The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.
Utos upang tuparin ang batas ng kalinisan.
22 Ingatan nga ninyo ang lahat ng aking mga palatuntunan at ang lahat ng aking mga kahatulan, at inyong isasagawa: (A)upang huwag kayong iluwa ng lupain na aking pinagdadalhan sa inyo na inyong tatahanan.
23 (B)At huwag kayong lalakad ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansang aking palalayasin sa harap ninyo: sapagka't ang lahat ng kasamaang ito ay ginawa nila, at (C)kaya ko kinapopootan.
24 (D)Datapuwa't sa inyo'y aking sinabi, Mamanahin ninyo ang lupain nila, at ibibigay ko sa inyo upang inyong manahin, na isang lupaing (E)binubukalan ng gatas at pulot: ako ang Panginoon ninyong Dios (F)na ibinukod ko kayo sa mga bayan.
25 (G)Inyo ngang lalagyan ng pagkakaiba ang hayop na malinis at ang karumaldumal, at ang ibong karumaldumal at ang malinis: (H)at huwag ninyong gagawing karumaldumal ang inyong pagkatao, sa hayop o sa ibon, o sa anomang bagay na umuusad sa lupa, na inihiwalay ko sa inyo palibhasa'y mga karumaldumal.
26 At kayo'y magpapakabanal sa akin: (I)sapagka't akong, Panginoon, ay banal, at kayo'y ibinukod ko sa mga bayan, upang kayo'y maging akin.
27 (J)Ang isang lalake rin naman o kaya'y ang isang babae na inaalihan ng masamang espiritu, o mangkukulam, ay papatayin na walang pagsala, sila'y babatuhin ng mga bato: (K)mabububo ang kanilang dugo sa kanila.
Tungkol sa mga saserdote.
21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo sa mga saserdote na mga anak ni Aaron, at sabihin mo sa kanila, (L)Sinoman ay huwag magpakahawa ng dahil sa patay, sa gitna ng kaniyang bayan,
2 Maliban sa kamaganak na malapit, sa kaniyang ina at sa kaniyang ama at sa kaniyang anak na lalake at babae, at sa kaniyang kapatid na lalake,
3 At sa kaniyang kapatid na dalaga, na malapit sa kaniya, na walang asawa, ay maaring magpakahawa siya.
4 Yamang puno sa kaniyang bayan, ay huwag siyang magpapakahawa na magpapakarumi.
5 (M)Huwag nilang kakalbuhin ang kanilang ulo, o gugupitin man ang dulo ng kanilang balbas, o kukudlitan man ang kanilang laman.
6 Sila'y magpakabanal sa kanilang Dios, (N)at huwag nilang lalapastanganin ang pangalan ng kanilang Dios: sapagka't sila ang naghahandog ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, na tinapay ng kanilang Dios, kaya't sila'y magpapakabanal.
7 (O)Huwag silang makikisama sa patutot o lapastangan, (P)ni makikisama sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa: sapagka't ang saserdote ay banal sa kaniyang Dios.
8 Papagbabanalin mo nga siya; sapagka't siya ang naghahandog ng tinapay ng inyong Dios: siya'y magiging banal sa inyo; sapagka't akong Panginoon nagpapaging banal sa inyo (Q)ay banal.
9 (R)At kung ang anak na babae ng isang saserdote ay magpakarumi sa pagpapatutot, ay kaniyang binigyan ng kahihiyan ang kaniyang ama: siya'y susunugin sa apoy.
10 (S)At ang pangulong saserdote sa kanilang magkakapatid, na binuhusan ang ulo ng langis na pangpahid, at itinalaga, upang makapagbihis ng mga banal na bihisan (T)ay huwag maglulugay ng buhok ng kaniyang ulo ni huwag hahapakin ang kaniyang mga suot;
11 (U)Ni papasok sa kinaroroonan ng bangkay nino man, ni magpapakahawa dahil sa kaniyang ama, o dahil sa kaniyang ina;
12 (V)Ni lalabas sa santuario, ni lalapastanganin ang santuario ng kaniyang Dios; (W)sapagka't ang talaga na langis na pangpahid ng kaniyang Dios ay nasa ulo niya: ako ang Panginoon.
