Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 1-3

Ang batas ng handog na susunugin.

At (A)tinawag ng Panginoon si Moises (B)at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi,

Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, (C)Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan.

Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na (D)walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon.

(E)At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; (F)at tatanggapin sa ikagagaling niya, (G)upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya.

(H)At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: (I)at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo (J)at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At lalaplapin ang handog na susunugin, at kakatayin.

At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana, at magsisipagayos ng kahoy sa apoy;

At aayusin ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang mga pinagputolputol, ang ulo, at ang (K)taba, sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana:

Datapuwa't ang mga (L)lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na (M)amoy sa Panginoon.

10 At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan, sa mga tupa, o sa mga kambing, na pinakahandog na susunugin; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan.

11 At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana, sa harap ng Panginoon: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.

12 At kaniyang kakatayin pati ang ulo, at ang taba; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana;

13 Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig. At ihahandog ng saserdote ang kabuoan, at susunugin sa dambana: isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

14 At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga (N)batobato o mga inakay ng kalapati.

15 At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana:

16 At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, (O)at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo:

17 At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, (P)datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

Ang batas ng handog na kakainin.

At (Q)pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng kamangyan:

At dadalhin niya sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron; at siya'y kukuha ng isang dakot na mainam na harina at ng langis, sangpu ng buong kamangyan niyaon. At (R)susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakaalaala, na isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon:

(S)At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak: (T)kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

At pagka ikaw ay maghahandog ng alay na handog na harina na luto sa hurno, ay mga munting tinapay na walang lebadura ang iaalay mo na mainam na harina, na hinaluan ng langis, (U)o mga manipis na tinapay na walang lebadura, na hinaluan ng langis.

At kung ang iyong alay ay handog na harina, na luto sa kawali, ay mainam na harina ang iaalay mo na walang lebadura, na hinaluan ng langis.

Iyong pagpuputolputulin, at bubuhusan mo ng langis: isa ngang handog na harina.

At kung ang iyong alay ay handog na harina na luto sa kawaling bakal, ay yari sa mainam na harina na may langis ang iaalay mo.

At dadalhin mo sa Panginoon ang handog na harina na yari sa mga bagay na ito: at ihaharap sa saserdote at dadalhin niya sa dambana.

At kukuha ang saserdote ng handog na harina, (V)na pinakaalaala rin niyaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana: handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

10 (W)At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak; kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

11 Walang handog na harina na ihahandog kayo sa Panginoon, na (X)magkakalebadura: sapagka't huwag kayong magsusunog ng anomang lebadura ni ng anomang pulot na pinaka handog, sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.

12 (Y)Bilang pinakaalay na mga pangunang bunga ihahandog ninyo sa Panginoon: nguni't hindi sasampa sa dambana na parang masarap na amoy.

13 At titimplahan mo (Z)ng asin ang lahat ng alay na iyong handog na harina, ni huwag mong titiising magkulang (AA)sa iyong handog na harina (AB)ng asin ng tipan ng iyong Dios: lahat ng alay mo'y ihahandog mong may asin.

14 At kung maghahandog ka sa Panginoon ng handog na harina na pangunang bunga, ay ihahandog mong pinaka handog na harina ng iyong pangunang bunga ay (AC)sinangag sa apoy, mga murang butil na pinipi.

15 At (AD)bubuhusan mo ng langis yaon, at lalagyan mo sa ibabaw ng kamangyan: yaon nga'y handog na harina.

16 At susunugin ng saserdote (AE)na nakaalaala niyaon, ang bahagi ng butil na pinipi at ang bahagi ng langis, pati ng buong kamangyan niyaon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

Ang batas ng handog na pangpayapa.

At kung ang kanilang alay ay (AF)haing mga handog tungkol sa kapayapaan; kung ang ihahandog niya ay sa bakahan maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan sa harap ng Panginoon.

At (AG)kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo sa ibabaw ng dambana, sa palibot.

At kaniyang ihahandog hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na pinaka handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; (AH)ang tabang nakatatakip ng lamang loob at lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,

At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato.

At (AI)susunugin ng mga anak ni Aaron sa dambana, sa ibabaw ng handog na susunugin na nasa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa apoy; handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

At kung ang kaniyang alay sa Panginoon na pinakahaing mga handog tungkol sa kapayapaan ay kinuha sa kawan; maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan.

Kung isang kordero ang kaniyang ihahandog na pinakaalay niya, ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon:

At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.

At kaniyang ihahandog hinggil sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang taba niyaon, ang (AJ)buong matabang buntot, ay aalisin niya sa siping ng gulugod; at ang tabang nakatatakip ng lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob.

10 At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw niyaon, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.

11 At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana: (AK)pagkaing handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

12 At kung kambing ang kaniyang alay ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon:

13 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo niyaon, at papatayin yaon sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

14 At ang ihahandog niya roon na kaniyang alay, na pinakahandog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy; ang tabang nakatatakip ng lamang loob, lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,

15 At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.

16 At mga susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana; pagkaing handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: (AL)lahat ng taba ay sa Panginoon.

17 Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain (AM)ng taba (AN)ni dugo man.

