L)lagyan mo ng hangganan sa palibot ang bundok, at iyong ariing banal.
24 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Yumaon ka, bumaba ka; at ikaw ay sasampa, ikaw at si Aaron na iyong kasama: nguni't ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit sa Panginoon, baka siya ay hindi makapagpigil sa kanila.
25 Sa gayo'y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila.
Ibinigay ang sangpung utos.
20 (M)At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,
2 (N)Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
3 (O)Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
4 (P)Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na (Q)mapanibughuin, (R)na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
6 (S)At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
7 (T)Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
8 (U)Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.
9 (V)Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.
10 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, (W)ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan:
11 Sapagka't (X)sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.
12 (Y)Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
13 (Z)Huwag kang papatay.
14 (AA)Huwag kang mangangalunya.
15 Huwag kang magnanakaw.
16 (AB)Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.
17 (AC)Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, (AD)huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.
Ang mga tao ay natakot.
18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na (AE)umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo.
19 At sinabi nila kay Moises, (AF)Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't (AG)huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay.
20 At sinabi ni Moises sa bayan, (AH)Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito (AI)upang subukin kayo, (AJ)at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala.
21 At ang bayan ay tumayo sa malayo, at si Moises ay lumapit (AK)sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios.
Ang utos tungkol sa mga idolo at mga altar.
22 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ganito mo sasabihin sa mga anak ni Israel: Kayo ang nakakita na ako'y nakipagusap sa inyo (AL)mula sa langit.
23 (AM)Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios na iaagapay sa akin; ng mga dios na pilak, o ng mga dios na ginto, huwag kayong gagawa para sa inyo.
24 Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka (AN)sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita.
25 (AO)At kung igagawa mo ako ng isang dambanang bato, ay huwag mong itatayong may tapyas: sapagka't kung iyong gamitin ang iyong patalim doon, ay iyong nilapastangan yaon.
26 Ni huwag kang sasampa sa aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang, upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon.
Tungkol sa mga alipin.
21 Ito nga ang mga hatol (AP)na igagawad mo sa harap nila.
2 (AQ)Kung ikaw ay bumili ng isang aliping Hebreo, ay anim na taong maglilingkod siya; at sa ikapito ay aalis siyang laya na walang sauling bayad.
3 Kung siya'y pumasok na magisa, ay aalis na magisa: kung may asawa ay aalis nga ang kaniyang asawa na kasama niya.
4 Kung siya'y bigyan ng kaniyang panginoon ng asawa, at magkaanak sa kaniya ng mga lalake, o mga babae; ang asawa at ang kaniyang mga anak ay magiging sa kaniyang panginoon, at siya'y aalis na magisa.
5 Datapuwa't kung maliwanag na sabihin ng alipin, Aking iniibig ang aking panginoon, ang aking asawa, at ang aking mga anak; ako'y hindi aalis na laya:
6 Kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa (AR)Dios, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man.
7 At kung (AS)ipagbili ng isang lalake ang kaniyang anak na babae na maging alipin, (AT)ay hindi siya aalis na gaya ng pagalis ng mga aliping lalake.
8 Kung siya'y hindi makapagpalugod sa kaniyang panginoon, na umayaw magasawa sa kaniya, ay ipatutubos nga niya siya: walang kapangyarihang ipagbili siya sa isang taga ibang lupa, yamang siya'y nadaya.
9 At kung pinapagasawa ng bumili sa kaniyang anak na lalake, ay kaniyang ipalalagay siya ng ayon sa kaugalian sa mga anak na babae.
10 Kung siya'y magasawa sa iba, ang kaniyang pagkain, ang kaniyang damit at ang kaniyang kapangyarihang pagkaasawa ay hindi niya babawasan.
11 At kung hindi niya gawin ang tatlong bagay na ito sa kaniya ay aalis nga siya na walang bayad, na walang tubos na salapi.
Mga utos tungkol sa mga pananakit.
12 (AU)Ang sumakit sa isang tao, na ano pa't mamatay ay papataying walang pagsala.
13 (AV)At kung hindi sinasadya ng isang tao, kundi Dios ang naghulog sa kaniyang kamay; (AW)ay lalaanan kita ng isang dako na kaniyang tatakasan.
14 (AX)At kung magtangka ang sinoman sa kaniyang kapuwa, na pumatay na may daya, (AY)ay alisin mo siya sa aking dambana, upang patayin.
15 At ang sumakit sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ay papataying walang pagsala.
16 At (AZ)ang magnakaw ng isang tao, at ipagbili, o masumpungan sa kaniyang kamay, ay papataying walang pagsala.
17 At (BA)ang lumait sa kaniyang ama, o sa kaniyang ina, ay papataying walang pagsala.
18 At kung may magbabag, at saktan ng isa ang isa, ng bato, o ng kaniyang suntok, at hindi mamatay, kundi mahiga lamang sa banig:
19 Kung makabangon uli, at makalakad sa tulong ng kaniyang tungkod, ay ligtas nga yaong sumakit sa kaniya; pagbabayaran lamang niya ang panahong nasayang, at kaniyang pagagalinging maigi.
20 At kung saktan ng sinoman ang kaniyang aliping lalake o babae, ng tungkod at mamatay sa kaniyang kamay; ay parurusahan siyang walang pagsala.
21 Gayon ma'y kung tumagal ng isang araw o dalawa, ay hindi siya parurusahan: sapagka't siya'y kaniyang salapi.
13 Datapuwa't (A)sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok.[a] (B)
15 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong (C)makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.
16 Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, (D)Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya.
17 Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, (E)o ang templong bumabanal sa ginto?
18 At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya.
19 Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o (F)ang dambana na bumabanal sa handog?
20 Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito.
21 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at (G)yaong tumatahan sa loob nito.
22 Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.
23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong (H)pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.
24 Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!
25 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! (I)sapagka't inyong nililinis ang labas (J)ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan.
26 Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.
27 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! (K)sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng (L)lahat na karumaldumal.
28 Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.
29 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at (M)inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid,
30 At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.
31 Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na (N)kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta.
32 Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang.
33 Kayong mga ahas, (O)kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?
34 (P)Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga (Q)eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; (R)at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan:
35 (S)Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, (T)buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni (U)Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.
36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.
37 Oh Jerusalem, Jerusalem, (V)na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo!
38 Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.
39 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, (W)Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.
28 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
(A)Bato ko, (B)huwag kang magpakabingi sa akin:
(C)Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
(D)Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
(E)Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay (F)sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
3 Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
(G)Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
4 (H)Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
5 Sapagka't (I)ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
6 Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
7 Ang Panginoon ay aking kalakasan at (J)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
8 Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (K)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
9 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo (L)ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.
Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.
7 (A)Anak ko ingatan mo ang aking mga salita,
At impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
2 (B)Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka;
At ang aking kautusan na parang (C)itim ng iyong mata.
3 (D)Itali mo sa iyong mga daliri;
Ikintal mo sa iyong puso.
4 Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay (E)aking kapatid na babae;
At tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
5 (F)Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama;
Sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978