13 At siya'y magaasawa sa isang dalagang malinis.
14 Sa bao o inihiwalay, sa lamas o patutot ay huwag siyang magaasawa; kundi sa isang dalagang malinis sa kaniyang sariling bayan magaasawa siya.
15 At huwag niyang dudumhan ang kaniyang mga binhi sa gitna ng kaniyang bayan: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kaniya.
Karapatan sa pagkasaserdote.
16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
17 Iyong salitain kay Aaron, na iyong sasabihin, Sinoman sa iyong mga binhi, sa buong panahon ng kaniyang lahi, na magkaroon ng anomang kapintasan, ay huwag lumapit na maghandog ng tinapay ng kaniyang Dios.
18 Sapagka't sinomang magkaroon ng kapintasan ay huwag lalapit; maging ang taong bulag, o pilay, o magkaroon ng ilong na ungod, (X)o ang mayroong kuntil,
19 O ang taong magkaroon ng paang bali o kamay na bali,
20 O taong kuba, o unano, o magkaroon ng kapintasan sa kaniyang mata, o galisin, o langibin, o (Y)luslusin:
21 Walang tao sa binhi ni Aaron na saserdote, na magkaroon ng kapintasan, na lalapit upang magharap ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: siya'y may kapintasan; siya'y huwag lalapit na magharap ng tinapay ng kaniyang Dios.
22 Kaniyang kakanin ang tinapay ng kaniyang Dios, (Z)ang pinakabanal at (AA)ang mga bagay na banal:
23 Hindi lamang siya papasok sa loob ng tabing, o lalapit man sa dambana, sapagka't may kapintasan siya; upang (AB)huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuario: sapagka't (AC)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
24 Gayon sinalita ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel.
Batas ng kalinisan para sa mga saserdote.
22 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak (AD)na sila'y magsihiwalay sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, (AE)na ikinagiging banal nila sa akin, at huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan: ako ang Panginoon.
3 Sabihin mo sa kanila, Sinomang lalake sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong lahi, na lumapit sa mga banal na bagay na ikinagiging banal ng mga anak ni Israel sa Panginoon, (AF)na taglay ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong iyon sa harap ko: ako ang Panginoon.
4 Sinomang lalake sa binhi ni Aaron na may ketong o (AG)may agas; ay hindi kakain ng mga banal na bagay (AH)hanggang siya'y malinis. At (AI)ang humipo ng alin mang bagay na karumaldumal dahil sa patay, o (AJ)lalaking nilabasan ng binhi nito;
5 O sinomang (AK)humipo ng anomang umuusad na makapagpaparumi, o (AL)lalaking makakahawa dahil sa alin mang karumihan niya;
6 Ang lalaking humipo ng gayon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon, at hindi kakain ng mga banal na bagay maliban na (AM)maligo siya sa tubig.
7 At pagkalubog ng araw, ay magiging malinis siya; at pagkatapos ay makakakain ng mga banal na bagay, (AN)sapagka't siya niyang tinapay.
8 Yaong bagay na namatay sa sarili, o nilapa ng mga ganid, ay huwag niyang kakanin, na makapagpapahawa sa kaniya: ako ang Panginoon.
9 Iingatan nga nila ang aking bilin, (AO)baka sila'y magkasala sa paraang iyan, at kanilang ikamatay, kung kanilang lapastanganin: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
10 (AP)Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay.
11 Nguni't kung ang saserdote ay bumili ng sinomang tao sa kaniyang salapi, ay makakakain ito; at gayon din ang aliping inianak sa kaniyang bahay (AQ)ay makakakain ng kaniyang tinapay.
12 At kung ang isang anak na babae ng saserdote ay magasawa sa isang taga ibang bayan, ay hindi makakakain sa handog na itinaas sa mga banal na bagay.
13 Datapuwa't kung ang anak na babae ng saserdote ay bao o inihiwalay, na walang anak (AR)at bumalik sa bahay ng kaniyang ama (AS)na gaya rin ng kaniyang pagkadalaga, ay makakakain ng tinapay ng kaniyang ama, nguni't ang sinomang taga ibang bayan ay hindi makakakain niyaon.
