Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 16:1-18:15

Si Sarai at si Agar.

16 Si Sarai nga na asawa ni Abram ay (A)hindi nagkaanak sa kaniya; at siya'y may isang alilang babae na (B)taga Egipto, na nagngangalang (C)Agar.

At sinabi ni Sarai kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking (D)alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.

At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang (E)alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.

At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay (F)niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.

At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang (G)humatol sa akin at sa iyo.

Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.

At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa (H)tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.

At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon.

At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay.

10 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, (I)Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.

11 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't dininig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian.

12 (J)At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; (K)at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.

13 At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin?

14 Kaya't nginalanan ang balong yaon (L)Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; (M)narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered.

Panganganak kay Ismael.

15 At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay (N)Ismael.

16 At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram.

17 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, (O)Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat (P)lumakad ka sa harapan ko, at (Q)magpakasakdal ka.

At ako'y makikipagtipan sa iyo (R)at ikaw ay aking pararamihing mainam.

(S)At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi,

Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang (T)magiging ama ng maraming bansa.

At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, (U)kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; (V)sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.

At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga (W)bansa; (X)at magbubuhat sa iyo ang mga hari.

(Y)At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y (Z)magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.

(AA)At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pagaaring walang hanggan (AB)at ako ang magiging Dios nila.

Ang tipan ng pagtutuli.

At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila.

10 Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo.

11 At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; (AC)at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.

12 (AD)At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi.

13 Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.

14 At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan.

Ang panganganak kay Isaac ay ipinangako.

15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara[a] ang magiging kaniyang pangalan.

16 At akin siyang pagpapalain, (AE)at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, (AF)at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.

17 Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at (AG)nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?

18 At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!

19 At sinabi ng Dios, (AH)Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.

20 At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking (AI)pararamihin ng di kawasa; (AJ)labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, (AK)at siya'y gagawin kong malaking bansa.

21 Nguni't ang (AL)aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac (AM)na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

22 At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang (AN)Dios mula sa piling ni Abraham.

23 At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.

24 At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

25 At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

26 Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.

27 (AO)At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.

Tatlong Anghel ay dumalaw kay Abraham.

18 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni (AP)Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw.

(AQ)At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: (AR)at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa.

At nagsabi, Panginoon ko, kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod.

Itulot mong (AS)dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy.

At magdadala ako ng isang subong tinapay (AT)at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: (AU)yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi.

At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara, at sinabi, Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina, iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay.

At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin.

At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain.

Ang pangako sa panganganak ay inulit.

At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon si Sara na iyong asawa? At sinabi niya (AV)Narito, nasa tolda.

10 At sinabi niya, (AW)Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong (AX)panahon ng taong darating; at (AY)narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya.

11 (AZ)Si Abraham at si Sara nga'y matatanda na, at lipas na sa panahon; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae.

12 (BA)At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, (BB)Pagkatapos na ako'y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng (BC)panginoon ko?

13 At sinabi ng Panginoon kay Abraham, Bakit tumawa si Sara, na sinasabi, Tunay kayang ako'y manganganak, na matanda na ako?

14 (BD)May anomang bagay kayang (BE)napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake.

15 Nang magkagayo'y nagkaila si Sara, na sinasabi, Hindi ako tumawa, sapagka't siya'y natakot. Nguni't sinabi niya, Hindi gayon; kundi ikaw ay tumawa.

Mateo 6:1-24

Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.

Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay:

Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.

At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin (A)ka.

At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: (B)sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.

Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: (C)sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.

Magsidalangin nga kayo ng ganito: (D)Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.

10 (E)Dumating nawa ang kaharian mo. (F)Gawin nawa ang iyong kalooban, (G)kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.

11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.

12 At (H)ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.

13 (I)At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami (J)sa masama. Sapagka't[a] iyo ang (K)kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.

14 Sapagka't kung ipatawad ninyo (L)sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.

15 Datapuwa't (M)kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.

16 Bukod dito, (N)pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

17 Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay (O)langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;

18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.

19 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:

20 (P)Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:

21 Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.

22 Ang ilawan ng katawan (Q)ay ang mata: kung tapat nga ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng liwanag.

23 Datapuwa't kung (R)masama ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng kadiliman. Kaya't kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman, gaano kaya kalaki ang kadiliman!

24 Sinoma'y hindi makapaglilingkod (S)sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga (T)kayamanan.

Mga Awit 7

Tinawagan ang Panginoon upang ipagtanggol ang mangaawit. Sigaion ni David na inawit niya sa Panginoon, ukol sa mga salita ni Cus na Benjamita.

Oh Panginoon kong Dios, (A)sa iyo nanganganlong ako.
(B)Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako:
Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa,
(C)Na lurayin ito, habang walang magligtas.
Oh Panginoon kong Dios, (D)kung ginawa ko ito;
Kung may kasamaan (E)sa aking mga kamay;
Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin;
(Oo, (F)aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:)
Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan;
Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa,
At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah)
Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit,
(G)Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway;
At (H)gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan.
At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot:
At sila'y pihitan mong nasa mataas ka.
Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan:
(I)Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.
Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid;
(J)Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios (K)ang mga pagiisip at ang mga puso.
10 Ang aking kalasag ay sa Dios.
Na nagliligtas ng matuwid sa puso.
11 Ang Dios ay matuwid na hukom,
Oo, Dios na may galit araw-araw.
12 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang (L)ihahasa ang kaniyang tabak;
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
13 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan;
Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.
14 (M)Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay,
(N)At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa.
16 (O)Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo,
At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan.
17 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran:
At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.

Mga Kawikaan 2:1-5

Ang babala ng karunungan laban sa mga napopoot sa kaniya.

Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita,
(A)At tataglayin mo ang aking mga utos;
Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan,
At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay,
At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
(B)Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,
At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon,
At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978