Bible in 90 Days
Si Habakuk ay Dumaing dahil sa Kawalan ng Katarungan
1 Ang pahayag ng Diyos na nakita ni propeta Habakuk.
2 O Panginoon, hanggang kailan ako hihingi ng tulong,
at hindi mo papakinggan?
O dadaing sa iyo ng “Karahasan!”
at hindi ka magliligtas?
3 Bakit mo hinahayaang makita ko ang kamalian,
at tingnan ang kasamaan?
Ang kasiraan at karahasan ay nasa harapan ko;
paglalaban at pagtatalo ay lumilitaw.
4 Kaya't ang batas ay hindi pinapansin,
at ang katarungan ay hindi kailanman nangingibabaw.
Sapagkat pinaliligiran ng masama ang matuwid;
kaya't ang katarungan ay nababaluktot.
Ang Sagot ng Panginoon
5 Magmasid(A) kayo sa mga bansa, at tumingin kayo;
mamangha at magtaka.
Sapagkat ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga araw
na hindi ninyo paniniwalaan kapag sinabi sa inyo.
6 Sapagkat(B) narito, aking ginigising ang mga Caldeo,
ang malupit at marahas na bansa,
na lumalakad sa kaluwangan ng lupa,
upang sakupin ang mga tahanang hindi kanila.
7 Sila'y kakilakilabot at nakakatakot;
ang kanilang katarungan at karangalan ay mula sa kanilang sarili.
8 Ang kanilang mga kabayo ay matutulin kaysa mga leopardo,
higit na mababangis kaysa panggabing asong-gubat
at ang kanilang mga mangangabayo ay mabibilis.
Ang kanilang mga mangangabayo ay galing sa malayo;
sila'y lumilipad na parang agila na nagmamadali upang manakmal.
9 Silang lahat ay dumarating para sa karahasan;
na may mukhang pasulong.
Kanilang tinitipon ang mga bihag na parang buhangin.
10 Kanilang tinutuya ang mga hari,
at ang mga pinuno ay kanilang pinagtatawanan.
Kanilang kinukutya ang bawat tanggulan;
sapagkat kanilang binubuntunan ang lupa at sinasakop ito.
11 Pagkatapos ay lalampas sila na parang hangin
at magpapatuloy, mga taong nagkasala,
na ang sarili nilang kapangyarihan ay ang kanilang diyos!
Muling Dumaing si Habakuk
12 Di ba ikaw ay mula sa walang hanggan,
O Panginoon kong Diyos, aking Banal?
Kami ay hindi mamamatay.
O Panginoon, iyong itinakda sila sa paghuhukom;
at ikaw, O Malaking Bato, ang nagtatag sa kanila upang magtuwid.
13 “Ang iyong mga mata ay malilinis at hindi makakatingin sa kasamaan,”
at hindi makakatingin sa kamalian,
bakit mo minamasdan ang taong masasama,
at tumatahimik ka kapag sinasakmal ng masama
ang taong higit na matuwid kaysa kanya?
14 Sapagkat ginagawa mo ang mga tao na gaya ng mga isda sa dagat,
gaya ng mga gumagapang na bagay na walang namumuno.
15 Kanyang binubuhat silang lahat sa pamamagitan ng bingwit,
kanyang hinuhuli sila sa kanyang lambat,
at kanyang tinitipon sila sa kanyang panghuli,
kaya't siya'y nagagalak at nagsasaya.
16 Kaya't siya'y naghahandog sa kanyang lambat,
at nagsusunog ng kamanyang sa kanyang panghuli,
sapagkat sa pamamagitan ng mga iyo'y nabubuhay siya sa karangyaan,
at ang kanyang pagkain ay sagana.
17 Patuloy ba niyang aalisan ng laman ang kanyang lambat,
at walang habag na papatayin ang mga bansa magpakailanman?
Ang Sagot ng Panginoon kay Habakuk
2 Ako'y tatayo upang magbantay,
at magbabantay ako sa ibabaw ng tore,
at tatanaw upang makita ko kung ano ang kanyang sasabihin sa akin,
at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing.
2 At ang Panginoon ay sumagot sa akin:
“Isulat mo ang pangitain,
at gawin mong malinaw sa mga tapyas na bato,
upang ang makabasa niyon ay makatakbo.
3 Sapagkat(C) ang pangitain ay naghihintay pa ng panahon nito;
at nagsasalita tungkol sa wakas—hindi ito magsisinungaling.
Kung ito'y parang mabagal ay hintayin mo;
ito'y tiyak na darating, hindi ito maaantala.
4 Masdan(D) mo ang palalo!
Hindi tapat sa kanya ang kaluluwa niya,
ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
5 Bukod dito ang alak[a] ay mandaraya;
ang taong hambog ay hindi mamamalagi sa kanyang tahanan.
Ang kanyang nasa ay parang Sheol,
at siya'y parang kamatayan na hindi masisiyahan.
Kanyang tinitipon para sa kanya ang lahat ng bansa
at tinitipon para sa kanya ang lahat ng bayan.”
6 Hindi ba ang lahat ng ito ay magsasalita ng kanilang pagtuya at panlilibak laban sa kanya, at kanilang sabihin,
“Kahabag-habag siya na nagpaparami ng di kanya—
Hanggang kailan ka magpapasan ng mga bagay na mula sa sangla?”
7 Hindi ba biglang tatayo ang iyong mga nagpapautang,
at magigising ang mga naniningil sa iyo?
Kung gayon ay magiging samsam ka nila.
8 Sapagkat iyong sinamsaman ang maraming bansa,
sasamsaman ka ng lahat ng nalabi sa mga tao,
dahil sa dugo ng mga tao at sa karahasang ginawa sa lupain,
sa mga lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.
9 Kahabag-habag siya na may masamang pakinabang para sa kanyang sambahayan,
upang kanyang mailagay ang kanyang pugad sa itaas,
upang maligtas sa abot ng kapahamakan!
10 Ikaw ay nagbalak ng kahihiyan sa iyong sambahayan,
sa pamamagitan ng pagpatay ng maraming tao,
ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili.
11 Sapagkat ang bato ay daraing mula sa pader,
at ang biga mula sa mga kahoy ay sasagot.
12 Kahabag-habag siya na nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng dugo,
at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!
13 Hindi ba mula sa Panginoon ng mga hukbo
na ang mga tao ay gumagawa lamang para sa apoy,
at ang mga bansa ay nagpapakapagod sa walang kabuluhan?
14 Sapagkat(E) ang lupa ay mapupuno
ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon,
gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.
15 Kahabag-habag siya na nagpapainom sa kanyang kapwa,
na idinadagdag ang iyong kamandag at nilalasing sila,
upang iyong mamasdan ang kanilang kahubaran!
16 Ikaw ay mapupuno ng kahihiyan sa halip na kaluwalhatian.
Uminom ka, ikaw, at ilantad ang iyong kahubaran!
Ang kopa sa kanang kamay ng Panginoon
ay darating sa iyo,
at ang kahihiyan ang papalit sa iyong kaluwalhatian!
17 Ang karahasang ginawa sa Lebanon ay tatabon sa iyo,
ang pagkawasak sa mga hayop na tumakot sa kanila,
dahil sa dugo ng mga tao at sa karahasan sa lupain,
sa mga lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.
