The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang mga Naninirahan sa Jerusalem
11 Nang panahong iyon, ang mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel ay nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod. Nagpalabunutan ang mga tao para sa bawat sampung pamilya ay may isang pamilyang maninirahan sa Jerusalem, habang ang ibaʼy mananatili sa mga bayan nila. 2 Pinuri ng mga tao ang lahat ng nagpasyang tumira sa Jerusalem.
3-4 Ang ibang Israelita, pati mga pari, mga Levita, mga utusan sa templo, at ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay patuloy na nakatira sa kanilang sariling mga lupain sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda. Ang ibang mga mamamayan ng Juda at Benjamin ay nakatira sa Jerusalem.
Ito ang mga pinuno ng mga probinsya ng Juda at Benjamin na nakatira sa Jerusalem.
Mula sa lahi ni Juda:
Si Ataya na anak ni Uzia. (Si Uzia ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Amaria. Si Amaria ay anak ni Shefatia. At si Shefatia ay anak ni Mahalalel na mula sa angkan ni Perez.)
5 Si Maaseya na anak ni Baruc. (Si Baruc ay anak ni Col Hoze. Si Col Hoze ay anak ni Hazaya. Si Hazaya ay anak ni Adaya. Si Adaya ay anak ni Joyarib. At si Joyarib ay anak ni Zacarias na mula sa angkan ni Shela.) 6 (Sa mga angkan ni Perez, 468 matatapang na lalaki na nakatira rin sa Jerusalem.)
7 Mula sa lahi ni Benjamin:
Si Salu na anak ni Meshulam (si Meshulam ay anak ni Joed; si Joed ay anak ni Pedaya; si Pedaya ay anak ni Kolaya; si Kolaya ay anak ni Maaseya; si Maaseya ay anak ni Itiel; at si Itiel ay anak ni Jeshaya);
8 ang sumunod kay Salu ay sina Gabai at Salai, at ang 928 kamag-anak nila.
9 Si Joel na anak ni Zicri ang pinakapinuno nila at ang ikalawa sa kanya ay si Juda na anak ni Hasenua.
10 Mula sa mga Pari:
Si Jedaya na anak ni Joyarib, si Jakin, 11 at si Seraya na anak ni Hilkia (Si Hilkia ay anak ni Meshulam, Si Meshulam ay anak ni Zadok, si Zadok ay anak ni Merayot. At si Merayot ay anak ni Ahitub na namamahala sa templo ng Dios); 12 ang 822 lalaking kasama nilang nagpapagal sa templo:
Si Adaya na anak ni Jeroham. (Si Jeroham ay anak ni Pelalia. Si Pelalia ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Pashur. At si Pashur ay anak ni Malkia); 13 ang mga kasama ni Adaya na 242 lalaki na mga pinuno ng mga pamilya:
Si Amasai ay anak ni Azarel. (Si Azarel ay anak ni Azai. Si Azai ay anak ni Meshilemot. At si Meshilemot ay anak ni Imer); 14 ang mga kasama ni Amasai na 128 matatapang na lalaki:
Si Zabdiel na anak ni Hagedolim ang pinakapinuno nila.
15 Mula sa mga Levita:
Si Shemaya na anak ni Hashub. (Si Hashub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabia; at si Hashabia ay anak ni Buni.)
16 Si Shabetai at si Jozabad na dalawang pinuno ng mga Levita. Sila ang mga katiwalang namamahala sa mga gawain sa labas ng templo.
17 Si Matania ay anak ni Mica. (Si Mica ay anak ni Zabdi at si Zabdi ay anak ni Asaf.) Si Matania ang nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat.
Si Bakbukia na kasama ni Matania.
Si Abda na anak ni Shamua. (Si Shamua ay anak ni Galal, at si Galal ay anak ni Jedutun.)
18 May 248 lahat ang mga Levita na nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod.
19 Mula sa mga guwardya ng mga pintuan ng templo:
Si Akub at si Talmon, at ang mga kasama nilang 172 lalaking guwardya ng pintuan ng templo.
20 Ang ibang mga Israelita, pati mga pari at mga Levita ay nakatira sa mga lupaing minana nila sa kanilang mga ninuno sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda. 21 Ngunit ang mga utusan sa templo na pinangungunahan nina Ziha at Gishpa ay doon tumira sa bulubundukin ng Ofel.
22 Ang pinakapinuno ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani (si Bani ay anak ni Hashabia; si Hashabia ay anak ni Matania; at si Matania ay anak ni Mica). Si Uzi ay isa sa mga angkan ni Asaf, na mang-aawit sa templo ng Dios. 23 Ang hari ang nag-uutos sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa bawat araw.
24 Si Petahia na anak ni Meshezabel, na isa sa mga angkan ni Zera na anak ni Juda, ang kinatawan ng bayan ng Israel sa hari ng Persia.