Marcos 1:29-2:12

29 (A)At paglabas nila (B)sa sinagoga, ay nagsipasok pagdaka sa bahay ni Simon at ni Andres, na kasama si Santiago at si Juan.

30 Nakahiga ngang nilalagnat ang biyanang babae ni Simon; at pagdaka'y pinakiusapan nila siya tungkol sa kaniya:

31 At lumapit siya at tinangnan niya sa kamay, at siya'y itinindig; at inibsan siya ng lagnat, at siya'y naglingkod sa kanila.

32 At nang kinagabihan, (C)paglubog ng araw, ay kanilang dinala sa kaniya ang lahat ng mga may-sakit, at ang mga inaalihan ng mga demonio.

33 At ang buong bayan ay nangagkatipon sa pintuan.

34 At (D)nagpagaling siya ng maraming may karamdaman ng sarisaring sakit, at nagpalabas ng maraming demonio; (E)at hindi tinulutang magsipagsalita ang mga demonio, sapagka't siya'y kanilang kilala.

35 At (F)nagbangon siya nang madaling-araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, (G)at napasa isang dakong ilang, at doo'y nanalangin.

36 At si Simon at ang kasamahan niya ay nagsisunod sa kaniya;

37 At siya'y nasumpungan nila, at sinabi sa kaniya, Hinahanap ka ng lahat.

38 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan, upang ako'y makapangaral din naman doon; (H)sapagka't sa ganitong dahilan ako'y naparito.

39 At siya'y pumasok (I)sa mga sinagoga nila sa buong Galilea, na nangangaral at nagpapalabas ng mga demonio.

40 (J)At lumapit sa kaniya ang isang ketongin, na namamanhik sa kaniya, at nanikluhod sa kaniya, at sa kaniya'y nagsasabi, Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.

41 At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka.

42 At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis.

43 At siya'y kaniyang pinagbilinang mahigpit, at pinaalis siya pagdaka,

44 At sinabi sa kaniya, Ingatan mong huwag sabihin sa kanino mang tao ang anoman: kundi yumaon ka, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo ng mga bagay na ipinagutos ni Moises, na bilang isang patotoo sa kanila.

45 Datapuwa't siya'y umalis, at (K)pinasimulang ipamalitang mainam, at ipahayag ang nangyari, ano pa't hindi (L)na makapasok ng hayag si Jesus sa bayan, kundi dumoon sa labas sa mga dakong ilang: (M)at pinagsasadya nila siya mula sa lahat ng panig.

At nang siya'y pumasok uli sa (N)Capernaum pagkaraan ng ilang araw, ay nahayag na siya'y nasa bahay.

At maraming nagkatipon, ano pa't hindi na magkasiya, kahit sa pintuan man: at sa kanila'y sinaysay niya ang salita.

At (O)sila'y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya, na usong ng apat.

At nang hindi sila mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan, ay kanilang (P)binakbak ang bubungan ng kaniyang kinaroroonan: at nang yao'y kanilang masira, ay inihugos nila ang higaang kinahihigan ng lumpo.

At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo, Anak, (Q)ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.

Nguni't mayroon doong nangakaupong ilan sa mga eskriba, at nangagbubulaybulay sa kanilang mga puso,

Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito? siya'y namumusong: sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang?

At pagkaunawa ni Jesus, sa kaniyang espiritu na sila'y nangagbubulaybulay sa kanilang sarili, pagdaka'y sinabi sa kanila, Bakit binubulaybulay ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga puso?

Alin baga ang lalong magaang sabihin sa lumpo, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?

10 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo),

11 Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.

12 At nagtindig siya, at pagdaka'y binuhat ang higaan, at yumaon sa harap nilang lahat; ano pa't nangagtaka silang lahat, at niluwalhati nila ang Dios, na nangagsabi, Kailan ma'y hindi tayo nakakita ng ganito.

Mga Awit 35:17-28

17 Panginoon, hanggang (A)kailan titingin ka?
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira,
(B)Ang aking sinta mula sa mga leon.
18 (C)Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan:
Aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
19 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway;
Ni (D)magkindat man ng mata (E)ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan:
Kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
21 Oo, (F)Kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin;
Kanilang sinasabi: (G)Aha, aha, nakita ng aming mata.
22 Iyong (H)nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik,
Oh Panginoon, (I)huwag kang lumayo sa akin.
23 (J)Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan,
Sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
24 (K)Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran;
At huwag mo silang pagalakin sa akin.
25 Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin:
Huwag silang magsabi: (L)Aming sinakmal siya.
26 (M)Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak:
Manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.
27 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran:
Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon,
(N)Na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.
28 (O)At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran,
At ng pagpuri sa iyo sa buong araw.

Mga Kawikaan 9:13-18

Ang anyaya ng hangal na babae.

13 (A)Ang hangal na babae ay madaldal;
Siya'y musmos at walang nalalaman.
14 At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay,
Sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan,
15 Upang tawagin ang nangagdadaan,
Na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad:
16 Sinomang musmos ay pumasok dito:
At tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
17 (B)Ang mga nakaw na tubig ay matamis,
At ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.
18 Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay (C)nandoon;
Na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978