18 Anong pakinabang sa diyus-diyosan
pagkatapos na anyuan ito ng gumawa niyon,
isang metal na larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan?
Sapagkat ang manggagawa ay nagtitiwala sa kanyang sariling nilalang
kapag siya'y gumagawa ng mga piping diyus-diyosan!
19 Kahabag-habag siya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka;
sa piping bato, Bumangon ka!
Makakapagturo ba ito?
Tingnan ninyo, nababalot ito ng ginto at pilak,
at walang hininga sa loob niyon.
20 Ngunit ang Panginoon ay nasa kanyang templong banal;
tumahimik ang buong lupa sa harapan niya!
Ang Panalangin ni Habakuk
3 Panalangin ni propeta Habakuk ayon sa Shigionot.
2 O Panginoon, narinig ko ang tungkol sa iyo
at ako'y natatakot.
O Panginoon, buhayin mong muli ang iyong mga gawa sa gitna ng mga taon.
Sa gitna ng mga taon ay ipaalam mo iyon,
sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
3 Ang Diyos ay dumating mula sa Teman,
at ang Banal mula sa Bundok ng Paran. Selah
Ang kanyang kaluwalhatia'y tumakip sa mga langit,
at ang lupa'y punô ng kanyang kapurihan.
4 Ang kanyang ningning ay parang liwanag;
may mga sinag na nagliliwanag mula sa kanyang kamay;
at doo'y ikinubli niya ang kanyang kapangyarihan.
5 Sa unahan niya'y nagpapauna ang peste,
at ang salot ay malapit na sumusunod.
6 Siya'y tumayo at sinukat ang lupa.
Siya'y tumingin at niliglig ang mga bansa;
at ang mga walang hanggang bundok ay nangalat;
ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod.
Ang kanyang mga pamamaraan ay walang hanggan.
7 Nakita ko ang mga tolda sa Cusan na nasa pagdadalamhati.
Ang mga tabing ng lupain ng Midian ay nanginig.
8 Ang iyo bang poot ay laban sa mga ilog, O Panginoon?
Ang iyo bang galit ay laban sa mga ilog,
O ang iyo bang poot ay laban sa dagat,
kapag ikaw ay sumasakay sa iyong mga kabayo,
sa iyong karwahe ng kaligtasan?
9 Hubad na nilantad mo ang iyong pana,
ayon sa panunumpa na tungkol sa iyong salita. Selah
Iyong nilagyan ng mga ilog ang lupa.
10 Nakita ka ng mga bundok at ang mga ito'y nanginig;
ang rumaragasang tubig ay dumaan,
ibinigay ng kalaliman ang kanyang tinig,
at itinaas nito ang kanyang mga kamay.
11 Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang mataas na lugar,
sa liwanag ng iyong mga palaso sila'y umalis,
sa kislap ng iyong makinang na sibat.
12 Ikaw ay lumakad na may galit sa mga lupain,
iyong tinapakan ang mga bansa sa galit.
13 Ikaw ay lumabas upang iligtas ang iyong bayan,
at iligtas ang iyong pinahiran ng langis.
Iyong dinurog ang puno ng masamang sambahayan,
hinubaran mo siya mula hita hanggang sa leeg. Selah
14 Iyong tinusok ang ulo ng kanyang mga mandirigma ng kanyang sariling sibat;
na dumating na parang ipu-ipo upang pangalatin ako;
ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
15 Iyong tinapakan ang dagat ng iyong mga kabayo,
ang bunton ng makapangyarihang tubig.
Ang Propeta ay Nagtitiwala sa Panginoon
16 Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig,
ang aking mga labi ay nangangatal sa tinig;
ang kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto,
ang aking mga hakbang ay nanginginig.
Ako'y tahimik na maghihintay sa araw ng kapahamakan,
na dumating sa bayan na sumasakop sa atin.
17 Bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak,
ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas;
ang olibo ay hindi magbubunga,
at ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain;
ang kawan ay aalisin sa kulungan,
at hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan,
18 gayunma'y magagalak ako sa Panginoon,
ako'y magagalak sa Diyos ng aking kaligtasan.
19 Ang(F) Diyos, ang Panginoon, ay aking kalakasan;
ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa,
pinalalakad niya ako sa aking matataas na dako.
Sa Punong Manunugtog: na may panugtog na may kuwerdas.
1 Ang(G) salita ng Panginoon na dumating kay Sefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Hezekias, nang mga araw ni Josias na anak ni Amon, na hari ng Juda.
Ang Araw ng Paghuhukom ng Panginoon
2 “Aking lubos na lilipulin ang lahat ng bagay
sa ibabaw ng lupa,” sabi ng Panginoon.
3 “Aking pupuksain ang tao at ang hayop;
lilipulin ko ang mga ibon sa himpapawid,
at ang mga isda sa dagat,
at ang katitisuran kasama ang masasama;
aking aalisin ang sangkatauhan
sa ibabaw ng lupa,” sabi ng Panginoon.
4 “Aking iuunat ang aking kamay laban sa Juda,
at laban sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem;
at aking aalisin mula sa lugar na ito ang nalabi ni Baal,
at ang mga pangalan ng mga paring sumasamba sa diyus-diyosan kasama ang mga pari;
5 yaong mga yumuyukod sa mga bubungan
sa mga bagay na nasa kalangitan;
sa mga yumuyukod at sumusumpa rin sa Panginoon
at gayunma'y sumusumpa sa pangalan ni Malcam;
6 at iyong mga tumalikod mula sa pagsunod sa Panginoon;
at ang mga hindi hinanap ang Panginoon, ni sumangguni man sa kanya.”
7 Tumahimik ka sa harapan ng Panginoong Diyos!
Sapagkat ang araw ng Panginoon ay malapit na;
sapagkat inihanda ng Panginoon ang isang handog,
at itinalaga ang kanyang mga panauhin.
8 At sa araw ng paghahandog sa Panginoon—
“Aking parurusahan ang mga pinuno, at ang mga anak ng hari,
at ang lahat na nagsusuot ng damit ng dayuhan.
9 At sa araw na iyon ay aking parurusahan
ang lahat ng lumulukso sa pasukan,
na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon
ng karahasan at pandaraya.”
10 “At sa araw na iyon,” sabi ng Panginoon,
“maririnig ang panaghoy mula sa Pintuang Isda,
ang pananambitan mula sa Ikalawang Bahagi,
ang isang malakas na lagapak mula sa mga burol.
11 Managhoy kayo, kayong mga naninirahan sa Mortar!
Sapagkat ang buong bayan ng Canaan ay nalansag;
lahat ng nagtitimbang ng pilak ay inalis.
12 At sa panahong iyon, ang Jerusalem ay sisiyasatin ko sa pamamagitan ng ilawan,
at aking parurusahan ang mga tao
na nagsisiupo sa kanilang mga latak,
na nagsasabi sa kanilang puso,
‘Ang Panginoon ay hindi gagawa ng mabuti,
ni gagawa man siya ng masama.’
13 At ang kanilang kayamanan ay nanakawin,
at ang kanilang mga bahay ay gigibain.
Bagaman sila'y nagtatayo ng mga bahay,
hindi nila titirahan ang mga iyon;
bagaman sila'y nagtatanim ng ubasan,
hindi sila iinom ng alak niyon.”