25 Ang ibang mga mamamayan ng Juda ay nakatira sa mga bayan na malapit sa mga lupain nila. Ang iba sa kanila ay nakatira sa Kiriat Arba, Dibon, Jekabzeel, at sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito. 26 Ang iba sa kanila ay nakatira sa Jeshua, Molada, Bet Pelet, 27 Hazar Shual, Beersheba, at sa mga baryo sa palibot nito. 28 Mayroon ding nakatira sa kanila sa Ziklag, sa Mecona, at sa mga baryo sa paligid nito, 29 sa En Rimon, Zora, Jarmut, 30 Zanoa, Adulam, at sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito. Ang iba pa sa kanila ay nakatira sa Lakish at sa malalapit na mga sakahan, at sa Azeka at sa mga baryo sa paligid nito. Kaya nakatira ang tao sa Juda mula sa Beersheba hanggang sa Lambak ng Ben Hinom.
31 Ang ibang mga mamamayan ng Benjamin ay nakatira sa Geba, Micmash, Aya, Betel, at sa mga baryo sa paligid nito. 32 Ang iba sa kanila ay nakatira sa Anatot, Nob, Anania, 33 Hazor, Rama, Gitaim, 34 Hadid, Zeboim, Nebalat, 35 Lod, Ono, at sa Lambak ng mga Manggagawa. 36 Ang iba pang mga Levita na nakatira sa Juda ay pinatira kasama ng mga mamamayan ng Benjamin.
Ang mga Pari at ang mga Levita
12 1-7 Ito ang talaan ng mga pari at ng mga Levita na bumalik mula sa pagkabihag kasama ni Zerubabel na anak ni Shealtiel at ni Jeshua na punong pari. Ang mga pari ay sina Seraya, Jeremias, Ezra, Amaria, Maluc, Hatush, Shecania, Rehum, Meremot, Iddo, Gineton, Abijah, Mijamin, Moadia, Bilga, Shemaya, Joyarib, Jedaya, Salu, Amok, Hilkia, at Jedaya. Sila ang mga pinuno ng mga kapwa nila pari at ng kanilang mga kasama noong panahon ni Jeshua.
8 Ang mga Levita ay sina Jeshua, Binui, Kadmiel, Sherebia, Juda at Matania. Si Matania at ang mga kasama niya ang katiwala sa pag-awit ng mga awit ng pasasalamat. 9 At sina Bakbukia, Uni, at ang mga kasama nila, ang katiwala sa pagsagot sa awit na iyon.
Ang mga Lahi ng Punong Pari na si Jeshua
10 Si Jeshua ay ama ni Joyakim. Si Joyakim ay ama ni Eliashib. Si Eliashib ay ama ni Joyada. 11 Si Joyada ay ama ni Jonatan. At si Jonatan ay ama ni Jadua.
Ang Pinuno ng mga Pamilya ng mga Pari
12-13 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari noong si Joyakim ang punong pari:
Si Meraya ang pinuno ng pamilya ni Seraya.
Si Hanania ang pinuno ng pamilya ni Jeremias.
Si Meshulam ang pinuno ng pamilya ni Ezra.
Si Jehohanan ang pinuno ng pamilya ni Amaria.
14 Si Jonatan ang pinuno ng pamilya ni Maluc.
Si Jose ang pinuno ng pamilya ni Shebania.[a]
15 Si Adna ang pinuno ng pamilya ni Harim.
Si Helkai ang pinuno ng pamilya ni Merayot
16 Si Zacarias ang pinuno ng pamilya ni Iddo.
Si Meshulam ang pinuno ng pamilya ni Gineton.
17 Si Zicri ang pinuno ng pamilya ni Abijah.
Si Piltai ang pinuno ng pamilya nina Miniamin at Moadia.
18 Si Shamua ang pinuno ng pamilya ni Bilga.
Si Jehonatan ang pinuno ng pamilya ni Shemaya.
19 Si Matenai ang pinuno ng pamilya ni Joyarib.
Si Uzi ang pinuno ng pamilya ni Jedaya.
20 Si Kalai ang pinuno ng pamilya ni Salu.
Si Eber ang pinuno ng pamilya ni Amok.
21 Si Hashabia ang pinuno ng pamilya ni Hilkia.
At si Netanel ang pinuno ng pamilya ni Jedaya.
Ang mga Pinuno ng mga Pamilya ng mga Levita
22 Noong panahon ng paghahari ni Darius sa Persia, inilista ang mga pangalan ng mga pinuno sa mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Nang panahon ng mga punong pari na sina Eliashib, Joyada, Johanan, at Jadua. 23 Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita hanggang sa panahon ni Johanan na apo ni Eliashib ay nakalista sa Aklat ng Kasaysayan.
