The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
5 At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan, at mga tolda.
6 At sila'y hindi makayanan (A)ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pagaari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama.
Paghiwalay kay Lot.
7 (B)At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot; (C)at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain.
8 At sinabi ni Abram kay Lot, Ipinamamanhik ko sa iyong (D)huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagka't tayo'y magkapatid.
9 (E)Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako.
10 At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong (F)kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa (G)Zoar, bago (H)giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng (I)halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.
11 Kaya't pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan; at si Lot ay naglakbay sa silanganan: at sila'y kapuwa naghiwalay.
12 Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma.
13 (J)Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon.
14 At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran:
15 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw (K)ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.
16 (L)At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi.
17 Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo.
18 At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon (M)at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na (N)nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.
Si Lot ay dinalang bihag.
14 At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa (O)Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer (P)hari sa Elam, at ni Tidal na hari ng mga Goiim,
2 Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa (Q)Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar).
3 Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim ((R)na siyang Dagat na Alat).
4 Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer, at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik.
5 At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang (S)mga Refaim sa (T)Ashteroth-Carnaim, at ang mga (U)Zuzita sa Ham, at ang (V)mga Emita sa Shave-ciriataim.
6 At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang (W)Elparan na nasa tabi ng ilang.
7 At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa (X)Hazezon-tamar.
8 At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim;
9 Laban kay Chedorlaomer, hari sa Elam, at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima.
10 At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng (Y)betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa (Z)kabundukan.
11 At kanilang sinamsam ang lahat ng (AA)pagaari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon.
12 At dinala nila si Lot, na (AB)anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pagaari at (AC)sila'y nagsiyaon.
Si Lot ay iniligtas ni Abram.
13 At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; (AD)na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga (AE)ito ay kakampi ni Abram.
14 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang (AF)kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa (AG)Dan.
15 At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.
16 At iniuwi niya ang lahat ng pagaari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pagaari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.
17 At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave ((AH)na siyang libis ng hari).
Pinagpala ni Melquisedec si Abram.
18 At si (AI)Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y (AJ)saserdote ng Kataastaasang (AK)Dios.
19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na (AL)may-ari ng langit at ng lupa:
20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. (AM)At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.
21 At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pagaari.
22 At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, (AN)Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.
23 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:
24 Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si (AO)Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.
Ang pangako ng Dios kay Abram.
15 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, (AP)Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong (AQ)kalasag, at ang iyong (AR)ganting pala na lubhang dakila.
2 At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?
3 At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak (AS)at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.
4 At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi (AT)lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.
5 At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, (AU)at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging (AV)ganiyan ang iyong binhi.
6 (AW)At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.
7 At sinabi sa kaniya, (AX)Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.
8 At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, (AY)paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?
9 At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.
10 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at (AZ)pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; (BA)datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.
11 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.
12 At nang lulubog na ang araw, ay (BB)nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.
13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, (BC)na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod (BD)sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.
14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: (BE)at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari.
15 (BF)Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa (BG)iyong mga magulang; (BH)at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.
16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: (BI)sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga (BJ)Amorrheo.
17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.
18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (BK)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (BL)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
19 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,
20 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,
21 At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.
27 Narinig ninyong sinabi, (A)Huwag kang mangangalunya:
28 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
29 At (B)kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay (C)dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.
30 (D)At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.
31 Sinabi rin naman, Ang (E)sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay:
32 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na (F)ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.
33 Bukod sa rito'y inyong narinig na sinabi (G)sa mga tao sa una, (H)Huwag kang manunumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa:
34 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (I)Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios;
35 Kahit ang lupa, sapagka't (J)siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't (K)siyang bayan ng dakilang Hari.
36 Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.
37 Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.
38 Narinig ninyong sinabi, (L)Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:
39 (M)Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (N)Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
40 At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.
41 At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.
42 Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.
43 Narinig ninyong sinabi, (O)Iibigin mo ang iyong kapuwa, at (P)kapopootan mo ang iyong kaaway:
44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (Q)Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at (R)idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
46 Sapagka't kung kayo'y iibig (S)sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa (T)ng mga maniningil ng buwis?
47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?
48 (U)Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.
6 Oh Panginoon, (A)huwag mo akong sawayin sa iyong galit,
(B)Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 (C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:
At ikaw, Oh Panginoon, (D)hanggang kailan?
4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:
Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
5 (E)Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;
Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
6 Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;
Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
7 (F)Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;
Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
8 (G)Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:
Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
9 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;
Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam:
Sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.
29 Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman,
At hindi (A)pinili ang takot sa Panginoon.
30 Ayaw sila ng aking payo;
Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:
31 (B)Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad,
At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
32 Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos,
At ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
33 Nguni't (C)ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay.
At (D)tatahimik na walang takot sa kasamaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978