14 Ang dakilang araw ng Panginoon ay malapit na,
malapit na at napakabilis na dumarating,
ang tinig ng araw ng Panginoon,
ang makapangyarihang tao ay sumisigaw nang may kapaitan roon.
15 Ang araw na iyon ay araw ng pagkapoot,
araw ng kaguluhan at kahapisan,
araw ng pagkawasak at pagkasira,
araw ng kadiliman at kalumbayan,
araw ng mga ulap at makapal na kadiliman,
16 araw ng tunog ng tambuli at ng hudyat ng digmaan,
laban sa mga lunsod na may muog,
at laban sa mataas na kuta.
17 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao,
upang sila'y lumakad na parang mga bulag,
sapagkat sila'y nagkasala laban sa Panginoon;
at ang kanilang dugo ay ibubuhos na parang alabok,
at ang kanilang laman ay parang dumi.
18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man
ay hindi makakapagligtas sa kanila
sa araw ng poot ng Panginoon.
Sa apoy ng kanyang naninibughong poot
ang buong lupa ay matutupok;
sapagkat isang ganap at biglang paglipol
ang kanyang gagawin, sa lahat ng naninirahan sa daigdig.
Ang Malagim na Wakas ng mga Bansa
2 Sama-sama kayong pumarito
at magtipon, O bansang walang kahihiyan;
2 bago ang utos ay lumabas, ang araw ay dadaang parang ipa,
bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon,
bago dumating sa inyo ang araw ng poot ng Panginoon.
3 Hanapin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mapagpakumbaba sa lupain,
na sumusunod sa kanyang mga utos;
hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kapakumbabaan,
maaaring kayo'y maitago
sa araw ng poot ng Panginoon.
Hahatulan ang mga Bansa sa Paligid ng Israel
4 Sapagkat(H) ang Gaza ay pababayaan,
at ang Ascalon ay magigiba;
palalayasin ang mamamayan ng Asdod sa katanghaliang-tapat,
at ang Ekron ay mabubunot.
5 Kahabag-habag ang mga naninirahan sa baybayin ng dagat,
ikaw na bansa ng mga Kereteo!
Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo,
O Canaan, lupain ng mga Filisteo;
aking wawasakin ka, hanggang maubos ang lahat ng mamamayan.
6 At ikaw, O baybayin ng dagat ay magiging pastulan,
kaparangan para sa mga pastol,
at mga kulungan para sa mga kawan.
7 At ang baybayin ay magiging pag-aari
ng nalabi sa sambahayan ni Juda;
na iyon ay kanilang pagpapastulan,
at sa mga bahay sa Ascalon ay
mahihiga sila sa gabi.
Sapagkat dadalawin sila ng Panginoon nilang Diyos,
at ibabalik mula sa kanilang pagkabihag.
8 “Aking(I) narinig ang panunuya ng Moab,
at ang panglalait ng mga anak ni Ammon,
kung paanong tinuya nila ang aking bayan,
at nagmalaki sila laban sa kanilang nasasakupan.
9 Kaya't(J) habang buháy ako,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
ng Diyos ng Israel,
“ang Moab ay magiging parang Sodoma,
at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra,
isang lupaing pag-aari ng mga dawag at tambakan ng asin,
at isang pagkasira magpakailanman.
Sila'y sasamsaman ng nalabi sa aking bayan,
at sila'y aangkinin ng nalabi sa aking bansa.”
10 Ito ang kanilang magiging kapalaran kapalit ng kanilang pagmamataas,
sapagkat sila'y nanlibak at nagmalaki
laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo.
11 Ang Panginoon ay magiging kakilakilabot laban sa kanila;
oo, kanyang gugutumin ang lahat ng diyos sa lupa;
at sa kanya ay yuyukod,
bawat isa sa kanya-kanyang dako,
ang lahat ng pulo ng mga bansa.
12 Kayo(K) rin, O mga taga-Etiopia,
kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak.
13 At(L) kanyang iuunat ang kanyang kamay laban sa hilaga,
at gigibain ang Asiria,
at ang Ninive ay sisirain,
at tutuyuing gaya ng ilang.
14 At ang mga bakahan ay hihiga sa gitna niyon,
lahat ng hayop ng mga bansa,
ang pelikano at gayundin ang kuwago
ay maninirahan sa kanyang mga kabisera,
ang kanilang tinig ay huhuni sa bintana,
ang kasiraan ay darating sa mga pasukan;
sapagkat ang kanyang mga yaring kahoy na sedro ay masisira.
15 Ito ang masayang bayan na
naninirahang tiwasay,
na nagsasabi sa sarili,
“Ako nga, at walang iba liban sa akin.”
Siya'y naging wasak,
naging dakong higaan para sa mababangis na hayop!
Bawat dumaraan sa kanya
ay sumusutsot at ikinukumpas ang kanyang kamay.
Ang Kasamaan at Katubusan ng Israel
3 Kahabag-habag siya na marumi, nadungisan at mapang-aping lunsod!
2 Siya'y hindi nakinig sa tinig ninuman;
siya'y hindi tumanggap ng pagtutuwid.
Siya'y hindi nagtiwala sa Panginoon;
siya'y hindi lumapit sa kanyang Diyos.
3 Ang mga pinunong kasama
niya ay mga leong umuungal;
ang mga hukom niya ay mga asong ligaw sa gabi;
sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan.
4 Ang kanyang mga propeta ay walang kabuluhan at mga taksil;
nilapastangan ng kanyang mga pari ang bagay na banal,
sila'y nagsigawa ng karahasan sa kautusan.
5 Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid;
siya'y hindi gumagawa ng mali;
tuwing umaga'y kanyang ipinapakita ang kanyang katarungan,
siya'y hindi nagkukulang bawat madaling-araw;
ngunit walang kahihiyan ang di-matuwid.
6 “Ako'y nag-alis ng mga bansa;
ang kanilang mga kuta ay sira.
Aking winasak ang kanilang mga lansangan,
na anupa't walang dumaraan sa mga iyon;
ang kanilang mga lunsod ay giba, kaya't walang tao,
walang naninirahan.
7 Aking sinabi, ‘Tiyak na ikaw ay matatakot sa akin,
siya'y tatanggap ng pagtutuwid;
sa gayo'y ang kanyang tahanan ay hindi mahihiwalay
ayon sa aking itinakda sa kanya.’
Ngunit sila'y lalong naging masigasig
na pasamain ang lahat nilang mga gawa.”
8 “Kaya't hintayin ninyo ako,” sabi ng Panginoon,
“sa araw na ako'y bumangon bilang saksi.
Sapagkat ang aking pasiya ay tipunin ang mga bansa,
upang aking matipon ang mga kaharian,
upang maibuhos ko sa kanila ang aking galit,
lahat ng init ng aking galit;
sapagkat ang buong lupa ay tutupukin,
ng apoy ng aking naninibughong poot.
9 “Oo, sa panahong iyon ay babaguhin ko ang pananalita ng mga tao,
upang maging dalisay na pananalita,
upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon;
at paglingkuran siya na may pagkakaisa.
10 Mula sa kabila ng mga ilog ng Etiopia,
ang mga sumasamba sa akin,
ang anak na babae na aking pinapangalat,
ay magdadala ng handog sa akin.
