The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang pagkamatay ni Sara.
23 At ang buhay ni Sara ay tumagal ng isang daan at dalawang pu't pitong taon: ito ang naging mga taon ng buhay ni Sara.
2 At namatay si Sara (A)sa Kiriatharba (na siyang (B)Hebron), sa lupain ng Canaan: at naparoon si Abraham na ipinagluksa si Sara at iniyakan.
3 At tumindig si Abraham sa harap ng kaniyang patay, at nagsalita sa mga anak ni Heth, na sinasabi,
4 (C)Ako'y tagaibang bayan at nakikipamayan sa inyo: bigyan ninyo ako ng isang pagaaring libingan sa gitna ninyo, upang aking ilibing ang aking patay, na malingid sa aking paningin.
5 At ang mga anak ni Heth ay sumagot kay Abraham, na nagsasabi sa kaniya,
6 Dinggin mo kami, panginoon ko: ikaw ay prinsipe ng Dios sa gitna namin: sa pinakahirang sa aming mga libingan ay ilibing mo ang iyong patay; wala sa amin na magkakait sa iyo ng kaniyang libingan, upang paglibingan ng iyong patay.
7 At tumindig si Abraham, at yumukod sa bayan ng lupain, sa mga anak nga ni Heth.
Pagbili ng Parang sa Macpela.
8 At nakiusap sa kanila, na sinasabi, Kung kalooban ninyo na aking ilibing ang aking patay na malingid sa aking paningin, ay dinggin ninyo ako, at pamagitanan ninyo ako kay Ephron, na anak ni Zohar,
9 Upang ibigay niya sa akin ang yungib ng Macpela, na kaniyang inaari, na nasa hangganan ng kaniyang parang; sa tapat na halaga ay ibigay niya sa akin, upang maging pagaaring libingan sa gitna ninyo.
10 Si Ephron nga ay nakaupo sa gitna ng mga anak ni Heth: at sumagot si Ephron na Hetheo kay Abraham, sa harap ng mga anak ni Heth, na naririnig ng lahat na (D)pumapasok sa pintuan ng bayan, na sinasabi,
11 Hindi, panginoon ko, dinggin mo ako: ang parang ay ibinibigay ko sa iyo, at ang yungib na naroroon ay ibinibigay ko sa iyo; sa harap ng mga anak ng aking bayan, ay ibinigay ko sa iyo: ilibing mo ang iyong patay.
12 At si Abraham ay yumukod sa harapan ng bayan ng lupain.
13 At nagsalita kay Ephron sa harap ng bayan ng lupain, na sinasabi, Maanong ako lamang ay iyong pakinggan: ibibigay ko sa iyo ang halaga ng parang; tanggapin mo sa akin, at ililibing ko roon ang aking patay.
14 At sumagot si Ephron kay Abraham, na sinasabi sa kaniya,
15 Panginoon ko, dinggin mo ako: isang putol ng lupa na ang halaga'y apat na raang (E)siklong[a] pilak: gaano sa akin at sa iyo? ilibing mo nga ang iyong patay.
16 At dininig ni Abraham si Ephron; (F)at tinimbang ni Abraham kay Ephron ang salaping sinabi, sa harap ng mga anak ni Heth, apat na raang siklong pilak, na karaniwang salapi ng mga mangangalakal.
Ang libing ni Sara.
17 (G)Kaya't ang parang ni Ephron na nasa Macpela, na nasa tapat ng Mamre, ang parang at ang yungib na nandoon, at ang lahat ng mga punong kahoy na nasa parang na yaon, na ang nasa buong hangganan niyaon sa palibot, ay pinagtibay
18 Kay Abraham na pagaari sa harap ng mga anak ni Heth, sa harapan ng lahat ng nagsisipasok sa pintuang-daan ng kaniyang bayan.
19 At pagkatapos nito ay inilibing ni Abraham si Sara na kaniyang asawa sa yungib ng parang sa Macpela sa tapat ng Mamre (na siyang Hebron) sa lupain ng Canaan.
20 At (H)ang parang at ang yungib na naroroon, ay pinagtibay kay Abraham ng mga anak ni Heth, na pagaaring libingan niya.
Ang pamamanhik sa pagaasawa ni Isaac kay Rebeca.
24 At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon: at (I)pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay.
2 At (J)sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala, sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na (K)namamahala ng lahat niyang tinatangkilik: Ipinamamanhik ko sa iyo na (L)ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita:
3 At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, (M)na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan:
4 Kundi ikaw ay (N)paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac.
5 At sinabi sa kaniya ng lingkod, Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito: dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo?
6 At sinabi sa kaniya ni Abraham, Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak.
7 Ang Panginoon, ang Dios ng langit, (O)na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama, at sa lupaing aking tinubuan, at sa akin ay nagsalita, at sa akin ay sumumpa, na nagsasabi, (P)Sa iyong binhi, ibibigay ko ang lupaing ito: ay magsusugo (Q)siya ng kaniyang anghel sa unahan mo, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.
8 At kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo, ay (R)maliligtas ka rito sa aking sumpa; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon.
