Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CEB. Switch to the CEB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 10:1-12:13

10 At sinabi ng Panginoon kay Moises: Pasukin mo si Faraon, (A)sapagka't aking pinapagmatigas ang kaniyang puso, at ang puso ng kaniyang mga lingkod; upang aking maipakilala itong aking mga tanda sa gitna nila:

(B)At upang iyong maisaysay sa mga pakinig ng iyong anak, at sa anak ng iyong anak, kung anong mga bagay ang ginawa ko sa Egipto, at ang aking mga tandang ginawa sa gitna nila; upang inyong maalaman, na ako ang Panginoon.

At pinasok ni Moises at ni Aaron si Faraon at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, Hanggang kailan tatanggi kang (C)mangayupapa sa harap ko? payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.

O kung tatanggihan mong payaunin ang aking bayan, ay narito, bukas ay magdadala ako ng mga (D)balang sa iyong hangganan:

At kanilang tatakpan ang ibabaw ng lupa, na walang makakakita ng ibabaw (E)ng lupa: at kanilang kakanin ang naiwan sa nangaligtas, na itinira sa inyo ng granizo, at kanilang kakanin ang bawa't kahoy na itinutubo sa inyo ng parang:

(F)At ang inyong mga bahay ay mapupuno, at ang mga bahay ng lahat mong lingkod, at ang mga bahay ng mga Egipcio: na hindi nakita ng inyong mga magulang, mula nang araw na sila'y mapasa lupa hanggang sa araw na ito. At siya'y pumihit at nilisan si Faraon.

At sinabi sa kaniya ng mga lingkod ni Faraon, Hanggang kailan magiging isang silo sa atin ang taong ito? payaunin mo ang mga taong iyan upang sila'y makapaglingkod sa Panginoon nilang Dios: hindi mo pa ba natatalastas, na ang Egipto'y giba na?

At si Moises at si Aaron ay pinapagbalik kay Faraon, at kaniyang sinabi sa kanila, (G)Kayo'y yumaon, maglingkod kayo sa Panginoon ninyong Dios: datapuwa't sino sino yaong magsisiyaon?

At sinabi ni Moises: Kami ay yayaon sangpu ng aming mga bata at sangpu ng mga matanda, sangpu ng aming mga anak na lalake at babae, sangpu ng aming mga kawan at sangpu ng aming mga bakahan, kami ay yayaon; (H)sapagka't kami ay nararapat magdiwang ng isang pista sa Panginoon.

10 At kaniyang sinabi sa kanila, Sumainyo nawa ang Panginoon, na gaya ng aking pagpapayaon sa inyo, at sa inyong mga bata: magingat kayo; sapagka't ang kasamaan ay nasa harap ninyo.

11 Huwag ganyan: yumaon kayong mga lalake, at maglingkod sa Panginoon; sapagka't iyan ang inyong ninanasa. At sila'y pinaalis sa harap ni Faraon.

Ang salot ng mga balang.

12 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (I)Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egipto, upang magdala ng mga balang, at bumaba sa lupain ng Egipto, (J)at kumain ng lahat na halaman sa lupain, yaong lahat na iniwan ng granizo.

13 At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa lupain ng Egipto, at ang Panginoo'y nagpahihip ng hanging silanganan sa lupain ng buong araw na yaon, at ng buong gabi; at nang maumaga, ang hanging silanganan ay nagdala ng mga balang.

14 (K)At ang mga balang ay bumaba sa buong lupain ng Egipto, at nagsipagpahinga sa lahat ng hangganan ng Egipto; totoong napakakapal; (L)bago noon ay hindi nagkaroon ng gayong balang, at hindi na magkakaroon pa, pagkatapos noon, ng gayon.

15 Sapagka't tinakpan ng mga yaon ang balat ng buong lupa, na ano pa't ang (M)lupain ay nagdilim; at kinain ang lahat na halaman sa lupain, at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo; at walang natirang anomang sariwang bagay, maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang, sa buong lupain ng Egipto.

16 Nang magkagayo'y tinawag na madali ni Faraon si Moises at si Aaron, at kaniyang sinabi, (N)Ako'y nagkasala laban sa Panginoon ninyong Dios, at laban sa inyo.