11 “Sa araw na iyon ay hindi ka mapapahiya
ng dahil sa mga gawa,
na iyong ipinaghimagsik laban sa akin;
sapagkat kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo
ang iyong mga taong nagsasayang may pagmamataas,
at hindi ka na magmamalaki pa
sa aking banal na bundok.
12 Sapagkat aking iiwan sa gitna mo
ang isang mapagpakumbaba at maamong bayan.
Sila'y manganganlong sa pangalan ng Panginoon,
13 Ang(M) mga nalabi sa Israel
ay hindi gagawa ng kasamaan,
ni magsasalita man ng mga kasinungalingan;
ni matatagpuan man
ang isang mandarayang dila sa kanilang bibig.
sapagkat sila'y manginginain at hihiga,
at walang tatakot sa kanila.”
Isang Awit ng Kagalakan
14 Umawit ka nang malakas, O anak na babae ng Zion;
Sumigaw ka, O Israel!
Ikaw ay matuwa at magalak nang buong puso,
O anak na babae ng Jerusalem!
15 Inalis ng Panginoon ang mga hatol laban sa iyo,
kanyang iwinaksi ang iyong mga kaaway.
Ang Hari ng Israel, ang Panginoon, ay nasa gitna mo;
hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.
16 Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem;
“Huwag kang matakot;
O Zion, huwag manghina ang iyong mga kamay.
17 Ang Panginoon mong Diyos ay nasa gitna mo,
isang mandirigma na nagbibigay ng tagumpay;
siya'y magagalak sa iyo na may kagalakan;
siya'y tatahimik sa kanyang pag-ibig;
siya'y magagalak sa iyo na may malakas na awitan,
18 aking pipisanin ang namamanglaw dahil sa
takdang kapistahan.[b]
“Sila'y nagmula sa iyo, aalisin ang kakutyaan sa kanya.
19 Narito, sa panahong iyon ay aking parurusahan ang lahat ng mga umaapi sa iyo.
At aking ililigtas ang pilay at titipunin ang pinalayas;
at aking papalitan ng kapurihan ang kanilang kahihiyan,
at kabantugan sa buong daigdig.
20 Sa panahong iyon kayo'y aking ipapasok,
sa panahon na kayo'y aking tinitipon;
oo, aking gagawin kayong bantog at pinupuri
ng lahat ng mga bayan sa daigdig,
kapag ibinalik ko ang inyong mga kapalaran
sa harapan ng inyong paningin,” sabi ng Panginoon.
Iniutos ng Panginoon na Muling Itayo ang Templo
1 Nang(N) ikalawang taon ni Haring Dario, nang unang araw ng ikaanim na buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Hagai kay Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at kay Josue na anak ni Jehozadak, na pinakapunong pari:
2 “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: sinasabi ng bayang ito na hindi pa dumarating ang panahon, upang muling itayo ang bahay ng Panginoon.”
3 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Hagai.
4 “Panahon ba para sa inyong mga sarili na manirahan sa inyong mga bahay na may kisame, samantalang ang bahay na ito ay nananatiling wasak?
5 Ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Pag-isipan ninyo ang inyong mga lakad.
6 Kayo'y naghasik ng marami ngunit umaani ng kaunti; kayo'y kumakain, ngunit hindi kayo nabubusog; kayo'y umiinom, ngunit hindi kayo nasisiyahan; kayo'y nagdaramit, ngunit walang naiinitan; at kayong tumatanggap ng sahod ay tumatanggap ng sahod upang ilagay sa supot na may mga butas.
7 “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Pag-isipan ninyo ang inyong mga lakad.
8 Umahon kayo sa bundok, kumuha kayo ng kahoy, at itayo ninyo ang bahay upang kalugdan ko iyon at ako'y luwalhatiin, sabi ng Panginoon.
9 Kayo'y naghanap ng marami, at nakakita ng kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, iyon ay aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa aking bahay na nananatiling wasak, samantalang tumatakbo ang bawat isa sa inyo sa kanya-kanyang sariling bahay.
10 Kaya't dahil sa inyo pinipigil ng langit na nasa itaas ninyo ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang bunga nito.
11 At ako'y nagpatawag ng tagtuyot sa lupa, at sa mga burol, sa trigo, sa bagong alak, sa langis, sa mga ibinubunga ng lupa, sa mga tao at sa mga hayop, at sa lahat ng pinagpagalan.”
12 Nang magkagayo'y si Zerubabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Jehozadak, na pinakapunong pari, pati ang lahat ng nalabi sa bayan, ay sumunod sa tinig ng Panginoon nilang Diyos, at sa mga salita ni propeta Hagai, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Diyos; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.
13 Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa mensahe ng Panginoon sa bayan, “Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.”
14 At kinilos ng Panginoon ang diwa ni Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at ang espiritu ni Josue na anak ni Jehozadak, na pinakapunong pari, at ang diwa ng buong nalabi sa bayan. Sila'y dumating at ginawa ang bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Diyos,
15 nang ikadalawampu't apat na araw ng ikaanim na buwan nang ikalawang taon ni Haring Dario.
Ang Kagandahan ng Templo
2 Nang ikadalawampu't isang araw ng ikapitong buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Hagai, na sinasabi,
2 “Magsalita ka ngayon kay Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at kay Josue na anak ni Jehozadak, na pinakapunong pari, at sa lahat ng nalabi sa bayan, at sabihin mo,
3 ‘Sino(O) ang naiwan sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kanyang dating kaluwalhatian? Ano ito ngayon sa tingin ninyo? Hindi ba walang kabuluhan sa inyong paningin?
4 Gayunma'y magpakalakas ka ngayon, O Zerubabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, O Josue, na anak ni Jehozadak, na pinakapunong pari. Lakasan ninyo ang inyong loob, kayong sambayanan sa lupain, sabi ng Panginoon. Kayo'y magsigawa, sapagkat ako'y sumasainyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
5 ayon(P) sa pangako na aking sinabi sa inyo nang kayo'y lumabas sa Ehipto. Ang aking Espiritu ay naninirahan sa inyo. Huwag kayong matakot.
6 Sapagkat(Q) ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Minsan pa, sa sandaling panahon, aking uugain ang langit at ang lupa, ang dagat at ang tuyong lupa.
7 Aking uugain ang lahat ng mga bansa upang ang kayamanan ng lahat ng mga bansa ay dumating, at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
8 Akin ang pilak at akin ang ginto, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9 Ang susunod na kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging higit na dakila kaysa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.’”
10 Nang ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Hagai, na sinasabi,
11 “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Itanong ninyo ngayon sa mga pari upang pagpasiyahan ang katanungang ito:
12 ‘Kung ang isang tao ay may dalang itinalagang karne sa laylayan ng kanyang damit, ang kanyang laylayan ay makasagi ng tinapay, o nilaga, o alak, o langis, o anumang pagkain, nagiging banal ba ito?’” Sumagot ang mga pari, “Hindi.”
13 Nang(R) magkagayo'y sinabi ni Hagai, “Kung ang isang taong marumi dahil sa paghipo sa isang bangkay ay masagi ang alinman sa mga ito, nagiging marumi ba ito?” Sumagot ang mga pari, “Nagiging marumi iyon.”
14 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, “Gayon ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon. Gayon ang bawat gawa ng kanilang mga kamay, at ang kanilang inihahandog doon ay marumi.
