Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 29:1-30:10

Ang pagtatalaga.

29 At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: (A)kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan.

At tinapay na walang lebadura, at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis: na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo.

At iyong isisilid sa isang bakol, at dadalhin mo na nasa bakol, sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake.

At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong (B)huhugasan sila ng tubig.

(C)At iyong kukunin ang mga kasuutan, at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya, at ang balabal ng epod, at ang epod, at ang pektoral, at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring (D)pamigkis ng epod:

At (E)iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo, at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra.

Saka mo (F)kukunin ang langis na pangpahid, at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo, at papahiran mo ng langis siya.

At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at susuutan mo ng mga tunika sila.

At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga (G)tiara sa kanikaniyang ulo: at (H)tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at (I)iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.

Ang handog ng pagtatalaga para sa mga saserdote.

10 At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at ipapatong ni (J)Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro.

11 At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

12 At (K)kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng (L)mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.

13 At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.

14 Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong (M)susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan.

15 Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa.

16 At iyong papatayin ang lalaking tupa, at iyong kukunin ang dugo, at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana.

17 At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka, at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo.

18 At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana: handog na susunugin nga sa Panginoon; (N)pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.

19 At (O)kukunin mo ang isang tupa; at (P)ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa.

20 Saka mo papatayin ang tupa, at kukunin mo ang dugo, at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa, at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot.

21 At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana, at (Q)ng langis na pangpahid, at iwiwisik mo kay Aaron, at sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak na kasama niya: at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot, at ng kaniyang mga anak, at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.

22 Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang (R)tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na (S)itinalaga),

23 (T)At isang malaking tinapay, at isang munting tinapay na nilangisan, at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon:

24 At iyong (U)ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron, at sa mga kamay ng kaniyang mga anak; at (V)iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon.

25 At (W)iyong kukunin sa kanilang mga kamay, at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin, na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

26 At kukunin mo (X)ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron, at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon: at magiging iyong bahagi.

27 At iyong ihihiwalay (Y)ang dibdib ng handog na niluglog, at ang hita ng handog na itinaas, ang niluglog at ang itinaas, ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak;

28 At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na pinaka bahagi magpakailan man, na mula sa mga anak ni Israel: sapagka't isang handog na itinaas: at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan: na dili iba't kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon.

29 At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak, pagkamatay niya, (Z)upang pahiran ng langis sa mga yaon, at upang italaga sa mga yaon.

30 Pitong araw na isusuot ng anak na magiging (AA)saserdote nakahalili niya, pagka siya'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal.

31 At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at (AB)lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal.

32 At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa, at ang (AC)tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

33 At (AD)kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't (AE)hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal.

34 At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis: (AF)hindi kakanin, sapagka't yao'y banal.

Handog na pangaraw-araw.

35 At ganito mo gagawin kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo: (AG)pitong araw na iyong itatalaga sila.

36 At araw-araw ay (AH)maghahandog ka ng toro na pinakahandog, dahil sa kasalanan na pinakapangtubos: at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon; at (AI)iyong papahiran ng langis upang pakabanalin.

37 Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; (AJ)anomang masagi sa dambana ay magiging banal.

38 Ito nga (AK)ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero ng unang taon (AL)araw-araw na palagi.

39 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon:

40 At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ay pinakahandog na inumin.

41 At (AM)ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon, at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga, at ayon sa inuming handog niyaon, na pinaka masarap na amoy, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

42 Magiging isang palaging (AN)handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa harap ng Panginoon; (AO)na aking pakikipagkitaan sa inyo, upang makipagusap ako roon sa iyo.

43 At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at (AP)ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian.

44 At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking (AQ)papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

45 At (AR)ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Dios.

46 At kanilang makikilala, na (AS)ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.

Ang dambana ng kamangyan.

30 At gagawa ka ng isang (AT)dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.

Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.

At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang (AU)kornisang ginto sa palibot.

At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang (AV)mabuhat.

At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.

At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, (AW)sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.

At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang (AX)inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.

At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.

Huwag kayong maghahandog ng ibang (AY)kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.

10 At si Aaron ay tutubos ng sala (AZ)sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo (BA)ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.

Mateo 26:14-46

14 (A)Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na (B)Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote,

15 At sinabi, (C)Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng (D)tatlongpung putol na pilak.

16 At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya.

17 (E)Nang (F)unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua?

18 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan (G)sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi (H)ng Guro, malapit na ang (I)aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad.

19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.

20 (J)Nang dumating nga ang gabi, (K)ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad;

21 At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, (L)Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.

22 At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon?

23 At siya'y sumagot at sinabi, (M)Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.

24 (N)Ang Anak ng tao ay papanaw, (O)ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't (P)sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.

25 At si Judas, na sa kaniya'y nagkanulo, ay (Q)sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi.

26 (R)At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.

27 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;

28 Sapagka't (S)ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos (T)dahil sa marami, (U)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

29 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (V)na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo (W)sa kaharian ng aking Ama.

30 (X)At pagkaawit nila (Y)ng isang himno, ay (Z)nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.

31 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay (AA)mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, (AB)Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.

32 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay (AC)mauuna ako sa inyo sa Galilea.

33 Datapuwa't sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, (AD)ako kailan ma'y hindi magdaramdam.

34 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, (AE)bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.

35 Sinabi sa kaniya ni Pedro, (AF)Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.

36 Nang magkagayo'y dumating si Jesus (AG)na kasama sila sa isang dako na tinatawag na (AH)Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin.

37 At kaniyang isinama si Pedro (AI)at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo.

38 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.

39 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, (AJ)at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay (AK)lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y (AL)huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.

40 At lumapit siya sa mga alagad, at sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?

41 Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, (AM)upang huwag kayong magsipasok sa tukso: (AN)ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.

42 Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban.

43 At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog, sapagka't nangabibigatan ang kanilang mga mata.

44 At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita.

45 Nang magkagayo'y lumapit siya sa mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito, malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.

46 Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.

Mga Awit 31:19-24

19 (A)Oh pagkadakila ng iyong kabutihan,
Na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo,
Na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo,
Sa harap ng mga anak ng mga tao!
20 Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao:
(B)Iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila.
21 Purihin ang Panginoon:
Sapagka't (C)ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob (D)sa isang matibay na bayan.
22 (E)Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali,
(F)Nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata:
Gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik,
Nang ako'y dumaing sa iyo.
23 (G)Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya:
Pinalalagi ng Panginoon ang tapat,
At pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
24 (H)Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso,
(I)Kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.

Mga Kawikaan 8:14-26

14 Payo ay akin at magaling na kaalaman:
Ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,
15 (A)Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari,
At nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo.
16 Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo,
At ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa.
17 (B)Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin;
At yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan (C)ako.
18 (D)Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin;
Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran.
19 Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na (E)ginto;
At ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak.
20 Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran,
Sa gitna ng mga landas ng kahatulan:
21 Upang aking papagmanahin ng pagaari yaong nagsisiibig sa akin,
At upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman.

Ang kaluwalhatian ng karunungan. Ang pagkamapalad ng marunong na lalake.

22 Inari ako (F)ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad,
Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.
23 (G)Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula,
Bago nalikha ang lupa.
24 (H)Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman;
Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.
25 (I)Bago ang mga bundok ay nalagay,
Bago ang mga burol ay ako'y nailabas:
26 Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man,
Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978