9 At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon, at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito.
10 At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon, at yumaon; (S)na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pagaari ng kaniyang panginoon: at tumindig at napasa (T)Mesopotamia, sa bayan ni Nachor.
11 At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan, sa tabi ng balon ng tubig, ng dakong palubog na ang araw, na kapanahunan nang paglabas ng mga (U)babae upang umigib ng tubig.
12 At sinabi, Oh Panginoon, (V)Dios ng aking panginoong si Abraham, ipinamamanhik ko sa iyong pagkalooban mo ako ng mabuting kapalaran ngayon, at ikaw ay magmagandang loob sa aking panginoong kay Abraham.
13 (W)Narito, ako'y nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig: at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan, ay nagsilabas upang umigib ng tubig:
14 At mangyari nga na ang dalagang aking pagsabihan, Ibaba mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong banga upang ako'y uminom; at siya'y magsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: maging siyang iyong itinalaga sa iyong lingkod na kay Isaac: (X)at sa ganito ay malalaman kong nagmagandang loob ka sa aking panginoon.
15 At nangyari, na bago natapos ang pananalita niya, ay narito si Rebeca na ipinanganak kay Bethuel, na anak ni Milca, na asawa ni Nachor na kapatid ni Abraham na lumalabas na pasan (Y)ang kaniyang banga sa kaniyang balikat.
16 At ang babae ay (Z)may magandang anyo, dalaga, na hindi pa nasisipingan ng lalake: at lumusong sa bukal, at pinuno ang kaniyang banga, at umahon.
17 At tumakbong sinalubong siya ng alilang katiwala na sinabi, Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga.
18 At sinabi niya, Uminom ka, panginoon ko: at nagmadaling ibinaba ang banga sa kaniyang kamay, at pinainom siya.
19 At pagkatapos na kaniyang mapainom, ay sinabi, Iyiigib ko naman ang iyong mga kamelyo, hanggang sa makainom na lahat.
20 At ibinuhos na dalidali ang kaniyang banga sa inuman, at tumakbong muli sa balon upang umigib at iniigib ang lahat niyang kamelyo.
21 At siya'y tinitigan ng lalake; na hindi umiimik, upang maalaman kung pinagpala ng Panginoon ang kaniyang paglalakbay o hindi.
22 At nangyari, nang makainom ang mga kamelyo, na kumuha ang lalake ng isang singsing na ginto, na may kalahating siklo sa timbang, at dalawang pulsera upang ilagay sa kaniyang mga kamay, na may timbang na sangpung siklong ginto;
23 At sinabi, Kaninong anak ka? sabihin mo sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo. May lugar ba sa bahay ng iyong ama na aming matutuluyan?
24 At sinabi niya sa kaniya, (AA)Anak ako ni Bethuel, na anak ni Milca, na ipinanganak niya kay Nahor.
25 Sinabi rin niya sa kaniya, Mayroon din naman kaming saganang dayami at pagkain sa hayop, at dakong matutuluyan.
26 At (AB)lumuhod ang lalake at sumamba sa Panginoon.
27 At siya'y nagsabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoong si Abraham, na hindi inilayo ang kaniyang (AC)habag at ang kaniyang pagtatapat, sa aking panginoon: tungkol sa akin, ay (AD)pinatnugutan ako ng Panginoon sa daan hanggang sa bahay ng mga kapatid ng aking panginoon.
28 At tumakbo ang dalaga at isinaysay sa sangbahayan ng kaniyang ina ang ayon sa mga salitang ito.
29 At mayroon si Rebeca na isang kapatid na nagngangalang (AE)Laban: at tinakbo ni Laban ang lalake sa labas, sa bukal.
30 At nangyari, pagkakita ng singsing, at ng mga pulsera sa mga kamay ng kaniyang kapatid, at pagkarinig ng mga salita ni Rebeca na kaniyang kapatid, na sinasabi, Gayon sinalita sa akin ng lalake; na naparoon siya sa lalake; at narito, ito'y nakatayo sa siping ng mga kamelyo, sa bukal.
31 At sinabi niya, (AF)Pumasok ka, pinagpala ng Panginoon; bakit ka nakatayo sa labas? sapagka't inihanda ko ang bahay, at ang dako ng mga kamelyo.
32 At pumasok ang lalake sa bahay, at kinalagan ang mga kamelyo; at (AG)binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo, at ng tubig upang ipaghugas ng kaniyang mga paa, at ng mga paa ng mga taong kasama niya.
33 At siya'y hinainan nila ng pagkain: datapuwa't kaniyang sinabi, Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya. At sinabi ni Laban, Magsalita ka.
34 At kaniyang sinabi, Alilang katiwala ako ni Abraham.
35 (AH)At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon; at siya'y naging dakila: at siya'y binigyan ng kawan at bakahan, at ng pilak at ng ginto, at ng mga aliping lalake, at babae, at ng mga kamelyo, at ng mga asno.
36 At si Sara na asawa ng aking panginoon, ay (AI)nagkaanak ng (AJ)lalake sa aking panginoon, nang siya'y matanda na: at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari.