15 Ngunit ngayon, inyong pakaisipin kung ano ang mangyayari mula sa araw na ito. Bago ipatong ang isang bato sa isa pang bato sa templo ng Panginoon,
16 mula sa panahong iyon, kapag ang isang tao ay lumalapit sa isang bunton ng dalawampung takal, magkakaroon ng sampu lamang; kapag ang isa ay lumalapit sa pigaan ng alak upang kumuha ng limampung sukat, may dalawampu lamang.
17 Sinalot ko kayo ng pagkalanta at ng amag at ng yelo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
18 Isaalang-alang mula sa araw na ito, mula sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula nang araw na ilagay ang saligan ng templo ng Panginoon isaalang-alang ninyo.
19 Ang binhi ba'y nasa kamalig pa? O kahit ang puno ng ubas, ang puno ng igos, ang granada, at ang puno ng olibo ay wala pa ring bunga? Gayunman, mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.”
Ang Pangako ng Panginoon
20 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa ikalawang pagkakataon kay Hagai nang ikadalawampu't apat na araw ng buwan, na sinasabi,
21 “Magsalita ka kay Zerubabel na gobernador ng Juda, at iyong sabihin, Aking uugain ang mga langit at ang lupa;
22 at aking ibabagsak ang trono ng mga kaharian, at aking sisirain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at ibubuwal ang mga karwahe at ang mga sumasakay sa mga iyon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga iyon ay mahuhulog, ang bawat isa sa pamamagitan ng tabak ng kanyang kasama.
23 Sa araw na iyon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kukunin kita, O Zerubabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang gaya ng singsing na pantatak; sapagkat pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”
Nanawagan ang Panginoon sa Kanyang Bayan
1 Nang(S) ikawalong buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berequias, na anak ni Iddo, ang propeta, na sinasabi,
2 “Ang Panginoon ay galit na galit sa inyong mga ninuno.
3 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 Huwag kayong maging gaya ng inyong mga ninuno, na sa kanila'y sinabi ng mga unang propeta, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo mula sa inyong masasamang lakad, at sa inyong masasamang gawa.’ Ngunit hindi nila ako pinakinggan o pinansin man, sabi ng Panginoon.
5 Ang inyong mga ninuno, nasaan sila? At ang mga propeta, nabubuhay ba sila magpakailanman?
6 Ngunit ang aking mga salita at mga tuntunin na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi ba inabutan ng mga ito ang inyong mga ninuno? Kaya't sila'y nagsisi at nagsabi, ‘Kung paano ang inisip na gawin sa amin ng Panginoon ng mga hukbo, ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.’”
Ang mga Kabayo sa Pangitain ni Zacarias
7 Nang ikadalawampu't apat na araw nang ikalabing-isang buwan, na buwan ng Sebat, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berequias, na anak ni Iddo, na propeta, na sinasabi:
8 “Nakita(T) ko noong gabi at narito, isang lalaking nakasakay sa isang pulang kabayo! Siya'y nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto na nasa lambak. Sa likuran niya'y may mga kabayong pula, hubero at puti.
9 Nang magkagayo'y aking sinabi, ‘O panginoon ko, ano ang mga ito?’ At ang anghel na nakipag-usap sa akin ay nagsabi sa akin, ‘Aking ipapakita sa iyo kung anu-ano ang mga ito.’
10 Ang lalaking nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto ay sumagot, ‘Ang mga iyon ang mga sinugo ng Panginoon upang manmanan ang lupa.’
11 Sila'y sumagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto, ‘Nalibot na namin ang lupa, at narito, ang buong lupa ay mapayapa at tahimik.’
12 Nang magkagayo'y sinabi ng anghel ng Panginoon, ‘O Panginoon ng mga hukbo, hanggang kailan ka mawawalan ng habag sa Jerusalem at sa mga lunsod ng Juda, na sa kanila'y nagalit ka nitong pitumpung taon?’
13 Ang Panginoon ay sumagot ng malumanay at nakaaaliw na mga salita sa anghel na nakipag-usap sa akin.
14 Kaya't sinabi sa akin ng anghel na nakipag-usap sa akin, ‘Sumigaw ka, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ako'y lubos na naninibugho para sa Jerusalem at sa Zion.
15 Ako'y galit na galit sa mga bansang tiwasay, sapagkat habang kakaunti pa ang aking galit, kanilang ipinagpatuloy ang pagwasak.
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y bumalik sa Jerusalem na may pagkahabag. Ang aking bahay ay matatayo roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang pising panukat ay iuunat sa ibabaw ng Jerusalem.
17 Muli kang sumigaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: ‘Ang aking mga lunsod ay muling aapawan ng kasaganaan, at muling aaliwin ng Panginoon ang Zion, at muling pipiliin ang Jerusalem.’”
Ang Pangitain tungkol sa mga Sungay at mga Panday
18 Aking itinaas ang aking paningin at aking nakita, at narito, apat na sungay!
19 Aking sinabi sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito?” At siya'y sumagot sa akin, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel, at sa Jerusalem.”
20 Ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday.
21 Nang magkagayo'y sinabi ko, “Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito?” Siya'y sumagot, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, na walang lalaki na nagtaas ng kanyang ulo at ang mga ito'y dumating upang takutin sila, upang ibagsak ang mga sungay ng mga bansa na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang ito'y pangalatin.”
Ang Pangitain tungkol sa Pising Panukat
2 Tumingin ako sa itaas at nakita ko at narito, ang isang lalaki na may panukat na pisi sa kanyang kamay.
2 Nang magkagayo'y sinabi ko, “Saan ka pupunta?” Sinabi niya sa akin, “Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung ano ang luwang at haba nito.”
3 At narito, ang anghel na nakipag-usap sa akin ay umalis, at isa pang anghel ang dumating upang salubungin siya.
4 Sinabi sa kanya, “Tumakbo ka, sabihin mo sa binatang ito, ‘Ang Jerusalem ay titirhan na parang mga nayon na walang mga pader, dahil sa dami ng mga tao at hayop doon.
5 Sapagkat ako ay magiging sa kanya'y isang pader na apoy sa palibot, sabi ng Panginoon, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.’”
Ang mga Bihag ay Tinawagan upang Umuwi na
6 “Hoy! Hoy! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga, sapagkat ikinalat ko kayo na gaya ng apat na hangin ng kalangitan,” sabi ng Panginoon.
7 Hoy! Tumakas ka na Zion, ikaw na naninirahang kasama ng anak na babae ng Babilonia.
8 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, pagkatapos na suguin ako ng kanyang kaluwalhatian sa mga bansa na nanamsam sa inyo: Tunay na ang sumaling sa inyo ay sumasaling sa itim ng kanyang mata.
9 “Sapagkat narito, iwawagayway ko ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam sa mga naglilingkod sa kanila. Inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.
10 Umawit ka at magalak, O anak na babae ng Zion, sapagkat narito, ako'y dumarating at ako'y maninirahan sa gitna mo,” sabi ng Panginoon.
11 Maraming bansa ang sasama sa Panginoon sa araw na iyon, at magiging aking bayan; ako'y maninirahan sa gitna mo at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang siyang nagsugo sa akin sa iyo.
