The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
22 At kung may magbabag, at makasakit ng isang babaing buntis, na ano pa't makunan, at gayon ma'y walang karamdamang sumunod: ay tunay na papagbabayarin siya, ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae; at siya'y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom.
23 Datapuwa't kung may anomang karamdamang sumunod, magbabayad ka nga ng buháy kung buháy,
24 (A)Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa,
25 Paso kung paso, sugat kung sugat, bugbog kung bugbog.
26 At kung saktan ng sinoman ang mata ng kaniyang aliping lalake, o ang mata ng kaniyang aliping babae at mabulag, ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang mata.
27 At kung kaniyang bungalan ang kaniyang aliping lalake, o babae, ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang ngipin.
28 At kung ang isang baka ay manuwag ng isang lalake o ng isang babae, na ano pa't mamatay, (B)ay babatuhing walang pagsala ang baka at ang kaniyang lama'y hindi kakanin; datapuwa't ang may-ari ng baka ay maliligtas.
29 Datapuwa't kung ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at naisumbong na sa mayari at hindi niya kinulong, na ano pa't makamatay ng isang lalake, o isang babae: ay babatuhin ang baka at ang may-ari naman ay papatayin.
30 Kung siya'y atangan ng katubusan ay magbibigay nga siya (C)ng katubusan sa kaniyang buhay anomang iatang sa kaniya.
31 Maging manuwag sa isang anak na lalake o babae man, ay gagawin sa kaniya ayon sa kahatulang ito.
32 Kung ang baka ay manuwag sa isang aliping lalake o babae, ay magbabayad ang may-ari ng tatlong pung siklong pilak sa kanilang panginoon, (D)at ang baka ay babatuhin.
33 At kung ang sinoman ay magbubukas ng isang balon, o huhukay ng isang balon at hindi tatakpan, at ang isang baka, o ang isang asno ay mahulog sa loob,
34 Ay sasaulian ng may-ari ng balon; magbabayad siya ng salapi sa may-ari ng mga yaon, at ang patay na hayop ay magiging kaniya.
35 At kung ang baka ng sinoman ay sumakit sa baka ng iba, na ano pa't mamatay; ay kanila ngang ipagbibili ang bakang buháy, at kanilang paghahatiin ang halaga niyaon; at ang patay ay paghahatiin din nila.
36 O kung kilala, na ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at hindi kinulong ng may-ari; ay tunay ngang magbabayad siya, ng baka kung baka, at ang patay na hayop ay magiging kaniyang sarili.
Mga pagsasauli tungkol sa naging kasiraan.
22 Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at (E)ng apat na tupa ang isang tupa.
2 (F)Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan, na naninira, at masaktan na ano pa't namatay ay (G)hindi aariing mamamatay-tao ang pumatay.
3 Kung sikatan siya ng araw, ay aariin siyang mamamatay-tao; siya'y dapat magsauli ng kabayaran: kung siya'y wala ay (H)ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw.
4 Kung ang ninakaw ay masumpungang buháy sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay (I)magbabayad siya ng ibayo.
5 Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang, at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan, ay sasaulian niya.
6 Kung may magningas na apoy, at magtangay ng mga tinik, na ano pa't ang mga mandala, o ang mga uhay, o ang bukid ay masunog, ay tunay na magbabayad yaong nagpaningas ng apoy.
7 Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; (J)kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo.
8 Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa (K)Dios, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa.
9 Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.
10 Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anomang hayop; at mamatay, o masasaktan, o maagaw, na walang nakakakitang sinoman:
11 (L)Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa; at tatanggapin ng may-ari, at siya'y hindi magsasauli.
12 Datapuwa't (M)kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon.
13 Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa.
14 At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli.
15 Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan.
Mga utos tungkol sa sabbath, sa bayan at sa relehion.
16 At kung (N)dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya.
17 Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, (O)ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga.
18 (P)Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.
19 (Q)Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala.
20 (R)Yaong maghain sa anomang dios, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na papatayin.
21 (S)At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.
22 (T)Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.
23 Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at (U)sila'y (V)dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing;
24 At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at (W)ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila.
25 (X)Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo.
26 (Y)Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla, ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw;
27 Sapagka't iyan ang kaniya lamang pangbihis, siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat: ano ngang kaniyang ipangtutulog? at mangyayari, na pagka siya'y dumaing sa akin, ay aking didinggin; sapagka't ako'y (Z)mapagbiyaya.
28 (AA)Huwag mong lalapastanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.
