The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Salapi na pangtubos sa kaluluwa.
11 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
12 (A)Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila (B)ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang (C)huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.
13 Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: (D)kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (E)ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinaka handog sa Panginoon.
14 Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.
15 Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang (F)ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
16 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, (G)at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging (H)pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
Hugasang tanso.
17 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
18 (I)Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.
19 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas (J)doon ng kanilang mga paa:
20 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.
21 Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.
Langis na pangpahid.
22 Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23 Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na (K)mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; (L)at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,
24 At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang (M)hin:
25 At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.
26 (N)At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo,
27 At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban.
28 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.
29 At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: (O)lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal.
30 (P)At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
31 At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.
32 Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.
33 (Q)Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, (R)ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (S)Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;
35 At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa (T)katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;
36 At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan (U)na aking pakikipagtagpuan sa iyo: (V)aariin ninyong kabanalbanalan.
37 At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon.
38 (W)Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
Ang pagtawag kay Bezaleel at kay Aholiab.
31 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 (X)Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda:
3 At (Y)aking pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, sa karunungan at pagkakilala, at kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain,
4 Upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, upang gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,
5 At upang umukit ng mga batong pangkalupkop, upang gumawa ng mga nililok na kahoy, at upang gumawa sa lahat na sarisaring gawain.
6 At ako, narito, aking inihalal na kasama niya si (Z)Aholiab, na anak ni Ahisamac sa lipi ni Dan; at sa puso ng lahat na maalam na puso, ay aking isinilid ang karunungan, upang magawa nila ang lahat ng aking iniutos sa iyo:
7 (AA)Ang tabernakulo ng kapisanan at (AB)ang kaban ng patotoo, at ang luklukan ng awa na nasa ibabaw niyaon, at ang lahat ng kasangkapan ng Tolda:
8 At (AC)ang dulang at ang mga sisidlan niyaon at ang kandelerong dalisay, sangpu ng lahat na mga sisidlan; at ang dambana ng kamangyan;
9 At (AD)ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon;
10 At (AE)ang mga kasuutang mabuting yari, at ang mga banal na kasuutan na pangsuot kay Aarong saserdote, at ang mga kasuutan sa kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote;
11 At (AF)ang langis na pangpahid, at ang kamangyan na (AG)mabangong mga kamangyan na itataan sa dakong banal: ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo ay kanilang gagawin.
Ang pagiingat ng Sabbath.
12 At ang Panginoo'y nagsalita kay Moises, na sinasabi,
13 Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, (AH)Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.
14 Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't (AI)sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.
15 (AJ)Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa't (AK)ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin.
16 Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan.
17 (AL)Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan.
Tinanggap ni Moises ang dalawang tapyas ng patotoo.
18 At kaniyang ibinigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, (AM)ang dalawang tapyas ng patotoo, na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios.
47 At (A)samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si (B)Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan.
48 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya.
49 At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan.
50 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Gawin mo ang dahil ng pagparito mo. Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siya'y kanilang dinakip.
51 At narito, (C)ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang (D)kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga.
52 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: (E)sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay.
53 O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?
54 Kung gayo'y paano bagang mangatutupad (F)ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari?
55 Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip.
56 Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng (G)lahat ng mga alagad, at nagsitakas.
57 (H)At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si (I)Caifas, na doo'y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda.
58 Datapuwa't si Pedro'y sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa looban ng dakilang saserdote, at siya'y pumasok, at nakiumpok sa mga punong kawal, upang makita niya ang wakas.
59 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siya'y kanilang maipapatay;
60 At yao'y hindi nila nangasumpungan, bagaman (J)maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Nguni't pagkatapos ay nagsidating ang dalawa,
61 At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, (K)Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw.
62 At nagtindig ang dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Wala kang isinasagot na anoman? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo?
63 Datapuwa't hindi umimik si (L)Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, (M)Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, (N)ang Anak ng Dios.
64 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay (O)inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.
65 Nang magkagayoy hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, na sinasabi, Nagsalita siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayo'y narinig ninyo ang kapusungan:
66 Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, (P)Karapatdapat siya sa kamatayan.
67 Nang magkagayo'y (Q)niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba,
68 Na nangagsasabi, (R)Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog?
Kapalaran ng pagpapatawad at ng pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David. Masquil.
32 Mapalad (A)siyang pinatawad ng pagsalangsang,
Na tinakpan ang kasalanan.
2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng (B)Panginoon,
At (C)walang pagdaraya ang diwa niya.
3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang (D)aking mga buto
Dahil sa aking pagangal buong araw.
4 Sapagka't araw at gabi ay (E)mabigat sa akin ang iyong kamay:
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
5 Aking kinilala ang (F)aking kasalanan sa iyo,
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, (G)Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa (H)panahong masusumpungan ka:
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
7 (I)Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;
Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
8 (J)Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:
Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
9 (K)Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:
(L)Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,
Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10 (M)Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:
Nguni't (N)siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 (O)Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:
At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.
27 Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako:
Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:
28 Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas:
Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
29 (A)Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan,
Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos:
Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:
30 (B)Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa:
At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw,
Na nagagalak na lagi sa harap niya;
31 Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa;
At ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.
32 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako:
Sapagka't (C)mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978