24 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita: si Hashabia, Sherebia, Jeshua, Binui, Kadmiel,[b] at ang iba pa nilang mga kasama na nakatayo sa kabilang bahagi nila sa oras ng pag-awit sa templo ng mga papuri at pasasalamat sa Dios. Sila ang sumasagot sa awit ng kabilang grupo, ayon sa utos ni David na lingkod ng Dios. 25 Ang mga guwardya ng pintuan ng templo na nagbabantay ng mga bodega na malapit sa pintuan ay sina Matania, Bakbukia, Obadias, Meshulam, Talmon at Akub. 26 Sila ang naglilingkod sa panahon ni Joyakim na anak ni Jeshua at apo ni Jozadak, at sa panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan.
14 Kaya mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga dios-diosan. 15 Sinasabi ko ito sa inyo bilang mga taong nakakaunawa, kaya pag-isipan ninyo ang sinasabi ko. 16 Sa tuwing nagtitipon tayo bilang pag-alaala sa kamatayan ni Cristo, may iniinom tayo na ating pinasasalamatan sa Dios at may tinapay din tayong hinahati-hati at kinakain. Hindi baʼt pakikibahagi ito sa dugo at katawan ni Cristo? 17 Kaya nga, iisang katawan lang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lang ang ating pinagsasaluhan.
18 Tingnan ninyo ang mga Israelita. Ang mga kumakain ng mga handog ay mga kabahagi sa gawain sa altar. 19 Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko ba na may kabuluhan ang mga dios-diosan o ang pagkaing inihandog sa kanila? 20 Hindi! Ang ibig kong sabihin ay inialay nila ang mga handog na iyan sa masasamang espiritu at hindi sa Dios. Ayaw kong maging kabahagi kayo ng masasamang espiritu. 21 Hindi tayo maaaring makiinom sa baso ng Panginoon at sa baso ng masasamang espiritu, at hindi rin tayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng masasamang espiritu. 22 Gusto ba nating magselos ang Panginoon? Mas makapangyarihan ba tayo kaysa sa kanya?
23 Maaari nating gawin ang kahit ano, pero hindi lahat ay nakakabuti o nakakatulong. 24 Huwag lamang ang sarili ninyong kapakanan ang inyong isipin kundi ang kapakanan din ng iba.
25 Kumain kayo ng anumang nabibili sa pamilihan ng karne at huwag nang magtanong kung ito baʼy inihandog sa mga dios-diosan o hindi, upang hindi na kayo usigin ng inyong konsensya. 26 Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Ang mundo at ang lahat ng naroroon ay pag-aari ng Panginoon.”
27 Kung imbitahan kayo ng isang hindi mananampalataya sa isang salo-salo at gusto ninyong dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo nang hindi na nagtatanong kung ito baʼy inihandog sa mga dios-diosan o hindi, upang hindi na kayo usigin ng inyong konsensya. 28 Ngunit kung sinabihan kayo na ang pagkain ay inihandog sa mga dios-diosan, huwag na kayong kumain, alang-alang sa nagsabi nito sa inyo, upang walang mabalisang konsensya. 29 Hindi ang inyong konsensya ang ibig kong tukuyin, kundi ang konsensya ng inyong kapwa.
Maaaring sabihin ng iba sa inyo, “Bakit ko hahadlangan ang gusto ko dahil lang sa konsensya ng iba? 30 Bakit ako susumbatan sa pagkain ko ng isang bagay na ipinagpasalamat ko naman sa Dios?” 31 Ito ang maisasagot ko riyan: Anuman ang inyong gawin, kumain man o uminom, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios. 32 Huwag kayong gagawa ng kahit anong makakatisod sa pananampalataya ng mga Judio o hindi Judio, o sa iglesya ng Dios. 33 Sundin ninyo ang aking ginagawa: Sinisikap ko na sa lahat ng aking ginagawa ay matutulungan ko ang lahat. Hindi ang sarili kong kapakanan ang aking iniisip kundi ang kapakanan ng iba upang maligtas sila.
11 Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin.
Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 Kung nais ninyo ng masaya at mahabang buhay,
13 iwasan ninyo ang masamang pananalita at pagsisinungaling.
14 Lumayo kayo sa masama at gawin ninyo ang mabuti.
Pagsikapan ninyong kamtin ang kapayapaan.
15 Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid,
at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan.
16 Ngunit kinakalaban ng Panginoon ang mga gumagawa ng masama.
Silaʼy kanyang nililipol hanggang sa hindi na sila maalala ng mga tao sa mundo.
17 Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid,
at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin.
18 Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso,
at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.
19 Marami ang paghihirap ng mga matuwid,
ngunit inililigtas sila ng Panginoon sa lahat ng ito.
20 Silaʼy iniingatan ng Panginoon,
at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali.
21 Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan.
At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Dios.
22 Ngunit ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga lingkod,
at hindi parurusahan ang isa man sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya.
14 Kapag ang kapwa mo ay may galit sa iyo, mawawala iyon sa palihim na regalo.
15 Kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.
16 Ang taong lumilihis sa karunungan ay hahantong sa kamatayan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®