The Daily Audio Bible
Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.
Pumatay ng taga Egipto at lumayas.
11 At nangyari nang mga araw na yaon, ng malaki na si Moises, na kaniyang (A)nilabas ang kaniyang mga kapatid, at minasdan ang atang sa kanila: at kaniyang (B)nakita ang isang Egipcio, na nananakit ng isang Hebreo, na isa sa kaniyang mga kapatid.
12 At siya'y nagmasid sa magkabikabilang dako, at nang siya'y walang makitang tao, ay kaniyang pinatay ang Egipcio at kaniyang tinabunan sa buhanginan.
13 (C)At siya'y lumabas ng ikalawang araw, at, narito, na may dalawang lalaking Hebreo, na nagbababag: at kaniyang sinabi roon sa umaapi, Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?
14 At sinabi niya, Sinong naglagay sa iyong pangulo at hukom sa amin? Iniisip mo bang patayin ako, na gaya ng pagpatay mo sa Egipcio? At natakot si Moises, at nagsabi, Tunay na ang bagay na yaon ay nahayag.
15 Nang mabalitaan nga ni Faraon ang bagay na ito, ay minithi niyang patayin si Moises. Datapuwa't si Moises ay tumakas sa harapan ni Faraon, at tumahan sa lupain ng Madian: (D)at siya'y umupo sa tabi ng isang balon.
16 (E)Ang saserdote[a] nga sa Madian ay may pitong anak na babae: at sila'y naparoon at umigib ng tubig, at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.
17 At ang mga pastor ay dumating, at sila'y pinalayas: datapuwa't si Moises ay tumayo, at sila'y tinulungan, (F)at pinainom ang kanilang kawan.
18 At nang sila'y dumating kay Raquel[b] na kanilang ama, ay sinabi niya, Bakit kayo tumindig na madali ngayon?
19 At kanilang sinabi, Ipinagsanggalang kami ng isang Egipcio sa kamay ng mga pastor, at saka iniigib pa niya kami ng tubig, at pinainom ang kawan.
20 At kaniyang sinabi sa mga anak niya, At saan naroon siya? bakit ninyo iniwan ang lalaking yaon? tawagin ninyo siya (G)upang makakain ng tinapay.
21 At si Moises ay natuwa na makisuno sa lalaking yaon: at kaniyang pinapag-asawa kay Moises si (H)Zephora na kaniyang anak.
22 At nanganak ng isang lalake, at kaniyang pinanganlan ng (I)Gersom; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.
23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing (J)at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.
24 At dininig ng Dios ang kanilang hibik, at (K)naalaala ng Dios ang kaniyang (L)tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob,
25 At nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel, at sila'y kinilala ng Dios.
Ang nagniningas na puno.
3 Inalagaan nga ni Moises ang kawan ni Jethro na kaniyang biyanan, na saserdote sa Madian: at kaniyang pinatnubayan ang kawan sa likuran ng ilang, at napasa (M)bundok ng Dios, sa Horeb.
2 (N)At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya, sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya'y nagmasid, at, narito, ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok.
3 At sinabi ni Moises, Ako'y liliko ngayon, at titingnan ko itong dakilang panoorin, kung bakit ang kahoy ay hindi natutupok.
4 At nang makita ng Panginoon na panonoorin niya, ay tinawag siya ng Dios mula sa gitna ng mababang punong kahoy, at sinabi, Moises, Moises. At kaniyang sinabi, Narito ako.
5 At sinabi, Huwag kang lumapit dito, (O)hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa, sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa.
6 Bukod dito ay sinabi, (P)Ako ang Dios ng iyong ama ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob. At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha; (Q)sapagka't siya'y natakot na tumingin sa Dios.
Sinugo ng Dios si Moises upang iligtas ang Israel.
7 At sinabi ng Panginoon, (R)Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto, at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila; sapagka't talastas ko ang kanilang kapanglawan.
8 At ako'y bumaba upang (S)iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila'y isampa sa isang mabuting (T)lupain at malawak, mula sa lupaing yaon, sa isang lupaing (U)binubukalan ng gatas at pulot (V)sa dako ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo at ng Jebuseo.
9 (W)At ngayon narito, ang daing ng mga anak ni Israel ay umabot sa akin; saka aking nakita ang kapighatian na ipinipighati sa kanila ng mga Egipcio.
10 Halika nga ngayon, at ikaw ay aking susuguin kay Faraon, upang iyong ilabas sa Egipto ang aking bayan na mga anak ni Israel.
11 At sinabi ni Moises sa Dios, (X)Sino ako, upang pumaroon kay Faraon, at upang ilabas sa Egipto ang mga anak ni Israel?
12 At kaniyang sinabi, (Y)Tunay na ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na ikaw ay aking sinugo: pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay (Z)maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito.
