Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 3-4

Ang tukso at ang pagsuway ni Adam at ni Eva.

(A)Ang ahas nga ay lalong (B)tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?

At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:

(C)Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay.

At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:

Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.

At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay (D)pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain.

(E)At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.

At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.

At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon?

10 At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago.

11 At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin?

12 At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.

13 At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.

14 At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, (F)at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:

15 At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang (G)iyong binhi at ang kaniyang binhi: (H)ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.

16 Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, (I)at siya'y papapanginoon sa iyo.

17 At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na (J)sinabi, Huwag kang kakain niyaon; (K)sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa (L)pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;

18 Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;

19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: (M)sapagka't ikaw ay alabok (N)at sa alabok ka uuwi.

20 At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.

21 At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan.

Pinalayas sila sa Eden.

22 At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay (O)at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:

23 Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.

24 Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga (P)Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.

Si Cain at si Abel.

At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon.

At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel. At si Abel ay tagapagalaga ng mga tupa; datapuwa't si Cain ay mangbubukid ng lupa.

At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga (Q)bunga ng lupa sa Panginoon.

At nagdala rin naman si Abel ng mga (R)panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. (S)At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog:

Datapuwa't hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog. At naginit na mainam si Cain, at namanglaw ang kaniyang mukha.

At sinabi ng Panginoon kay Cain, Bakit ka naginit? at bakit namanglaw ang iyong mukha?

Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan: at (T)sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasá, at ikaw ang papanginoonin niya.

Pagpatay kay Abel.

At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, (U)at siya'y kaniyang pinatay.

At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, (V)Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?

10 At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay (W)dumadaing sa akin mula sa lupa.

11 At ngayo'y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid;

12 Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa.

13 At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.

14 (X)Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, (Y)at sa iyong harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampas-lupa; at mangyayari, na (Z)sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako.

15 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dahil dito'y sinomang pumatay kay Cain ay (AA)makapitong gagantihan. At nilagyan ng Panginoon ng isang (AB)tanda si Cain, baka siya'y sugatan ng sinomang makakasumpong sa kaniya.

16 At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod, sa silanganan ng Eden.

17 At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Enoc: at siya'y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng kaniyang anak, Enoc.

18 At naging anak ni Enoc si Irad; at naging anak ni Irad si Mehujael; at naging anak ni Mehujael si Metusael; at naging anak ni Metusael si Lamec.

19 At si Lamec ay nagasawa ng dalawa; ang pangalan ng isa'y Ada, at ang pangalan ng ikalawa ay Zilla.

20 At naging anak ni Ada si Jabal: na siyang naging magulang ng nangagsisitahan sa mga tolda at may mga hayop.

21 At ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Jubal: na siyang naging magulang ng lahat na tumutugtog ng alpa at ng flauta.

22 At tungkol kay Zilla, ay ipinanganak naman niya si Tubal-Cain na mamamanday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal: at ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama.

23 At sinabi ni Lamec sa kaniyang mga asawa:

Ada at Zilla pakinggan ninyo ang aking tinig:
Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig ng aking salaysay:
Sapagka't pumatay ako ng isang tao, dahil sa ako'y sinugatan,
At ng isang binata, dahil sa ako'y hinampas.

24 Kung (AC)makapitong gagantihan si Cain, tunay na si Lamec ay makapitong pung pito.

Panganganak kay Set.

25 At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa; at nanganak ng isang lalake, (AD)at tinawag ang kaniyang pangalan na Set;[a] sapagka't aniya'y binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel; sapagka't siya'y pinatay ni Cain.

26 At (AE)nagkaanak naman si Set ng isang lalake; at tinawag ang kaniyang pangalan na Enos. (AF)Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon.

Mateo 2:13-3:6

13 Nang mangakaalis nga sila, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain.

14 At siya'y nagbangon at dinala ang sanggol at ang ina nito sa kinagabihan, at napasa Egipto;

15 At dumoon hanggang sa pagkamatay ni Herodes: upang maganap ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, (A)Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak.

16 Nang magkagayon, nang mapansin ni Herodes na siya'y pinaglaruan ng mga Pantas na lalake, ay nagalit na mainam, at nagutos, at ipinapatay ang lahat ng mga sanggol na lalake na nangasa Bet-lehem, at sa buong palibotlibot noon, mula sa gulang na dalawang taon hanggang sa pababa, alinsunod sa panahon ng kaniyang maingat na pagkasiyasat sa mga Pantas na lalake.

17 Nang magkagayo'y naganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, (B)na nagsasabi,

18 Isang tinig ay narinig (C)sa Rama,

Pananangis at kalagimlagim na iyak,
Tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak;
At ayaw na siyang maaliw, sapagka't sila'y wala na.

19 Nguni't pagkamatay ni Herodes, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita (D)sa panaginip kay Jose sa Egipto, na nagsasabi,

20 Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo ka sa lupain ng Israel: sapagkat nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng sanggol.

21 At nagbangon siya at dinala ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo sa lupa ng Israel.

22 Datapuwa't nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng kaniyang amang si Herodes, ay natakot siyang pumatungo roon; at palibhasa'y pinagsabihan ng Dios sa panaginip, ay napatungo siya sa mga sakop ng (E)Galilea,

23 At siya'y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na (F)Nazaret; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta, na siya'y tatawaging Nazareno.

At nang mga araw na yaon ay dumating si (G)Juan Bautista, na nangangaral (H)sa ilang ng Judea, na nagsasabi,

Mangagsisi kayo; sapagka't (I)malapit na ang kaharian ng langit.

Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,

Ang (J)tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

Si Juan nga ay nananamit (K)ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga (L)balang (M)at pulot-pukyutan.

Nang magkagayo'y nilabas siya ng Jerusalem, at ng buong Judea, at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan;

At sila'y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.

Mga Awit 2

Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.

Bakit ang mga bansa ay (A)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (B)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
(C)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
Siyang nauupo sa kalangitan ay (D)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (E)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (F)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
(G)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (H)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (I)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (J)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(K)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Mga Kawikaan 1:7-9

(A)Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman:
Nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama,
At huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo,
At mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978