Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 7:28-9:6

Ang bahagi ng saserdote sa mga handog.

28 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

29 Iyong salitain sa mga anak ng Israel na sabihin, (A)Ang naghahandog sa Panginoon ng hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay magdadala sa Panginoon ng kaniyang alay sa hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan;

30 (B)Na dadalhin ng kaniyang sariling mga kamay sa Panginoon ang mga handog na pinaraan sa apoy; ang taba pati ng dibdib ay dadalhin niya, upang (C)ang dibdib ay alugin na pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon.

31 (D)At susunugin ng saserdote ang taba sa ibabaw ng dambana: (E)datapuwa't ang dibdib ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak.

32 (F)At ibibigay ninyo sa saserdote na pinaka handog na itinaas, ang hitang kanan sa mga haing inyong mga handog tungkol sa kapayapaan.

33 Yaong sa mga anak ni Aaron na naghahandog ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan at ng taba, ay mapapasa kaniya ang kanang hita, na pinaka bahagi niya.

34 (G)Sapagka't aking kinuha sa mga anak ni Israel, sa kanilang mga haing mga handog tungkol sa kapayapaan, ang dibdib na inalog at ang hitang itinaas, at aking ibinigay kay Aaron na saserdote at sa kaniyang mga anak, na karampatang bahagi nila magpakailan man, sa ganang mga anak ni Israel.

35 Ito ang nauukol sa pahid na langis ni Aaron at sa pahid na langis ng kaniyang mga anak, sa mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon, sa araw na iniharap sila, upang mangasiwa sa Panginoon sa katungkulang saserdote;

36 Na iniutos ng Panginoon sa kanila'y ibibigay para sa mga anak ni Israel (H)sa araw na kaniyang pinahiran sila. Karampatang bahagi nga nila magpakailan man, sa buong panahon ng kanilang lahi.

37 (I)Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin, (J)sa handog na harina, (K)at sa handog dahil sa kasalanan, (L)at sa handog dahil sa pagkakasala, (M)at sa pagtatalaga, (N)at sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan.

38 Na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, nang araw na iniutos sa mga anak ni Israel na kanilang ihandog ang kanilang mga alay sa Panginoon sa ilang ng Sinai.

Pagtatalaga ng mga saserdote.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

(O)Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, (P)at ang mga kasuutan, (Q)at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura:

At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At sinabi ni Moises sa kapisanan, (R)Ito ang ipinagawa ng Panginoon.

(S)At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at hinugasan ng tubig.

(T)At isinuot sa kaniya ang (U)kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito.

At ipinatong sa kaniya ang pektoral: (V)at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.

(W)At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; (X)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10 (Y)At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal.

11 At winisikan niya niyaon ang ibabaw ng dambana na makapito, at pinahiran ng langis ang dambana at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon, upang ariing banal.

12 (Z)At binuhusan ng langis na pangpahid ang ulo ni Aaron, at pinahiran niya ng langis siya upang papagbanalin.

13 (AA)At pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron, at sila'y sinuutan ng mga kasuutan, at binigkisan ng mga pamigkis, at itinali sa kanilang ulo ang mga tiara; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Ang pagtatalaga kay Aaron at sa kaniyang mga anak.

14 (AB)At kaniyang inilapit ang torong handog dahil sa kasalanan: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng torong handog dahil sa kasalanan.

15 At pinatay niya; at (AC)kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot, at nilinis ang dambana, at ang dugo'y ibinuhos sa tungtungan ng dambana, at inaring banal upang pagtubusan.

16 (AD)At kinuha niya ang lahat ng taba na nasa ibabaw ng mga lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at sinunog ni Moises sa ibabaw ng dambana.

17 Datapuwa't ang toro, at ang balat, at ang laman, at ang dumi, ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento; (AE)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

18 (AF)At iniharap niya ang tupang lalake na handog na susunugin: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng tupa.

19 At kaniyang pinatay yaon: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

20 At kinatay niya ang tupa; at sinunog ni Moises ang ulo, at ang mga putolputol, at ang taba.

21 At kaniyang hinugasan sa tubig ang lamang loob at ang mga paa; at sinunog ni Moises ang buong tupa sa ibabaw ng dambana; handog na susunugin nga na pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

22 (AG)At iniharap niya ang ikalawang tupa, ang tupa na itinatalaga: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa.

23 At kaniyang pinatay yaon; at kumuha si Moises ng dugo niyaon, at inilagay sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa.

24 At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron, at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga, at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

25 (AH)At kinuha niya ang taba, at ang matabang buntot, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at ang kanang hita:

26 (AI)At sa bakol ng tinapay na walang lebadura na inilagay sa harap ng Panginoon, ay kumuha siya ng isang munting tinapay na walang lebadura, at ng isang munting tinapay na nilangisan at ng isang manipis na tinapay, at ipinaglalagay sa ibabaw ng taba at sa ibabaw ng kanang hita:

27 (AJ)At inilagay na lahat sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak, at pinagaalog na pinaka-handog na inalog sa harap ng Panginoon.

