Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 5-7

Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, (A)sa wangis ng Dios siya nilalang;

(B)Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.

At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na (C)Set:

At ang mga (D)naging araw ni Adam, pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at (E)siya'y namatay.

Mga inanak ni Set.

At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon (F)at naging anak niya si Enos.

At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:

At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay.

At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon, at naging anak si Cainan:

10 At nabuhay si Enos, pagkatapos na maipanganak si Cainan, ng walong daan at labing limang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:

11 At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon, at siya'y namatay.

12 At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon, at naging anak si Mahalaleel:

13 At nabuhay si Cainan, pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel, ng walong daan at apat na pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:

14 At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay.

15 At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu't limang taon, at naging anak si Jared:

16 At nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos na maipanganak si Jared, ng walong daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:

17 At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay.

18 At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu't dalawang taon, at naging anak si (G)Enoc:

19 At nabuhay si Jared, pagkatapos na maipanganak si Enoc, ng walong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:

20 At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu't dalawang taon: at namatay.

21 At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem:

22 (H)At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:

23 At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon:

24 At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya (I)nasumpungan, sapagkat kinuha ng Dios.

25 At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu't pitong taon; at naging anak si Lamec:

26 At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec, ng pitong daan at walong pu't dalawang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae;

27 At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.

28 At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon, at nagkaanak ng isang lalake:

29 At tinawag ang kaniyang pangalan na Noe, na sinabi, Ito nga ang aaliw sa atin tungkol sa ating gawa at sa pinagpagalan ng ating mga kamay, dahil sa lupang (J)sinumpa ng Panginoon.

30 At nabuhay si Lamec, pagkatapos na maipanganak si Noe, ng limang daan at siyam na pu't limang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:

31 At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu't pitong taon: at namatay.

32 At si Noe ay may limang daang taon: at naging anak ni Noe si Sem, si Cham, at si Japhet.

At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae,

Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y (K)nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.

At sinabi ng Panginoon, (L)Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, (M)sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.

Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.

At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, (N)at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.

(O)At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, (P)at nalumbay sa kaniyang puso.

At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.

Datapuwa't si Noe ay (Q)nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.

Si Noe at ang kaniyang mga anak.

Ito ang mga lahi ni (R)Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na (S)kasama ng Dios.

10 At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet.

11 At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.

12 (T)At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka't pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.

Si Noe ay pinagawa ng Daong.

13 At sinabi ng Dios kay Noe, (U)Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa.

14 Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.

15 At ganitong paraan gagawin mo: tatlong daang siko ang haba ng sasakyan, limang pung siko ang luwang, at tatlong pung siko ang taas.

16 Gagawa ka ng isang durungawan sa sasakyan; at wawakasan mo ng isang siko sa dakong itaas; at ang pintuan ng sasakyan ay ilalagay mo sa tagiliran; gagawin mong may lapag na lalong mababa, pangalawa at pangatlo.

17 (V)At ako, narito, ako'y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw ng lupa, upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng buhay; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay.

18 Datapuwa't pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; (W)at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.

19 At sa bawa't nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng (X)dalawa sa bawa't uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan.

20 Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa't nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa't uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay.

21 At magbaon ka ng lahat na pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila.

22 (Y)Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.

At sinabi ng Panginoon kay Noe, (Z)Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; (AA)sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito.

Sa bawa't malinis na (AB)hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae;

Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.

Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng (AC)apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.

(AD)At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon.

Pagsakay sa Daong.

At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.

At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.

Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa,

Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe.

Pagbuhos ng Baha.

10 At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.

11 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang (AE)lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga (AF)durungawan ng langit ay nabuksan.

12 At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi.

13 Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;

14 Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon.

15 (AG)At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay.

16 At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, (AH)gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon.

17 (AI)At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.

18 At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig.

19 At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.

20 Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.

21 (AJ)At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.

22 Ang bawa't may (AK)hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.

23 At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: (AL)at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan.

24 At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.

Mateo 3:7-4:11

Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at (A)Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, (B)sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi:

At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang aming ama; (C)sapagka't sinasabi ko sa inyo, na mangyayaring makapagpalitaw ang Dios ng mga anak ni Abraham sa mga batong ito.

10 At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at (D)inihahagis sa apoy.

11 Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig (E)sa pagsisisi: (F)datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: (G)siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at (H)apoy:

12 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, (I)datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay.

13 Nang magkagayo'y (J)naparoon si Jesus (K)mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya.

14 Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?

15 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya.

16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang (L)Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

17 (M)At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong (N)Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.

Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si (O)Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo.

At nang siya'y makapagayunong (P)apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.

At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.

Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, (Q)Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,

At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat,

(R)Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo:
at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, (S)Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.

Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;

At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.

10 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, (T)Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

11 Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga (U)anghel at siya'y pinaglingkuran.

Mga Awit 3

Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. (A)Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.

Panginoon, (B)ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
(C)Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
Nguni't ikaw, Oh Panginoon (D)ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at (E)siyang tagapagtaas ng aking ulo.
Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot (F)niya ako mula sa (G)kaniyang banal na bundok. (Selah)
Ako'y (H)nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
(I)Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
Pagliligtas ay ukol (J)sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)

Mga Kawikaan 1:10-19

10 Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan,
(A)Huwag mong tulutan.
11 Kung kanilang sabihin, Sumama ka sa amin,
Tayo'y (B)magsibakay sa pagbububo ng dugo,
Tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;
12 Sila'y (C)lamunin nating buháy na gaya ng Sheol.
At buo, (D)na gaya ng nagsibaba sa lungaw;
13 Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pagaari,
Ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;
14 Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin;
Magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
15 (E)Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila;
(F)Pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
16 (G)Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan,
At sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.
17 Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo,
Sa paningin ng alin mang ibon:
18 At (H)binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo,
Kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay.
19 (I)Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang;
Na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978