17 Ngayon nga'y ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang aking kasalanan, na ngayon na lamang (O)at idalangin ninyo sa Panginoon ninyong Dios, na kaniya lamang ilayo sa akin ang kamatayang ito.

18 (P)At nilisan niya si Faraon, at nanalangin sa Panginoon.

19 At pinapagbalik ng Panginoon ang isang napakalakas na hanging (Q)kalunuran, na siyang nagpaitaas sa mga balang, at tumangay ng mga yaon sa Dagat na Mapula; walang natira kahit isang balang sa buong hangganan ng Egipto.

20 (R)Datapuwa't pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel.

Ang wagas na kadiliman.

21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (S)Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magdilim sa lupain ng Egipto, ng kadiliman na mahihipo.

22 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dakong langit; (T)at nagsalimuutan ang dilim sa buong lupain ng Egipto, na tatlong araw;

23 Sila'y hindi nagkikita, at walang tumindig na sinoman sa kinaroroonan sa loob ng tatlong araw; (U)kundi lahat ng mga anak ni Israel ay nagilaw sa kanikaniyang tahanan.

24 At tinawag ni Faraon si Moises, (V)at sinabi, Yumaon kayo, maglingkod kayo sa Panginoon; inyo lamang iwan ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan; (W)isama rin naman ninyo ang inyong mga bata.

25 At sinabi ni Moises, ikaw ay nararapat ding magbigay sa aming kamay ng mga hain at mga handog na susunugin, upang aming maihain sa Panginoon naming Dios.

26 Ang aming hayop man ay yayaong kasama namin; wala kahit isang paa na maiiwan; sapagka't sa kanila kami nararapat kumuha ng aming ipaglilingkod sa Panginoon naming Dios; at hindi namin nalalaman kung ano ang aming nararapat ipaglingkod sa Panginoon, hanggang sa kami ay dumating doon.

27 Datapuwa't (X)pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinayaon sila.

28 At sinabi ni Faraon sa kaniya, Umalis ka sa harap ko, iyong pagingatang huwag mo nang makitang muli ang aking mukha; sapagka't sa araw na iyong makita ang aking mukha ay mamamatay ka.

29 At sinabi ni Moises, Mabuti ang sabi mo, (Y)hindi ko na muling makikita ang iyong mukha.

Ang katapusang salot ay ibinabala.

11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (Z)May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito: pagpapahintulot niya sa inyong yumaon, ay tunay na kayo'y (AA)samasamang palalayasin niya rito.

Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan, at humingi ang bawa't lalake sa kaniyang kapuwa, at bawa't babae sa kaniyang kapuwa, ng mga (AB)hiyas na pilak, at ng mga hiyas na ginto.

(AC)At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan, sa paningin ng mga Egipcio. Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga lingkod ni Faraon, at sa paningin ng bayan.

At sinabi ni Moises, Ganito ang sinasabi ng Panginoon, (AD)Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto:

At lahat ng mga (AE)panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay, mula sa panganay ni Faraon, na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa (AF)likuran ng gilingan; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop.

(AG)At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto, na hindi nagkaroon ng kaparis, at hindi na magkakaroon pa ng kaparis.

(AH)Datapuwa't sa lahat ng anak ng Israel (AI)mula sa tao hanggang sa hayop, ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop: upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel.

(AJ)At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod, at magsisiyukod sa akin, na magsasabi, Umalis ka, at ang buong bayan na sumusunod sa iyo: at pagkatapos niyaon ay aalis ako. At siya'y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hindi kayo didinggin ni (AK)Faraon: upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto.

10 At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon: at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain.

Ang paskua ng Panginoon.

12 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi,

Ang buwang ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo.

(AL)Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin: Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila, bawa't lalake, ng isang kordero,[a] ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, isang kordero sa bawa't sangbahayan:

At kung ang sangbahayan ay napakakaunti upang kumain ng isang kordero, ay siya nga at ang kaniyang malapit na kapitbahay ay magsasalosalo sa isa ayon sa bilang ng mga tao; ayon sa bawa't tao na kumakain gagawin ninyo ang pagbilang, sa kordero.