28 (AK)At kinuha ni Moises sa kanilang mga kamay, at sinunog sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin: mga talagang pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

29 At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: (AL)ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

30 (AM)At kumuha si Moises ng langis na pangpahid, at ng dugong nasa ibabaw ng dambana, at iniwisik kay Aaron, sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak, at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot, at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.

31 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, (AN)Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at doon ninyo kanin, at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga, ayon sa iniutos ko, na sinasabi, Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak.

32 (AO)At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy.

33 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw, hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga: (AP)sapagka't pitong araw na kayo'y matatalaga.

34 Kung paano ang ginawa sa araw na ito, ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo.

35 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi't araw na pitong araw, (AQ)at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon, upang huwag kayong mamatay: sapagka't gayon ang iniutos ko.

36 At ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang lahat na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Si Aaron ay nagbigay ng handog.

At (AR)nangyari sa ikawalong araw, na tinawag ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at ang mga matanda sa Israel;

At sinabi niya kay Aaron, (AS)Magdala ka ng isang guyang toro, na handog dahil sa kasalanan (AT)at isang tupang lalake na handog na susunugin, na kapuwa walang kapintasan, at ihandog mo sa harap ng Panginoon.

At sa mga anak ni Israel ay sasalitain mo, na sasabihin, (AU)Kumuha kayo ng isang kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan; at ng isang guyang baka, at ng isang kordero, na kapuwa na may gulang na isang taon, at walang kapintasan, na handog na susunugin;

(AV)At ng isang toro at ng isang tupang lalake na mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ihain sa harap ng Panginoon, (AW)at ng isang handog na harina na hinaluan ng langis: (AX)sapagka't napakikita sa inyo ngayon ang Panginoon.

At kanilang dinala sa harap ng tabernakulo ng kapisanan ang iniutos ni Moises: at lumapit doon ang buong kapisanan, at tumayo sa harap ng Panginoon.

At sinabi ni Moises, Ito ang iniutos ng Panginoon na gawin ninyo: at lilitaw sa inyo ang kaluwalhatian ng Panginoon.

Marcos 3:31-4:25

31 At (A)dumating nga ang kaniyang ina at ang (B)kaniyang mga kapatid; at, palibhasa'y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa kaniya, na siya'y tinatawag.

32 At nangakaupo ang isang karamihan sa palibot niya; at sinabi nila sa kaniya, Narito, nangasa labas ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na hinahanap ka.

33 At sinagot niya sila, at sinabi, Sino ang aking ina at aking mga kapatid?

34 At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya, ay sinabi niya, Narito, ang aking ina at aking mga kapatid!

35 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios, ito'y ang aking kapatid na lalake, at aking kapatid na babae, at ina.

At siya'y (C)muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't siya'y lumulan sa (D)isang daong, at siya'y naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat.

At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo,

Pakinggan ninyo: Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik:

At nangyari, sa kaniyang paghahasik, na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan, at nagsidating ang mga ibon at kinain ito.

At ang mga iba'y nangahulog sa batuhan, na doo'y walang maraming lupa; at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:

At nang sumikat ang araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.

At ang mga iba'y nangahulog sa dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga pananim, at ito'y hindi nangamunga.

At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangamunga, na nagsitaas at nagsilago; at may namunga ng tigtatatlongpu, at tiganim na pu, at tigisang daan.

At sinabi niya, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.

10 At nang siya'y magisa na, ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga.

11 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang (E)nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:

12 (F)Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila.

13 (G)At sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga?

14 Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.

15 At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila.

16 At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak;

17 At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila.

18 At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita,

19 At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga.

20 At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan.

21 At sinabi niya sa kanila, (H)Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw?

22 Sapagka't walang (I)anomang bagay na natatago, kundi upang mahayag; ni nalilihim, kundi yao'y upang mapasa liwanag.

23 Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.

24 At sinabi niya sa kanila, (J)Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: (K)sa panukat na inyong isinusukat ay kayo'y susukatin; at higit pa ang sa inyo'y ibibigay.

25 Sapagka't ang mayroon, ay (L)bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya.

Mga Awit 37:12-29

12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13 Tatawanan siya (A)ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang (B)kaniyang kaarawan ay dumarating.
14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin (C)ang matuwid sa paglakad:
15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
(D)At ang kanilang busog ay mababali.
16 (E)Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17 Sapagka't (F)ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
18 (G)Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At (H)sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20 Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok (I)mangapupugnaw sila.
21 (J)Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli:
Nguni't (K)ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
22 (L)Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain;
At silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
23 Ang lakad ng tao ay itinatag (M)ng Panginoon;
At siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
24 Bagaman siya'y mabuwal, (N)hindi siya lubos na mapapahiga:
Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.
25 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda;
Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan,
Ni ang kaniyang lahi man ay (O)nagpapalimos ng tinapay.
26 (P)Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram;
At ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
27 (Q)Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(R)At manahan ka magpakailan man.
28 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan,
At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal;
Sila'y iniingatan magpakailan man:
(S)Nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain,
At tatahan doon magpakailan man.

Mga Kawikaan 10:5

Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak:
Nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978