12 Mamanahin ng Panginoon ang Juda bilang bahagi niya sa banal na lupain at muling pipiliin ang Jerusalem.
13 Tumahimik kayong lahat ng tao sa harapan ng Panginoon, sapagkat siya'y bumangon na mula sa kanyang banal na tahanan.
Ang Pangitain tungkol sa Pinakapunong Pari
3 Pagkatapos,(U) ipinakita niya sa akin si Josue na pinakapunong pari na nakatayo sa harapan ng anghel ng Panginoon, at si Satanas[c] na nakatayo sa kanyang kanan upang paratangan siya.
2 Sinabi(V) ng Panginoon kay Satanas, “Sawayin ka nawa ng Panginoon, O Satanas! Ang Panginoon na pumili sa Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo! Di ba ito'y isang gatong na inagaw sa apoy?”
3 Si Josue nga na nakasuot ng maruming damit ay nakatayo sa harapan ng anghel.
4 Sinabi ng anghel sa mga nakatayo sa harapan niya, “Hubarin ninyo ang kanyang maruming kasuotan.” Sinabi ng anghel kay Josue, “Tingnan mo, aking inalis ang iyong kasamaan, at dadamitan kita ng magarang kasuotan.”
5 Aking sinabi, “Hayaang kanilang lagyan siya ng isang malinis na turbante sa kanyang ulo.” Kaya't nilagyan siya ng malinis na turbante sa kanyang ulo at dinamitan siya at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa tabi.
6 Tinagubilinan ng anghel ng Panginoon si Josue,
7 “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at kung iyong susundin ang aking bilin, ikaw ang mamumuno sa aking bahay at mangangasiwa sa aking mga bulwagan. Bibigyan kita ng karapatang makalapit sa mga nakatayo rito.
8 Pakinggan(W) mo ngayon, O Josue na pinakapunong pari, ikaw at ang iyong mga kaibigan na nakaupo sa harapan mo, sapagkat sila'y mga palatandaan ng mga bagay na mangyayari. Ilalabas ko ang aking lingkod na Sanga.
9 Sapagkat, narito, ang bato na aking inilagay sa harapan ni Josue, sa ibabaw ng isang bato na may pitong mata, narito, ako'y mag-uukit ng titik nito,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo, “at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing iyon sa loob ng isang araw.
10 Sa(X) araw na iyon,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo, “aanyayahan ng bawat isa sa inyo ang kanyang kapwa sa lilim ng puno ng ubas at ng puno ng igos.”
Ang Pangitain tungkol sa Kandelero
4 Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay bumalik at ginising ako, na gaya ng taong ginigising sa pagkakatulog.
2 Sinabi niya sa akin, “Ano ang iyong nakikita?” Aking sinabi, “Ako'y tumingin, at nakita ko, at narito, ang isang ilawan na purong ginto na may mangkok sa ibabaw niyon; may pitong ilawan sa ibabaw niyon, at may pitong tubo sa bawat isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyon.
3 May(Y) dalawang puno ng olibo sa tabi niyon, isa sa dakong kanan ng mangkok, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyon.”
4 Sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito, panginoon ko?”
5 Nang magkagayo'y sinagot ako ng anghel na nakipag-usap sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.”
Ang Pangako ng Diyos kay Zerubabel
6 Sinabi(Z) niya sa akin, “Ito ang salita ng Panginoon kay Zerubabel, na sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Ano ka, O malaking bundok? Sa harapan ni Zerubabel ay magiging kapatagan ka; at kanyang ilalagay ang pangunahing bato na may pagsisigawan ng, ‘Biyaya, biyaya sa kanya.’”
8 Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon na sinasabi:
9 “Ang mga kamay ni Zerubabel ay siyang naglagay ng pundasyon ng bahay na ito; ang kanyang mga kamay ay siya ring tatapos nito. At malalaman mo na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.
10 Sapagkat(AA) sinong humamak sa araw ng maliliit na bagay? Sapagkat sila'y magagalak, at makikita nila ang batong pabigat sa kamay ni Zerubabel. “Ang pitong ito'y mga mata ng Panginoon na nagpaparoo't parito sa buong lupa.”
11 At(AB) sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan at kaliwa ng ilawan?”
12 Sa ikalawang pagkakataon ay sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang sangang olibo na nasa tabi ng dalawang gintong tubo na dinadaluyan ng langis?”
13 Sinabi niya sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.”
14 Nang magkagayo'y sinabi niya, “Ito ang dalawang binuhusan ng langis na nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa.”
Ang Pangitain ng Lumilipad na Balumbon
5 Muli kong itinaas ang aking mga paningin at aking nakita, at narito, isang lumilipad na balumbon!
2 Sinabi niya sa akin, “Ano ang iyong nakikita?” Ako'y sumagot, “Nakikita ko ang isang lumilipad na balumbon. Ang haba nito ay dalawampung siko at ang luwang nito ay sampung siko.”
3 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, “Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain; tiyak na ang bawat nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawat manunumpa na may kasinungalingan ay mahihiwalay sa kabilang dako, ayon doon.
4 Aking isusugo iyon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ito'y papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay ng nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko. Ito'y titira sa gitna ng kanyang bahay at uubusin ito, ang mga kahoy at mga bato.”
5 Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay lumapit at sinabi sa akin, “Itaas mo ang iyong paningin, at tingnan mo kung ano itong dumarating.”
6 Aking sinabi, “Ano iyon?” Kanya namang sinabi, “Ito ang efa na dumarating.” At kanyang sinabi, “Ito ang kanilang anyo sa buong lupain.”
7 At narito, ang tinggang panakip ay itinaas at may isang babaing nakaupo sa gitna ng efa!
8 Kanyang sinabi, “Ito ang Kasamaan.” Kanyang itinulak itong pabalik sa gitna ng efa, at ipinatong ang pabigat na tingga sa bunganga niyon.
9 Itinaas ko ang aking paningin, aking nakita, at lumalapit ang dalawang babae! Ang hangin ay nasa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at langit.
10 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Saan nila dadalhin ang efa?”
11 Sinabi niya sa akin, “Sa lupain ng Sinar upang ipagtayo ito ng bahay doon; at kapag ito'y naihanda na, ilalagay ito doon sa patungan nito.”
Ang Pangitain tungkol sa Apat na Karwahe
6 Muli kong itinaas ang aking paningin at aking nakita, at narito, lumabas ang apat na karwahe mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.
2 Ang(AC) unang karwahe ay may mga kabayong pula; ang ikalawa ay mga kabayong itim,
3 ang(AD) ikatlo ay may mga kabayong puti; ang ikaapat na karwahe ay mga kabayong kulay abo.
4 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito, panginoon ko?”
5 Ang(AE) anghel ay sumagot sa akin, “Ang mga ito ay apat na espiritu ng kalangitan na pumaparoo't parito mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
6 Ang karwahe na may mga kabayong itim ay patungo sa hilagang lupain, ang mga mapuputi ay sumunod sa kanila, ang mga kulay abo ay patungo sa timugang lupain.”
7 Nang ang mga malalakas ay lumabas, sila ay nagpipilit na humayo upang libutin ang lupa. Kanyang sinabi, “Sulong, magmanman kayo sa buong lupa.” Kaya't sila'y nagmanman sa buong lupa.