29 Huwag kang magmamakupad ng (AB)paghahandog ng iyong mga ani, at ng tulo ng iyong mga pigaan. Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin.
30 Gayon din ang (AC)gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: (AD)pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin.
31 At kayo'y (AE)magpapakabanal na tao sa akin: (AF)na ano pa't huwag kayong kakain ng anomang laman, na nalapa ng ganid sa parang; inyong ihahagis sa mga aso.
23 Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging (AG)saksi kang sinungaling.
2 Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama; ni magbibigay patotoo man sa isang usap, na ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan:
3 Ni huwag mo ring kikilingan ang (AH)dukha sa kaniyang usap.
4 (AI)Kung iyong masumpungan ang baka ng iyong kaalit o ang kaniyang asno, na nakawala, ay tunay na ibabalik mo sa kaniya.
5 Kung iyong makita ang asno ng napopoot sa iyo, na nakalugmok sa ilalim ng kaniyang pasan, at ayaw mo mang alisan ng pasan, ay walang pagsalang iyong tutulungan pati ng may-ari niyaon.
6 (AJ)Huwag mong sisirain ang kahatulan ng iyong dukha, sa kaniyang usap.
7 Layuan mo ang bagay na kasinungalingan, at ang walang sala at ang matuwid, ay huwag mong papatayin: sapagka't hindi ko patototohanan ang masama.
8 (AK)At huwag kang tatanggap ng suhol: sapagka't ang suhol ay bumubulag sa mga may paningin, at sinisira ang mga salita ng mga banal.
9 At ang taga ibang lupa ay (AL)huwag mong pipighatiin sapagka't talastas ninyo ang puso ng taga ibang lupa, yamang kayo'y naging mga taga ibang lupa, sa lupain ng Egipto.
Sabbath, tinapay na walang lebadura, at ang unang bunga.
10 (AM)Anim na taong hahasikan mo ang iyong lupa at aanihin mo ang bunga niyaon:
11 Datapuwa't sa ikapitong taon ay iyong iiwan at babayaan, upang kumain ang dukha sa iyong bayan: at ang kanilang iwan ay kakanin ng hayop sa bukid. Gayon din ang iyong gagawin sa iyong ubasan at sa iyong olibohan.
12 (AN)Anim na araw, na iyong gagawin ang iyong gawain, at sa ikapitong araw, ay magpapahinga ka: upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae, at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga.
13 At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: (AO)at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios, o marinig man sa inyong bibig.
24 At (A)lumabas si Jesus sa templo, at (B)payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo.
2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang (C)maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.
3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
5 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
6 At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo (D)na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
7 Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
8 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
9 Kung magkagayo'y ibibigay kayo (E)sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
10 At kung magkagayo'y maraming (F)mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa.
11 At magsisibangon ang (G)maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
12 At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.
13 Datapuwa't (H)ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
14 At (I)ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
15 Kaya nga pagkakita ninyo (J)ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta (K)Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
16 Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
17 (L)Ang nasa (M)bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:
18 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
19 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
20 At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
22 At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa (N)mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.
23 Kung magkagayon, (O)kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.
24 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at (P)mga bulaang propeta, at (Q)mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
25 Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.
26 Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.
27 Sapagka't (R)gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
28 (S)Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.
Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.
29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
2 Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
3 (C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
5 Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
6 Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
7 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
8 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
9 Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
6 Sapagka't sa dungawan ng aking bahay
Tumitingin ako sa aking solihia;
7 At ako'y tumingin sa mga musmos,
Ako'y nagmasid sa mga may kabataan,
Sa may kabataang (A)walang bait,
8 Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok,
At siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
9 [a]Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw,
Sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
10 At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae
Na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.
11 (B)Siya'y madaldal at matigas ang ulo;
(C)Ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
12 Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya,
At nagaabang sa bawa't sulok,
13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya,
At may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
14 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin;
Sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka,
Hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
16 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda,
Na yari sa (D)guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
17 At aking pinabanguhan ang aking higaan
Ng mira, mga oleo, at sinamomo.
18 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan;
Magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
19 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay,
Siya'y naglakbay sa malayo
20 Siya'y nagdala ng supot ng salapi;
Siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.
21 Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan (E)ng kaniyang mga matamis na salita,
Hinihila niya siya (F)ng katabilan ng kaniyang mga labi.
22 Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya,
Gaya ng toro na naparoroon sa patayan,
O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;
23 Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay;
Gaya (G)ng ibong nagmamadali sa bitag,
At hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978