14 (AT)At kung ang sinomang lalake ay magkamaling kumain ng banal na bagay, ay kaniyang daragdagan pa nga ng ikalimang bahagi yaon, at ibibigay niya sa saserdote ang banal na bagay.
15 (AU)At huwag nilang dudumhan ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na inihahandog sa Panginoon;
16 At (AV)gayon papasanin ang kasamaan ng nagtataglay ng sala, pagka kanilang kinakain ang kanilang mga banal na bagay: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
9 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayong ito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na (A)may kapangyarihan.
2 At pagkaraan ng anim na araw, ay (B)isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: at siya'y nagbagong-anyo sa harap nila;
3 At ang kaniyang mga damit ay nangagningning, na nagsiputing maigi, na ano pa't sinomang magpapaputi sa lupa ay hindi makapagpapaputi ng gayon.
4 At doo'y napakita sa kanila si Elias na kasama si Moises: at sila'y nakikipagusap kay Jesus.
5 At sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, Rabi, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa kami ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
6 (C)Sapagka't hindi niya nalalaman kung ano ang isasagot; sapagka't sila'y lubhang nangatakot.
7 At dumating ang isang alapaap na sa kanila'y lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.
8 At karakaraka'y sa biglang paglingap nila sa palibotlibot, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang na kasama nila.
9 (D)At habang nagsisibaba sila sa bundok, ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay.
10 At kanilang iningatan ang pananalitang ito, na nangagtatanungan sila-sila kung ano ang kahulugan ng pagbabangong maguli sa mga patay.
11 At tinanong nila siya, na sinasabi, Bakit sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
12 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang si Elias ay pariritong mauna, at isasauli sa dati ang lahat ng mga bagay: at paanong (E)nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao, na siya'y maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga?
13 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya.
14 (F)At pagdating nila sa mga alagad, ay nakita nilang nasa kanilang palibotlibot ang lubhang maraming mga tao, at ang mga eskriba ay nangakikipagtalo sa kanila.
15 At pagdaka'y ang buong karamihan, pagkakita nila sa kaniya, ay nangagtakang mainam, at tinakbo siya na siya'y binati.
16 At tinanong niya sila, Ano ang ipinakikipagtalo ninyo sa kanila?
17 At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya, Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi;
18 At saan man siya alihan nito, ay ibinubuwal siya: at nagbububula ang kaniyang bibig, at nagngangalit ang mga ngipin, at untiunting natutuyo: at sinabi ko sa iyong mga alagad na siya'y palabasin; at hindi nila magawa.
19 At sumagot siya sa kanila at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya, hanggang kailan makikisama ako sa inyo? hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.
20 At dinala nila siya sa kaniya: at (G)pagkakita niya sa kaniya, ay pagdaka'y pinapangatal siyang lubha ng espiritu; at siya'y nalugmok sa lupa, at nagpagulonggulong na bumubula ang kaniyang bibig.
21 At tinanong niya ang kaniyang ama, Kailan pang panahon nangyayari sa kaniya ito? At sinabi niya, Mula sa pagkabata.
22 At madalas na siya'y inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siya'y patayin: datapuwa't kung mayroon kang magagawang anomang bagay, ay maawa ka sa amin, at tulungan mo kami.
23 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung kaya mo! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya.
24 Pagdaka'y sumigaw ang ama ng bata, at sinabi, Nananampalataya ako; (H)tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.
25 At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.
26 At nang makapagsisisigaw, at nang siya'y mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay.
27 Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya'y ibinangon; at siya'y nagtindig.
28 At nang (I)pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?
29 At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin.
Panalangin sa pagliligtas.
43 Hatulan mo ako, (A)Oh Dios, at (B)ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa:
Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.
2 Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako (C)itinakuwil?
(D)Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
3 (E)Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako:
Dalhin nawa nila ako sa (F)iyong banal na bundok.
At sa iyong mga tabernakulo.
4 Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios,
Sa Dios na aking malabis na kagalakan:
At sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.
5 (G)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
18 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi;
At (A)siyang nagpaparatang ay mangmang.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978