8 Siya'y sumigaw sa akin, at nagsalita sa akin na sinasabi: “Narito, silang nagtungo sa hilagang lupain ang nagpatahimik sa aking espiritu sa hilagang lupain.”
Ang Utos na Putungan si Josue
9 Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi:
10 “Kumuha ka mula sa mga bihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedias, na dumating sa pagkabihag mula sa Babilonia. Sa araw ding iyon ay pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias.
11 Kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong korona at iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadak, na pinakapunong pari.
12 Sabihin(AF) mo sa kanya, ‘Ganito ang sinabi ng Panginoon ng mga hukbo, “Narito ang lalaking ang pangala'y Sanga: sapagkat siya'y magsasanga sa kanyang dako at itatayo niya ang templo ng Panginoon.
13 Siya ang magtatayo ng templo ng Panginoon at siya'y magtataglay ng karangalan, at siya'y uupo at mamumuno sa kanyang trono. At siya'y magiging pari sa kanyang trono at ang payo ng kapayapaan ay nasa pagitan nila.”’
14 Ang korona ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kina Helem, Tobias, Jedias, at Hen na anak ni Sefanias.
15 “Silang nasa malayo ay paparito at magtatayo ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang siyang nagsugo sa akin sa inyo. Ito'y mangyayari kung inyong masikap na susundin ang tinig ng Panginoon ninyong Diyos.”
Sinumbatan ng Panginoon ang Pakunwaring Pag-aayuno
7 Nang ikaapat na taon ni Haring Dario, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias, nang ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan ng Chislev.
2 Noon ay sinugo ng mga taga-Bethel sina Sharezer at Regemelec at ang kanilang mga kalalakihan, upang hilingin ang lingap ng Panginoon,
3 upang magsalita sa mga pari ng bahay ng Panginoon ng mga hukbo at ang mga propeta, na sinasabi, “Iiyak ba ako at mag-aayuno sa ikalimang buwan, gaya ng aking ginawa nitong maraming taon?”
4 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin, na sinasabi,
5 “Sabihin mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga pari: Nang kayo'y mag-ayuno at tumangis nang ikalima at ikapitong buwan, nitong pitumpung taon, kayo ba'y nag-ayuno para sa akin?
6 Kapag kayo'y kumakain at umiinom, di ba kayo'y kumakain para sa inyong sarili at umiinom para sa inyong sarili?
7 Hindi ba ito ang mga salitang ipinahayag ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta nang ang Jerusalem ay tinitirhan at nasa kaginhawahan, kasama ang mga bayang nasa palibot nito, at maging noong ang Negeb at Shefela ay tinitirahan?”
8 Ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi,
9 “Ganito ang sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo, Magbigay kayo ng tunay na hatol, magpakita ng kaawaan at kahabagan ang bawat isa sa kanyang kapatid.
10 Huwag ninyong apihin ang balo, ni ang ulila man, ang dayuhan, ni ang dukha man; at sinuman sa inyo ay huwag mag-isip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kanyang kapatid.”
11 Ngunit sila'y tumangging makinig, itinigas ang balikat, at tinakpan ang kanilang tainga upang huwag silang makarinig.
12 Pinatigas nila ang kanilang puso upang huwag nilang marinig ang kautusan at ang mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kanyang espiritu sa mga unang propeta. Kaya't dumating ang malaking poot mula sa Panginoon ng mga hukbo.
13 “At nangyari, na kung paanong siya'y tumawag at hindi sila nakinig, kaya't nang sila'y tumawag, hindi ako nakinig,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
14 “at ikinalat ko sila sa pamamagitan ng ipu-ipo sa lahat ng bansa na hindi nila kilala. Kaya't ang lupain na kanilang iniwan ay napabayaan, kaya't walang tao na nagpaparoo't parito, at ang magandang lupain ay napabayaan.”
Nangako ang Panginoon na Ibabalik ang Jerusalem
8 Ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na sinasabi:
2 “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ako'y labis na naninibugho sa Zion at ako'y may paninibugho sa kanya na may malaking poot.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon: Ako'y babalik sa Zion, at maninirahan sa gitna ng Jerusalem; ang Jerusalem ay tatawaging tapat na lunsod, at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, ang banal na bundok.
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Muling titirhan ng matatandang lalaki at matatandang babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawat isa'y may hawak na tungkod sa kanyang kamay dahil sa katandaan.
5 Ang mga lansangan ng lunsod ay mapupuno ng mga batang lalaki at babae na naglalaro sa mga lansangan nito.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Kung ito ay kagila-gilalas sa paningin ng mga nalabi sa bayang ito sa mga araw na ito, dapat din ba itong maging kagila-gilalas sa aking paningin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Narito, aking ililigtas ang aking bayan mula sa lupaing silangan at mula sa lupaing kanluran;
8 at dadalhin ko sila upang manirahan sa gitna ng Jerusalem; at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Diyos, sa katapatan at katuwiran.”
9 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: “Palakasin mo ang inyong mga kamay, kayong nakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng mga propeta, mula nang araw na ilagay ang pundasyon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, upang maitayo ang templo.
10 Sapagkat bago dumating ang mga araw na iyon ay walang upa para sa tao, ni anumang upa para sa hayop; at wala ring anumang kapayapaan mula sa kaaway para sa lumalabas o pumapasok, sapagkat aking inilagay ang bawat tao laban sa kanyang kapwa.
11 Ngunit ngayo'y hindi ko papakitunguhan ang nalabi sa bayang ito tulad noong mga nakaraang araw,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
12 Sapagkat magkakaroon ng paghahasik ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y magbibigay ng pakinabang, at ang langit ay magbibigay ng kanyang hamog; at aking ipaaangkin sa nalabi sa bayang ito ang lahat ng bagay na ito.
13 Kung paanong kayo'y naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, O sambahayan ni Juda at Israel, gayon ko kayo ililigtas at kayo'y magiging isang pagpapala. Huwag kayong matatakot kundi palakasin ninyo ang inyong mga kamay.”
14 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: “Kung paanong ipinasiya kong gawan kayo ng masama, nang galitin ako ng inyong mga ninuno, at hindi ako nahabag, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
15 ay muli kong ipinapasiya sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sambahayan ni Juda; huwag kayong matakot.
16 Ito(AG) ang mga bagay na inyong gagawin: Magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa inyo sa kanyang kapwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuan.
17 Huwag kayong magpanukala ng masama sa inyong puso laban sa isa't isa, at huwag ninyong ibigin ang kasinungalingang sumpa, sapagkat ang lahat ng mga ito ay aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.”
18 Ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na sinasabi,
19 “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ang mga ayuno sa ikaapat, ikalima, ikapito, at sa ikasampung buwan ay magiging kagalakan, kaligayahan, at masasayang kapistahan sa sambahayan ni Juda; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at ang kapayapaan.
20 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Darating pa ang mga bayan, maging ang mga naninirahan sa maraming lunsod;
21 ang mga naninirahan sa isang lunsod ay lalapit sa isa, na magsasabi, ‘Pumunta tayo agad upang ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay pupunta.’
22 Maraming bayan at malalakas na bansa ang darating upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.
23 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Sa mga araw na iyon, sampung lalaki mula sa mga bansa ng bawat wika ang hahawak sa laylayan ng isang Judio, na nagsasabi, ‘Pasamahin ninyo kami, sapagkat aming narinig na ang Diyos ay kasama ninyo.’”