Ang inyong korderong pipiliin ay yaong (AM)walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing:

At inyong aalagaan hanggang sa (AN)ikalabing apat na araw ng buwang ito, at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel, sa paglubog ng araw.

At kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan.

At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon, na inihaw sa apoy, (AO)at tinapay na walang lebadura, kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay.

Huwag ninyong kaning hilaw, o luto man sa tubig, kundi inihaw sa apoy; ang kaniyang ulo pati ng kaniyang mga paa at pati ng kaniyang mga lamang loob.

10 (AP)At huwag kayong magtitira ng anoman niyaon hanggang sa kinaumagahan; kundi yaong matitira niyaon sa kinaumagahan ay inyong susunugin sa apoy.

11 At ganito ninyo kakanin; may bigkis ang inyong baywang, ang inyong mga pangyapak ay nakasuot sa inyong mga paa, at ang inyong tungkod ay tangnan ninyo sa inyong kamay; at inyong kakaning dalidali; siyang (AQ)paskua ng Panginoon.

12 Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, (AR)ako ang Panginoon.

13 At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto.

Mateo 20:1-28

20 (A)Sapagka't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan.

At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa't araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan.

At siya'y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa;

At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan.

Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa.

At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?

At sinabi nila sa kaniya, Sapagka't sinoma'y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan.

At (B)nang dumating ang hapon, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una.

At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa't tao ng isang denario.

10 At nang magsilapit ang mga nauna, ang isip nila'y magsisitanggap sila ng higit; at sila'y nagsitanggap din bawa't tao ng isang denario.

11 At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan,

12 Na nangagsasabi, Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli, sila'y ipinantay mo sa amin, na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog.

13 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita iniiring: hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario?

14 Kunin mo ang ganang iyo, at humayo ka sa iyong lakad; ibig kong bigyan itong huli, nang gaya rin sa iyo.

15 Hindi baga matuwid sa aking (C)gawin ang ibig ko sa aking pagaari? o (D)masama ang mata mo, sapagka't ako'y mabuti?

16 Kaya't (E)ang mga una'y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna.

17 Samantalang (F)umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila,

18 Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin,

19 At ibibigay siya (G)sa mga Gentil upang siya'y kanilang (H)alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at (I)sa ikatlong araw siya'y ibabangon.

20 Nang magkagayo'y (J)lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni (K)Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya.

21 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, (L)ang isa sa iyong kanan, at ang isa (M)sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.

22 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo (N)ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.

23 Sinabi niya sa kanila, (O)Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.

24 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid.

25 Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, (P)Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.

26 Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi (Q)ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;

27 At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:

28 Gayon din naman (R)ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at (S)ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa (T)marami.

Mga Awit 25:1-15

Panalangin sa pagiingat. Pagbabantay, at patawad. Awit ni David.

25 Sa iyo, (A)Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa.
Oh Dios ko (B)sa iyo'y tumiwala ako,
(C)Huwag nawa akong mapahiya;
Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.
Oo, (D)walang naghihintay sa iyo na mapapahiya;
Sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan,
(E)Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon;
Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin;
Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan;
Sa iyo'y naghihintay ako buong araw.
Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob;
(F)Sapagka't magpakailan man mula ng una.
(G)Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang:
Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
Mabuti at matuwid ang Panginoon:
Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan:
At ituturo niya sa maamo ang daan niya.
10 Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan
Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
11 (H)Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon,
Iyong ipatawad ang aking kasamaan, (I)sapagka't malaki.
12 Anong tao siya na natatakot sa Panginoon?
Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.
13 Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan;
At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.
14 (J)Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya;
At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.
15 (K)Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon;
Sapagka't (L)huhugutin niya ang aking mga paa (M)sa silo.

Mga Kawikaan 6:6-11

(A)Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad;
Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
Na bagaman walang pangulo,
Tagapamahala, o pinuno,
(B)Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit,
At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
Hanggang kailan matutulog ka, Oh (C)tamad?
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
11 Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay (D)darating na parang magnanakaw,
At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978