37 At pinapanumpa (AK)ako ng aking panginoon, na sinasabi, Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan:
38 Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.
39 At sinabi ko sa aking panginoon, Sakaling hindi iibigin ng babaing sumama sa akin.
40 At kaniyang sinabi sa akin, Ang Panginoon na (AL)sa harap niya'y lumalakad ako, ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel, at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad, at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan, at sa angkan ng aking ama:
41 Kung magkagayo'y makakakawala ka sa aking sumpa, pagka ikaw ay dumating sa aking kamaganakan; at kung hindi nila ibigay sa iyo, ay makakakawala ka sa aking sumpa.
42 At dumating ako ng araw na ito, sa bukal, at aking sinabi, Oh (AM)Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, kung ngayo'y pinagpapala mo ang aking lakad na nilalakad ko:
43 (AN)Narito, nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig; at mangyari, na ang dalagang lumabas na umigib na aking pagsasabihan, Makikiinom ako sa iyo ng kaunting tubig sa iyong banga;
44 At siya'y magsasabi sa akin, Uminom ka, at iyigib ko pati ng iyong mga kamelyo: ay siyang maging babaing itinalaga ng Panginoon sa anak ng aking panginoon.
45 (AO)At bago ko (AP)nasalita sa sarili, narito si Rebeca, na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat; at lumusong sa bukal at umigib: at aking sinabi sa kaniya, Makikiinom ako sa iyo.
46 At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat, at nagsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ng mga kamelyo,
47 At siya'y aking tinanong, at aking sinabi, Kaninong anak ka? at kaniyang sinabi, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Nachor, na ipinanganak sa kaniya ni Milca: (AQ)at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong, at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay.
48 (AR)At aking iniyukod ang aking ulo, at sumamba ako sa Panginoon at pumuri sa Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, na pumatnubay sa akin sa daang matuwid upang kunin ang (AS)anak ng kapatid ng aking panginoon, para sa kaniyang anak.
49 At ngayon, kung inyong (AT)mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin: at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa.
50 Nang magkagayo'y sumagot si Laban at si Bethuel, at sinabi, Sa Panginoon nagmumula ito: kami ay (AU)hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti.
51 Narito, si Rebeca ay nasa harap mo, dalhin mo, at yumaon ka, at siya'y maging asawa ng anak ng iyong panginoon, na gaya ng sinalita ng Panginoon.
8 At nang siya'y bumaba mula sa bundok, ay sinundan siya ng lubhang maraming tao.
2 At (A)narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya'y (B)sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.
3 At iniunat niya ang kaniyang kamay, at (C)siya'y hinipo, na nagsasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nalinis ang kaniyang ketong.
4 At sinabi sa kaniya ni Jesus, (D)Ingatan mong huwag sabihin kanino man; kundi humayo ka, pakita ka sa saserdote, at ihandog mo ang alay (E)na ipinagutos ni Moises, na bilang patotoo sa kanila.
5 At (F)pagpasok niya sa Capernaum, ay lumapit sa kaniya ang isang senturion, na sa kaniya'y namanhik,
6 At nagsasabi, Panginoon, ang aking alila ay nararatay sa bahay, lumpo, at lubhang nahihirapan.
7 At sinabi niya sa kaniya, Paroroon ako, at siya'y aking pagagalingin.
8 At sumagot ang senturion at sinabi, Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwa't sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila.
9 Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, na may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa.
10 At nang marinig ito ni Jesus, ay nagtaka siya, at sinabi sa nagsisisunod, (G)Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kahit sa Israel man, ay hindi ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya.
11 At sinabi ko sa inyo, na marami ang (H)magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at (I)magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit:
12 Datapuwa't (J)ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa (K)kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
13 At sinabi ni Jesus sa senturion, Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo'y mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.
14 At nang (L)pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro, ay nakita niya ang biyanang babae nito na nararatay dahil sa lagnat.
15 At hinipo ang kaniyang kamay, at inibsan siya ng lagnat; at siya'y nagbangon, at naglingkod sa kaniya.
16 At nang kinahapunan, ay dinala nila sa kaniya ang maraming (M)inaalihan ng demonio: at pinalayas niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit:
17 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, (N)Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman.
13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon;
Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin,
Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga (A)pintuan ng kamatayan;
14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan:
Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion,
(B)Ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15 Ang mga bansa ay (C)nangahulog sa balon na kanilang ginawa:
Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16 Ang Panginoon (D)ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan:
Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)
17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol,
Pati ng lahat ng mga bansa na (E)nagsisilimot sa Dios.
18 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan,
(F)Ni ang pagasa (G)ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao:
Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon:
Ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)
Payo upang matakot, magtiwala, at sumunod sa Panginoon. Ang ganting pala ng karunungan.
3 Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan;
(A)Kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:
2 Sapagka't (B)karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay,
At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.
3 Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan:
(C)Itali mo sa palibot ng iyong leeg;
(D)Ikintal mo sa iyong puso:
4 (E)Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan,
Sa paningin ng Dios at ng tao.
5 (F)Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo,
(G)At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad,
At kaniyang (H)ituturo ang iyong mga landas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978