Ang Hatol sa mga Kalapit na Bansa
9 Ang(AH) (AI) salita ng Panginoon ay laban sa lupain ng Hadrac,
at Damasco ang pahingahang dako nito.
Sapagkat ang mata ng tao,
pati ang lahat ng lipi ng Israel ay nasa Panginoon,
2 gayundin ang Hamat, na hangganan nito;
sa Tiro at Sidon, bagaman sila'y napakarunong.
3 Ang Tiro ay nagtayo ng kanyang muog,
at nagbunton ng pilak na parang alabok,
at ng ginto na parang putik ng lansangan.
4 Narito, ngunit aalisan siya ng Panginoon ng kanyang mga yaman,
at ihahagis ang kanyang kayamanan sa dagat,
at siya'y lalamunin ng apoy.
5 Makikita(AJ) ito ng Ascalon, at matatakot;
gayundin ng Gaza, at mamimilipit sa hinagpis,
gayundin ang Ekron, sapagkat ang kanyang pag-asa ay malalanta.
Ang hari ay mamamatay sa Gaza,
at ang Ascalon ay hindi tatahanan.
6 Isang anak sa labas ang maninirahan sa Asdod,
at aking tatapusin ang kapalaluan ng mga Filisteo.
7 Aalisin ko ang kanyang dugo sa kanyang bibig,
at ang mga kasuklamsuklam nito sa pagitan ng kanyang mga ngipin;
iyon man ay magiging nalabi para sa ating Diyos;
ito'y magiging gaya ng isang angkan sa Juda,
ang Ekron ay magiging gaya ng Jebuseo.
8 At ako'y magkakampo sa aking bahay dahil sa hukbo,
dahil sa kanya na dumadaan, at dahil sa kanya na bumabalik;
at wala nang manlulupig na daraan pa sa kanila,
sapagkat ngayo'y nakita ko ng aking sariling mga mata.
Ang Hari sa Hinaharap
9 Magalak(AK) ka nang husto, O anak na babae ng Zion!
Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Jerusalem!
Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo;
siya'y matuwid at matagumpay,
mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno,
sa isang batang asno na anak ng asnong babae.
10 Aking(AL) aalisin ang karwahe mula sa Efraim,
at ang kabayo mula sa Jerusalem;
at ang mga busog na pandigma ay mapuputol;
at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa;
ang kanyang nasasakupan ay magiging mula sa kabilang dagat hanggang sa dagat,
at mula sa ilog hanggang sa mga dulo ng lupa.
11 Tungkol(AM) naman sa iyo, dahil sa dugo ng aking tipan sa iyo
ay aking palalayain ang iyong mga bilanggo mula sa hukay na walang tubig.
12 Bumalik kayo sa inyong muog, kayong mga bilanggo na may pag-asa,
ngayo'y ipinahahayag ko na aking ibabalik sa inyo nang makalawa.
13 Sapagkat aking binaluktot ang Juda bilang aking busog,
ginawa ko ang Efraim na aking palaso.
Gigisingin ko ang iyong mga anak, O Zion,
laban sa iyong mga anak, O Grecia,
at gagawin kitang parang tabak ng mandirigma.
14 At ang Panginoon ay makikita sa itaas nila;
at lalabas ang kanyang pana na parang kidlat;
patutunugin ng Panginoong Diyos ang trumpeta,
at hahayo na kasama ang ipu-ipo ng timog.
15 Iingatan sila ng Panginoon ng mga hukbo;
at kanilang lalamunin at tatapakan ang mga batong pantirador;
at kanilang iinumin ang kanilang dugo na gaya ng alak;
at sila'y mapupunong parang mga mangkok,
na basang-basa na gaya ng mga sulok ng dambana.
16 Ililigtas sila ng Panginoon nilang Diyos sa araw na iyon
sapagkat sila ang kawan ng kanyang bayan;
sapagkat gaya ng mga bato ng isang korona
ay magniningning sila sa kanyang lupain.
17 Sapagkat napakalaki ng kanyang kabutihan, at napakalaki ng kanyang kagandahan!
Pagiginhawahin ng trigo ang mga binata,
at ng bagong alak ang mga dalaga.
Ang Pagbabalik ng Juda at Israel
10 Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan
sa kapanahunan ng ulan sa tagsibol,
mula sa Panginoon na gumagawa ng ulap na may dalang unos,
at kanyang bibigyan sila ng ulan,
sa bawat isa'y ng damo sa parang.
2 Sapagkat(AN) ang mga diyus-diyosan ng sambahayan ay nagsalita ng walang kabuluhan,
at ang mga manghuhula ay nakakakita ng kabulaanan;
at sila'y nagpapahayag ng huwad na panaginip,
at nagbibigay ng walang kabuluhang kaaliwan.
Kaya't ang mga tao ay gumagala na gaya ng mga tupa,
sila'y nagdadalamhati, sapagkat walang pastol.
3 “Ang aking galit ay mainit laban sa mga pastol,
at aking parurusahan ang mga lalaking kambing;
sapagkat dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kanyang kawan, ang sambahayan ni Juda,
at kanyang gagawin silang parang kanyang magilas na kabayo sa pakikipaglaban.
4 Mula sa kanila ay lalabas ang batong panulok,
mula sa kanila ay ang tulos ng tolda,
mula sa kanila ay ang busog ng pakikipaglaban,
mula sa kanila ay ang bawat pinuno na magkakasama.
5 At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalaki,
na tinatapakan ang kaaway sa putik ng lansangan sa labanan,
at sila'y lalaban, sapagkat ang Panginoon ay kasama nila,
at kanilang hihiyain ang mga mangangabayo.
6 “Aking palalakasin ang sambahayan ni Juda,
at aking ililigtas ang sambahayan ni Jose,
ibabalik ko sila sapagkat ako'y naawa sa kanila;
at sila'y magiging parang hindi ko itinakuwil:
sapagkat ako ang Panginoon nilang Diyos
at sila'y aking diringgin.
7 Ang Efraim ay magiging gaya ng mga makapangyarihang lalaki,
at ang kanilang puso ay magagalak na gaya ng may alak.
Ito'y makikita ng kanilang mga anak at magagalak,
ang kanilang puso ay magagalak sa Panginoon.
8 “Huhudyatan ko sila at sila'y titipunin,
sapagkat tinubos ko sila;
at sila'y dadami na gaya nang una.
9 Bagaman pinangalat ko sila sa gitna ng mga bansa;
gayunma'y aalalahanin nila ako kahit sa malalayong lupain;
at sila'y mabubuhay kasama ng kanilang mga anak at magbabalik.
10 Ibabalik ko silang pauwi mula sa lupain ng Ehipto,
at titipunin ko sila mula sa Asiria;
at dadalhin ko sila sa lupain ng Gilead at Lebanon,
hanggang wala nang silid para sa kanila.
11 Sila'y[d] tatawid sa dagat ng kaguluhan,
at ang mga alon ng dagat ay hahampasin,
at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo.
Ang pagmamataas ng Asiria ay ibababa,
at ang setro ng Ehipto ay mawawala.
12 Palalakasin ko sila sa Panginoon;
at sila'y lalakad sa kanyang pangalan,” sabi ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001