13 At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, (AA)Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.
15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng (AB)Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: (AC)ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
16 Yumaon ka (AD)at tipunin mo ang mga matanda sa Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob; ay napakita sa akin, na nagsasabi, (AE)tunay na kayo'y aking dinalaw, at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto.
17 At aking sinabi, Aking aalisin kayo sa kapighatian sa Egipto at dadalhin ko kayo, sa lupain ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo, at ng Jebuseo, sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
18 (AF)At kanilang didinggin ang iyong tinig: (AG)at ikaw ay paroroon, ikaw at ang mga matanda sa Israel, sa hari sa Egipto, at inyong sasabihin sa kaniya, Ang Panginoon, ang Dios ng mga Hebreo, (AH)ay nakipagtagpo sa amin: at ngayo'y pahintulutan mo kami na maglakbay, na tatlong araw sa ilang, upang kami ay makapaghain sa Panginoon naming Dios.
19 At talastas ko, na hindi kayo pababayaang yumaon ng hari sa Egipto, kung hindi sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay.
20 (AI)At aking iuunat ang aking kamay, at sasaktan ko ang Egipto ng aking buong kababalaghan na aking gagawin sa gitna niyaon (AJ)at pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niya kayong yumaon.
21 (AK)At pagkakalooban ko ang bayang ito ng biyaya sa paningin ng mga Egipcio: ay mangyayari, na pagyaon ninyo, ay hindi kayo yayaong walang dala:
22 Kundi bawa't babae ay hihingi sa kaniyang kapuwa, at sa tumatahan sa kaniyang bahay, ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto at mga damit: at inyong ipagsusuot sa inyong mga anak na lalake at babae; at inyong sasamsaman ang mga Egipcio.
10 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, (A)Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at (B)isasauli ang lahat ng mga bagay:
12 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, (C)kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.
13 Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya.
14 At (D)pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,
15 Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y (E)himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.
16 At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling.
17 At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at (F)taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.
18 At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon.
19 Nang magkagayo'y nagsilapit na (G)bukod ang mga alagad kay Jesus, at nangagsabi, Bakit baga hindi namin napalabas yaon?
20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: (H)sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki (I)ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na (J)ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.[a] (K)(L)
22 At (M)samantalang sila'y nangakahimpil sa Galilea, ay sinabi sa kanila ni Jesus, (N)Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao;
23 At siya'y papatayin nila, at (O)sa ikatlong araw ay siya'y muling ibabangon. At sila'y lubhang nangamanglaw,
24 At (P)pagdating nila sa Capernaum, ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo, at nangagsabi, Hindi baga (Q)pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo?
25 Sinabi niya, Oo. At nang pumasok siya sa bahay, ay pinangunahan siya ni Jesus, na nagsasabi, Anong akala mo, Simon? ang mga hari sa lupa, kanino baga sila nanganiningil ng (R)kabayaran ng (S)buwis? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba?
26 At nang sabihin niya, Sa nangaiiba, ay sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung gayo'y hindi nangagbabayad ang mga anak.
27 Datapuwa't, baka katisuran tayo nila, ay pumaroon ka sa dagat, at ihulog mo ang kawil, at kunin mo ang unang isdang lumitaw; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig, ay masusumpungan mo ang isang siklo: kunin mo, at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo.
Iyak sa pagkahapis at Awit sa pagluwalhati. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Aijeleth-hash-Shahar. Awit ni David.
22 Dios ko, Dios ko, (A)bakit mo ako pinabayaan?
Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng (B)aking pagangal?
2 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot:
At sa gabi, at hindi ako tahimik.
3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga (C)pagpuri ng Israel.
4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo:
Sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas:
(D)Sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
6 Nguni't (E)ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at (F)hinamak ng bayan.
7 (G)Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako:
Inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,
8 (H)Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya:
Iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:
9 (I)Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata:
Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.
10 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata:
Ikaw ay aking Dios (J)mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.
11 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit;
Sapagka't walang tumulong.
12 (K)Niligid ako ng maraming toro;
Mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
13 (L)Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig,
Na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
14 Ako'y nabuhos na parang tubig, At lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad:
(M)Ang aking puso ay parang pagkit;
Natutunaw ito sa loob ko.
15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga;
(N)At ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala;
At dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.
16 Sapagka't niligid ako ng mga aso:
Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama;
(O)Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto;
Kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18 (P)Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila,
At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
7 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako,
At huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.
8 Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya,
At huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:
9 Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba,
At ang iyong mga taon sa mga mabagsik:
10 Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan;
At ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
11 At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas,
Pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
12 At iyong sabihin,
Bakit ko kinayamutan ang turo,
At (A)hinamak ng aking puso ang saway:
13 Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo,
O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
14 Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan
Sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978